Madma Turns 27: The Big Announcement!!!

Dear fans and followers,

Malapit na ang birthday ni Madma!!! Yes, Madma will be turning 27 sa August 20, 2012. Regular Holiday ang araw na ‘yan. Kaka-declare lang ni PNoy. Gift n’ya sa akin at sa YTM. Char!🙂 Hindi, Eid’l Fitr talaga sa Monday. Na-tyempo rin talaga ang birthday ni Madma sa holiday. Very long weekend tayo ngayon! Walang pasok ang August 20 and August 21. WOW! Panalo!😉

Abangan ang MALAKING PASABOG ni Madma sa August 20. Syempre, hindi papayag ang Diva na walang pasabog sa birthday n’ya! Ang lagay eh, ganoon na lang?! Kumapit kayo sa “The Big Announcement” sa August 20!!! For sure, maloloka ang fans and followers ng YTM sa sasabihin ni Madma sa Lunes. Gaya nga ng sinasabi ko sa simula pa lang, puro PASABOG lang tayo sa blog na ito. Hindi tayo titigil sa mga pasabog!

Grabe, 27 na ako sa Monday. Anyare?! Ang tanda ko na. Pota. Konti na lang death na. OMG! Ayoko pa mamatay. WOW. OA rin ha.😉 Excited na ako sa birthday ko kasi blessing yun eh. Wala mang love life, at least buhay pa ako! Andami na rin kasi talagang namamatay lately. Pabata nang pabata. Swerte na ring mabuhay nowadays. Kaya naman, we will celebrate life! Madma is preparing something na siguradong ikaloloka, ikatataas ng kilay or pwede ring ikamatay ng mga tao sa blogging world. Sana kayanin n’yo ito! Para ito talaga sa mga fans and followers ng YTM na hindi bumibitaw ever since.😉

Malapit na rin mag-3 months ang YTM! GRABE! Super bilis! Almost 3 months na rin tayong nag-ngunguynguyan dito. And so far, malakas pa rin ang YTM. Matatag pa rin! Inulan man ng maraming intriga, nanatili pa ring namamayagpag! Parami nang parami ang mga followers at patuloy pa ring kumikinang. LOVE IT!🙂 Kaya naman, hayaang n’yong suklian ko ang inyong suporta sa pagbibigay ng isang MALAKING PASABOG na babago na naman sa mukha ng blogging world. Sana magustuhan n’yo talaga ito.😉

Gusto n’yo ba ng clue? Sige… Char. Huwag na! Abang na lang kayo sa sasabihin ni Madma sa Lunes. Konting extend naman ng EQ! Konting kembot na lang at Monday na. Abangan na lang.😉

Madma Gives Back

At dahil nga sa malapit na ang birthday ni Madma, gusto rin n’yang i-share sa fans ang blessing at tagumpay na natatamasa n’ya! WOW. Kung makagamit naman ng “tamasa” akala mo milyunarya!🙂 Tinatawagan ko ang lahat ng may birthday sa month ngAugust! Gusto n’yo bang ma-feature sa sikat na sikat na YTM?! Ito na ang chance n’yo!!!😉

Madali lang ang gagawin! Padala lang kayo ng picture n’yo tapos samahan n’yo ng write-up. Ang laman ng write-up ay ang wish n’yo sa birthday n’yo. Hindi ko naman ibibigay ang wish n’yo, ano. Hindi ko pa naman ka-level si Megastar Sharon Cuneta para magkaroon ng Wish Upon a Megastar. Darating din tayo d’yan. Sa ngayon, hayaan n’yong i-feature ko muna kayo sa YTM.🙂

So, kung ang birthday mo ay August, magpadala ka na! First 7 lang ang kukunin ko para ma-feature sa YTM. BILISAN N’YO NA! Padala na kayo ng best photo n’yo at samahan ng write-up. Ito ang format ng write-up:

  1. My Ultimate Birthday Wish
  2. Message to my family, friends and jowa
  3. Message to Madma and YTM
  4. Message to my enemies
  5. Message to the whole world

So, ayan ha! Send your pasabog photo and write-up sa yourstrulymadma@yahoo.com. Ife-feature ko ang lucky 7 letter senders sa YTM. Excited na kameng makilala ang mga August celebrants. Malay n’yo, maging daan pa itong blog ko sa katuparan ng wish n’yo. SULAT NA! GO!

Yours truly,

Madma 

P.S. Thanks to my PF, Ms. Hazel Jayag for my photo above.🙂 Mag-ingat kayong lahat. May bagyo na tayo! KALOKA!

At syempre, tuloy-tuloy lang ang pagboto sa favorite models n’yo sa YTMNTM! Malapit na tayo sa grand finale!!! Kapit lang!🙂

Click this to vote: https://madmacarta.wordpress.com/2012/08/10/the-top-6-finalists-of-ytms-next-top-model/

7 thoughts on “Madma Turns 27: The Big Announcement!!!

    • Sael! Na-miss rin kita! Tapos na ang bagyo at ang mga gala ni Madma so tuloy na sa pasabog! hahaha Mag-send ka na ng photo at write-up mo para ma-feature ka ULIT! hahaha Mabuhay ang mga Leo! Palaban, matapang, PASABOG!🙂 Malapit na birthday natin! WOOOH!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s