Isumbong Mo Kay Madma: The Never-Ending Baha in Marikina

Dear Madma,

Hello po. Isa po akong masugid na tagabasa ng blog n’yo. Nagpapasalamat ako sa friend ko kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman ang blog na ito.

Gusto ko lang po i-share ang madilim na sinapit ng family ko nitong nakaraang linggo. Isa po kame sa libu-libong binaha dito sa Marikina. Lagi na lang po kameng binabaha. Nakakapagod na talaga. Last week eh hanggang bewang ang tubig sa bahay namin. Kinailangan pa po naming makitira sa isang kamag-anak namin sa Makati hanggang sa mawala ang tubig sa bahay namin. Until now ay di pa kame bumabalik sa amin. Lagi ko pong pinagdarasal na sana ay masolusyunan na ito ng gobyerno. Lagi na lang kameng kinakabahan sa tuwing umuulan. Feeling namin konting ulan lang ay babahain na naman kame. Nakakapagod na po.

So yun po. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman kong ito. Salamat po. Sana po ay ligtas kayo.

Sumasainyo,

Little Mermaid ng Marikina

_______________________

Dear Little Mermaid ng Marikina,

Salamat naman sa pagbabahagi ng nakakalungkot na issue mo. Hug naman. :( Ikaw pala ang ikalawang featured letter ko para sa segment na “Isumbong Mo Kay Madma.” Isang malaking SHOUT OUCH para dito.😉 Talaga namang kasumbong-sumbong itong baha experience mo. GRABE!!! Btw, natatawa ako sa codename mo ha. Lakas maka-sirena. Bagay na bagay sa nguyngoy mo. Bading ka ‘no? Char!🙂 If I may share, favorite Disney film ko of all time ang The Little Mermaid. Look at this stuff. Isn’t it neat naman! Wouldn’t you think I’m the girl? The girl who has everything? OMG! Nami-miss ko si Ariel. Pinangarap ko din talagang maging sirena at some point in time noong childhood ko. ALAM NA! 🙂

Anyway, nakakaloka talaga ang problema sa baha ng Pilipinas. Kung ang ibang bansa ay namo-mroblema kung paano papagalawin ang mga robot na gawa nila, tayo ay hindi maka-move on sa problema sa baha. Diyos ko! Hindi na natapos itong punyetang baha sa Pilipinas! Nakakahiya na rin talaga sa mga kapit-bahay nating bansa sa Asia ha. Habang sila ay busy sa pagpapaunlad ng kanilang technology, tayo ay abala sa paglimas ng tubig baha. Ansabe?!

Malalim na usapin ang problema sa baha ng Pilipinas. Mahihiya ang papa-root canal sa lalim. At itong Marikina, Diyos ko! Sinalo na ang lahat ng kamalasan. May Marikina fault line na, tapos bahain pa. Beat that! Napaka-fragile ng lugar na ito. Mahihiya ang bunbunan ng baby. Problematic talaga ang Marikina as a city. Kaya nga kung ako ang masusunod, ililipat ko lahat ng mga taga-Marikina sa ibang mas ligtas na lugar tapos gagawin ko na lang na isang malaking fish pen or Splash Island ang Marikina. Naaawa na rin kasi ako sa mga taga-Marikina eh. Marami akong mga kaibigang nakatira d’yan. Ramdam ko yung pagaalala nila at takot sa tuwing may bagyo o kaya umuulan. Batid ko yung hirap at pagod nila sa paglilinis ng bahay after ng baha only to find out na babahain na naman next week.😦 And by the way ha, nag-mutate na rin ang ulan! Iba na ang ulan ngayon! MALAKASAN NA! Sabi nga ng mga eksperto, ito ang makabagong ulan. HALA!!! Kapit na! Ulan pa lang, malulunod na tayo. Paano pa kayo kung bagyuhin? OMG!😦

Ilang administrasyon na din ang nagdaan subalit wala isa sa kanila ang naka-solve ng problema sa baha. Hindi pa man ako tinu-tuli, may baha na. WOW. Nagpa-tuli ba kayo?! Grabe yung hindi!🙂 Alam ko namang hindi lamang ang gobyerno ang dapat makibaka sa problema sa baha. Subalit bilang sila ang may kapangyarihan at nasa posisyon, tungkulin nilang gumawa ng malakasan at seryosong plano para masolusyunan ito. Kailangan sila ang umakay at magdala sa atin sa isang matinong plano para sa tuluyang pagpuksa ng baha sa Pilipinas. Susunod naman tayo sa plano eh. Sabihin lang nila ang gagawin. Grabe yung papalag ba tayo kung may matinong plano?! Aarte ba tayo? HINDI NAMAN EH! The thing is, walang plano! Kung mayroon man, hindi maganda! We need results! And base sa nakita natin nitong nakaraang pagbaha, bagsak silang lahat! Ang hindi ko matanggap is yung thought na alam na ng gobyerno na binabaha ang isang lugar subalit walang epektibong paghahandang ginagawa para dito. Well, masyadong harsh siguro yung phrase na “walang ginagawa.” Mayroon naman siguro. Yun nga lang, hindi epektibo. So, sayang lang ang “effort.” Ang sarap sanang marinig yung balitang hindi na binabaha ang Pilipinas. Yung tipong ang maririnig mo sa news eh, “Pilipinas, Binabayo ng Super Typhoon. Mga taga-Marikina at Malabon, nagka-kape lang at nagpapa-pedicure.” O kaya, “Bagyong Helen Ratchada sa Pagbayo, Mga Taga-Marikina, Mahimbing na Natutulog. ” O, ‘di ba. Ang best nito! Haaay…😦

Sa mga residente naman ng Marikina at iba pang binabahang lugar, sana ay pagsumikapan n’yo ding makaalis sa lugar na ‘yan. Kayo na rin sana ang mangahas na makaalis sa mapanganib na lugar na inyong kinaroroonan. Kayo na sana ang kusang lumisan sa lugar na inyong kinatitirikan. Iligtas n’yo ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya. Hindi naman kasi natatapos ang pagbuhos ng ulan. Uulan at uulan so, babaha at babaha. Alam kong hindi madali ang paglipat ng bahay, lalo na kung walang pera. Pero sana, pagsumikapan.🙂 Kung kaya ko lang kayo bigyan ng bagong bahay sa isang ligtas na lugar, gagawin ko. Likas na kayo habang may araw pa. Kasi kung gabihin kayo, baka madilim na. WOW. Char.🙂 Basta, alis na kayo habang may oras pa at wala pang buhay na kinukuha sa pamilya n’yo. Kaya ‘yan!🙂

Sa kabilang banda, nakakatuwa naman na napakaraming Pilipino pa rin ang walang-sawang nagdo-donate at nago-organize ng sari-saring Relief Operations. Isang MALAKAS NA SHOUT OUCH sa lahat ng mga makabagong bayaning Pinoy na laging tumutulong sa mga kababayan nating biktima ng baha.😉 Natutuwa talaga ako dito pero at the end of the day, short-term lamang ito. Paano kung bukas, sa makalawa or next week ay baha na naman? Relief Operations na naman? Ganito na lang ba lagi? Kailangan kasi talaga ng isang LONG-TERM na pagtingin at pag-aksyon sa problema sa baha na sana naman ay gawin na ng ating gobyerno. Kung hindi na talaga kayang puksain ang baha, so be it! Ilipat na lang lahat ng tao at i-vacate sa mga lugar na na binabaha gaya ng Marikina. Basta, something must be done! Hindi pwedeng lahat ay nag-aantay na lang sa next baha. Tapos back to step 1 na naman. KAKAPAGOD!😦

Sa totoo lang, mainit ang ulo ko sa baha. Ayoko na baha! Wala naman siguro sa atin na may gusto ng baha. Mayroon ba? GRABE! Isang beses pa lang ako nakaranas lumusong sa baha sa buong Diva life ko. Isang beses lang at ayaw ko na maulit. Ang cheap kasi, ples! Nadali rin talaga ako dito sa tapat ng Manila City Hall last year. GRABE! Lagpas beywang ang tubig. Kamusta naman ang “jun-jun” ko. Swim swim din sa baha! Super na-offend talaga ako sa ka-cheapang ito. Nakakaloka. Syempre, nag-apak ako. Yung sapatos at bag ko, bitbit ko. Mahal kasi ng shoes eh. Ok lang?😉 Sayang naman kung papalanguyin ko lang sa baha. Awang-awa ako sa sarili ko after. Hindi talaga ako natuwa. Buti na lang walang media at that time na naka-capture sa cheap moment ni Madma. Baka ma-headline pa ako tapos nakalagay, “Diva, Nag-swimming sa Baha.” Eeeeh! Not likey! Tapos sa LRT naka-paa din ako kasi yung shoes ko sine-save ko talaga. Grabe yung naka-paa sa LRT! Kakaloka talaga.

Take it from Madma, we have to learn from our experience. Kung alam mo ng binabaha ka, umalis ka na. Sana ay makalipat na kayo ng bahay, Little Mermaid of Marikina. Hindi pa mapupuksa ang baha any time soon sa lugar n’yo so kayo na lang ang umaksyon. Lipat-bahay na ito. Malakasang lipatan for good. Parang gusto ko na tuloy tumakbo sa pulitika. Parang kaya ko lutasin ang baha eh. WOW.🙂 Bet n’yo ba ‘yun? Madma for President?! WOW!🙂

Sa gobyerno naman, konting galaw. Kung gumagalaw man kayo, paki-lakihan. Yung pang-theater movement ha! Ganoon kalaki para kitang-kita namin! Sana ay makagawa na kayo ng isang long-term plan para sa problema sa baha ng bansa. Ipaalam n’yo naman sa amin! Hindi po tayo dapat naku-kontento sa Relief Operations na minsan ay ginagamit pang venue ng mga punyetang politiko para magpa-pogi! Chura. Ayoko na mag-mention ng mga personalities. Alam na natin ‘yan. Once and for all, tapusin na ang baha sa Pilipinas. Akayin n’yo kame sa isang long-term plan. Pangako, susuporta kame. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na aahon ang Pilipinas. Alam kong maso-solusyunan ang problema sa baha. Alam kong kaya ito ng Pilipino! Kaya, LABAN!😉

Sorry for my outburst sa entry na ito. Share din kayo ng mga thoughts and experience n’yo re: baha. Pag-usapan natin ito rito! Paging all the memebers of Tribo_Tagapayo! Nami-miss ko ang insights n’yo. Bonding naman! GAME!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://justshutterup.wordpress.com/)

P.S. Huwag kayong bibitiw sa pagsuporta sa favorite models n’yo sa Yours Truly Madma’s Next Top Model! Elimination na naman natin sa Wednesday! Isagad na ang pagboto para makapasok ang manok n’yo sa Top 5!!! Malapit na tayo sa finale. Konting Kapit na lang! Abangan ang pasabog ni Madma sa YTMNTM soon!🙂 BOTO NA!!!

Click this link to vote: https://madmacarta.wordpress.com/2012/08/10/the-top-6-finalists-of-ytms-next-top-model/

16 thoughts on “Isumbong Mo Kay Madma: The Never-Ending Baha in Marikina

  1. Kamusta, Madma?

    Sa totoo lang, napakahaba ng entry mo na ito ngunit walang saysay. Puro satsat, puro nguyngoy, puro reklamo.
    Ito ay hindi dapat ipinasok bilang entry sa Isumbong Mo Kay Madma dahil wala ka namang magagawang TUNAY na solusyon dito. Nagiwan ka ng mumunting payo ngunit HINDI KONKRETO. Walang “impact” kumbaga, sa kabila ng napakahaba mong entry.
    Tulad ng mga rallyista, lahat ng sisi ay sa gobyerno. May punto iyon, pero nakakasawang pag usapan lalo na kung sa blog mo at mag uukupa ng napakahaba.
    Paumanhin, mahal ko ang blog mong ito. Pero ang entry na ito ay hindi ko maiwasang punahin.

    • Hello naman, Nay Cristy! Ang bilis mo mag-comment ha. Masasabing nakatutok ka talaga! I love it!🙂

      Ok naman ako. Tapos na ang bagyo at mga gala so balik na tayo sa pasabog sa YTM. Ikaw, how are you? Sana ay ok ka din.😉

      Nirerespeto ko ang iyong pagtingin sa post ko.🙂 Tama ka, hindi ko din talaga alam ang solusyon sa baha. Hindi ako Engineer. Diva lang ako. WOW. Taas din ha.😉 Wala sa aking kamay ang sagot sa problemang ito. Isa lamang akong maliit na miyembro ng ating bansa. Ang nais ko lang naman ay ating mapagusapan ang problemang ito. Isang matalinong diskurso. Manawagan. Manghikayat. Mangalampag. Kumatok sa ating pamahaalan at sa bawat Pilipino. Hindi naman porke wala kang masabing solusyon ay hindi na dapat magsalita at pagusapan ang isang bagay, hindi ba? Hindi naman porke sawa na eh mananahimik na.

      Nagpapasalamat ako sa mga rallyista. Hinahangan ko ang kanilang tapang na ipahayag ang kanilang saloobin. Sila ang bumubuhay sa aking pangarap na magbabago ang Pilipinas. Oo. Kaisa din ako ng mga rallyista sa kanilang mga isinisigaw na pagbabago. At sa aking munting kakayanan at paraan gaya ng blog ko, nais kong ipaabot ang aking suporta sa kanila kahit sa paggawa ng isang simpleng entry na gaya nito.

      Salamat sa pagmamahal sa blog.🙂 Nagkakaiba-iba man tayo ng pananaw sa mga bagay-bagay, ang mahalaga ay nagmamahalan at nagre-respetuhan. Ang chaka din naman kung walang opposing views. haha Salamat sa iyong puna, Nay Cristy.🙂

      • Lubos ang aking paghanga sa iyo, Madma. Mas tumaas ang lebel ng respeto ko sayo ngayon. Kung paano mo sinagot ang aking mapanubok ng mensahe, ay tunay na propesyonal at kontrolado.
        Masigabong palakpak para sa iyo, Madma. Salamat din.

      • Salamat naman, Nay Cristy.😉 Alam mo namang mahalaga sa akin ang opinyon ng bawat isa.😉 Salamat sa matapang na pagpapahayag na iyong saloobin. Salamat sa suporta.🙂

  2. Hi madma!🙂 Feeerst time ko magcomment dito! Haha.
    Anyhoo, ang haba ng entry mo! Hindi ko natapos basahin. Haha.

    Grabe lang yung pinapalipat mo ng bahay yung mga taga-marikina! Hindi sya in line sa sinasabi mo na long term solution. Kung lilipat na lang ng lilipat ng bahay tuwing babahain ehh sa submarine na lang rin tumira ang mga tao. At napaka-hirap lumipat sabi mo nga. Hassle talaga siya. Lalo na dito sa marikina kasi kalakhan ng mga tao rito eh naabutan pang buhay si marikit-na. Mas ito lang naman ang kwang ko dito sa entry mo. Pero tama ka, dapat pag-isipan na ito ng mga kinauukulan. Kung masolusyunan ito edi maganda, walang abala, walang lipatan.

    In all fairness, itong nakaraang baha eh may improvement sa kalakhan ng marikina, unlike ondoy na tinubuan ng hasang ang lahat ng marikenyo. Mas mabilis na rin ang responde ng mga rescue team. Nakita ko naman na mas handa at alerto ang mga tao ngayon kumpara sa nakaraang taon.

    And may I just say ha, bilang taga-marikina, hindi ako natutuwa sa mga balita na walang ginawa kundi magcreate ng panic! Maraming aatakihin sa puso dahil sa mga syusera na yan! OA sila!

    Para kay little mermaid ng marikina, sana ay safe naman ang buong pamilya mo! Nako tara sugurin natin sila del sa munisipyo, ay syet nasa ibang bansa pala si del😦

    Kung papipiliin ako, dito pa rin ako titira sa marikina, malinis, kaunti ang tao, probinsiya atmosphere, pwedeng mag-gantsilyo. I think mas marami pang lugar ang may mas malaking problema sa baha katulad ng espanya, malabon navotas, at baharain🙂

    • OMG! THE Karen Dematera is in the house! haha Hindi mo na din talaga napigilang di mag-comment ha bilang taga-Marikina. hahaha SHOUT OUCH NAMAN sa unang appearance mo sa YTM! haha Miss na kita, pota!

      Grabe yung hindi tinapos basahin ang post! Ang saya pa naman ng dulo part ko! hahaha Mau kurot. WOW. haha Ang sabi ko kasi is kung hindi na talaga kayang solusyunan ang problema sa baha sa inyo at give up na ang gobyerno, ilipat na lahat ng mga taga-Marikina kasama ang Navotas, Malabon etc. sa isang mas ligtas na lugar for good. One-time bigtime lipatan na lang tapos wala ng tao sa mga bahaing lugar. Kasama n’yo din kasi kameng nagaalala tuwing umuulan eh. Tipong kabado din kameng babahin na naman kayo kasi bumabagyo. Effort talaga ang lipatan. Pero effort din yung linis mode everytime na may baha. Aminin mo ‘yan. It’s a tie. Hirap din maglinis ng putik from the baha. haha Si Eshei I think nangayayat ng slight. haha

      Pero kung kaya namang solusyunan, go! Walang lipatan. Mas best. Mas bongga. Kaya sana talaga eh magawan na ito ng paraan. Iba na rin ang bagyo ngayon. Ulan pa lang, nangangabog na. Ulan pa lang, Ondoy level na. So, mas mataas na ang chance na maulit na naman ang baha nang mas madalas.

      Marikina is lurve. That is true. Malinis ang Marikina. Aminin natin ‘yan. Nega lang talaga kapag baha toym. Sana talaga matuldukan na ang problemang ito. Sana maabutan natin ang pagbabago sa lifetime natin.

  3. Hay nako Madma, buti nalang at may puso din ang kumpanya ko. Di kami pinilit pumasok at lumusong — at may relief goods pa. Wala lang. Char.

    In furrrness, ang hirap din ha! Hindi man ako binaha ng bongga pero the areas naman of the outside! Napaka… grr. Feeling ko mabubuntis ako ng baha pag pumasok sa aking sensitivity. Ang lalim! Pero buti nalang I’m protected.

    Plug ko na din ang PH Care. Panglinis.😀 Mabango at presko, matapos mabasa. Ahay~

    • Korek! Buti nga talaga at mabait ang NGA. Nag-relief operations pa kayo, ‘di ba? Hirap talaga ng baha. GRABE!

      wahaha gusto ko ang plugging mo ng PH Care. Parang gusto ko na tuloy gamitin after ng mga sinabi mo. WOW. Babae rin ha. hahaha❤

  4. Huuuy okay ang PH care ha. Yung green. Fresh na fresh parang laging may hangin. /gg

    Oo si Jill pasimuno ng relief operations. Iba din ang mars mo.

    • wahahaha Sige nga, ma-try ko nga ‘yang PH Care na ‘yan. Gusto ko yung parang laging may hangin! hahaha

      Mabuhay ang NGA! Gusto ko ang Relief Operations n’yo! I love you, Jill!❤

  5. Madma, another marikenyo in the house!

    Iyun, alam naman nating isa din ako sa mga binaha sa marikina, dahil alam naman natin, malapit ang house namin sa site na dapat may nakasulat, “Bawal Magtayo ng Bahay, Nakamamatay!”

    So iyun, I must agree with Nay Cristy na ang nguynguy nga ng blog entry na ito to the point of paikut-ikot with the basic point lang na you hate baha.

    Pero iyun naman, may i just commend markina for a disaster well handled this time. To think na mas maraming ulan ang binuhos ng habagat, hindi ito nagkaroon ng mala-Ondoy na epekto. Dahil siguro walang nakatulog sa Floodway this time at nabuksan ang mga floodgates. Sa responsdableng taong iyun noong Ondoy Days, pakilabas naman kung sino siya.

    Going back, mas magaling nga ang mga tao ngayon at kinauukulan sa Marikina, even the rescuers. May Gaaad, nagrereklamo na ang mga rescuers. At nagagalit na, kasi may mga taong ayaw magpa-rescue sa kanila, e totoo namang nakakapagod ang pupunta ka sa lubog na lugar tapos sasabihan ka ng “no thanks.” nguyngoy talaga. At naniniwala akong ang may karapatan lang magalit at magreklamo ay yung magagaling natao. So clap clap sa mahuhusay na rescuers nung panahon ng baha. More to come, so save your energy.

    Tama naman si Madma na sisihin ang government for not having a concrete plan. Pero more than plan, mas kailangan ng political will na talaga namang wala. pagsasamahin ang will ng mga raliyista at magandang plano ng mga politiko, siguro mararaing ang pagbabago. Dahil I doubt kung susundin ng mga tao ang utos ng gobyerno. Ang dami kayang squatters, at hindi sila maalis-alis kahit gaano sila ka-illegal, dahil walang political will. I don’t think dapat sila i-relocate, o kung ililipat man sila ng lugar, dapat sa bilangguan, dahil aminin natin, nakatira sa lupaing hindi nila pag-aaari. pagnanakaw na din iyung maituturing. At ang mga squatters na ito ang casue ng baha. Of course, pagbibintang iyon, dahila ng cause talaga ng baha ay ulan. Kahit gaano karami ang squatters pero walang ulan, i doubt kung babaha.

    And of course, Ulan ang other factors like the kalbong kagubatan. Na hindi lang pinulutan ng puno, mininahan pa. Ang baha sa Marikina ay galing sa Montalban at sa kabundukan ng Sierra Mudra. Kung hindi nagkaroon gn quarrying doon, kung hindi na-develop ang kabundukan upang gawing subdivisions, hindi tutuluy-tuloy ang pagbagsak ng tubig sa marikina.

    So there, other than the government, kailangan ding sisihin ang mga criminal, both mayaman and mahirap, yung mayayamang nangangamkam ng kabundukan at ang mga mahihirap na nangangamkam din ng lupa/estero at tinatamabkan ng basura.

    On aktibista, katulad lang sila ng gobyerno. parang magsintagal na silang magkasama, like Batman and Joker, pero wala pa ring nangyayari sa Pilipinas na magandang pagbabago.

    • O.M.G. Bette in the house! Super miss na kita! Pleaursh! Grabe yung nabaha ka rin talaga.😦

      Nakakatuwa namang malaman na na-handle nang mabuti ang Marikina ang nakaraang habagat. Happy to hear na may tinatawag na “pagbabago!” Shout ouch din sa mga matatapang na rescuers ng Marikina na talagang sumuong sa baha para iligtas ang mga fans.

      Gusto ko ang dagdag mo na “political will” at pagkasira ng kagubatan. Pak ‘yan. Mahalagang combination ang concrete plan, politcal will at pagligtas sa kagubatan para sa lubusang pagpuksa ng baha sa Pilipinas. OMG! Ang tataray na ng mga words natin ha. Lakas maka-political analyst! hahaha Madma for President and Abet for Senator na ito! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s