The Top 7 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

10 na ang natanggal…

7 na lang ang natira…

Sa HIGH FASHION round, sino kaya ang bibida?

Welcome sa Yours truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ngAdbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Live na live ang posting ko from Singapore! Shout ouch naman sa akin at sa mga high school barkada ko a.k.a. PEERS! I love you all. Very successful ang first day natin. Gastos pa tayo, guys!🙂 Sorry naman at medyo late ang post ko ngayon. WOW. Medyo ba ito?!🙂 Eh kasi naman nasa galaan ako. Alam n’yo na, may kaya. Kayo ba?! Char.:) Whole day din akong nasa Universal Studios. Kapagod. At KALOKA! Nakaka-sosyal ang Singapore, guys! Punta naman kayo dito. Huwag kayong pakupota! WOW! Ang yabang din ha.🙂 Anyway, tsaka na natin pagusapan ang Singapore-Malaysia trip ko. Abangan n’yo na lang ang pasalubong ko sa inyo.

Moving forward, 7 models na lang ang natitira! Sila na lang ang matitibay na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, talaga namang naging nakapa-kontrobersyal ng pagkakawala ni Nessa sa YTMNTM! Daming naulol! Hiyang-hiya ang mga aso. Hindi kinaya ng lahat ang shocking na resulta ng last Elimination Night. Ako man ay naloka din. Haaay. Talagang mami-miss ka namin, Nessa.😦 By the way, si Nessa ang pang-sampu na natanggal sa patok na patok na YTMNTM. Salamat sa pagiging bahagi ng show na ito, Nessa. Salamat sa pinakita mong husay, galing at tapang sa bawat round. Ipagpatuloy mo ang napakagandang adbokasya mo.We wish you all the best!

Panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 7 finalists today. Susubukan natin ang kanilang galing sa pagmo-model ng kanilang HIGH FASHION Shot. TAAS! Ito na talaga ang ultimate test ng kanilang husay pagdating sa pagmo-model!

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating Celebrity Judge for this week na si Ms. Millie Morales. Shout ouch naman sa napakaganda nating Celebrity Judge for this round!

Si Ms. Millie Morales ay isang kilalang fashion and beauty expert. She is an alumna of Macquillage Professional by Make-up Forever. Kilala rin siya sa lupit at tindi ng kanyang mga reviews and critiques on fashion and beauty. PASABOG talaga! Bisitahin n’yo na lang ang hit na hit na blog n’ya para makita n’yo kung gaano kabangis si Ms. Morales: http://milliemorales.blogspot.com/

______________________________

The ratio of judging is divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa August 7 (Tuesday) at 11:00 p.m. Tapos sa August 8 (Wednesday) ang ating ika-anim na Elimination Day! Isang model na naman ang ating tatangalin sa Wednesday.

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 7 Finalists ng YTM’s Next Top Model!

_________________________

Jetti, 28, Quezon City

“Ang daming problema ng Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang uunahin!

Kung ako ang presidente, ang aking magiging prayoridad ay ang puksain o bawasan ang kahirapan. Ang hirap nito. Kung masusi nating titignan, ang kahirapan ay manipestasyon lamang ng mga problema tulad ng kawalan ng trabaho at lupa, mababang pasweldo, kakulangan ng pabahay, kakulangan ng pagpaplano sa pamilya at pagtaas ng kundisyon ng kagutuman.  Sa malaking konteksto, nakatali pa rin ang Pilipinas sa mga polisiya na naglalagay sa bansa sa isang dehadong posisyon.

Sa aking termino bilang presidente, gagawa ako ng plano upang mabigay ang mga pangunahing pangagailangan ng mga mamayan batay sa mga iba pang problemang nabanggit. Bahagi nito ang pagsasagawa ng polisiya na tunay na “pang-mamamayan” at naka-sentro sa batayang sektor. Kung hindi ito maisakatuparan, bababa ako bilang presidente ng republika at magtatayo ng panibagong tipo ng gobyerno na mas makakasagot sa mga pangagailangang ito.

Serve The People.”

_________________________

Coco, 24, Quezon City

“Kung ako ang magiging presidente ng Pilipinas, uunahin kong bigyang-diin ang problema natin sa populasyon. Naniniwala akong ito ang ugat ng lahat ng problemang nararanasan natin kabilang na ang kawalan ng trabaho, kakulangan ng espasyo at kahirapan. Habang dumarami ang tao ay dumarami ang utak na nag-iisip, bibig na nagbibigay opinyon, sikmurang kumakalam at kamaong kumakapit sa patalim. Malawakan man ang kailangang protokol dito, malulutas natin ito. Pagiibayuhin natin ang sex education, kampanya sa pagpaplano ng pamilya at iba pa.”

______________________


Angelica, 24, Laguna

_______________________

Paris, 24, Quezon City

“If I become the president, the first issue I will resolve is the budget for social services, focusing on more budget for education. As per the UN, the country should allocate 6% of its GDP for education. But in the country, its way below that. I want to country to be like Cuba where there is free access to basic social services especially education. 
Many of our brilliant and bright minds aren’t able to continue college due to inability to pay for tuition. The youth, I believe, have the potential to become more productive and better citizens of the country if properly equipped with knowledge they can get from a nationalistic, mass-oriented and scientific system of education.

As the song goes, ‘I believe that the children are our future. Teach them well and let them lead the way.”

______________________

Jeff,22, Malabon

“I’d quickly address the Philippines’ slow progression in the field of Science and Technology. I’d focus on building internationally competitive research institutes and laboratories to tackle the becoming increasingly important call for our country’s technological advancement.Everything else will follow, I believe. We can generate funds and resources from these that can be allocated to address other main issues.”

___________________________

Keempee, 20, Tarlac

____________________________

Flip, 27, Mandaluyong

“Iniisip ko na isolve ang problema sa edukasyon pero nakikita ko na
kelangan munang ayusin ang hudikatura at lehistaturang sangay ng
pamahalaan. After all sa dalawang to nakasalalay kung paano tatakbo
ang mga bagay bagay kaya naman sadly dito din naguugat ang corruption.
Dami namang problems pwede bang maging good citizen na muna tayong
lahat?”

_______________________

At sila na nga ang ating Top 7 Finalists!!! Ang bongga ng HIGH FASHION round!!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 6!

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

(Note: Si Angelica at Keempee ay walang pinasang write-up.)

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya(Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

P.P.S. Super thank you sa aking photographer na si Mr. Jayson Cruz. Siya ang kumuha ng photo ko sa taas! Aminin, n’yo ang TAAS! Pang-High Fashion din.😉 Thanks, Jayson.😉 I love you.

88 thoughts on “The Top 7 Finalists of YTM’s Next Top Model

  1. diyos ko, matangga; na ang dapat matanggal, pero parang hindi si coco ito. other than sa friends niya, i believe, coco is not the weakest in this bunch.

  2. WOW after WOW after WOW.
    Shet ang bongga ng High Fashion Week! Hindi ko kinaya!
    Here’s my top four:

    Jetti – I am in awe. You always make me proud, friend.🙂
    Angelica – You are soooo back! PA.NA.LO. Baw.😀 10 Sael Stars! WOW.
    Jeff – Clap, clap, clap din. Ramdam ang “lakas” sa picture.🙂
    Flip – Lady Gaga ba ang peg mo?

  3. to be fair. masasabing humigh-fashion din talaga ang mga contestants. although medyo weakest si flip for me.
    si coco, may something kulang. parang awkward in a not-so-fashion way.
    si angelica, vintage fashion. what could she be selling here? pwedeng ad ng silverworks… only for pearls
    jeff is selling the jeans. or a fab hair product.
    keempee is selling the shades very well. medyo bias ako dito but i see this pic as an sunglasss ad sa isang medyo grungy-edgy mag.
    paris’s entry appeals to me as a fragrance ad with its own quirk.
    jetti is an editorial for swimwear. she’s consistent. and for the second week in a row, yung cheekbones nya ang nangungusap ng todo sa akin.🙂

    all the best sa lahat.

    …and nakakapanibagong wala si Nessa sa itaas. =s

  4. Kudos thru you, Madma! Alam kong di madaling mag-blog habang nasa bongga at sosyal na out-of-these-countries na bakasyon! Ang best mo din talaga and not to mention, dedicated… Palakpakan nyo naman si Mother Madma.

    In all fair, nararamdaman kong konti na lang, as in dalawa na lang ang matanggal, sobrang mauulol na tayo sa labanan! Come that point, it could be anyone’s game na. Anyway,

    TAAS nila:
    Jetti – strong. Fierce. Consistent.
    Angelica – walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Lady Gaga sa vid nya ng paparazzi.
    Flip – A for effort; love the styling. Gusto ko yung vest mo, I’d wear that!

    SAKTO Lang sina:
    Jeff – ang strength ng entry mong ito ay nasa muka. I love the expression in your eyes. Yung pose, too dancer-y. At naabala ako sa pagkakupot ng mga daliri sa paa.
    Coco – wuw! Best photo mo to so far. As in, parang lumalaban ka na. Di pa rin best pero way better than all ur previous photos lalo na compared to pambahay entry mo! Dyos ko, wag mo ng uulitin yon!
    Paris – keri ko na. May drama ang surrounding mo, ngunit di namin makita ang mata at leeg, which are crucial alam mo yan. Pero gusto ko ang pag-project mo dito. Naabala lang ako ng slight sa crotch area. Hahaha

    KEMPEE – seriously?

    Yun lang. Wish Miss Nessa is still around. Kept thinking what she’ll bring to this particular table! Oh well, sana we still hear from her. Kung hindi, mamimiss ko ang vibrance ng mga reply nya sa fans!

    Please vote for ur faves para di sila maligwak…

  5. Hello Madma,

    Lovely to be here, dahling, and so excited to be part of the borgeoning success of your blog. This week’s theme is, to say the least, right up my alley.

    Let me share my thoughts on my favorite “model”

    Jetti – Fashion, dahling! You have managed to pull off this asymmetrical maillot rather superbly! It takes an amazing body to pull of this unforgiving fabric. It would’ve been a Vogue-worthy picture if not for the utterly weak position of your right arm. You still have my vote, my dear. Call me if you’re ever in New York. Cosmos are in order.

  6. 2x na akong bumuboto for jeff.. asteeg ng porma at eyes nya sa photo nya this week. lampake kung di pala masasabing high fashion ang photo nya, wala akong alam don e.. basta his pictured my attention kaagad. =)

  7. woaaaah grabeee.. This is officially the start of the show I must say. And here are my top picks:
    1. Paris- Ads catalog
    2. Jetti- modelling catalog
    3. Jeff- jeans ad
    4. Coco- Bag ad
    5. Angelica- vintage
    6. Flip- not sure, shirt?
    7. Kempee- poster

    • Wahaha. Salamat naman sa comment mo. Btw, ang taas ng ratings ng round na ito ha. haha Daming fan votes na pumapasok! Abangan mo ang mga pasabog sa susunod na mga round.🙂

  8. Strongest sina Jeff at Jetti, very minimalist na walang mga kung anong sabit sabit or crazy background pero anlakas ng dating, pero dahil nakukuha ako sa hubad hubad at titig titig, I give this round to Jeff, aha.

    Jetti, best as always pero ayusin mo tuck mo next time, ahaha, peace tayo.

    Welcome back Angelica, classic talaga yung beauty mo, I like the maruja peg. Sya bubuo ng top 3 ko.

    Asa middle ground si Coco for me, I find his pic more interesting than Paris’s. Problem with PARis is yung damit yung nagdala nung photo imo.

    Bottom two ko si Flip at Keempee.

    Parang joke time kasi yung dalawang circle sa ulo ni Flip, sorta gets ko concept kaso lost sa execution.

    Yung kay Keempee naman, ang masasabi ko lang eh, ANTO!?

    • Joe-king! Tawa ako nang tawa sa pasabog mong comment! hahaha Ang harad mo kay Keempee. wahaha. Agree ako na malakas si Jeff and Jetti. Kitang-kita naman sa RATCHADA nilang fan votes. ang intense ng round na ito. GRABE! Taas ng ratings kahit di ako masyadong tutok kasi nga nasa tour ako. hahaha LOVE IT!❤

      • Mas magiging Harsh na talaga ang mga fans ngayon, lalo nat 7 na lang sila, nowhere to hide ika nga, kaya the modelstants should really bring their A game everytime. Bilib din ako sa pag oversee mo rito kahit overseas ka, kala ko magkakahiatus, kasi nga nag SG ka, goodjob on that Madma.

      • Agree! Ang tindi na nga ng labanan! Hook na hook ako kahit nasa overseas! haha Salamat naman sa pag-appreacite sa efforts ni Madma. Hands-on Mom din talaga ang peg ko. haha I love YTMNTM. Makakaasa kang hindi magaganap ang hiatus na kinatatakot mo. Madma is on top of everything. Thanks again, Joe-King!❤

  9. Abiso: MAHABA TO!

    eto ang kauna-unahan kong pagkomento sa patimpalak na ito. bago ko ihayag ang aking saloobin para sa edisyon na ito, naisip ko na nararapat lamang na idefine muna ang salitang “high fashion”:

    Ayon kay Lauren Bull (2010, http://www.wetpaint.com/americas-next-top-model/articles/what-is-high-fashion), ang “high fashion” ay salitang nagdedescribe sa “fashion” na “trend-setting, unique, and exclusive.” Ito ay sinasabing ibang term para sa “haute couture” (http://www.thefreedictionary.com/high+fashion) Ngunit, binanggit ni Bull na ayon kay Tyra Banks sa palabas na ANTM “high fashion doesn’t have to refer what the model is wearing.”

    Sa nasabing palabas, pinapakitang “kicking one leg in the air while looking forlorn can be far more eye-catching…and editorial.” Kumpara sa “commercial” kung saan “safe or familiar” ang hitsura ng mga modelo/litrato. Para kay Bull, “we’d also argue that high fashion often has much more to do with environment than expense or quality.” Dagdag niya, “Sometimes in this big ol’ fashion world, low and high are just synonyms for easy and difficult.”

    Mula dito, masasabi ko na hindi lamang ang mga damit ang kailangang punahin sa mga kalahok. Kailangan ding tingnan kung paano “dinala” ang kanilang mga kasuotan, lugar ng kanilang paligid (setting), at kabuuang kalidad ng kanilang litrato.🙂

    KEMPEE: base sa mga nauna kong pahayag, hindi ko ito macoconsider na highfashion. para sa akin, ito ay mas commercial. walang difficulty sa litrato na ito. walang exclusivity sa kasuotan at hindi mataas ang kalidad ng kabuuang litrato (ang background at iba pang bagay sa paligid ay hindi nakatulong sa hinihinging highfashion). at dahil dito, para sa akin, ang entry mo ang pinakamahina. Sa tingin ko, kung ang litrato mo ay nakazoom lang sa mukha mo, nagpakita ka ng malaking expression (maaaring gulat, galit, etc), at nagkaroon ng magandang texture ang iyong litrato sa pamamagitan ng post editing, papasok ito sa highfashion category.

    COCO: may attempt ang ipinadala mong litrato. ang pagtangkang pagbali sa leeg at paglagay ng kung ano-ano sa paligid at katawan mo ay magandang senyales na ginagagap mo ang tema para sa round na ito. ngunit sa palagay ko hindi naachieve ang konsepto. at sa tingin ko, sa mundo ng modeling, kapag nakitang failed ang attempt mo, macoconsider na failed ang kabuuang litrato mo at pag nangyare ito, on the spot ay sisigawan ka ng creative director mo. haha Naging maganda siguro ang litrato na ito, sa aking palagay, kung nakablack jeans ka na lang, same posing or mas matigas then black and white na photo na maaaring may spot light ka lang na sinusundan.

    mag-cupcake muna tayo. tara! :))

    • WOOOOH!!! Hello naman, Mark! Grabe yung pasabog ang comment mo ha! Na-touch naman ako at may time ka pa rin for YTM kahit na busy ka sa thesis mo! Sniff. Arte! hahaha

      Salamat sa mga information mo about high fashion! I LOVE IT! At least mare-remind ang mga fans sa do’s and dont’s. Parang ang init ng ulo mo kay Coco at Keempee? Tama ba? hahaha Issue naman d’yan! hahaha

      Sige, mag-cupcake tayo pagbalik ko! Bonding naman! Miss you, Mark.❤

      • haha kaya nga naparesearch ako kasi into it ako sa thesis e. nadamay ko tuloy to. hahaha sana iconsider ng mga hurado ang mga ito and show their votes please. hahaha see you soon! pasalubong ha?

    • I think may sariling definition si Madma ng High fashion. Wag tayong bumatay kay Tyra. It’s subjective parin. Anyone can define high fashion in their own way. Hindi si Tyra ang Dyos. Si madma ang dyos.

      • True! Bawat isa naman ay may sarisariling definition sa mga bagaybagay. But since sa tingin ko galing ang konsepto ng YTMNTM sa ANTM, may factor ang meaning ni Tyra ng highfashion. Pero maganda din marinig kung ano nga ba talaga ang highfashion dito sa YTM (from marvin and sa judges)😉 pero sa iyo ba, ano definition ng highfashion? Mali ba si tyra para sa iyo, singlecent?

      • Iba-iba talaga ang definition ng bawat tao sa “high fashion.” May mga definition sa internet, books at mga experts pero at the end of the day, iba-iba opa rin. Gaya nga ng sabi ko sa una pa lang, ayokong ikahon ang mga tao sa isang definition. Malaki ang tiwala ko sa mga audience at judges ng YTMNTM. Alam kong matatalino ang mga tao dito so hindi ko kailangang i-define ang lahat ng bagay gaya ng ginagawa sa isang classroom. Tandaan natin, the judging of this show is comprised of 50% fan votes and 50% judges’ vote. Magkasing-powerful lang ang fans and judges. Irespeto natin ang desisyon ng mga judges gaya ng pagrespeto nila sa boto ng mga fans. Modelling is a subjective field. Ang isang larawan ay pwedeng maganda sa iyo pero hindi sa iba. The keyword is “respect.” Salamat.😉

      • Una sa lahat…hindi Dyos si Tyra…DIYOSA siya! Ano ba?!
        I mean, pasintabi kay Madma a (sorry Madma).. Kung si madma ang dyos, compared naman sa modelling experience and exposure, sino kaya sa INYO ang may credentials para mag”DEFINE” ng high fashion? Subjective siya, pero at the rate you’re going at, ang lakas maka-tanga at init ng ulo ang sinasabi mo.. Kung maliitin mo si Tyra grabe ka! Oo, affected ako..

        Kung may ibang definition si madma, hindi siya mag-a-agree at sasabihin ito, I quote:

        “Salamat sa mga information mo about high fashion! I LOVE IT! At least mare-remind ang mga fans sa do’s and dont’s.”

        It’s not subjective pag dating sa mga ganung requirements. Yung quality ng requirements na yun ang subjective.
        Kumukulo dugo ko! -__-
        Pwes, kung may sarili kang definition and requirements ng High Fashion, post it immediately and let’s see.

        Okay. Tama na. Nang-aaway na ako ng seryoso.
        Bye.

        -J

        PS: Love you madma.. Lamoyan!
        PPS: If may “sarili” kang definition ng high fashion na labas sa definition ng ANTM or kay Tyra, i-spluk mo na yan.. check natin..

      • WOW! Pati fans blub ni Tyra Banks ay activa na rin dito! woooh! Shout ouch naman!🙂

        Chill ka lang, J. Ang puso mo! hahaha

        Tama ka, Diyosa si Tyra at Diva lang si Madma. So magkaiba talaga. hahaha Taas na ni Ma’am Tyra. Alam natin ‘yan.🙂 At the end of the day, YMTNTM respects the opinion of the fans. Wala akong strict definition and requirements as to kung ano ba dapat. Sa comment ko na “Salamat sa mga information mo about high fashion! I LOVE IT! At least mare-remind ang mga fans sa do’s and dont’s.” Ang gusto ko lang sabihin ay napaka-insightful ng comment ni MarkGanda at napakarami n’yang pointers na binigay na makakatulong ng malaki sa ating mga models sa mga susunod na laban.

        Chill lang and enjoy. After all, 50/50 naman ang hatian ng judges and fans sa nagiging resulta for each round.

        I love you, J. Salamat sa comment.❤

  10. Nagustuhan ko tong round na to!!! Ang pasabog din ng mga contestants ah…. here’s my comments accrdng to my choices:

    1. Jeff: Pwede ka bang murahing, tangena napanganga ako sa entry mo. Super Pro level. grabehhh! Krass na kita. Charothhh!!!! haha. Seriously, I can see this ad sa mga magazines.

    2. Jetti. Pasabog din to ah. hilig mong mag reveal ng balat teh. Laveet. Very high fashion din. and magazine-sellable. ahahaha,

    3. Angelica. I love the mystery of the pic. Pwedeng pang cover ng album. Congrats dear, ur back in the game!

    4. Flip. Maganda ang imaginative concept nito. High fashion mickey mouse si koya!

    5. Paris. Ok lang. Lebel. pero di rin ganoon ka strong. Beach pic na nomonnn?! wala nang iba?! kasawa din eh. tsaka lumiit yung torso please. or i say ang ikli tignan. Bakat titi din. di nakatulong yung pag hukot.😦

    6. Coco. Awwww. vat ganire….. mejo di ko nagustuhan yung pag tingala. sana hindi na lang tumingala. the concept is nice. mejo commercial yung damit and set. Yung pose yung mejo tinry humigh fashion pero di gaanong na achieve.😦

    7. Keempee. ilaglag na to. di binigay ang best.NOthing high fashion in any sense. me maipasa lang. i dont buy it. laging joketime yung entries. more of facebook fun pic.

    • Hello, Ron! Live na live rin ang comment ko from Singapore! hahaha Super busy ng itinerary namin. GRABE! Mahihiya si PNoy sa pagkatodo! Ang taray ng comments mo ha! Nawawala ang antok ko. Ang lakas ni Jeff sa round na ito! GRABE!!! haha

  11. Pagpapatuloy:

    ANGELICA: sa unang tingin, napakalakas ng dating ng iyong entry dahilan sa post-editing at kabuuang konsepto nito pero para sa akin, kung titingnang mabuti hindi ito macoconsider na highfashion: kung babalikan ang definition ng salitang highfashion, kulang sa difficulty at walang kakaiba sa litrato na ito. para sa akin, ito ay mas commercial. dagdag pa, patay ang iyong mga mata at kulang sa expression ang litrato. Sa tingin ko, mas highfashion ito kung hindi malinis ang iyong make-up, mas nangungsap ang iyong mga mata (o ikaw bilang modelo) at mas grudgy ang feel ng litrato or mas dramatic pa. I understand na galing din ito sa iisang rolyo (ng film) na nagamit mo na nung unang round. rignt?

    FLIP: i love the concept pero sa palagay ko kulang pa. ngunit sa tingin ko, mas effective kung ang ginamit mo ay yung imahe na nasa kanan, yung nakatingin ka sa camera. mas highfashion, mas may emosyon, mas maganda yun para sa akin. sa ngayon kasi, ang nakikita ko ay dinadala ka nung mga tapes (the tapes were wearing you) na sa tingin ko ay dapat hindi mo hinayaan bilang isalang modelo. But the post editing, wardrobe ay very avant-garde na isa sa mga nakapailalim sa umbrella term na high-fashion (avant-garde, high-end fashion at couture)

    At ang aking high three (in no particular order):

    PARIS: Maganda ang damit, maganda ang ilaw ngunit kulang sa couture. kung siguro mas lumiyad ka pa at ngumanga, this would be perfect! but nobodys perfect. and BTW, be careful sa placement ng mga kamay. parang betlog na sobrang baba yung nasa babang part ng damit mo. hahaha

    JEFF: ang lakas mo! nabuhat mo sarili mo. haha ang ganda ng kabuuan ng litrato mo. talagang nangungusap ang mga mata mo at ang buhok mo, ang galing! hindi ako sigurado sa toes mo, okay ba yan o mas okay na nakatip lang. pero baka mas pang feminine yun. di ko alam. haha pero siguro kung mas tight ang jeans mo talagang lalabas na ito sa magazine.

    JET: eto, lalabas ito sa magazine o lumabas na? haha ganda ng buhok mo at ang swimsuit! talaga namodel mo. mapapabili ako ng swimsuit dahil sa litrato mo. gusto ko tuloy magswim kahit na umuulan dahil sa iyo. kaya pag nagkasakit ako, ikaw may kasalanan. haha Your left hand (right pag nakatingin ako sa image) is incredible! but your left (right pag ako nakatingin) is not so good placement for me. nasakto siya sa gusot part ng swimsuit mo. para ka tuloy nagayos ng cameltoe. but aside that, this is really highfashion for me!!!

    Thats all.

    • *Clap, clap, clap! Love your comment, MarkGanda! Malaman. Hiyang-hiya ang tuna. hahaha Salamat naman sa pagpapahayag ng iyong pasabog na puna sa ating mga models. I’m sure, marami silang makukuha sa mga sinabi mo! Good job!❤

  12. Pahabol ko for Flip, sana naglagay ka ng medyo severe or eccentric make-up para napanindigan yung crazy structures around you, lalo na yung circles sa ulo, haha, ayokong tantanan yung circles, pero yun yung kulang for this great concept sana

  13. Before I forget, I believe kailangan na ding punahin ang mga pinapakita mong litrato Madma. Hindi purkit sikat ka na ay makaliligtas ka sa mga komento KO. bwahahahahaha

    Una sa lahat, nakabase pa ang mga ipinapakita mong larawan sa mga tema na ibinibigay MO kada linggo? if so, ang litrato mo ba sa itaas ay masasabi mong highfashion? bilang host ng patimpalak na ito, masasabi mo bang pasado sa tema ang litrato mo (or mga litrato mo for that matter)? kung yes, kelangan nating magusap. if no, magusap pa din tayo. hahaha

    Sa tingin ko, kailangang nagbibigay ka ng inspiration at challenge sa mga kalahok sa pamamagitan ng mga competitive na litrato mo. baka palitan ka na ni Kempee sa paghohost, mukhang kaya na niya e. issue naman diyan! hahahaha

    Pagbibigyan kita sa pagkakataon na ito! I’ll be watching you. Bwahahahaypuke.

    Thats all.

    • Hello again, MarkGanda.🙂 Salamat naman sa pagpuna sa aking mga photos.😉 Sinisikap ko rin talagang tapatan ang mg models sa best na kaya ko. Hayaan mo, mas pagbubutihan ko pa sa susunod. Hindi naman lingid sa lahat na hindi ako model. Bale singer, host, actor, diva lang ako so far. (dami rin ha) Konti na lang, model na din. WOW.🙂 I’m getting the hang of it. Just be patient.🙂 hahaha

  14. Hello Madma!

    Thank you so much for having me and thank you for your kind words.🙂

    Nabigla naman ako sa eksena dito sa blog mo… ang galing!
    Maganda ang concept ng contest na to lalo na ang category natin ngayon.

    Talentado lahat ng sumali at alam kong nageffort talaga lahat sila kaya good luck sa lahat! Pero meron akong nagustuhang 3. In no particular order ito:

    Jetti
    Paris
    Angelica

    Jetti- Maganda ang pagkakakuha ng pic mo. Maganda ang porma ng katawan mo. Unpredictable at medyo awkwardly beautiful. I also liked that you were daring enough to show your skin. I’m not sure if your clothes are high fashion but maybe for a swimsuit spread, it could be. Konting accessories at medyo fierce na sapatos pa at pak na ito. Balanse ang elements ng pic at maganda talaga ang angles mo. Good luck girl!

    Paris- This reminds me of Bondi Beach in Sydney. Napakaganda ng vibes ng litratong ito para sakin. May matinding nostalgia ang effect nito sakin kasi ang ganda ng pagkakablue ng background at striking ang white outfit mo. Gaga-esque/Kylie Minogue ang vibe at antaray ng dating. Mejo D&G ang sunglasses mo.Antaray din ng legs mo. Di ko kinaya. Nice. Good luck!!

    Angelica- Gusto ko to. Vintage/burlesque/pin up ang dating. May storya ang pic, consistent ang accessories, make up at mood sa concept mo at very “in” ang mejo 20s flapper that you’re going for. Pwede ko tong makita sa magazine. This reminds me of Grace Coddington’s spread back in September 2007, Vogue sa docu na The September Issue. Yung mejo puting fur sa gilid ang nagdagdag ng luxury sa ensemble mo na nagbigay ng “high fashion” effect, parang white mink fur ang dating. Great job! Good luck!

    Ayun lamang. Pag may oras kayo, bisita naman kayo sa blog namin ng jowa ko, milliemorales.blogspot.com. Mejo bulgar yun. di.

    Kaya niyo yan contestants! Salamat ulit, Madma at more power sa napakabongga mong blog!!
    besosabaykindat.
    x
    Millie

    • Shout ouch naman sa Celebrity Judge natin for this week na si Ms. Millie Morales! Love your comment! Salamat sa pagpapaunlak na maging judge sa contest na ito! Nagbabasa ako ng blog mo. AT PASABOG KA! hahaha Sosyal mo, Ma’am. haha Magkakasundo tayo. WOW. haha Salamat again, Millie. We love you!❤

      Isang malakas na shout ouch para kay Ms. Millie! Wooooh!

  15. Mainet ang week na to. Eto ang comment ko. Simple lang naman. So models, here we go. In order:

    7. Kempee- Medyo maraming nangyayari sa picture. Di ko alam kung san ako titingin. Model? Yes! Sige bigyan natin ng chance. Pero High Fashion? hmmm No.

    6. Flip- Awkward yung pose for me. Mas maganda yung reflection sana. Tapos di bagay sayo yung tapes swirl galore whatever you call it. Macho Machuhan kase at maangas yung itsura mo kaya hindi nagblend yung swirl whatever you call it. Thumbs up yung editing though.

    5. Angelica- Maganda yung tema mo. Vintage, naalala ko si Jennelyn Mercado ng pelikulang “Rosario”. Promise. Sya naisip ko. Misteryoso ang larawan mo pero parang medium fashion lang ang inabot. Hindi humigh fashion.

    4. Paris- Sa malayo, yes, maganda ang kuha. I-zoom natin, may mga awkward parts. Nabakat ata si jun-jun, not sure ha. Ayokong tingnan. haha. Check nyo naman grabe. May pagka disyerto ang una kong gets.

    3. Coco- I think nakabawi ka here. Yung kulay dinala ka. Izoom natin, may itsura ka pala ah, iflaunt mo yan pag nakapasok ka sa next round. Awkward ng onte yung pose pero pag tinitigan mong maige, ay pwede na rin, parang ganun.

    2. Jeff- Yes naman! Jeans model ka here I guess. Maganda ang pic, hot ka naman, eh di sige. Bagay naman.

    1. Jetti- Di ka na rin nag gegeo esguerra photography. Haha. May sponsor na agad? haha. For the rest of the models, hanap din kayo ng photo studio or photographer para maging quality din gaya nito. =)

    • Salamat sa comment, Abract Minded.😉 Naging mainit nga talaga ang high fashion round. Pinainit nito ang malamig na panahon sa Pinas buhat ng matinding ulan. Aliw na aliw ako sa comment mo! Salamat!❤

  16. jetti- looks like she’s totally bringing it… glamorous style..and that body ummm ummm… it feels like she doesn’t even belong on the crappy background… really standing out…5 stars!

    angelica – has a pretty face ans she knows it…smart to use her face as a focal point of the pic… she brings the class to the classic filipina beauty… im not sure about the small mad hater hat though… i think it a bit foreign considering her ensemble… its like she’s reflecting the filipinas trying hard to adapt to colonials…4stars

    paris – contrary to angelica… this one knows what to hide on a pic… minimal, but it has a message to show… im not sure but it reminds me of filipino oversees…like mid east…. its just that the view of the beach confuses me… diba wlang beach dun… im not sure…3stars

    jeff – this pic is hard to capture… very dynamic..and it’s hard to maintain a pose like that… my dancer from gma… (manuev–sumthing) even tried capturinga photo like this …and believe me we failed a couple of times… nice crisp photo quality and lighting too… 4stars

    Keempee – this photo has low quality… a bit blurr… and has no focal point … props are not conceptual and not hard to capture either… it looks like a highschool slogan gone bad… and the guy holding that stick looks like he’s in his undies…. (white tripe on short’s effect) 1 star for me or pwee bang half…

    Flip- mickey mouse or lady gaga / but this is artistic really… i think this photo was thought of rehearsed and artistic…. it shows how the mind dynamically works to make something beautiful and unique 4stars!

    COCO – i marvel at this guy’s perspective… it’s very artistic and the photo is has and edge too.. this is really waht people should look forward into..the filipino concept and the inticing pose really turns me on… in an artistic way taht is… he’s sexy and yet this photo is also well organized an thought of before capturing..good job! 5 stars tottally ROCKS

  17. Before we start the judging, let me clarify some points.

    I no longer need to define what HIGH FASHION is. It is already discussed by MarkGanda in this thread. So refer to his first post (post #15) in this thread for reference. Well said, Mr./Ms./Mrs. MarkGanda. I like your name handle by the way.😀

    I would like to add, however, the question about HIGH FASHION in terms of its subjectivity. Again, as posted before, the degree of difficulty and the trend it sets must be PRESENT in the photo. Those two points MUST BE BOTH present in the photo. Those points aren’t subjected to subjectivity. Subjectivity comes into the picture when we’re judging those two points. Is the pose difficult? Is it trend-setting? Is it new? Beauty isn’t much of a factor here. Edge is.

    If Madma has a different definition or criteria for HIGH FASHION, Madma should’ve given us a heads-up as to what it is. Since there weren’t any announcement regarding this, I assume that this round will be basing its criteria for judging high fashion pictures with MY criteria *LoL*.

    Again:
    1) Degree of difficulty (How hard is the pose? Is it do-able? et. al)
    2) Trend-setting Qualities (How new is it? Has it been done before? Is the pose working?)

    So as much as possible, we prioritize the garments, and editing of the photos the VERY LEAST and focus MAINLY on the model’s pose and expression.

    With that said, let’s start judging:

    JETTI – That fabric you are wearing is very unforgiving and yet you worked it. This is hard stuff girl! Your body is gorgeous, yes! I love the way your left hand floats in midair, your sad face pout, your crazy hair, but I’m not so crazy with your right hand’s placement. The whole feel of the photo din’t actually work for me. It looks like you were on a photoshoot break and you went to a corner and was checking out if someone is looking at you while you are fixing your little front wedgie there. This is not your strongest photo, Jetti. With the bar you’re setting week after week, I kinda expected more of you in this round than this photo. Not your strongest but definitely strong compared to the others in this round, no doubt. Yes, unfair or not, you’re in a lot more pressure now than the other contestants here, because you have to out-do yourself every week.

    COCO – This is one of your face’s angle. I’m glad that you’re practicing! I like the play of colors and prints, I’m just not happy about the pose. Your right foot got awkwardly cropped. Your left shoe’s shoelace got stuck under the bag. It’s an awkward photo. Not awkward good, but more of awkward awkward. I love that you tried but you just didn’t push the envelope enough. Step it up a notch higher next round if you’re still in. Okay? My main concern here. is yes, you are trying now and fighting, but I’m afraid you started doing that, this late in the competition.

    ANGELICA – FIRST OF ALL, NO WRITE-UPS? Hmm. I know it isn’t part of the high fashion criteria I mentioned but this is your SECOND TIME that you didn’t submit any write-ups, Angelica. I’m starting to question your commitment in this. Anyway, with that big minus already, I’d also like to disagree with the other’s comments. THIS IS A PRETTY PICTURE WITH A PRETTY GIRL WEARING PRETTY PEARLS LOOKING AT A PRETTY VINTAGE MIRROR. And that’s it! The CONCEPT is interesting, but the model isn’t. You relied too much on your beauty that your eyes became dead and flat in this shot. I’m not happy with this shot. It’s easily do-able. The concept outshone you. It’s just…pretty.

    PARIS – I love this. And I’m so happy that you’re delivering good shots again. You are wearing the clothes here, honey! And you are working it. You are commanding the clothes! I love the body silhouette, the angles your shoulder and elbow made, your lips, your stance, the way your left hand touched your thigh! It all screams high fashion to me. If there’s something that I wish to change in this photo, that’d be your right hand placement. It looks like your cahoochie the way it places down there. Still, WAY TO GO!

    JEFF – YOU KNOW HOW TO SMIZE, CHILD! Like your mama Tyra. You’ve proven that every single week. Your eyes draw me in to you every time I look at your pictures. This is a hard pose (because I can already name a few people that I know who can’t do this including me). It takes the right amount of body weight to strength ratio to do this kind of pose, so somebody’s healthy and fit here. You showcased your chest, shoulders, and arms here, which are your selling points also. You’re one hot papi, Jeff. What I don’t love about this picture are your toes. They looked cut off. If you could have shown them a little more or changed the way your legs crossed, this could have topped this round. I love that you’re improving exponentially week after week.

    KEEMPEE – AGAIN. NO WRITE-UPS? Your second time with no write-ups? There are texts in the photo you submitted, but that isn’t it, right? Your commitment is questioned, Keempee. Yours and Angelica’s. Anyway, going to your photo, there are so many elements in this photo to look at to the point that it’s confusing. I don’t actually see the high fashion in this photo. It’s more commercial to me. Try to look at magazines and practice in front of a mirror. That’d help you in the next round.

    FLIP – I don’t know where to start. Hmm. The black Lady Gaga tape garment is wearing you. If I edit out that garment in this photo, this photo would just be plain weird. Not in a good way weird. The hand placement, the facial expression…it didn’t add up to me. It didn’t work. The only thing that made sense is the garment. And that is, that the garment was wearing you. If you’re not modelling H2T, it shows in the picture– even if it isn’t a full body picture. You should model H2T in shots like this because it shows in the picture no matter how tight the shot is. That could’ve made a difference.

    SO IN NO PARTICULAR ORDER MY FIRST CALLS ARE:
    – PARIS
    – JEFF
    – JETTI

    BOTTOM TWO:
    – KEEMPEE
    – ANGELICA

    • kaya pala puro edge ung mukha nung mga pinili mo… joke

      -ilalim namn talga ung keempee… other than fashion… man is born to be visual… subconsiously… kahit sabihin mo na tinitingnan mo ung fabric… may kinalaman tlga ung beuty dun … hypocrit

      • Hypocrite is spelled with an “e” at the end, child.

        I said:
        “Beauty isn’t much of a factor here.”

        I did not completely take “beauty” away from judging. Nor did I say that men weren’t born visual. That’d be utterly stupid. I don’t see where the hypocrisy is coming from. Care to explain?

        And yes, they’re edgy. Thank you for noticing.

      • Woooh! Chill lang! hahaha Ang intense naman ng sagutan n’yo. Nahiya hot tea na iniinom ko. hahaha Ang arte nung nagte-tea! haha Love you, Tyra Bangs and Onix Seelerio.❤

    • Bet ko comments mo ateng. Very Tyra lang talaga. Sample pic naman jan. Grabe wag ka namang pakabog mam. haha. For sure may pasabog pic ka ring ipapamalas. Amfezbook mo po? Add kita. Grabe yung ayaw. Hmp! =)

    • *Clap, clap, clap with standing O! This is a fabulous comment! Good job, Tyra Bangs. I miss your juicy and insightful commentary! Love the details and the manner of delivery. Very professional and authoritative! This is crazy!!! Give me that mic! hahaha

      Re: your question on my definition or criteria for HIGH FASHION, I would like to say that I leave it all up to the expertise and knowledge of our prestigious judges. As you may have observed, I am not a fan of posing strict guidelines as to how they should be judging the photos. I just trust their expertise and industry experience which for me are reasonable, fair and acceptable so far.😉

  18. ANG LATEST:

    May ilang tagasubaybay ng YTMNTM na diumano’y nakakaamoy ng isang putaheng niluluto na tila hindi papasa sa panlasa ng karamihan.
    Kanilang kinukuwestiyon kung paano nga ba hindi magiging “bias” si Madma at ang mga hurado sa kanilang mga “kaibigan” na kasali sa patimpalak na ito.

    • I believe wala namang kinalaman si Madma sa botohon. ang intindi ko sa mga unang episodes, walang siyang voting powers. Anyhow, maganda talaga kung ipakikita ng mga hurado ang kanilang boto/scores.🙂

      • Agree! hahaha I have no voting power AT ALL! haha I just a fabulous host of the show. hahaha Kailangan talaga may “fabulous” hahaha

        Noted ‘yang gusto n’yong makita ang scores ng mga judges. hahaha Abangan n’yo ‘yan.😉

    • Hello naman, Nay Cristy! You never fail to make pasabog chismis ha! hahaha Love it!❤

      Madma breaks her silence! Lakas maka-The Buzz! hahaha

      Ito naman ang akin, kung ano man itong "putahe" na tinutukoy mo, makakaasa kang pasabog ito at katanggap-tanggap sa fans.🙂 Abang ka lang. Bigay mo muna ito kay Madma. ;0

      As to my bias, wala akong voting power sa show na ito. Host lang ako. And a fabulous host for that matter. Malaki ang tiwala ko sa mga judges. Naniniwala ako sa kanilang kakayahan and expertise at alam kong fair sila sa lahat. Lahat naman ng tao dito sa YTMNTM ay "magkakaibigan" na.😉 Inaanyayahan ko ang lahat na magtiwala sa kakayanan ng ating mga judges. Afater all, 50/50 naman ang hatian ng fans and judges sa result. Powerful lang naman pareho.

      Ang pasabog nitong may mga ganitong chismis. hahaha Salamat naman, Nay Cristy.🙂

  19. Tulad ng iba, naniniwala rin ako na ang High-Fashion photo ay hindi makikita sa damit lamang. Malaking bahagi ang ‘pagdadala’ ng modelo o ang kanyang mismong pag-momodelo. Sa mga kalahok, masasabi ba kayong tunay na modelo sa mga larawang ipinasa ninyo? Modelo na karapat-dapat hangaan at tularan?

    Kagaya ng nasabi ko na, ipauubaya ko na sa ibang hurado at tagapagkomento ang mga technical na aspekto ng pagmomodelo. Pagtutuunan ko ng pansin ang puso at ang kakayahan ng modelo na mangusap sa pamamagitan ng larawan.

    Jetti – As usual, magaling at pamatay nanaman ang larawang ibinahagi mo sa amin. Lagi kang nangunguna sa karerang ito. Patuloy kang pumapangibabaw at nadadaganan ang mga kasama mo, buti sexy ka. Yun nga lang mukhang may iba pang bagay sa pagitan mo at ibang mga kalahok, lumalaki tuloy lamang mo. Ang layo mo na! You’re fierce as ever, ang bagsik! Gusto ko ang paglalahad mo ng istorya sa larawang ito. Yun ang iba sa iyo, you are modeling as if you’re telling a story, hindi basta maka-pose lang . Your picture does paint a thousand words.

    Coco – I told you last week na wag ka nang magpasa ng photo kasi I was certain na ikaw ang dapat matanggal…with that photo na may tauban ng baso. Pero ngayon nagpasa ka ng one of the best photos of yours in the competition. Good, I like that, laban! Still, kung magfo-focus tayo sa competition, mahina ka pa rin kumpara sa iba. Hindi ko pa rin nakikita na mananalo ka rito. I like the effort sa damit at pose, pero para saan? Ano ang sense ng photo? Mukha siyang basta pose para sa akin, if you know what I mean.

    Angelica – The picture looks really familiar, kaya binalikan ko ang unang photo na ipinasa mo. Kaparehas kasi ng ayos mo, at personally ayaw ko ng nag-uulit ng photo, eh di sana yun at yun na lang din di ba? Still, nakita ko ang kaibahan. Mas mukhang nababalot ng istorya ang larawang ito, mas nangungusap, mas nakakaengganyong pagmasdan , siliping maigi at pag-aralan. Isa ka sa malalakas sa kumpetisyong ito, huwag sanang masayang.

    Paris – hmmm..pamatay ang damit at mas nakikita naming na palaban ka talaga sa puntong ito. Pero..hmmm parang nakukulangan pa rin ako. Hindi ko alam kung ako lang, pero dahil sa effort na ipinakita mo, mas mukhang naging high-fashion for me ang pambahay shot mo than this one. It’s cool, as in coolang.

    Jeff – You are giving us great photos at the right points of the competition. Umaariba ka and we looove it! You’re eyes,,,whew! They’re really piercing through, ang strong! And that pose, B-E-S-T!
    Kempee – Okay what’s this? Seriously? Ano ba to mam? Lakas maka-insulto sa entries ng iba. Kung ako si nessa, maaasar ako na ikaw hindi pa natanggal.

    Flip – I appreciate the concept and the effort. But it didn’t occur to me as a high-fashion photo. Looks too contrived, making it weak. Naaintriga ako sa photo sa kanan though, as it could compare better than the main photo, mas mukhang stronger. Ang soft ng dating nung main photo eh, parang hindi bagay, and I don’t get the story you want to convey. But great effort.

    Nessa – Lakas mo, naaalala ka pa rin ng iba at name-miss ka nila sa competition.🙂

    Top three: Jeff, Jetti, Angelica
    Bottom Three: Kempee, Coco, Paris

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s