The Top 6 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

11 na ang natanggal…

6 na lang ang natira…

Sa PA-SEKSIHAN, sino kaya ang bibida?

Welcome ulit sa Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Liva na live na naman ang panibagong round ng YTMNTM! 6 models na lang ang natitira! GRABE!!! Sila na lang ang matitibay na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, nagpaalam na ang pambato ng Tarlac na si Keempee. Nakakalungkot din talaga ang pagkawala n’ya. Napakabata pa n’ya. WOW. :)  Para sa inyong kaalaman, si Keempee ang pang-11th na natanggal sa YTMNTM. Salamat sa pagiging bahagi ng show na ito, Keempee. Salamat sa pinakita mong husay, galing at tapang sa bawat round. Nawa ay ipagpatuloy mo rin ang napakagandang adbokasya mo.We wish you all the best!😉

Moving forward, panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 6 finalists today. Magkakalaman na kung sino ang mangingibabaw sa SEXIEST SHOT round na ito. Masusubukan natin kung sino sa kanila ang makakapagpainit ng ating mga laman at dugo! Lakas maka-porn ‘nun.😉 Exciting ito!!!

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating Celebrity Judge for this week na si Direk Mayk Juat. Shout ouch naman sa hunky Celebrity Judge natin for this round!

____________________________

Si Direk Mayk Juat ay isang batikang film and video director/editor and entrepreneur. He runs his own production house, Keyframe Video, na kung saan siya ang Creative Director. Maliban sa pagiging direktor, Direk Mayk also teaches video production at De La Salle University. Kasalukuyan din siyang nagma-Masters sa Ateneo Graduate School under the Entreprenuership program. Grabe, ang dami n’yang ginagawa tsaka ang dami n’yang pera! Siya na!🙂

Si Direk Mayk ay maaga matulog. Kaya naman, maaga din siya magising. Buti naman! Nakakahiya naman kung maaga na natulog tapos late pa nagising, ‘di ba?! Senorito?!😉 Magaling din siyang sumayaw kaya huwag n’yo siyang simulan. Makinis, banayad at pulido din ang balat n’ya kasi nga mayaman siya. Kayo ba? Anong chura ng balat n’yo?🙂

Adik sa gadgets si Direk Mayk. Mayroon daw siya ng halos lahat ng Apple products. Kaya naman, hindi n’ya napigilang umiyak noong namatay si Steve Jobs. Pa-involve din ha.🙂 Sa katunayan, hindi pa din siya nakaka-get over sa pagkawala ni Mr. Jobs until now. Super fan siya ni Batman kaya naiyak din siya sa Dark Knight Rises. Grabe, ang iyakin ni direk ha. Parang gusto n’ya ding mag-artista.🙂

Lastly, Direk Mayk is a proud owner of a pug, Rocco. Ang cute naman!😉

_______________________________

The ratio of judging is divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa August 14 (Tuesday) at 11:00 p.m. Tapos sa August 15 (Wednesday) ang ating 7th Elimination Day! Isang model na naman ang ating tatangalin sa Wednesday. Malapit na tayo sa Grand Finale!!! Konting kapit na lang!🙂

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 6 Finalists ng YTM’s Next Top Model! RAMPA NA!!!

______________________

Flip, 27, Mandaluyong

“I believe hindi kailangan magbuyangyang ng skin para maging sexy. Being sexy is an attitude (and skill na din).”

____________________________

Paris, 24, Quezon City

“Sexy is confidence.

That’s when you embrace who you really are and you let go of your inhibitions.That’s when you don’t care of what people think about you and just being yourself.You aren’t bothered of how short you are, how big you are, how imperfect you are.When you carry yourself head up high, that’s just sexy!”

_______________________

Jetti, 28, Quezon City

“Sexiness – 40% wit; 30% confidence; 20% humor, and; 10% je ne sais quoi.”

______________________

Coco, 24, Quezon City

“I define being sexy not only as having a perfectly-chiselled figure. For me, it could also be a bass-toned voice for men, eyes that catch and a personality that delivers a strong appeal.”

______________________

Angelica, 24, Laguna

“Being sexy is not about having the hottest body but having the confidence to show all of them that you have the best personality.”

_____________________

Jeff,22, Malabon

“Being sexy is being comfortable with what and who you are. It is that natural spunk, that fresh appeal, and pride that you exude with your body (with or without clothes), and your face (with or without make-up), and your personality. Simply, being sexy is being comfortable with yourself.”

_____________________

At sila na nga ang ating Top 6 Finalists!!! Ang bongga ng SEXIEST PHOTO round!!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 5! GRABE! Malapit na tayo sa Grand Finale! Abangan n’yo ang nakakalokang pasabog sa YTMNTM! Kapit lang kayo!

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

P.P.S. Inaanyayahan ko din kayong mag-volunteer para tumulong sa mga kababayan nating nasalanta ng malakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw!  There will be a volunteer’s orientation tomorrow (August 11), 7:00 am at the #BrigadaKalikasan headquarters located at 26 Matulungin St. Brgy. Central, Quezon City. For details, please contact (02) 9209099, 09236528173 or 09277028230. It’s time to help and give back, fans! GO!😉

Gusto ko din pala i-promote ang napaka-daring at nakakalokang short film ng poging-poging si Mr. Sanriel Chris Ajero! Siya ay dating Celebrity Judge ng YTMNTM! Ang pogi n’ya!!! Aarte pa?! Tamang-tama sa theme ngayon. Papainitin n’ya ang malamig n’yong gabi. WOW! Watch na!😉

BABALA: May mga maseselang eksena. Patnubay ng magulang ay kailangan!

Click this link to watch his DARING video! Bawal mag-climax ha! Kontrol lang! :) http://www.youtube.com/watch?v=E5IlC2TH-K0

Good luck, Sani!🙂

________________________________

Direk Mayk Juat Breaks His Silence

NAKAKALOKA! Ito na ang maanghang at pasabog na critique mula sa ating Celebrity Judge na si Direk Mayk! BASAHIN n’yo, especially ng mga models. Sinadya kong ilagay dito as part of my post kasi may mga pasabog photos siyang sinama na hindi pwede ilagay sa comment box.

So, huwag na nating patagalin! Ito na si Direk Mayk! KAPIT!🙂

______________________________

General comments

Medyo underwhelming yung batch of photos na ito. Dapat nga ito yung exciting part. Parang pictorial to para sa calendar ng CBCP’s sexiest. Na-miss out yung S-E-X-Y.

General comments & suggestions for improvement, research first on what are sexy photos, look at high end magazines on how models pose, Google up famous models in sexy poses. RESEARCH, RESEARCH REASEARCH!

Hindi din naman pwede kung ano yung meaning sa niyo ng sexy, yun na ang susubmit na picture. Kung hindi, kahit ano nalang pwede submit, at yun na nga ang nangyari. Get the general definition & look of sexy then tweak it and make it your own, kung gusto niyo maiba. Hindi naman to Ms. Universe na very wholesome dapat ang sagot at mananalo ka sa question and answer portion. Modeling contest ito, the point is who can transform themselves in that single shot.

Embrace the theme.

Flip – Ang mukha mo ay parang ikaw ang nakakita ng sexy, hindi ikaw yung sexy. Sabi mo na “I believe hindi kailangan magbuyangyang ng skin para maging sexy” While that is true, when a person look at your picture dapat meron kakaiba, may “sex appeal” or kahit kilig/libog/puso pag tinitignan yung picture.

Kung hindi ka comfortable magtanggal ng damit at the least sana form fitting siya or kahit basain mo yung damit, and focus nalang on the face. Then remove the shades, the eyes says so much about sexiness, kahit close up lang ng mukha and a good sincere look of sexiness towards the camera will do, kailangan mo landiin mo ang camera na hindi nagiging malaswa tignan. Wag na mashadong magpa-demure, kulang pa sa confidence. If you are confident that your sexy, better show it through your eyes & your expression.

Paris – Malaking problema dito yung photography feeling ko mali yung place/lighting and angling ng camera, but since modeling contest to, ang pose mo ang cri-critique ko.

Ang unang impression ko sa photo parang nananakot ka, at kung makita kita, at pababa ako ng hagdan, matatakot ako. Bakit? Parang meron kang hinihintay at nakatitig sa kawalan, madilim at luma pa yung building.

Kailangan din tandaan na sexy shoot ito, kailangan landiin ang camera. You are trying to attract the person looking at your picture. The eyes are very powerful in a sexy shot, look at the camera and let your eyes tell the story that you want to be the center of attention.

I see you want to highlight your legs, and I feel na ito yung gusto mo ipakita na sexiest part of you. Good, medyo lumabas yun. Next you need to find the perfect angle where you want to showcase your legs Do not be afraid to extend them, bend them, contort them, show us length, show us curves. Sexy pic ito, hindi Halloween.

Meron ka ng attitude, fierce I can see it in your face, I suggest is learn to connect with the camera, and use the location to your advantage. By using the stairs can help elongate your legs, and the angles/lines of your surroundings can help our eyes direct to where you want us to focus.  Think Sexy. Be Sexy. Ikaw na nag sabi… “let go of your inhibitions.”

Jetti – I appreciate the effort of the picture, but once again this feels it missed out the “sexy” theme. It looks more like a high fashion shoot then a sexy shoot. You say being sexy is 40% – wit. I don’t see the wit in the photo. Make sure what you say in translated in every photograph you model for, hindi lang siya lip service.

Here are my suggestions for improvement, First, the face. Models usually have this spaced out / deadpan / default mode look.  If you want to be a great model, you got to stand out with your definition of sexy, which is wit, confidence, humor, and the indescribable, it factor (personality + passion), then translate it in your expressions. As I’ve said with the other contestants, landiin mo yung camera. Not just stare into it.

Second, sexiness is all about the person, and the aura that they exude. You fill just 15% of the photograph, too much ambiance and props, never nagiging sexy ang halaman at payong unless ginawa mong clothing. Try cropping the picture with from your face until below your chest, it would look much sexier, and remove the necklace, too big, a bit distraction. This would make a huge difference. Highlight your assets.

Although I like the styling that you pulled back your hair, I like seeing the face of the model, especially in sexy shots at hindi naman palagi mukhang bagong gising. Your face has the angle that makes you photogenic; you are much in control of your body. Take advantage of it.

Coco – Ay Coco, let your picture tell the story, hindi na kailangan may text sa photograph to tell kung ano yung story kung bakit ka naging sexy. At di ko din gets yung the man behind chained letters? Eh di maasar na sayo mga tao nun, ikaw pala nag floflood ng Facebook ng kung ano-ano chain letters, share this, share that. Pano naging sexy yun? Ingat lang sa photo editing at pagdadagdag ng quotes. The simpler the better, no need to explain.

I am trying to understand the story in your photograph. Ito yung dating sa akin, you got home from work and slowly undressing for your special someone. You got to titillate your audience with your sexiness, go unbutton like one or two more buttons sa polo, excite your viewers for the next stage, lagyan mo ng libog. Hold with your one hand yung polo slightly open, not necessarily showing too much skin, just enough to keep us interested and excited. It’s too safe, parang nasa 1960’s pa yung era natin. Demure-demure. Understand what is the story you are trying to say, then picture yourself telling that sexy story in a single frame.

Ito nanaman yun “dead pan face” eh. Try to give a slight grin, or a naughty smile. To give sort of a personality to help warm up the picture a little bit. It would make a big difference. This is a sexy pictorial, and if you don’t have the angles of the face or the chiseled body, bumawi sa personality and aura.

Angelica – This comes out to me as a teeny bopper, pretty-cutesy patoosie feel, and we want to move this to cutesy feel to sexiness, a more mature look. Kung baga nasa candy magazine ka, yung hinahanap ay FHM.  First remove the shades or pwede din just slightly tilt it up na parang sumisilip ka to a guy you are checking out. Lessen naman the smile, to give a sexy feel, you want to have that sense of mystery.

The pose makes you very wide, try to tilt your body to a more angular shape so that you can highlight your curves. I would suggest to crop the picture from your head to just above your dress and use the tan lines to your advantage, let the guys imaginations roll. It felt too conservative for me for a sexy shoot.  Seduce the camera.

Jeff – Ikaw lang yung contestant that embraced the theme of sexy. I get the story, parang the morning after yung dating. Even the photography, location and photo editing is good! You have the proper stare and just the right smile to keep your audience wanting to see more. There is the mystery and confidence of sexiness.  You have the look, and the only one who understood the theme, congratulations.

Minor critique nalang. I feel na your trying to flex to highlight your body assets, this makes it look unnaturally tense. Siguro pump up before the shoot, and then relax during the shoot so that you don’t flex during the shoot.  Just be careful with the sexy shots, there is a thin line between sexy, na lumalabas sa tabloids and sexy that is classy na sa high end magazines.

Of course you want to go with the one with the classy look, para hindi mukhang cheap. And you can only achieve that with much practice and educating yourself on how to pose and being comfortable with your self.  (Hindi naman ibig sabihin na comfortable ka sa katawan kahit ano pwede mo na ipakita). Look at great photographs of high-end models then imitate them until you can make them your own. For me, Men’s Health and GQ got the proper classy sexiness to it.

With proper styling, lighting and photographer, you got down the look, congratulations.

Note: I’ve attached peg photo of model poses para mas madali makita ng mga aspiring models what I mean sa critiques. 

________________________________________

104 thoughts on “The Top 6 Finalists of YTM’s Next Top Model

  1. Aminin nating inulet ang picture ni Coco. Ples. Same date ito shinoot as yung last week. Pero men! hot si ate or kuya or whatever. Haha. Parang bet ko sya as powerful 3 this round.

    • Sobra akong nakulangan sa sexy round na ito. Totoo na hindi naman kailangang magpakita ng balat upang maging “sexy”. Subalit nahirapan akong iappreciate ang mga larawan halos ng lahat.

      Si Jeff, para sa akin ang nakapagpakita ng kanyang sexiness gamit ang kanyang alindog.

      Walang kwenta para sa akin ang kay Paris. Hindi sexy ang mukha at leeg nya. Walang dating. TH kumbaga. EKIS. PANGIT.

      Si Jetti naman para sa akin ay ayos lang pero nakulangan ako. Hindi ko nakitang sexy siya sa larawan nya. At di ko nagustuhan ang hindi pantay na kapal ng kilay.

      Maganda ang pagkakakuha ng larawan ni Flip pero naging kulang dahil sa pagkatakip ng kabuuuan ng mata.

      Si Angelica ay sadyang maganda. Sa larawang ito, “pretty” ang mas mailalakip na salita HINDI SEXY.

      Coco. Mali ang pag ulit agad ng larawan. May subok na mang-akit gamit ang mata. Ngunit nakakasagabal ang hindi magandang hugis ng bibig at hulma ng ngipin.

      • Hello naman, Nay Cristy! Kamusta na kayo? Sana hindi naman kayo nabaha!🙂 Salamat muli sa diretso at malaman n’yong kumento. Pasabog talaga kayo as always. Ang dami n’yong insights lagi. Salamat sa patuloy na pagsuporta sa YTMNTM!🙂

      • Salamat naman at di binaha.
        Ang mumunting boto kay Paris ay senyales na hindi nakakatulong ang pagpapakita ng kabuuan ng kung anong meron sa mukha nya. Tunay, tinitingnan din talaga ang “kagandahan” ng modelo.

  2. Paumanhin. Hiwalay na paglagay ng mensahe sana ang aking nais. Ngunit nai “reply” ko lamang sa naisulat ni Mary Grace.

      • Sarap mag comment pramis.

        Ms. Jetti, ang fierce ng attire at ng payong.🙂 Pang weather forecaster talaga!

    • Hi Nessa,
      Thanks. Sorry po. =) di kase naannounce agad ang theme. Thursday morning ko na nabasa ung post, eh nasa work na ako by that time, tas deadline na nung gabi. Haha. So ayun, napilitan akong magpasa ng archive. Thanks anyway. =) I would agree na hindi dpat inuulit ang picture for a modelling contest, I just didn’t have any choice hehe. Nagpapaliwanag lang po. Sorry sorry hehe. peace. =) *wink*

      -Coke

  3. Ano ba ang “sexy”? sabi sa dictionary.com, eto daw ay yaong “excitingly appealing.” Sinang-ayunan naman ito ng thefreedictionary.com. Ayon sa kanila, “highly appealing” ay sexy at ayon naman sa merriam webster: sexy is something/someone “sexually stimulating”.

    I believe etong theme ngayong round ay very subjective. nasa judges at mga tagasubaybay kung ano para sa kanila ang “sexy” and with that, eto ang mga komento ko (in no particular order):

    JUN: love the attire. safe tong photo mo. wala akong masabing nega wala ding uber ganda.

    ANGELICA: nakahahawa ang iyong saya sa litrato na ito. though, malabo ang picture no? blar! and di ko masyado bet ang suot mo, kinakain ka nito. siguro nga dahil blar, di kita mukha mo then daming detalye ng suot mo kaya mas suot mo ang nakikita dito. but, you are sexy!

    JEFF: eto ang literal na sexy. very literal na atake sa “sexy”. hindi matalinong take. for me, hindi naman kelangang ipakita ang katawan para masabing sexy e. oo, sexy ka na (at malakas), nakita na namin yun sa highfashion. hindi ko gusto ang labi mo dito at ang placement ng iyong right hand (pagnakatingin sa litrato mo). nakatapat sa! para sa akin, sana mas hinighlight mo ang iyong mga mata dahil your eyes (base sa mga una mong pictures sa nagdaang eps) ay super sexy. and powerful. but anyhow, pagpepyestahan ka naman dito for sure (top ka na nga sa voting e).

    Markganda’s 3 sexiest:

    3. COCO: kahit na galing ito sa archive mo, gusto ko pa din ang litrato mong ito. Seductive ang mga mata mo at ang red lips mo ay oks din. Ganda din ng glasses. hahaha May floral patterns ba ang longsleeve mo? kung meron, dapat hindi ito ang necktie mo. plain o floral din dapat. hindi bagay ang squares sa floral na longsleeves mo. pero kung walang floral patterns, oks na ito. i think magiging sexier ito kung nagopen ka pa ng isang button sa longsleeve mo para may after work effect.

    2. JET: love the eyes and lips. di ko lang bet ang payong, props lang talaga. kahit wala siya sa image, oks lang. wala masyadong konek. and the right arm/hand (pagnakatingin ako sa photo mo) parang patay. kulang sa tense. but yes, overall, this is sexy! very dominant ang role. :))

    1. FLIP: i totally agree sa write-up mo. hindi kailangan ng flesh para sabihing sexy. pwedeng idaan sa character but then again, subjective talaga yun. hahaha really love the kagat labi touch.

  4. pwede bang si Sani ang iboto(m)? Ay! haha

    Jetti, I love you, pero nakulangan ako sa pic. I appreciate the departure from your previous in-your-face sexy pics, pero… basta I love you. Pero Jeff has my vote for this round.

  5. Maraming nag-aakala na kapag nagpo-promote ka ng adbokasiya, kailangan ang atake mo ay seryoso, magaling, matatas sa pananalita, pang-matalino. Pero kung titingnan natin ang lipunan, karamihan sa mga pulitiko na kinikilangan ng mamamayan ay yaong mga charming, at may x-factor. Sadyang tama na ang paghikayat sa mga tao na suporthan ang iyong adbokasiya ay parang pag-market ng mga produkto. Kailangan mong pukawin ang kanilang atensyon. Kailangan akitin mo sila sa kagandahan ng iyong layunin, isang pag-akit na madaling sakyan, madaling maintindihan. Sa ibang salita, kailangan sexy ang atake mo.

    Kaya naman ang hinahanap naming modelo sa adboKasya ay sexy. Hindi lamang sa pangangatawan o sa hitsura. Bagkus, ay yung may angking kakayahan na pukawin ang atensyon ng sinumang titingin sa kanyang larawan. Yung tipong kapag nakita ito ay talaga namang magiging interesado ang tao na butbutin at alamin pa kung ano ang nais niyang ipahiwatig at ibahagi.

    Batid ng mga ideyang ito, ito ang mga masasabi ko sa mga larawan ngayong linggo batay sa kaseksihan :

    Flip – Ampopogi.Mo.Ples. Pukaw na pukaw mo ang atensyon ng audience sa larawang ito. Masasabi kong sadyang ginamit ang kalakasan at kalamangan mo sa ibang kalahok sa entry na ito – ang pagiging kyut na natural at hindi OA. At ang mapaglarong labi, swak na swak.

    Paris – flawless ang legs. Pagkatapos nun, wala na. Parang wala nang mahihita sa larawang ito kundi hita. Mahina ito, at mukhang malaking ang tsansang ikaw ang magpapaalam sa round na ito.

    Jetti – Kitang-kita ko ang seksing pangangatawan. Ang karaniwang ‘fierce’ at malakas na aura ay naroon din. Ang problema dito ay mataas ang standards ng mga tao sa’yo. Aayon ako sa isa sa mga nagkumento noong last round. Mukhang mahihirapan ka na tapatan o higitan ang malalakas na larawa mo noong mga nakaraang round. Sa totoo lang, ang ‘forlorn’ picture mo ay ubod ng seksi kung ikukumpara sa larawan na ito. Gayunpaman, safe ito.

    Coco – Hindi ko masakyan ang mga katagang “The Man Behind Chain Letters”. Mas gusto ko kung wala ito sa larawan. At oo, nag-ulit ka ng larawan. PERO. Di hamak na mas malakas ang larawang ito. Mas akma sa tema, mas appealing, mas nakapupukaw ng atensyon, seksi. Nais kitang batiin sa shot na ito, kasi lumaban ka. At para sakin, wala ka sa bottom dahil dito.

    Angelica – Oo maganda ka at seksi naturally. Pero mukhang hindi pang-laban ang larawan mo. Napapakwestyon ako sa ‘mindset’ mo sa patimpalak na ito. May mga round na talagang palaban at may mga round na parang makapagpasa lang talaga. Hindi consistent pero malaking tulong na maganda ka naturally. Sapat ba iyon? Sa tingin ko’y hindi. Delikado ka this week dear.

    Jeff – ooh la la! Seksi kung seksi. Literal na seksi ngunit malaman din. Makakapukaw talaga ito ng isip at makakapag-draw ng attention. Isang malakas na entry nanaman mula sa iyo. Hindi ka na talaga nagpapatumpik-tumpik. Tiyak kong mangingibabaw ka nanaman sa sa puntos ngayong linggo.

    Isa itong malakas na round para sa mga lalaking kalahok! Congratulations!!!

    Top Three: Flip, Jeff, Coco
    Safe: Jetti
    Bottom Two: Paris, Angelica

    • WOOOH! Nakakaloka yung ibang-iba ang Top 3 mo ha! Grabe, unpredictable talaga ang mga kaganapan dito sa YTMNTM! hahaha Ang taray ng kumento mo, IPF! NAKAKALOKA!

      Shout ouch naman sa Resident Judge natin na si Mr. Rogelio Estcaio Jr.! Lakas ng comment! hahaha

  6. Flip – you are peaking at the right time. Sexy? YES! and we know it! Let me declare na ikaw na ang manok ko moving forward. try natin sungkitin ang supporta ng #teamKeempee

    Paris – this picture has all the potential to be editorial. there’s nothing wrong with you, but somehow may off sa composition and cropping ng iyong picture. tipong mas maga-appeal ito sa akin kapag nasa lower-right ka, than sa upper left. kasi sayang yung mata mo na nakatingin sa malayo, medyo naputol yung line of sight mo dahil halos nasa gilid ka na ng picture.

    Jetti – i love the giselle bundchen arch of your back, the very slight hint of boobage, the hair and the overall styling. you’re selling the necklace, the suit, the pants, the heels, and the umbrella! fail lang yung hindi pantay na makeup sa kilay. mas makapal yung kaliwa.

    Coco – for me, this is your strongest pic so far. not that sexy, but still your strongest picture. panira lang for me yung frame and text sa picture. very unnecessary. unless para-paraan sa pagpromote ng blog?

    Angelica – the competition’s “roller-coaster” diva. taas – baba – taas – baba. sadly, nasa baba ka ngayon for me. and baka ma-diskaril na. nice tan.

    Jeff – marvin agustin. and on a purely subjective POV, i dont like marvin agustin. sayang ang neck mo. wag masyado tutungo from the camera kasi nagmumukhang off yung proportions ng face mo emphasized pa by your malagong hair. pero safe ‘to.

    Nessa – for me this is your… ay wait. natanggal ka na pala. huhuhu. di pa rin ako naka-move-on. sana makabalik ka sa All-Stars YTMNTM!

    Top: Flip&Jetti, Middle of the pack: Jeff and CoCo, Bottom: Paris Angelica.

    Thank you Madma, JC Cantos, Adbokasya and Direk Mayk.

    …masasabi mo marvin sa naguum-expert na comment ko ngayong tanggal na si Keempee? hahaha! expert ko my face! :))

  7. AND THEN THERE WERE SIX!

    For this week, the models have to submit photos in line with the theme: “SEXIEST PHOTO”.

    Now, the word “sexy” is often used and has a meaning that changes from one person to another. This adjective, that will be used in our judging, is purely subjective and I’ll give you folks a heads-up already, I don’t know about you guys but Tyra Bangs’ gonna be a little bias as to what she thinks is sexy.

    So what I’m looking for this week’s photos are appeal, swag, and attitude baby!

    Before we start judging, let me say out front that this week’s roll is kind of disappointing. I don’t know if it’s just me, but mama Tyra expected more…BANGS and BOOMS. There are again, a few exceptions anyhow.

    Let’s start with FLIP:
    This is a headshot, Flip…A SEXY HEADSHOT! I wish I was there in the shoot, so I can remove those sunglasses and see your eyes but child, even with those sunglasses on I’m LOVING this picture. You got the right amount of playfulness there in your lips, working totally fine like a charm. It has swag, it has attitude, and I don’t need to mention this, this is appealing. Good job, Flip.

    Next stop is, PARIS:
    Hi Paris. Hmm. When I see a photo flash in front of the screen, I immediately deliberate its first impact, and this photo, honey, didn’t quite make one. It fell flat and short for me. It doesn’t say “sexy”. You have nice legs, yes, but this is not your face’s angle, NOT AT ALL. Note this angle, and NEVER EVER pose with this angle again. I know, it’s the photographer’s job to shoot at the right angle, but it’s a model’s job to know his/her angle as well to complement the efforts of the photographer. Thank you, Paris.

    May we call on, JETTI:
    Let me be blunt, but at first look, I got confused. When I look at this photo, and if I were to categorize it, it would not immediately translate to me as “sexy”. I don’t know if it’s the umbrella or the background or the clothes, but the elements in this picture and the way you interact with those elements doesn’t weave sexy. But focusing on the pose, this is a pose well done. I love the fierce facial expression, the back-arching, even the make-up. It’s just that, for me, you’re bordering almost out of the theme here. It’s more fierce than sexy. So if fierce is sexy, then okay, this is sexy. A high-fashion swag. And I don’t know about the attitude. Anyway, it’s a nice picture, I like it.

    Next stop is COCO:
    First off, those texts and frames have to GO, child. SCRAP ‘EM. Those deducted the “value” of your photo by, I dunno, 40%! If those texts and red frame weren’t there, this could be a 400x better. Well, enough of that, this photo is sexy. Your look is inviting and there’s this calmness in that invitation that I find charming. I’m glad you know the game now. This has swag, this has appeal, this has attitude. I’ll just pretend those texts and frames weren’t there.😉

    Please step-up, ANGELICA:
    SUMMER PHOTO! That’s my first impression. Summer is sexy, so the theme came next. But is it model sexy? NO. This is more of a, “Hey look guys, *pose* I’m modelling!” Apparently, this is a photo that you post in facebook or twitter and receive comments telling how pretty you are and lovely your skin is but not “hey angel, you’re a model here”. You’re face is very appealing though, I guess that’s pointed out a million times already. You lack the fierceness that Jetti has too much in the photo. Thank you, Angelica.

    Last but not the least, JEFF:
    BAM! This screams “sexy”…LITERALLY! And I couldn’t LOVE it more. I’m so glad you took a risk here because you were RIGHT ON! I don’t know if you have foreseen your competitors that they would be doing “sexy does not mean showing skin” stuff but this actually worked regardless of its literal take! You went for literal and you REALLY went for it and committed to it that’s why it worked. I love your confidence, I love the way the light hits the curves and cuts of your body, I don’t really love the facial expression, but I don’t hate it either. One last thing, are all of your photos recent? If yes, get a haircut already, Papi. You need one. Make-over time.

    FIRST CALLS ARE:
    Jeff
    Flip
    Coco

    BOTTOM TWO
    Paris
    Angelica

    • WOOOH! Reading your comment is like watching a live episode of ANTM! Fetch!!!😉 I love your critique because of the fact that you are able to put a proper context on to everything. Tyra Bangs is lurve!!! I always look forward to your juicy commentary every round. Thank you very much, Tyra. Hope you are safe.❤

      A big SHOUT OUCH for THE Tyra Bangs!

      • Thank you, Madma.
        I hope you’re safe too.
        I wish you could judge the pics too, come top 5. No voting powers, but with commentaries. Consider, please. I’m dying to hear your views.

        xoxo

      • hahaha Will consider that suggestion. Though I am not as fetch as you are when it comes to details on modelling. hahaha Thanks, Tyra! Hope we can do a show together. A singing show perhaps. WOW. haha Tyra Bangs is lurve!❤

  8. Hindi kelangan magpakita ng katawan para maging sexy. Pero kulang ang appeal ng mga photos na to for me. Mas sexy pa yung ibang stolen shots dati. Wala nga akong mapili eh. Si Jeff na lang binoto ko kasi mahal ko siya.

  9. OMG!!! Nagsalita na ang Celebrity Judge natin na si Direk Mayk! Avail n’yo ang pasabog n ‘yang comment. Nilagay ko ang comment n’ya sa mismong post (sa taas) kasi may mga peg photos siyang nilagay. NAKAKALOKA!

    Shoutn ouch naman kay Direk Mayk. Kinariri talaga!!! Woooh! Super thanks, Direk Mayk! We love you!❤

  10. Eto comments ko. Ok sana ang mga pics pero iririitirate ko lang sana yung kulang:

    Flip- Sana tinanggal ang shades

    Paris- Sana nasa lower right ka para sa line of sight

    Jetti- Sana hindi masyadong balot ang katawan

    Coco- Sana naunbutton yung first two buttons sa polo

    Angelica- Sana di masyadong nagsmile.

    Jeff- Sana malinaw ng onte or not black and white, sana din naayos yung hair ng Onte.

    Top Picks:
    Flip and Coco

    Medium picks:
    Jeff and Jetti

    Bottom picks:
    Angelica and Paris

  11. It’s hard to judge models for this week cause of all the themes, I guess, this is the most subjective. But I will still give my top picks in order.

    1. Jeff- It’s literally sexy, what bothers me is the haircut and this is not your best angle too. But you are the strongest for me.

    2. Coco- I agree that you could have unbuttoned the first two candies of your polo sleeve. I love the arrive. It’s like sexy but conservative. “Come on and get me”-like.

    3. Jetti- You are very consistent. However, if without the theme given, I wouldn’t predict that this is a sexy theme. This could fall to either high fashion or more of head-to-toe theme. Not your strongest entry given that there’s a theme.

    4. Flip- Remove the shades, it could have been sexier but it’s more of headshots. Put the shades on and unbite the lower lip, it looks just plain. So I don’t see any sexiness with or without the “biting of lower lip” thing.

    5. Angelica- Perkiness or cuteness or teeny teeny but definitely falls on the wrong race.

    6. Paris- I see your legs sexy but then again, watch your angle baby. Photography wise, this is the weakest.

    Thanks and goodluck.

  12. Dami kong issue sa contest na to.

    Hindi malinaw kung for fun lang ba ito o seryosohan. Unfair pareho sa contestants at sa judges.

    Unfair sa contestants, na mukhang marami sa kanila eh kaibigan lang naman ng may-ari ng blog na either nagvolunteer sumali bilang suporta o pinilit lang, dahil nasa-subject sila sa matinding kritiko ng mga resident at judges at ng mga nagsusubaybay sa blog samantalang inihain ito bilang isang katuwaan lang naman.

    Unfair din para sa judges, dahil naglalaan sila ng panahon upang pag-isipan ang kanilang mga sasabihin, na lingid sa kanilang kaalaman eh hindi naman pinaglaanan ng panahon at pinag-iisipan ng mga contestants ung mga entries nila. Halimbawa na lang si Coco na ibang picture lang sa parehong photoshoot nya nung nakaraang linggo ung binigay nya ngayon.

    Hindi bagay ang title na “top model contest” dito. Mas bagay ang “Next Top Stock Photo Model.” Alam naman natin na hindi naman ineeffortan ng mga kasali ung mga binigay nila dito. Mga dati na nila tong litratong nahalungkat sa Facebook.

    Natuwa ako nung nagsimula ang contest na to, pero ngayon eh naaawa na lang ako para sa mga kasali, mapacontestant o judge o mambabasa.

    Wala ng saysay ang contest. Na hindi naman nakapagtataka dahil parang ung kabuuan ng blog eh wala ng saysay. Parang wala ng gana si madmacarta. 3rd monthsary na sa makalawa, walang teaser para sa bagong video. Wala na ring mga yabang post tungkol sa ranking sa topblogs. Alam nyo na kung bakit.

    Sayang, nagsimula ng maganda, nagkaroon agad ng following, pero napabayaan na. Kung aayos pa, sa totoo lang, hindi ko na inaasahan, pero para sa iba pang nagtitiyaga, sana ayusin pa to ni madmacarta.

    • Hello naman, What’s Happening to this Blog.🙂 Ang fierce naman ng comment mo. hahaha Love it! Gusto ko ‘to!🙂

      I respect your comment. Salamat sa matapang na pagpapahayag ng iyong damdamin at saloobin.🙂 I will not say anything na lang muna at this point kasi alam ko kung ano ang nangyayari at ang mga nilulutong pakulo for YTM.🙂 Kung ito ang nafi-feel mo sa ngayon, naiintindihan ko. Nirerespeto ko.🙂 Hindi na lang ako magsasalita pa or magpapaliwanag. Your points are well taken. Abangan mo na lang ang mga susunod na pasabog ni Madma. Hahayaan ko na lang kusang mabago ang pananaw mo sa mga parating na pasabog ni Madma soon. For now, noted itong mga nguynguy mo.

      Salamat ulit. Naa-appreciate ko ang concern mo.😉

    • As a contestant, I was informed naman sa kung anu-ano i-expect sa pacontest na ‘to ni Madma. And for me, fun-fun ito, oo, with perks! Di naman minamsama ang mga comments e. Masaya kaya. Hahaha. So bonus na lang yung mga pa-prize. With regards sa effort ng mga contestants, meron naman I believe. I believe nagphophotoshoot pa ang karamihan per theme na ibibigay.

      May saysay man o wala, this is all for fun.
      Yung ratings, yung prizes and what-nots, bonus na lang yun.
      Yun lang.
      Bye.

      • Good for you Jeff. You have a great disposition in life. I know for a fact however that most people are not like you, especially some of your fellow contestants. I know of a contestant who cried when she got eliminated. Yes, she. I also know of other participants, some of them still here, who do not understand why critiques are so serious when they joined for fun.

        Regarding your opinion on the contestants’ efforts, I’m sorry to break your bubble but you are wrong. Taking this particular theme for example, I can outright say that 4 out of 6 are stock photos. Those are Flip’s, Paris’, Coco’s and Angelica’s. I’m not sure about yours and Jetti’s, but they look old to me too.

      • Hello, Tsef.😉 Thank you for your feedback.😉 Happy to know na happy ka sa YTMNTM. Kapit ka lang. Marami pang nakaabang na pasabog. ALAM MO ‘YAN.🙂 Go, Jeff!

    • Insights ko lang po, =)
      Hmmm, hi, bilang isa sa mga natitira pang models here, aaminin ko at some point na walang time talaga na magshoot po because weekdays naaanounce mostly yung theme tapos, weekdays din yung deadline, bilang may work at may school at the same time, I sometimes forget, but still reminded and going. Pero since wala naman pong format na binanggit, wala namang eligibility or contract and all that, I’m taking it for fun. Siguro advantage nung iba na may SLR sila or may photographer, or may time themselves, hehe. Thank you for mentioning my name, and with that, totoo pong archives ung ibang shots ko, I wouldn’t deny that, it shows and I guess it goes with other models po at some rounds. Kase I was thinking when I joined na “okay for fun”, “not too harsh”, we can grab our facebook photos. Honestly I didn’t expect that it will be as serious as this: being there everyweek on the hotseat, reading comments, more like negative than positive and sometimes below the belt, specially during bad times (specifically nung “pambahay shot week” where I lost a loved one and I totally forgot this contest). On the other hand, Di ko alam pero, it’s true that sometimes judges are really expecting a lot, like we are really professional models provided with resources, ON THE OTHER HAND, though I don’t blame them because I know it’s their job to judge. I have nothing against them for I know they are not judging me personally (cause they obviously don’t know me in person), hence they are judging my output, and it’s a learning experience for me kase in the first place sumali ako, so I expect that this might happen. Di ko sila talaga masisisi kase judge sila and they are high end people. So my respect is with them. And this is going online, so there’s really no rigid parameter. I may lack compliance at some point and I’m really sorry for the viewers. For the issue about friends-of-madma thing, I don’t know that there’s such an issue or if there is, I know madma personally, second degree acquaintance, and siguro naman professional sya sa ganto,Let’s let him speak about it. To you, I respect your insights about me. I’ll pass my entry to my very best be it stock photo or newly-shot, if I make it to the next round in respect to the contest. To madma, I still feel glad to be part of this history. May second chance naman lagi na mas maplantsa ang pacontest. May ilan mang flaws and miscommunication, I still believe this is great. To the viewers, voters, bashers, supporters and even text threaters, sorry and thanks.
      -COCO

    • Haha, minsan lang ako magcomment dito pero since na-mention ako somewhere, gora lang!

      Minsan sa buhay mga moments talaga na LOST tayo. Di natin naintindihan ang mga bagay-bagay. WE JUST HAVE TO ENJOY LIFE AND HAVE FUN WITH IT.

      Stay FIERCE and FABULEUX!

      -Paris with Love

  13. Reply to: “What’s happening to this blog?”

    You made a lot of assumptions in your comment.
    Uhmmm…good for you, I guess.
    Wouldn’t focus much here.

    __________________________________

    Reply to: “Reply to jeffrey”

    Hmmm.
    If you’re basing your generalization with regards to the contestant’s effort in this specific round, do you seriously believe that people actually have time to do photo shoots in the middle of a calamity?

    With regards to your lady friend who cried after getting eliminated, isn’t it a given already that when you join this competition there’s ALWAYS that chance that you’ll be eliminated? She took it too seriously and, for me i think, that’s not the contest’s fault anymore.

    Critiques are serious, I agree. But what were they expecting? Non-serious ones? Then I don’t see the point of all of these anymore.

    Just my two cents.

    ____________________________________

    Anyway, voted for Angelica. Please make it to the next round!🙂

    • Hello. I had to create a more appropriate name for you.

      No, I’m not basing my “generalizations” on this particular theme. I merely used it as an example. I can point out photos from previous weeks when it was warm and sunny that were stock photos as well. But I won’t go there. So please.

      And yes, they were expecting non-serious (I believe there are words for that, aaah… **** facetious, flip, flippant, humorous, jesting, jocular, joking, kittenish, ludic, playful, light, harmless, innocent, innocuous, nonhazardous, nonthreatening, safe, unthreatening***) critiques.

      What’s the point of this (or these, as you say) anyway? Maybe madmacarta can help you with this one.

      • A grammar Nazi we have here.

        Thanks. I took the liberty of using your “more appropriate name” for me.

        Oh wow. You want “new” photos every round. Well, uh, good for you for having all the resources to make that feasible!

        And too bad for your friends who are expecting “facetious, flip, flippant, humorous, jesting, jocular, joking, kittenish, ludic, playful, light, harmless, innocent, innocuous, nonhazardous, nonthreatening, safe, unthreatening(?)” critiques. Tell them they can bail out of the competition anytime if they can’t handle serious ones. They didn’t sign any contract, did they?🙂 Right.

        Do enlighten us, Madma.

  14. WOW.

    Dumarami na ang detractors mo, Madam. Ibig sabihin mas sumisikat ka.

    Tuloy lang ang laban!

    We love you, Madam.

    Advanced happy bithday sayo.

    More powers to come!🙂

  15. Ayoko na kay jonel😦 love ko na si sani ❤ pero mas love ko si flip!🙂 thank you madma, kahit busy kang tao, napapasaya mo pa din ang nakararami🙂

    • Wahahaha! Tawang tawa ako sa comment mo! Ang pogi rin kaya ni Jonel! GRABE! Pero mas kay Sani rin ako eh. Paano ba ‘to?! hahaha #lalandi Salamat sa suporta, Jadey! I miss you.❤

  16. Kinalat ko na nga sa school kanina eh, na nahanap ko na siya. Nahanap ko na yung the ultimate type ko.. As in THEEE ultimate type talaga. Tas sinampal ako nung isa kong kawork hahahahaha. Magpost ka pa ng marami about him. NANGUTOS PA AMPOTA. Hahahahaha please talaga? Gagawan ko ng paraan yung lakad natin with…. Alamo na. Hahahaha🙂

  17. Hi random madmacartian. There’s no reply button below your latest comment.

    I’m no grammar nazi, I just prefer things correct.

    Yes, I expect photos specifically taken for each theme. That’s what a “top model” would do.

    Bailing out because you are experiencing something you didn’t sign up for is just taking the easy way out. My “friends” are now owning up to it. They’re no quitters. So no thanks.

    I don’t have friends in this “competition.”

    You must have forgotten to answer my last point.

  18. FLIP- i can see the attempt of looking sexy, actually I’m kinda convinced it’s just that the effort is insufficient. Your eyes are very expressive. You could’ve taken advantage of them along with your lips. You know how to do that so I don’t understand why you didn’t.

    PARIS- Your legs are undeniably sexy! Have them insured, Mariah. Hahaha good thing you made use of them BUT you weren’t able to maximize them. Your pose is too basic for your sexy legs. Two things which I don’t find sexy
    1. the expression of your face
    2. your SHOES

    JETTI- this is not the weakest among the 6 of you but for me, this is your weakest entry out of all the pictures you have submitted. While your waist shows us you are sexy in terms of curves, and your clothes since you’re wearing nothing under your blazer/ coat, everything else is not sexy, from the hedge/fence, umbrella, trees, plants, etc. Your make-up wasn’t done properly too

    COCO- You have a radiant and glowing skin! Nice!🙂 Are you wearing a tinted lip moisturizer here? Hmm this has a bit of sexiness, just a bit. This could’ve been sexier if you squinted your eyes or put on a naughty smile or unbuttoned some more buttons. By the way the caption is distracting.

    ANGELICA- I wonder what you’ve been busy with lately. This is very weak entry. Yes your tan line is sexy, also your shoulders and collar bones but your smile is too sweet. Good thing your write-up supports your photo for I can see confidence and your smile makes me think you have a good personality

    JEFF- Winner!😉

    • Pak!!! Shout ouch naman sa Resident Judge natin na si Ms. JC Cantos! Despite her SUPER BUSY SCHED eh nagagawa pa rin n’yang mag-comment sa YTMNTM! English ang atake ni Ma’am ngayon ha. Shala! hahaha

      Palakpakan naman natin si Ms. JC Cantos. Ayan, narinig na natin ang lahat ng judges for this round! WOOOH! Elimination na bukas! Kapit!

  19. Yung may ayaw na rito, do yourself a favor–stop reading this blog. Go out and enjoy your life. Ang ikli ng buhay, ang haba ng sentiments mo Kay Madma.

    Anyhow, sayang ang theme. Medyo di ganum ka creative ang entries. Voted for Jetti. That shirtless guy with a mug is a close second.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s