Long Distance Relationship, Kaya ba?!

Hi Madma,

I’ve been with this guy for quite a long time now and nagwo-worry lang ako kasi maglo-long distance relationship kami in just a few months. Though oriented na kaming pareho about this at may mga kasunduan na kami – let’s say kung how many times kami mag-uusap in a week para hindi naman masyadong pressured si Kuya. Tapos hinihintay lang namin na makapunta s’ya dun sa place in 3-4 years time.

Please give us some tips kung pano magwo-work yung LDR in your own opinion. Syempre basic na sa amin yung pag meynteyn ng love and trust. We want each other so much at gagawin namin lahat para mag-work kaya lang maraming “negative” about it.

Thanks and

Regards,

Saskatgirl

________________________________

Dear Saskatgirl,

O.M.G. Nalulungkot naman ako sa nalalapit ninyong paghihiwalay. Scary! Ayokong maging nega about Long Distance Relationship, pero ang masasabi ko ay isang MALAKING GOOD LUCK. Mahirap ito, Ma’am! Alam kong alam mo ‘yan. Magkakasubukan talaga kayo to the fullest bilang mag-partner.  You better be ready, girl.🙂

Gaya ng nararamdaman mo, kinakabahan din ako. WOW. Pa-involve rin ako ha.🙂 Eh kasi naman, 3-4 years din kayong maghihiwalay. ANG TAGAAAL! Ibang tao na kayo by then! Ang bagong panganak na baby ay isa ng makulit na sipuning bata after 4 years. Ang tinanim mong buto ng avocado, which is my favorite fruit, ay namumunga na after 4 years.  Ang isang 1st year high school student ay college student na after 4 years.  Ang isang alagaing biik ay tiyak na letchon na after 4 years.  Ang isang cancer patient ay pwedeng patay na after 4 years. Kita mo ‘yun? Napakaraming pagbabago sa apat na taon.  Mga mahahalagang pagbabago na kapag na-miss mo ay forever mo na na-miss! Wala ng balikan. Ang nega ko lang sa isyung ito.🙂

Mahirap ang LDR. Huwag na tayong mag-artihan! Hindi ko pa naman ito naranasan pero alam kong mahirap. Hello, yung mga mag-jowa ngang araw-araw at oras-oras magkasama ay naghihiwalay, kayo pa kaya?! Ang taas ng challenge ng LDRkaya mahirap panghawakan ang inyong “kasunduan.” Ito ha,  paano na lang kung pagpunta mo sa ibang bansa ay bigla kang may ma-meet na super pogi at hunky guy na kamukha ni Andrew Garfield or Chris Hemsworth tapos inaya kang makipag-sex? AARTE KA PA?! Papalag pa?! Paano naman kung “mangati” si Kuya dito sa ‘Pinas tapos may biglang haliparot na babae or bading sa paligid, AARTE PA BA SIYA?!  Mahirap tanggihan ang tawag ng laman lalo na sa mga panahong ng kalungkutan. Ako nga sumama na lang bigla sa isang stranger tapos nag-sex kame kasi super lungkot ko eh. WOW!!! Pa-reveal ang pota. Charoth lang ha. OR. :)Marami talagang issues sa LDR. Hindi lang trust and love. Kasama pa rin dito ang time, commitment, money and of course, issue on sex. Good luck talaga, Sakatgirl. Good luck.😉

On the other hand, may mga successful naman na LDR relationship. Pero konti lang sila. So, kabahan ka. Nega na naman, ples! :)Well, nakapa-high tech na naman na ating panahon ngayon kaya madali na ang long distance communication. May skype, FB, twitter, YM etc. na tayo na maaari n’yong magamit para maka-survive ang inyong challenging love affair. Ang magiging issue na lang ay ang commitment n’yo sa paggamit ng mga technologies na ito. Sa mga unang buwan siguro, araw-araw ang chikahan n’yo for sure.  Update-update ganyan. Sweet-sweetan sa skype. Tapos magiging 3 times a week na lang after 1 year. Then 2 times a week na lang kasi dami ng ginagawa. Tapos biglang hindi na mag-uusap kasi super busy na, may sakit, choppy ang connection, naputulan ng net. WOW.  Ayaw pa rin talagang tumigil sa pagiging-nega ni Madma. Eh kasi, ang hirap talaga nito eh. Bahala na nga kayo! Kaya n’yo ‘yan!😉

Take it from Madma, maging realistic kayo sa mga expectations n’yo bilang mag-partner. Ang sa akin lang is “reality check.” Maging lapat lang kayo sa totoong realidad ng mundo. As much as ready kayong lumaban para sa love n’yo, dapat ready din kayo sa fact na pwede kayong maghiwalay. For me kasi, walang masyadong sense kung ang jowa ay nasa ibang bansa at magkahiwalay kayo nang nakapatagal na panahon. Pwedeng imaginary jowa na lang siya for that matter. Ang dami kasing mga day-to-day experience na nagaganap sa buhay ng isang tao. Mga bagay na dapat ay nae-experience talaga ng tao o mag-partner in real life at hindi “iku-kwento” lang.  Paano kung super lungkot mo? O di kaya super saya? May mga salita bang makakapagpaliwanag sa mga emosyong ito? Profound!😉

Ultimately, naniniwala akong kung kayo ang para sa isa’t isa, kayo talaga! So, mabuting ito na lang ang panghawakan n’yo siguro. Gaya nga ng sabi ni Daria Ramirez sa The Healing, “mangyayari ang dapat mangyari.” Naisingit ko na naman ang The Healing ha! Btw, pinanood ko naman siya kagabi! Gastos din ha.🙂

Laban lang, Saskatgirl. Isagad n’yo lang sa best na kaya n’yo.🙂 After all, wala namang makakapagsabi kung ano ang ending n’yo. Laban lang nang laban.🙂

Good luck sa inyo. We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.gq.com/news-politics/mens-lives/201204/how-to-have-long-distance-relationship-men-video-chatting)

P.S. ITODO na ang pagboto sa YTM’s Next Top Model!!! Until bukas na lang (July 31, 11pm) ang botohan para sa round na ito. Nakakaloka ang standing ng mga models sa pambahay shot round! Check n’yo! Naku, huwag n’yong pabayaan ang favorite models n’yo para ti ma-tsugi. May isang model na magpapaalamn sa atin sa Wednesday (August 1). OMG! Grabe tanggalan na naman sa Wednesday!🙂

YTM’s Next Top Model goes HIGH FASHION

Ito na ang pinakahihintay n’yong theme!!! YTMNTM goes HIGH FASHION sa next round!!! Ang theme natin sa Friday (August 3) ay high fashion! MATINDI ‘TO!!! So sa ating mga models, kung feeling n’yo ay pasok kayo sa Top 7, ihanda na ang pinakapasabog entry nyo for our high-fashion round! Ito na talaga ang ultimate labanan ng mga models. Excited na kame sa entries n’yo!

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion ang peg sa mga models. Ang tanong para sa Top 7 finalists: “Kung ikaw ang magiging presidente ng Pilipinas, ano sa sandamakmak na problema ng bansa ang una mong lulutasin at bakit?” Lakas maka-beauty pageant!  Ayan ha, aasahan namin ang pasabog n’yong sagot sa tanong na ito.🙂

Todo na talaga ang laban sa YTMNTM! Wala nang makakapigil!

Ingat din kayo, mga fans. Maulan today.❤

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez.

P.P.S. Condolence naman sa love na love kong friend na si Mark Ubalde. Nalulungkot ako sa pagkawala ng Mama mo.😦 Mama kasi ‘yun! GRABE! Haaay…😦 Magkikita tayo sa Wednesday. Be strong, Mark. I love you. Hug :(

79 thoughts on “Long Distance Relationship, Kaya ba?!

  1. PLEASE LANG. May mga lalaking nagsasabing kakayanin nila ang LDR. Pero bigla ka na lang sasabihan sa text ng “may sasabihin ako sayo/siguro alam mo na kung ano/ sorry kung sa text lang.” Iassess mo sa sarili mo kung talagang LDR material yang jowa mo. Pero kung may gut feel ka na hindi niya kakayanin, take it from me, maniwala ka sa instincts mo.hahaha

    Pero sabi nga nila, there is no harm in trying. You don’t lose by loving; you lose by holding back. Try niyo rin! Ano ba naman yung iiyak ka lang naman at masasaktan kapag iniwan ka niya. Lahat naman dumadaan sa ganun sa arte pa? Kaya mo iyan. Malay mo. Ikaw pala ang mangiwan sa kanya and not the other way around!

    BTW, nakatagal naman kami ng asawa ko ng LDR. Pero kasi weekly nagkikita naman kami. 5 years na kami.=)

    • The VERY Mimi Aringo is here! Grabe, botch! ANG LALIM ng hugot mo!!! Ramdam ko!!! wahaha. Ikaw din ba yung naka-receive ng text doon sa kwento mo?! wahaha. Medyo alam ko rin pala ang storya ng buhay mo, Botch. hahaha Well, masaya ako at happy kayo ni Flip.🙂 I love you, Botch! Regards kay Alab!

  2. Bukod sa regular communication through skype, chat, text and calls, magisip kayo ng actvities na pwede nyo gawin together like online games, manood ng same movie on the same day, sabay ng dinner sa mcdo, kahit anong creative na gawain na shared between the two of you lang. Para hindi na lang puro kumustahan ng kumustahan, mafifeel mo lalo na may special bond kayo as a couple.

  3. Kilala kita, Saskatgirl, pati pamilya mo. ‘Wag mo akong ululin. Hahaha!

    Madma, it only takes 5 to max na 7 months bago maging ready ang baboy na maging lechon. I should know, baboy ako nung past life ko.

    Wala kong maipapayo kay Saskatgirl kung hindi magpakabit ng mabilis at reliable na ISP, tapos dapat maraming platforms na pwedeng maging back-up in case di kaya ang Skype tulad ng Facetime, GTalk, etc. atchaka ibang bagay na pwedeng pagkaabalahan para wag kayong maging clingy. Bawal clingy ples. Kasi pag dumating yung araw na medyo tinatamad magkipag-chat yung isa eh magtatampo yung isa. Basta, wag clingy. Lamniyunayan.

    Isa pa, hindi naman kayo forever na ganyan ‘di ba? So kapit lang, magkakasama rin naman kayo eh. Grabe iiwan niyo kami dito. Wuw ako pala yung clingy.

    • wahahaha. Grabe yung assumera ka, B! Hahaha Or baka nga kilala mo si Saskatgirl. Di natin sure. hahaha 7 months lang ba ang kailangan para bago maging lechon? Grabe! Parang baby lang pala! hahaha Sorry naman. Alam mo namang mahina si Madma sa paghahayupan. haha Agree ako sa dapat magpakabit ng super bilis na ISP! Dito na rin kasi talaga naka-depende ang buhay nila. So, tamang mag-invest sila sa pasabog ISP. Yung pang-date nila dapat, dito na lang nila ibuhos. hahaha Love it!❤

  4. LDR is a very serious stuff.

    I am tough, and so is she. But there is a thing called saturation limit. Eto yung time na mararamdaman niyo yung impact ng distance between the two of you. Dito na kayo magsisimula maging irritable, insensitive, and emotional – not because ayaw niyo na but because – sobrang miss niyo na yung isa’t-isa.

    Not everyone will survive this period. Dito masusukat yung tibay niyo. Just pray na wag kayong magsabay ng nararamdaman, dahil it’s either you’ll make it or you’ll break it.

    I’ve been in LDR for more than half a year now. And I will not tell you it’s easy. It will take more than trust and love to get through. You need to be very tough, logical, and focused to be able to survive.

    Isa lang napansin namin na pattern, after one month ng physical meet-up, sumusulpot yung saturation limit. And we are working things out to find solution to it. She is by the way in Singapore and I am here in the Philippines (so swerte pa rin dahil worst comes worst madali magbook ng ticket to break distance).

    I will not recommend LDR if:

    1) By all means, it will be impossible to compromise distance (say you will need to spend a lot to break distance – e.g. US / Canada / Middle East) – because it will definitely kill you kapag namimiss mo na siya and you know you cannot do anything about it. Pakasal na muna kayo kung balak niyo ito! or wag na kayo maghiwalay, or maghiwalay nalang kayo ng tuluyan..

    2) Long Term LDR – Like what i mentioned above, one month is already too much. What more kung two months, half-year, one year, and so on.

    3) No Trust – If you’ll just be paranoind time after time thinking about what if’s (what if may makita siya, what if magsawa siya) – then just don’t do it. Spare both yourselves from headaches and heartaches.

    To sum it all up, you need to be tough before engaging in LDR. Tough emotionally, physically, mentally, and spiritually. Be ready for pain and heartaches because it’s a possibility. But above all, if you believe in your partner and you know you can both get through, then what’s there to worry about. Distance is just an obstacle. Waiting behind it is your happiness, your life, your love. Go defeat it! Go break it!

    • Hello naman, Online Explorer! Welcome sa YTM. I love your insights. Naramdaman ko talaga siya!🙂 Alam mo, humahanga ako sa iyo sa pagkakaroon ng LDR. Hindi biro ‘yan. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko pa man ito nararanasan, alam na alam kong mahirap ito. Tama ka, both parties need to be tough when engaging in LDR. It will take a lot of maturity, patience and understanding for it to work out. salamat sa pagbabahagi ng saloobin mo. Maraming mapupulot si Saskatgirl sa comments mo. Mabuhay ka!🙂

    • walanjo cheyee umusyoso ka din pala dito..

      ahaha.. at first same thought kami ni madma pero after two years and counting kayo na humusga🙂

  5. Wow! August 3! Haha! #fishing

    Nasa pundasyon naman ‘yan ng relationship eh. Basta gusto kong magpaka-positive at maniwalang kaya ‘yan basta desidido kayo ano ang gusto ninyo at firm kayong tatayo sa pinanghahawakan ninyo. Haha. Though usually hindi ang distance ang ideal na “long” sa isang relationship, kaya pa rin ‘yan! Maraming paraan basta may pagmamahalan! Yuck naging cheesy bigla. Hahaha.

    Pero I think it’s really gonna be hard. Long na, hard pa! Tiis lang. The time will come, and so shall the two of you. Haha. Good luck Saskatgirl!🙂

    • Malapit na birthday mo! ‘Yun oh! Libre mo naman si Madma! Grabe! hahaha

      Ang positive rin ng perspective mo sa LDR ha. Gusto ko yung sinabi mo na nasa pundasyon din ito ng relationship. Mahalagang factor din talaga ang foundation. Sana kayanin nila Saskatgirl ang pagsubok na ito. Ang hiraaaap! Grabe. Ikaw ba, open ka sa LDR? haha grabe yung may Q & A si Madma sa fans. haha

      • Wow biglang may Q&A! Haha! Actually, kapag naririnig/nababasa ko ang LDR ang pumapasok sa isip ko ay Light-Dependent Resistor. Hahahaha yuck. Anyway, open naman ako sa maraming bagay eh. Hihi.

  6. Dear Saskat girl at sa lahat ng readers,

    Hello sa inyong lahat! Kamusta na kayo? Grabe ang laki-laki nyo na, ambilis ng panahon. Tama si Madma, maraming nangyayari sa apat na taon, grabe madma thanks at pina-realize mo sa amin kung ano mga pwede mangyari sa apat na taon. Do you love apat na taon? You think apat na taon is the best? Please advise.

    Hhhmmm, ang hirap naman ng LDR. Kaso part sya ng life eh. Pero maraming Pinoy/Pinay na nag-LDR ngayon ha? Cool sila like that. Wow, cool pala. I think dapat required ang LDR bago mapgpakasal ang mga couple. Kasi parang ultimate test ito eh. Okay, isa-suggest ko ito sa mga congressman, na magpasa ng bill na dapat may LDR stage ang mga couple before magpakasal, para tested ang relationship.

    Alam mo saskatgirl, ang dami ngang nega sa LDR. Maraming may mga ngasngas dito, tulad ni Madma, nabasa mo naman di ba? Hahaha. Still, we wish na maging successful kayo rito. So paghandaan mo ha. Baka naman wala pa kayo sa LDR stage lumalandi ka nang leche ka. Wag ganon. Ako, mas gusto kong i-challenge ka rito. Look at this as a HUGE challenge, na tipong pag nalagpasan nyo to, ay! kaya nyo na lahat. Sabi mo naman gusto nyo pareho na mag-work ito, so ang commitment nyo ang mate-test dito. Kaso 4 years yun eh, so mukhang nega talaga. Wow, nag-side daw ako bigla kay Madma. Whatever na nga. Tama naman si Madma at Daria Ramirez sa The Healing eh, “mangyayari ang dapat mangyari.” Pabayaan nyo na lang, then gawin nyo best nyo, kung magwork e di best, kung hindi, best pa din. Naging any-any na lang din sa huli. Hahaha sorry ang gulo, pero kung naghahanap ka ng concrete tips how to make LDR work, please try the following unconventional ways:

    1. Attend a “How to Make LDR Work” seminar. Pwede namin ‘to i-organize. You want?

    2. Magpagawa kayo ng life-size stuff toy na hitsura nyo ng BF mo. Then kapag magkahiwalay na kayo, yun ang kasama nyo sa dates at sa lahat ng activities nyo. That way, parang lagi na rin kayong magkasama.

    3. Always have a world map with you. Then everytime namimiss mo si BF or may longing ka sa kanya, dangkalin mo lang ang bansa natin sa bansang pupuntahan nya para ma-realize mo na the distance is not that long after all.

    4. Magkabit kayo ng mahabang mahabang sinulid that connects the two of you, tas nakakabit sa inyo yun kahit saang lupalop man sya mapadpad. That way, connected kayo, pag namimiss nyo isa’t isa, hihilahin lang ang sinulid, maghilahan kayo to communicate. Pwedeng may codes ang different kinds of hila, like example, one hila means ‘kumain ka na ba?”, dalawang hila means “oo”, tatlong hila means “I love you”. Ganyan, di ba ang saya? By the way, dapat matibay ang sinulid na ito ha, para di maputol.

    5. Bulagin ang isa’t isa, para sure nang hindi titingin sa iba at ma-prove na love is blind.

    Sana nakatulong ako Saskatgirl.

    • wahaha! The Alternative Diva is sooo back! hahaha Na-miss ko itong mga alternative solutions mo, IPF! hahaha In response to your question, YES! I love apat na taon. hahaha Dami kasi talagang changes in 4 years eh. Sana ok lang sa’yo na love ko ang apat na taon. Ok lang ba sa’yo? Please advice me too.

      Gusto ko yung applicable ang line ni Daria Ramirez sa situation ni Saskatgirl! hahaha We love, Daris/Manang Elsa! hahaha Paggamot naman tayo kay Ma’am! Go ka ba? Please advise as well.

      Panalong-panalo ang suggestions 3 and 4 mo! wahahaha Best dung dangkalin ang distance! wahahaha Ang ang sinulid, PLES! gastos din nito ha. At ABALA sa ibang tao. Grabe yung magugulat na lang ako at may mga sinulid sa EDSA! Wahahaha! Pero feeling ko, lalandi agad si Saskatgirl. Parang worried siya for herself eh. hahaha Do you think malandi si Saskatgirl? Please advise din. WOW. hahaha

      • Grabe yung dami mong pinapa-advise sakin madma…ohwell yes gustung-gusto ko yung love mo ang apat na taon, ambest eh. Ok din sakin magpagamot kay manang elsa, basta before sya bumuhay ng patay ha?! Parang malandi nga si Saskatchewan este Saskatgirl, grabe yung nag-auto complete ang Saskatchewan sa BB ko!!! So mejo may clue na ko kung sino sya no? Haha I theenk lalandi rin yan, at magiging makati. What do u think of my advices madma? Please advise nmn. Thanks!

      • wahaha. Lakas ng tawa ko sa paga-auto complete ng Saskatchewan sa BB mo! Nagma-marunong din ang cellphone mo ha! hahaha Sige, check muna natin kung bumuhay na ba ng patay si Manag Elsa before tayo magpasalang. And yes, tingin ko lalandi si saskatgirl AGAD! Malakas ang kutob ko eh. hahaha Pero bigyan din natin siya ng chance! Bigyan ba dapat natin siya ng chance re: this one? Or consult ko muna ang judges? Please advise ha.

      • madma, paconsult muna yung ibang judges please. Then pa-advise kung ano recommendations nila. hahaha

  7. Hi. Regular akong bisita sa blog mo, Madma. At bilang nasa isang LDR din ako, dama ko ang problema ni Saskatgirl. (Andito ako sa Land Down Under habang si jowa ay nandyan sa Pinas.) Lungkot talaga ang unang kalaban sa LDR. Super bigat sa dibdib ha! Sa totoo lang, etong relasyon na ito ang sumubok sa pasensiya at pag-unawa ko. Pero, in fairness, going strong naman kami.

    Mai-share ko lang naman. Sa amin ni jowa, nakakatulong ng malaki yung rules namin sa relationship. I say rules kasi talagang may batas kami sa aming relasyon.

    Una, constant communication. May schedule kami kung kelan ang Skype (every Sunday), kelan ang mobile calls (every Wednesday night) at may text messages in between. We treat each schedule like an important doctor’s appointment or meeting na hinde pwede ma-miss. Otherwise, there’s hell to pay. Hehe.

    Second, hinde lang schedule ang important, pati yung quality/content ng communications. Mula sa maliliit at walang kakuwenta-kuwentang bagay, pagusapan. Pero mas lalong dapat pagusapan kung may nararamdaman na “isyu” sa relasyon. Mahalaga na alam niyo pareho ang nararamdaman ng isa’t isa. Magkalayo na nga kayo, magsisikretuhan pa ba kayo? Importante din na parehong mag-effort makinig, whether ikaw ang isyu o siya.

    Lastly, never forget to say ” I love you”. Kahit pagalit ang tono o napapamura ka na, say the words. Mahal mo pa rin naman siya kahit galit ka di ba? Plus, every time you speak of those words, it will help you assess how much you can still take, how much the relationship is still worth. Di ba usually kapag nagsabi ka ng “I love you” parang may afterthought? Yun ang point of assessment. Kung hinde na ubra, bumitaw na. Kung keri pa, kapit lang.🙂

    Basta, malaking challenge talaga ang distance. Dagdagan mo pa ng malaking time difference, minsan nakakaloka na! Pero kapit lang, mabilis lang ang panahon. Just treat each day as another step closer to the time when you will be reunited.🙂

    Yun lang naman. (Ang haba din ah!)
    More power to you, Madma!

    • Not sure, what the others were saying, cuz I don’t know tagalog – but my philippine girlfriend told me about the issue and i got tempted to “state the obvious” – cyber sex! It’s not what solely keeps you happy, it won’t solve all the problems of the distance at once, but it also MUSTN’T be underestimated in it’s value for couples in our position.
      We got into it somewhat coincidetely, not even on the videochat but on mere chat. We had talked about missing each other physically and got naughtier and naughtier and suddenly I’m asked if I’m actually “doing it” and that wa one of the hottest moments in our long and not-at-all boring sexual history.
      Don’t ask me why -i t’s just hot and satisfying and the best way for an intimate moment when seperated i can think of.
      we also have movie dates: one has the movie and the other watches through skype share screen.

      • Good on you, mate! I agree that it is valuable. If any one of you is too inhibited to do it, just take it as an opportunity to let your creativity shine through. Haha!

      • Hello, AnonymousBoy. Are you the boyfriend of AnonymousGirl?! WOW! We actually have a couple interacting with us! Lol!

        I’m sooo curious about this cyber sex thing. Does it really work?! I’ve never tried cyber sex in my life because I don’t think see its point. I’d rather hook up with someone/stranger than engage in cyber sex. Can you enlighten us more re: this topic.🙂

        I love your movie dates! I think this is sweet!❤ To be honest, I'm not really familiar with the functionalities of skype. I might explore them one of these days.🙂

        Thank you, AnynomousBoy! Hope to hear more from you soon.🙂

    • Hello naman, Ariadne. Welcome sa YTM! Salamat sa matapang at pasabog mong comment! Love it!😉 Ginanahan ka din sa sharing mo ha. hahaha

      Congrats naman at going strong kayo ng jowa mo! *Clap,clap,clap! Alam kong hindi biro ang pinagdaanan, pinagdadaanan, pagdadaanan n’yo bilang partner! Saludo ako sa sa tibay mo, Ma’am! Talagang kapit ka rin ha. Pogi ba si jowa? hahaha Dami din kayong poging Aussie! Ang taas ng “control” mo ha! Kung ako ‘yan…hahaha char.

      Ang heart-warming ng suggestions mo.😉 Parang nababago na tuloy yung stand ko on LDR!🙂 Nakakatuwang lumalaban talaga kayo! Mahalagang element kasi sa LDR yung “maturity” at nakikita kong nasa inyo ‘yun kaya tumatagal kayo! Nakakatuwa kayo. Ituloy n’yo lang ito. Masayang makarining ng isang pag-iibigang pinaglalaban against all odds. Mabuhay ka, Ariadne. Padalan mo naman ako ng Aussie! Yung pogi ha. PLEASE! hahaha Ingat ka d’yan and stay strong.😉 Kapag malungkot ka. tambay ka lang sa YTM. We will keep you company.❤

      • Salamat Madma! Tambay talaga ako dito sa blog mo, pati nga si boyfriend ay pinatambay ko na rin. Tawa kami ng tawa sa smelly jun-jun problem nung isang reader. Hehe.

        True, pogi si jowa. Kaya lakas maka-linta ng kapit ko teh! Hehe. Seriously, alam ko naman na mas malaki ang mawawala sa akin kung hinde ako magko-control. Kaya tiis lang. Nagkikita naman kami every six months (bilang limpak-limpak lang ang salapi ko. CHAR!), either siya ang punta dito or ako uwi ng Pinas. Mag-iimbak na lang kami habang hinde pa nagkikita tapos biglang ibubuhos kapag nagkita na kami. Sagad na sagad lang ang saya! Haha!

        Gusto mo ng Aussie? Gwapo talaga itong mga ito, tapos super lalandi pa nila. Yun na lang kapitbahay namin, dami ko nang buntung-hininga dun ha! Papadala ko siya sa’yo kung papayag siya, sayang naman kung walang makinabang sa kanya. haha!

      • Gusto ko ng Aussie! Mabait sila at malandi eh! Akin na yang kapitbahay n’yo! Patambayin mo dito! Pakinabangan naman natin, Ma’am! Sagot ko na ang charges sa pagpapadala sa kanya! wahaha Eeeeh kamusta naman yung kinikilig ako nang totoo! hahaha Bading ba yang si Aussie na kapitbahay? GRABE pinu-push ko talaga itO! wahaha

        Salamat sa pagtambay sa YTM. Regards naman kay Anonymousboy! Pogi naman pala eh. Naiintindihan ko na kung bakit kapit na kapit ka! hahaha Wais ka rin talaga ha. LURVE! Higpitan mo pa ang kapit. Baka maagaw eh. hahaha Ang mature naman ng relationship n’yo. Kakainggit. Hangad ko ang inyong lubos na kaligayahan!

        P.S. Yung Aussie ha. Paki-push. wahahaha Char. OR! haha❤

  8. Hello Madma! Lagi akong nagbabasa ng blog mo at talagang naaaliw ako. Hindi ko lang mapigilan na hindi mag-comment sa issue na ito ni Saskatgirl. Bakit pala ganun ang name mo Saskatgirl? Ang hirap i-type. Haha.

    Anyhoo, relate na relate naman ako sa topic na ito bilang nasa LDR kami ng boyfriend ko. Mahirap ang LDR teh pero kayang-kaya! Noong una, hindi talaga namin gusto ang LDR bilang mahirap nga. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal namin sa isa’t-isa kaya gora kami. WUW. Dapat talaga ay seryoso kayo at may plano na magsama din eventually. Kasi kung wala, eh ano pang point ng pagmaintain nito?Actually, sa lahat naman ng relasyon mapa-LDR man o hindi, i-assess mo kung gusto mo ba talaga siya o for fun lang. Kasi hindi magwo-work ang for fun sa isang LDR. Gasgas na pero tunay naman talaga na dapat may LOVE at TRUST kayo para mag-work ito. Yun lang at saka madaming cybersex para mas masaya! Kaya kumuha na kayo ng mabilis na internet connection at mag-Skype anytime you want. Hello minsan nga pag horny ako, ginigising ko siya kahit madaling araw sa kanila. Mag-try din kayong mag-skype movie/tv series date, ganyan.
    Alam mo ba yung functionality ng Skype share screen? Gamit na gamit namin yon. Pwede kayong mag-movie date pero ayun nga, yung mabilis po na internet connection Ma’am. Yung webcam din ay yung high quality dapat noh para kahit pores ng isa’t isa ay kita niyo. Kamusta naman kung malayo na nga, mukhang monster pa nakikita mo sa labo. Dapat din ay accessible din kayo anytime, tulad nung naicomment na sa taas. Mag-subscribe kayo sa mobile internet ples! Para always connected (gtalk, bbm, etc). Saka pag may nakita kang gusto mo agad ishare sa kanya, eh di email agad.

    Yung bang LDR na 4 years ay talagang hindi kayo magkikita? If yes, NAKAKALOKA YAN!!! Hindi ko din actually alam pano mag-work kung ganyan kahabang panahon na wala talagang pagkikita. Kahit nga 1 year straight, parang ang hirap. Ang pinakamatagal namin na hindi nagkita ay 5mos so far. Ayun din. Make it a point to be together together (in one city, one timezone) na ang interval ay hindi matagal. Advice ko din paminsan ay hindi magkita sa Pilipinas. Magtravel na lang kayo somewhere. Magkasama na kayo, naka-travel pa.

    Ang dami ko pang pwede ma-share. Reply ka na lang dito kung pano kita ma-contact bilang anonymous ako HAHAHA. Gawa ka ng isa pang email address, ganyan.

    Best of luck to both of you! Kaya yan!

    • Hello naman sa’yo, AnonymousGirl.🙂 Nata-touch naman ako at naaliaw ka sa blog ko. SALAMAT! Ang mga salitang ito ay talagang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para magpatuloy.❤

      ANG TARAY NG CYBERSEX!!! Can you expound on this one! hahaha Paano ito!!! Share ka naman re: this topic! hahaha GAME! hahaha

      Napaka-positibo ng payo mo! Gusto ko s'ya. Talagang may mga concrete steps! hahaha Doable. haha After reading your comment, feeling ko ang dali-dali na lang ng LDR. haha Grabe yung bumabaligtad na ako. hahaha Congrats naman at going strong din kayo ng jowa mo. LAKAS MO RIN MA'AM! hahaha Mature! hahaha

      Salamat sa pagbabahagi ng storya mo. Bidang-bida ka rin ha. haha I'm sure, matutuwa si Saskatgirl sa insights mo. Sana sumali sa discussion si saskatgirl! PAGING SASKATGIRL! hahaha

      Salamat ulit, AnonymousGirl. Dalasan mo naman ang pag-comment! Parang pasabog ka eh. feel na feel ko.❤

      • Hello, DF! hahaha Oo nga eh. Sana marining natin si saskatgirl. In fairness to LDR ha, daming relate! hahaha Nagulat ako.🙂 Ano bang masasabi ng resident Psychologist ng YTM?! Parang ang tahimik mo naman. hahaha

      • HAHAHA! Basahin mo naman reply ng boyfriend ko (AnonymousBoy). Pang-international ka na talaga Madma! Nag-translate pa ako ha para maintindihan nya. :))

      • OMG! Jowa mo nga talaga si AnonymousBoy! wahaha Ang cool n’yo namang dalawa! Grabe yung pa-English ako sa disoras ng gabi! wahaha. Nauuhaw tuloy ako! Shout ouch naman sa inyo bilang power couple! woooh!❤

      • Madma, ano bang gusto mong malaman re: cybersex? Ang saya saya nyan! HAHAHA.

        Ay Saskatgirl, bili ka din sex toys para mas exciting. At pag nagkita na kayo ulit, grabe lang din talaga. HUMANDA KA. The best yan, guaranteed.

      • I’m really interested to know kung totoo bang may sense ang cyber sex! Parang wala kasi eh. Sana nanood ka na lang ng porn at nag-masturbate after. haha Parang baduy salsh corny ang cyber sex eh. hahaha Effective talaga? Try ko na nga lang! WOW! hahaha

  9. Hi Madma! kakatuwa talaga mga topics mo dito.. nakaka engganyo sa mga mambabasa lalo nat nasa ibang lupalop ng mundo. LDR, in my own opinion is mahirap na madali.. madali dahil di mo kelangan sunduin ang gf/asawa mo, nagkakatime ka sa sarili mo, nagagawa mo ang mga gusto mo. Mahirap dahil kapag namimiss mo sya sa mga gabing malamig wala kang ibang magagawa kung di magtiis at mamaluktot. Siyempre andyan din ang mga temptation na di mawawala kahet anu mang pilit (tao lang te..) pero one way to work things out is siyempre COMMUNICATION, actually wala ng rason kung bakit magkakaroon ng no communication at all.. haler! dami ng teknolohiyang nagsilabasan. imaginin na lang natin ang buhay noon, sulat, voice tape at tawag pa sa PT&T ang siste. TRUST din ang kailangan (hinde yung condom) kapag wala ka talaga neto talo ka na.. dyan ka na mabubuwang kakaisip.. Kapag isa senyo walang tiwala mate na.. but still try to hold on.. at least hinde ikaw ang bumitaw. So far, i’ve been in a successful LDR as of now. Work things out right lang and siyempre GUIDANCE ni LORD. Kapag wala sya sa relation ninyo, wala kayo patutunguhan. Good Luck!

    More Power Madma!! mwah!

    • Parang kilala kita, ArabianKnight. hahaha Congrats naman at matagumpay din ang LDR mo, Ma’am! Talagang kapit na kapit ka rin ha! hahaha Tama ka, communication, trust and guidance ni Lord ang magpapatibay sa nakakalalokang LDR. Grabe, ang positive ng mga response ng fans sa post ko na ito. hahaha Love it! It goes to show na marami palang successful LDR kahit na mahirap.🙂 Hangad ko ang kaligayan n’yo ng jowa mo, ArabianKnight.🙂 More power din sa pagmamahalan n’yo. Kapit lang.😉

  10. Saskatgirl, lower down your expectations and rules tapos be ready for all the possibilities. At least aware ka sa pwedeng mangyari sa relationship nyo and in that way maihahanda mo ang sarili mo if ever meron di magandang manyari. Bt gaya nga ng sinabi ni Madma at Daria Ramirez, naniniwala rin ako sa “Destiny” at kung kayo talaga ang nakatadhana, after 4 years BOOM!

    • Hello, Zee! Apir tayo re: lowering down the expectations! hahaha Mahalaga kasing maging realistic sila bilang mag-partner. The keyword is “readiness.” Handa sila dapat sa kung anuman! haha Grabe, naku-quote talaga si Daria Ramirez this past few days ha. hahaha The Healing FTW!

  11. Hello naman SaskatGirl!

    Sa Saskatoon, Saskatchewan ka ba pupunta? I heard maganda dun. Rancho-rancho, country-country ang peg. I think mag-eenjoy ka dun, so makakalimutan mo agad si boyfriend! WOW. Nega din ako today. Nakakahawa kasi si Madma. :p
    Hello @Renzyd, ano namang masasabi mo re: Saskatoon, Saskatchewan at sa Canadian life?
    Grabe. Ang sarap sabihin ng “Saskatoon, Saskatchewan.” Lakas maka-nganga pag sinabi mo sa kausap mo.

    Friend: San ka na nga uli pupunta?
    You: Sa Saskatoon, yung capital ng Saskatchewan.
    Friend: Ahh. Doon. K. *nganga*

    Grabe namiss ko tong payuhan. Medyo natatalo na to ng YTMNTM. Sana naman may pasabog ka re: this portion ngayong August Madma.🙂

    Anyway, mahirap talaga ang LDR SaskatGirl. Nasabi na nilang lahat, ang nega nga nila eh. Dalawa lang naman kasi ang kahihinatnan nito, at alam mo na yun.
    Pero pano nga ba makakasurvive sa isang Long Distance Relationship? Matetest niyo yan kung masasagot niyo ng “yes” ang bawat letra ng acronym natin today – ang TIIS method.
    Kayo mo/niyo ba ang mga sumusunod?

    T-igang for 4 years. Kaya niyo bang hindi madiligan sa loob ng apat na taon? Hirap nito. Yes, pwedeng gamitin ang mahiwagang mga kamay ngunit kakalyuhin din kayo at magsasawa. Alam mong importante ang intimacy sa isang relasyon. Kaya mo ba?

    I-kaw kadalasan ang lulutas sa mga problema mo. Bilang malayo nga kayo sa isa’t isa, mahirap maging alone in a relationship. Oo pwede mo siyang tawagan o i-facetime o bbm, pero HINDI SA LAHAT NG PAGKAKATAON. Pano kung nadulas ka sa banyo at nabagok ang ulo mo? Or kung napuwing ka at walang iihip sa mata mo? Or kung may tagos ka at hindi mo alam? Mahirap yung wala kang kasama. Kakastress kaya yung mga babaeng naglalakad ng may tagos. Kaya mo ba?

    I- wasan ang mga temptasyon. Naku, ANG HIRAP-HIRAP NITO. Kasi nasa paligid silang lahat. Andami na kasing kinakati these days, lalo na at maulan. Nagkalat ang mga higad, at pinaglihi sa laing kung saan-saan. Minsan, sila pa ang lumalapit, kaya yung iba sunggab agad. Eh pano kung tigang ka? Kaya mo ba?

    S-wear your loyalty. Madaling sabihin na magiging loyal ka at may trust kayo sa isa’t isa, pero sabi nga ni Madma, ang daming pwedeng mangyari sa apat na taon. Kung kaya mong lampasan at yes ang sagot mo sa tatlong naunang steps, then wagi ka dito. Kung may alinlangan, naku, delikado yan. Monogamy is difficult, especially with LDR cases. Kakayanin mo ba?

    Yun lang naman. Medyo nega din ng konti yang four steps, at pinilit para sa “TIIS” method. :p
    On a positive note, nagtatagumpay din naman ang mga LDRs kahit konting porsyento lang, kasi ako mismo nakasaksi sa ganitong set-up. May friend akong 7 years silang malayo sa isa’t isa (though nagkikita sila mga once a year pero nagkaron din ng gap na sooooper tagal) pero sila pa rin hanggang ngayon. In fact, church wedding na nila next year bilang civil wedding nila last May. ♥

    Sabi nga ni Madma, kung kayo, kayo talaga in the end.🙂

    • *Clap, clap, clap With standing O! LAKAS ng TIIS method!!! hahaha Ma-stress nito lalo si Saskatgirl. hahaha The Acronym Diva is back as well! hahaha Medyo natengga talaga ang payuhan natin dahil sa pasabog na YTMNTM! Pero hayaan n’yo, babalik na ito! Mas pinalakas! Mas pinasabog! haha Ang best ng TIIS method! Pasabog ka talaga, Sael!🙂

      Ang hirap spell ng Saskatoon, Saskatchewan! Pwedeng Tondo na lang?! Grabe!

      Lakas ng tawa ko sa babaeng naglalakad na may regla! MAHIRAP ITO!!! No na agad ang sagot ko so talo na ako sa LDR. WOW. Nire-regla din talaga ako ha! haha Regla is lurve!❤

      Ultimately talaga, kung kayo, KAYO! Ito talaga ang best line dito. Tsaka best din yung line ni Daria Ramirez sa The Healing na "mangyayari ang dapat mangyari!" Lakas maka-herbal! hahaha Btw, napanood mo na ba ang The Healing?! hindi pa rin?! Chakaaa!

      • Haha. Alam mong namiss ko talaga tong payuhan. May bumulong saken na magpapagawa ka daw ng shirts for the Tribo_Tagapayo bilang naghihirap din kaming magpayo minsan… WOW naman! :p I think okay na tong souvenir para sa GEB. Lol.

        Mas may hihirap pa diyan sa Saskatoon, Saskatchewan. Narinig mo na ba ang Ouagadougou, Burkina Faso? Or ang Nuku’alofa sa Tonga? Tengeneng mga pangalan.

        I beg to disagree! Regla is not lurve! Nakakaabala to hindi lang sa nireregla kundi pati na rin sa kasama nung nireregla! Iritable dahil dysmenorrhea (or dysmenorrhoea), ganyan. At ang amoy ples! Hiyang-hiya ang amoy sa wet section ng palengke! Take it from me Madma, hindi to kanais-nais. Anim kasi yung kasama ko sa bahay, at lahat sila nagkakaron. Imagine mo na lang pag sabay-sabay silang lahat! Gusto ko minsan mag-alsa balutan. At ang hormones, all over the place! Not likey! Lalo na pag ikaw pa yung pabibilhin nila ng napkin sa tindahan. Lusaw moments. >..<

        Re: The Healing, grabe hindi ko pa siya napanood bilang honglokos ng ulan nitong weekend. Malulusaw ako, alamoyan. Iaavail ko na talaga this week, pramis.😀

      • wahaha kaka-miss nga talaga tiong payuhan! Super lakas kasi ng YTMNTM! Nakakaloka. Ibalik natin ito, ples! Sige, NOTED ‘yang t-shirt request na ‘yan. Sana na-NOTE din ito ng Adbokasya! hahaha

        Lakas ng tawa ko sa regla experience mo! wahaha Ramdam ko yung “galit!” haha Para dapat support natin ang mga friends nating girls sa kalbaryong ito. hahaha May isa rin kameng girl na housemate ngayon. So far, swabe naman ang pagre-regla n’ya. Di namin pansin. Baka di siya nire-regla after all?! wahaha Mas problema namin yung putok n’ya sa totoo lang. wahahaha CHAR!

        Manood ka na ng The Healing!!! Grabe! Mag-expire na yung film!!!

      • Shout ouch naman sa Adbokasya re: Madmashirts. :p Kapal din ng muka ko eh no.

        Re; regla, hindi naman galit, more on “suya.” Haha.Baka naman polycystic ang ovary ng housemate niyo kaya di siya nireregla regularly. Haha. Avail mo yung polycystic! Dami ko din alam re: regla. Nyahaha.
        Kakastress yung may putok. Buti hindi pa nageevolve sa baktol. Not likey. >..<

        Grabe yung mageexpire na agad. This week pramis, tas itutweet ko kagad sayo. Haha. :p

      • Grabe yung polycystic!!! Napa-google ako bigla! haha Dami mo ngang alam re: regla. Nakakatuwa yung re: regla. wahaha Parang ikaw na yung Regla Diva. Gusto mo ba ‘yun?! wahaha Yung putok naman ng housemate namin na girl eh paminsan-minsan. Moody din eh. haha Which is likey!

        nood ka na ng The Healing ha! Sana pala sumama sa na lang sa amin nung Sunday! Excited na ako for you!!! Sigaw ka lang nang todo ha!

    • Wala ako masyado alam sa Saskatoon eh. Ang alam ko lang eh malayo siya sa amin. LOL. Bisita ka naman dito SaskatGirl pagkamigrate mo! Grabe yung wala ka kaagad pamasahe.

      • Grabe yung na-judge agad si Saskatgirl na walang pamasahe! wahaha. To be honest, feeling ko rin wala. wahaha Bigyan naman natin siyang chance mag-settle muna.🙂

  12. Well I promise to madam na akoy mag sha share dito hehehe. Share ko lang po me and my military officer are super strong and two years na in our relationship. Pangalanan nlng natin syang si my lt well unang una mahirap ang LDR dahil hindi lang trust ang kelangan dito kundi sakripisyo talaga. Sa isang relationship hindi naman love lang ang kelangan it takes a lot of courage,loyalty,effort and understanding para mag work out ito. Una dyan is dapat committed kau sa isat isa and handa kau sa LDR nayan. Lahat naman ng relationship magwoworkout basta mag eefort kau sa isat isa. My military boyfriend ndi kami ganun ka always naguusap there are times na umaabot ng after three weeks to one month n walang communication coz of his duties sa and operations sa bundok.Honestly nalulungkot ako dahil sa work nya coz delikado and wala pa gaano communication but I have accepted and love him unconditionally kng ano man ang meron kami. We never argue on things kasi LDR na kami eh so pag may time na ngkakausap kami and ngkikita we cherish it a lot. He is in mindanao and me nmn here in Makati,ang punuhan lang ay ang tiwala,pagmamahal at pang unawa.it really works if you guys both cooperate. Buti nga ngayon may twitter,fb and the likes kami hanggang call and txt lang minsan wala pang signal pero nagagawang magtiis dahil sa pagmamahal nayan. Acceptance of the situation dear:D kayang kaya nyo naman eh. On the other side naman kng titingnan ntin ang isa sa language of love na more on words ka talagang malaki ang chance na it really work out pero kapag ikaw ay touchy naman kelangan ng effort tlga. I will also share may close friend love story to make it short grace is in philippines while ROlly her husband works in canada LDR sila for about five years ha but sila parin and they are happily married though rolly is in canada parin. All I can say is kaya nyo yan!just be positive!

    • OMG! Naiiyak ako sa comment mo.😦 Punung-puno ng love ang bawat salita mo.😦 Saludo ako sa relationship n’yo ni Military guy. GRABE! Batid naming hindi biro ang sakrispiyo n’yo for each other to ensure na magwo-work ang relationship n’yo. Nakaka-inspire naman kayo, Jayhan. This is another proof na tyru love does exist! Salamat sa pagbabahagi ng buhay mo sa amin. Salamat sa pagpapa-alala na may true love talaga sa mundong ito.🙂 Hangad namin ang inyong patuloy na kaligayahan.❤

  13. Siguro kung may isang topic na super makakapagbigay ako ng insight, eto yun. Pwede na nga siguro akong gumawa ng libro about LDR. As you all know, (wow, popular lang?!) I’m here in Oslo, NOrway. Thousand miles away sa Pinas. Dalawang fascade ng LDR ang gusto kong i share.

    1. RELATIONHIP FIRST THEN LDR.
    Nangyari ang ganito sa akin nung umalis ako ng Pinas. I’ve been on a three-year relationship before I decided to move here to find a better life economy-wise. Hindi madaling desisyon ito, lalo na between us. So nasanay kami na magkasama palagi (two years din kasi kaming live-in) and then all of a sudden umalis ako. Iyon yung pangit don. Yung sudden shift of context from being together to being miles apart. Nasanay kasi siya na magkasama kami palagi to the point na nung nag abroad ako eh hinanap hanap nya yung times na magkasama kami. After a few months, I discovered na di na kinaya ni pota and ayun. I had to end it.

    2. LDR FIRST THEN RELATIONSHIP.
    Eto yung scenario ko ngayon. Nauna yung magkalayo kaming nagkakilala bago naging kami. The point is, alam namin from the start kung ano yung lagay ng sitwasyon namin. Alam namin yung cons ng LDR, but still , we decided to get together. I think it worked on the relationships advantage. It made the bond stronger. The fact na pinasok namin itong relationship na ito with a mutual understanding of how it is to be in such an LDR makes the difference. We’ve been together for more than a year now. And to my surprise, everything’s going smooth.

    My points:
    1. Nasa tao rin talaga yung desisyon. Nasa pagkatao at moral mo sa buhay. Kung paano pinapahalagahan ng tao yung values nya regarding a relationship, dun naka base yung ikaka-successful nung LDR. My 1st scenario could’ve worked out if the dedication and faith was strong enough. Eh makati si pota, bukod sa kawalan ng balikat. chær!

    2. Maturity. Eto yung meron dapat yung dalawang taong involved and the relationship in general. Dapat pantay yung wavelength ng pagiisip ng tao regarding fidelity, trust, honesty, love and faith. Hindi pwedeng yung isa lang ang naka hold on sa relationship habang yung isa ay nagpapaka puta na pala. Dapat din ay alam na ng both parties involved ang hanap nila sa buhay. Ask yourselves: Am I willing to sacrifice my bodily desires for a possible lifetime relationship? Anu ba ang hanap ko ngayon: Sex o relasyon? Ready na ba ako na i-resist ang temptations around me because of my love for this person? Am I ready to set aside my earthly lust in order to keep my promise with this person?

    3. Remember that satiety is vital. Yung mga taong insatiable sa sex, wag nang tangkaing mag LDR. Wag kayong pakupota. waw, inavail ko din yung term na to. hahahaha.

    4. There will always be a way. Gaya nga ng nasabi ni Madma, anjaan naman ang technology. If you are willing to keep the relationship, you will make every possible way of being as close as possible. In my case, what I did is i subscribed to an UNLI-International plan. BAAM! Ayun, unlimited na ang tawagan namin. I even shifted to another mobile network na local price lang ang presyo ng international texts. Wala akong pC or laptop kaya bumili ako for skype and chikka. Bumili rin siya. Nariyan din yung gtalk, email, twitter, FB na super useful. Minsan me mga snail mail ding nagaganap, fedex packages, ganyan. The point is,bukod sa marami akong pera (CHAR LANG TO!!!) its a consensual and mutual effort. Wag maraming dahilan. There’s always a way if you really do it for love.

    5. Understanding and openmindedness. Alam mo dapat kung kailan ka hindi dapat ngumuynguy. Hello, LDR pa rin ito. Mahirap, madaming challenges. Alamoyan! Kailangan ng malawakang pang unawa sa partner mo. Maraming unforseen events na pwedeng magyari. Halimbawa, minsan, nagiging busy ang isa, hindi dapat ngumuynguy yung isa. Pag dumarating ako sa point a ganito, inuunawa ko siya. And then pinaguusapan namin ito. Communication is one of the greatest tool to strengthen an LDR. Speaking of communication, use this tool in strengthening your relationship. Open communication , like for example, solving issues and problems, will really save the realationship. Wala dapat lies.

    6. Yung sinasabi ni Madma na kapag may gwapong ala Andrew Garfield ay imposibleng hindi bumigay. I disagree. There’s no such thing as irresistable. We make our own decisions and choices. Kung mabilis kang manghina sa temptation, hindi ka dapat pumasok sa isang relasyon in the first place. Dito sa Norway, lahat gwapo. Lahat Bel-Ami-ish ang pangangatawan. Or Channing Tatum-ish din. Lahat dito mukhang artista POTA. Lahat dito, hawig ni Jesus Christ. I appreciate their looks, yes. Pero hindi ako para bumigay sa kanila. Again it all boils to one’s morals, values and maturity in handling temptations.

    7. Look forward onto something. Mabilis lang yung pag daan ng mga araw at bwan kapag me nilolook forward kayong dalawa. Im talking about vacations. Both should talk about this. Then schedule it. Ako, I make it a point na yearly umuwi ng Pinas kahit yung pamasahe eh ginto. Konting sacrifice, overtime at sipsip ke boss lang para mapagbigyan sa bakasyon. haha. Hindi kasi mapapantayan ng perang gagastusin ko yung saya na makita namin ang isat isa. Alas! Before I knew it, magkikita na naman kami in a few months.

    8. Keep the relationship God-centered. Eto siguro yung pinaka importante among all. Have Him guide both of you and your relationships. Never kip him/her out of your prayers. Ask Him to guide your relationship and keep you both away from temptations. Remember, His will shall be done. If you’re really not meant for each other, he’ll make a way for you two to break up. Magkasama man kayo sa Pinas or hindi.

    LDR should never be taken with ease. Parang babasaging krystal yan na dapat pagkaingatan ng hindi isa, kundi ng dalawa mong kamay… or ng dalawang taong nagiibigan. Trust is important. Contentment is also one. Makuntento ka sa kung anung mayroon kayo. Dahil one who knows no contentment will never be happy in what he/she has. In the end, sabi nga ni Madma, kung kayo talaga kayo. If you are really meant for each other, the universe will conspire to make the magic happen. LDR man o hindi.

    I hope for the best for the two of you. LDR has worked for me. You’ll never know, it might also work for you! More power.

    PS.
    (wow Madma, magsorry ka, may PS din ang comment ko! haha)
    and I quote Madma: “Ako nga sumama na lang bigla sa isang stranger tapos nag-sex kame kasi super lungkot ko eh.”

    Haha, natawa ako dito. Nakarelate ako. Pero that was 7 years ago, back when I was still young and wild. haha. Those were the days. Before I reached my present values. Naalala ko lang.hehehe.

    Eggzoyted nako sa High Fashion shot! Tsaka sa Nude shot. ahahaha. Nude Shot plez!

    • Clap, clap, clap with standing O!!! P.A.S.A.B.O.G!!! Grabe yung insights mo. Hindi ko kinaya! Ikaw na talaga ang LDR diva. Relate na relate ka naman, Ron. Authentic ang mga payo. hahaha Masasabing nakurot mo ang puso ko sa comment mo. Haaay…😦 Ang hirap din pala talaga ng pinagdaanan mo! Dinala mo talaga kame sa pain, sacrifices and joy mo. Galing.🙂 Nakakatuwa namang marinig ang mga tips mo for Saskatgirl. Naging tips na rin ito sa bawat isa sa amin lalo na sa nasa-LDR ngayon. Salamat sa napaka-bonggang insights mo on LDR. Hindi talaga pala siya biro. GRABE!!! Ramdam ko rin yung galit mo sa “RELATIONHIP FIRST THEN LDR” part ha. wahaha Wagas din yung galit mo kay pota. haha

      Tawa ako nang tawa sa “Lahat dito, hawig ni Jesus Christ.” wahaha SERYOSO BA ‘TO?! Kingina daming pogi pala d’yan! Bakit ba ako nandito! makapag-book nga to Norway! Sample naman ng mga poging Norwegian. Send mo sa email ko. WOW. Interested din ha. Para palang “paraiso” ang Norway! Very heaven-like! haha

      At may “UNLI-International plan” na pala?! Bongga! Parang Unlicall lang ng Globe ha! Ang best nito. Nagulat ako!

      And of course, hiyang-hiya ako na may P.S. ka rin! wahahaha relate ka rin sa pagpu-pota ko ha. wahaha Korek, past na ‘yun! hahaha KALOKA!!!

      SALAMAT sa mga aral mo. Ron! Very insightful. Maloloka si Saskatgirl nito for sure! We love you, Ron. Magkita tayo pagbalik mo.😉 Ang close na natin dito sa YTM! Boracay naman! hahaha Ingat ka d’yan. Mag-uwi ka naman ng Norwegian, kung kaya lang naman. haha

  14. Hi Madma. Maraming maraming salamat sa pagpili sa aking sulat. Lubos akong nakakagalak at napaunlakan mo ang aking munting problema sa iyong napakalakas na programa. (MMK? LOL)

    Congratulations talaga sa narating mo. Sana nga at makapunta kang Norway, alam kong tumigas din talaga ang toot mo sa mga descriptions ni RonRonTuron.😀

    Maraming salamat sa mga nagbahagi ng kanilang hinuha sa problemang ito. Mahalaga ang mga napulot ko.

    Sobrang sumasangayon ako na dapat dalawa kaming involved sa sitwasyon na ito. Dapat level kami ng wavelength.
    Hindi lang ako dapat ang namomoblema sa umpisa pa lamang.

    I will take into accounts all the advice that I read from madmacarta. Pero tao lang ako at tao lang din sya. Magkakamali kami at pag lahat ng formula would not work, ang mahalaga siguro ay ang attitude ko towards this. Kung paano ko itatake ang isang failed relationship.

    Okay lang pala na ijudge nyo ako na madaling bibigay, pero I think napagdaanan ko na LAHAT!!! (when i say lahat, lahat ng kalandian na maiisip mo nagawa ko na nung bata pa ko LOLOL so hindi ako repressed kaya wala na kong tendency na masabik at magwala) at ang priority ko talaga ngayon isang tahimik na relasyon – happy happy lang. Tapos magipon at makabuo ng magandang buhay. Kung sasama sya sa pangarap ko fine, pero hindi ako yung tipo na ipipilit ang sarili.

    Ayun lang, madami akong napupulot na ideas at nababalik ako sa reality. So sana wag kayong magsawang magbigay ng payo.🙂

    Aliw na aliw ako. Sige magbibigay ako ng email ko sayo, anonymousGirl.
    Yung mga successful ang stories sa LDR, I wanna know pa yung mga pagsubok na nadaanan nyo.. more specific kumbaga bago sya matatawag na success.

    Salamat muli sa oportunidad na maibahagi ang kwento ko, Madma. Mabuhay ka!

    • Saskatgirl! Madami akong masasabi! Hahaha! Share ko experiences namin and hardships. Wow lang close na tayo ha! Hehehe! Nakakaya naman namin lahat at masaya kami most of the time. Ang lagi nga sakin sabi ng boyfriend ko, ‘we both know what we have in each other and we’re not gonna let it go just like that’ oh ha!

      Kaya yan! Positivity talaga and commitment.🙂

    • SASKATGIRL in the house!!! Pasabog yung sumagot ka talaga ha. Love it!🙂

      Masaya kameng makapagbigay ng payo sa issue mo. Pasabog din talaga ang sharing nga mga fans so i think ang dami mo ng nakuhang pointers. Ang masasabi ko lang ay GOOD LUCK. Nawa ay piliin n’yong ipaglaban ang inyong relationship kahit anong mangyari. Sana ay piliin n’yong manatili sa piling ng isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok. After all, everthing is a matter of CHOICE. Mahal ka namin, Saskatgirl. Salamat sa at ipinagkatiwala mo ang storya mo sa YTM at hindi sa MMK. haha Level din ha. haha❤

  15. Walang imposible kaya naman kung gusto talaga ninyong i-pursue iyan ay i-go na.

    basta kwento lang ninyo sa isa’t-isa ang nararamdaman ninyo ay days go by na magkahiwalay kayo para updated kayo always. At kung nagpa-plano kayong manjowa ng iba habang the other is away, ikwento rin ninyo ang plano ninyo para mahadlangan na ang pagkasira ninyo umpisa pa lang.

  16. Okay okay.. magbibigay ako ng advice. Hindi ko din mapigilan.

    Hi Saskatgirl, girl ka ba talaga? Mahilig ka ba sa Cat? Pupunta ka ba sa Hmm. Kapag ginoogle ko ang salitang SASKA – ito yung lumabas e South African Shotokan Karate Academy. LOL.

    Anyway, alam mo bang ang LDR mas passionate pa yan sa kahit ano pang ibang relationship sa mundo? E kasi human nature naman yung mas masabik sa mga bagay na hindi natin talaga normal na kayang makuha. Madami kasing imagination involve.. like hmm sige cybersex and puro exchanges of words– all but romantic literature.

    Pero syempre madaming nagfafail kasi konti lang talaga ang imaginative achaka ayun hindi parehas ang expectations. First of all, saskat iestablish nyong magjowa na nasa LDR kayo at dapat walang infidelity. Pero asa sa inyo pa din yun. Kailangan nyo lang magestablish ng ground rules:

    May 3 pinaka basic na dapat tanungin sa isa’t isa pag papasok sa LDR:

    1. Magiging faithful ba kayo sa isa’t isa? – dapat maging tapat,at pagusapan to hindi pwedeng, eh syempre dapat. NO, dapat derechahan

    2. Allowed ba kayo makipagsex sa iba pero would remain faithful?

    3. Yung separation nyo ba e mapupunta sa pagexplore ng ibang relationship options?

    Hindi pwedeng walang magbabago sa inyong dalawa. Tama si Madma in 4 years yung biik, baboy na. yung elementary graduate, malapit na magkolehiyo. “Indenial stage ang walang magbabago ha.” At hindi magiging maayos ang buhay.

    Ang pinakakey dapat ang expectations nyo sa isa’t isa realistic. Know your partner now and know yourself. saskatgirl. LDR na nakabase lamang sa mga mababangong pangako sa isa’t isa ay hindi magwowork. Kapag naging realistic kayo, this will spare you the feelings of betrayal, suspicion and jealousy na nakakabaliw. Less expectations, less worries, better life. BAKA magwork pa LDR nyo. Nasa sainyo pa din.

    Sana nakatulong ako sayo SASKATGIRL.

    Isang malaking LOL.

    • WAHAHAHAHA! Ito muna ang gusto kong sabihin, Jill. hahaha Kakaloka kang palaka ka. Papagamot na kita sa Psychologist. Wait, ‘di ba Psychologist ka? Grabe yung magpapa-consult ang isang Psychologist sa isang Psychologist! wahaha

      To Saskatgirl, GOOD LUCK! Sana hindi ka mangati. Kahit medyo duda ako sa fidelity mo, ipipilit ko pa ring “maniwala” sa powers mo. hahaha Mahal ka namin, Saskatgirl.😉

  17. With havin so much written content do you ever run into
    any issues of plagorism or copyright violation?

    My site has a lot of completely unique content I’ve either written myself or outsourced but it appears a lot of it is popping it up all over the internet without my authorization. Do you know any techniques to help prevent content from being stolen? I’d genuinely appreciate
    it.

    • Hello WSO Downloads.🙂 To be honest, I don’t have any “techniques” in terms of tracking those websites or people that use the content of my blog without my persmission. I’m not that expert when it comes to the technically side of blogging. I just write my entries and post them here. That’s all I have been doing. Personally, I don’t mind if someone is using a portion of my article as their FB or Twitter status. After all, my goal for blogging is to reach out to as may people as possible.🙂

      Perhaps you can add a watermark to the photos you upload in your site for better protection. People will usually have second thoughts about copying an image if they see a watermark to a photo. I don’t usually grab photos that has watermark to avoid any copyright violation. You may want to consider this option.

      As to the prevention of content from being stolen, well, I think I will leave it up to the expert on copyright violation on the internet. With the digital age, it’s really difficult to prevent the content of your site from circulating on the internet.

      By the way, what’s your site address? I would like to visit it!🙂

  18. Kaya yan wag ka lng mag isip ng nega te ! hehe ako nsa LDR din ako 2yrs and 4months until now, ni di ko alam kung kailan sya uuwi ng pinas, wlang kasiguraduhan ang tangi lamang naming pinanghahawakan ay ang mga pangako namin sa isat isa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s