YTM’s Next Top Model: 6th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 7 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa sixth Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.Welcome back to me! Fresh na fresh from Singapore and Malaysia!😉 OA ang ulan! Nakakaloka. Ingat kayo ha. Sana hindi naman kayo nabaha.

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 7 finalists ang tuluyang magpapaalam. I have to say na pasabog ang High Fashion round! Napakalakas pa rin ng show kahit hindi ako nakatutok nitong mga nakaraang araw kasi nga gumala ako. Salamat sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM. SALAMAT sa lahat ng mga fans and followers. Hindi n’yo rin talaga pinabayaan ang ratings! Love it!

Anyway, alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Sorry naman at medyo late. Sumali pa kasi ako sa Relief Operations sa University of Asia and the Pacific. Shout ouch naman sa lahat ng mga kasama kong volunteers lalo na kay Mr. Rogelio Estacio Jr. Good job, guys!😉 Mag-volunteer din kayo! Tulungan naman natin ang mga kababayan nating nasalanta. Maraming mga organizations ang nangangailangan ng mga matatapang na volunteers! Help and donate naman. GO!

Going back, nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight sa YTMNTM. Hindi ko na ito pagtatagalin pa. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

___________________________

Keempee, 20, Tarlac

____________________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya ang pambato ng Tarlac na si Keempee ay tuluyan nang magpapaalam.  NAKAKALOKA! Napakalakas ni Keempee lagi pero… Anyare?! Nagulat ako!!! Haaay…😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing. Hangad namin ang iyong tagumpay sa anumang landas na iyong tatahakin. Ipagpatuloy mo ang iyong napakagandang adbokasya, Keempee. Mabuhay ka!🙂

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.

________________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 7 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba na naman members ng Powerful 3 ngayon compared to last week! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

_______________________

Jetti, 28, Quezon City

___________________________

Jeff,22, Malabon

___________________________

Angelica, 24, Laguna

___________________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Nabawi na rin talaga ni Jetti ang korona sa No. 1 spot! Woooh!😉 Lakas ni Ma’am sa round na ito. The Queen is sooo back! Congrats, Jetti! Pasabog ka talaga! Walang duda.

Napakusay din ng entry ni Jeff. Fierceness is the key! You really deserved to be in the Powerful 3! Congrats, Jeff. Ibang level ka na. ASTIG!

And of course, congrats din kay Angelica! Welcome back sa Powerful 3! Grabe yung ratchada si Ma’am sa round na ito. Super best ng high fashion/period entry mo! B.E.S.T!😉

Palakpakan din natin ang iba pang models na pasok sa Top 6! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 6 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

___________________________

Flip, 27, Mandaluyong

_________________________________

Paris, 24, Quezon City

___________________________

At gusto ko ring ipakilala ang pinakamahinang model for this round. Naging crucial ang kanyang standing para sa round na ito both sa fans and sa judges pero lusot pa rin. Pasok na pasok pa rin siya sa Top 6 natin at lalaban sa Friday. Laban lang!

Congratulations kina (in order):

___________________________

Coco, 24, Quezon City

___________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 6!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (August 10) ang formal presentation ng Top 6! Ang theme sa Friday ay SEXIEST PHOTO! Pasabog na naman ‘to! Painitan naman natin ang malamig na panahon! Pa-seksihan ang labanan. Kabugan!🙂

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion another ang peg para sa mga models. Ang tanong para sa Top 6 finalists: “How do you define sexy.” Aaay. Pasabog na naman ‘to!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is on Thursday (August 9).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 6!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abang lang kayo!😉

Maraming salamat sa ating pasabog na Celebrity Judge for this week na si Ms. Ms. Millie Morales. Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Ms. Millie.❤

Aminin n’yo, ang taray ni Ms. Millie sa photo na ito! Kung kasali lang s’ya, tiyak na mananalo si Ma’am!🙂 Bisitahin n’yo ang blog ni Ms. Millie. NAKAKALOKA! http://milliemorales.blogspot.com/

Salamat din sa ating mahal na mahal na Resident Judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos.🙂

_______________________

Special thanks to Mr. Rogelio Estacio Jr. sa pag-invite sa akin para mag-volunteer para tumulong sa mga nasalanta nating mga kababayan.🙂 Salamat din sa lahat ng mga students ng University of Asia and the Pacific para sa mainit na pagtanggap sa amin bilang volunteers.  ;) Kailangan pa din nila ng maraming volunteers! Attack na kayo. It’s time to give back and help our kababayans.🙂

Thanks din kay Mr. Robby Benson Torres para sa photo ko for this post.😉

P.P.S. Gusto ko din i-promote ang pasabog video ng dat nating Celebrity Judge na si  Ms. Sonia Pascual! Ito nga pala ang last episode ng kanyang Rexona Confidence project! Panoorin n’yo. Kakatuwa! Congrats naman, Ona.🙂 Belated Happy Birthday din. Sorry naman at late na ito. We love you!🙂

Click this link to watch the video: http://www.youtube.com/watch?v=IQcdBlnKSbE

Stay safe everyone!😉

12 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 6th Elimination Night

  1. Masasabi ring oras na ni Keempee.
    Sa mga sumuporta at nag-vigil mula Tarlac hanggang Kenya, salamat sa inyo.
    Well-deserved lahat ng natira except kay Jetti. Hahaha! Siya pa talaga? :p

    Sa kasalukuyan, nagpupulong ang #TeamKeempee kung sino ang susuportahan. Alam nyong medyo may angking lakas ang fanbase ni Keempee… well, nung first 5 rounds lang. Itong 6th eh talagang tinamad na. haha!

    Daming words.

    Anyway, ingat ingat po tayo sa patuloy na pagbuhos ng ulan at pagtaas ng baha.😀

    • wahaha At tuluyan na ring nalaglag ang manok mo, Jeff. hahaha Na-enjoy naman namin ang stay ng Tarlakenyang si Keempee sa YTMNTM. But I guess, ito na ang end ng line for him sa show na ito. Malakas din talaga si Keempee ha! Matindi ang pinakita n’yang laban! Keempee is lurve!❤

      Natatawa ako at nagpupulong pa ang #TeamKeempee kung sino ang susuportahan! wahahaha lakas maka-GlesiaNi. hahaha Sana naman i-announce ng #TeamKeempee ang magiging desisyon. Excited akong malaman! Malakas ang #TeamKeempee when it comes to voting so malaki ang magagawa nito sa model na mapipili!

      Malapit na tayo sa Grand Finale! Abang lang kayo ng PASABOG! hahahaha

    • Millie! Sana naman makita kita! Grabe, sa blog lang tayo nagkakausap. haha SALAMAT ulit sa pag-judge sa YTMNTM! Hope to see you for real! I think magkakasundo tayo kasi pareho tayong maganda. WOW. hahaha❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s