Madma Gives Back (Part 1)

Dear fans and followers,

SHOUT OUCH naman sa kauna-unahang featured fan para sa Madma Gives Back!!! Ang bilis umaksyon ni Kuya! Batiin naman siya ng isang pasabog na HAPPY BITHDAY!

Kilalanin natin si Sael!❤

__________________________

Hello naman YTM Fans, Sael here. Aka Deathbymilktea. Born on August 19. Yes, na-feature na ako dito sa YTM, pero dahil famewhore ako, wala kayong magagawa. Haha.

1. My Ultimate Birthday Wish

Pano mo ba idedefine ang ultimate? Mas superlative ba siya sa Giga? Sa Über at sa Supra? Nakakatakot yun. Pano pag natupad na yung ultimate wish, pagkatapos nun, anon a? Nganga na lang? Haha. Joke. :p

Kidding aside, wala naman talaga akong ultimate birthday wish. Actually, hindi ako nagwiwish pag birthday ko. Hindi ko lang nakasanayan, kasi hindi naman ako nagcecelebrate talaga ng birthday. Walang bonggang party or celebration. Nung bata ako gusto ko ng ganun pero hindi kasi namin maafford, so okay na saken pag may spaghetti at may pinyang pinagtutusukan ng hotdog na may marshmallow. Importante yung marshmallow. Pag meron nun, sobrang saya ko na. Mababaw sa iba, pero saken sapat na sapat na. Kaya kahit ngayong pwede nang magcelebrate, ayoko na rin. Nasanay na ako sa simple lang.🙂 Wow. Biglang may sharing din ha.

Pero kung may “wish” man ako, yun eh yung welfare ng mga mahal ko sa buhay. Ang showbiz ampota. Haha.

2. Message to:

Family – Anong side ng family? :p Kung sa mother side, mahal ko kayong lahat! :3 Yung sa father side, kingina niyo! JOKE! :p Grabe yung may hugot talaga ako re: this one. Lahat naman yata tayo may problema sa pamilya. Wow. Talagang dito ako ngumuynguy.

Friends – Pakadami niyo rin, at majority sa inyo tagal ko nang di nakikita :((( Sobrang miss ko na kayo. :’3 Shout ouch naman sa Tropang Petick, sa Zooids ng UPZS, sa mga 06 Bio Peeps, UP Friends, Cisco Peeps, Icicles, Team Kaladkarin, Madma Cum Laudes at Trio_Tagapayo Members. Happy 60th anniversary pala sa University of the Philippines Zoological Society!!! See you sa UPZS Diamante! :DDD

Jowa – Next please. Loljk. :p

3. Message to Madma and YTM –

Hi Madma! Grabe yung alis ka kasi ng alis sa bansa, eh alam mo naman clingy din ang Pilipinas sayo. Nagalit tuloy si Habagat. Haha. Happy birthday naman sayo. Sana Makita ko na kayo soon. :3

Gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi sa’yo, salamat sa pagbuo mo ng YTM dahil naging daan ‘to para magkaroon ako ng maraming kaibigan. Tuluy-tuloy lang ang pagsuporta naming sa’yo, alamoyan.🙂 More power sa iyong pasaBLOG!😀

4. Message to my enemies

Grabe yung andami niyo rin at directly proportional sa dami ng kaibigan ko. Haha. Joke. Wala naman akong kaaway. Sila yung umaaway saken. Ako dedma lang. Hindi naman ako yayaman sa inyo. Baka patulan ko kayo pag binigyan niyo ko ng pera. Or gadgets. Lol. :))))

5. Message to the whole world

World peace ples! Mag Milk Tea na lang tayong lahat! :p

__________________________

Wooooh!!! WE LOVE YOU, Sael! Grabe, famewhore ka rin ha! Advance Happy Birthday sa’yo. Wish namin ay kaligayahan para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Salamat sa suporta sa YTM. Bongga ka!!!!

O, kayo?! Gusto n’yo bang ma-feature sa sikat na sikat na YTM?! Ito na ang chance n’yo!!! Kung ang birthday mo ay sa month of August, pasok na pasok ka sa Madma Gives Back! Anga taray nung “Madma Gives Back!” Nakaka-artista!😉 Malapit na kasi ang birthday ni Madma, sa August 20 to be exact. So, gusto ko lang i-celebrate at batiin ang ibang mga August celebrants as well!😉

Madali lang ang gagawin! Padala lang kayo ng picture n’yo tapos samahan n’yo ng write-up. Ang laman ng write-up ay ang wish n’yo sa birthday n’yo. Hindi ko naman ibibigay ang wish n’yo, ano. Gusto lang namin malaman.🙂 Hindi ko pa naman ka-level si Megastar Sharon Cuneta para magkaroon ng Wish Upon a Megastar. Sa ngayon, hayaan n’yong i-feature ko muna kayo sa YTM.

So, kung ang birthday mo ay August, magpadala ka na! First 7 lang ang kukunin ko para ma-feature sa YTM. BILISAN N’YO NA! Nakuha na ni Sael ang isang slot so 6 na lang ang tatanggapin ko. BILIS!🙂

Padala na kayo ng best photo n’yo at samahan ng write-up. Ito ang format ng write-up:

  1. My Ultimate Birthday Wish
  2. Message to my family, friends and jowa
  3. Message to Madma and YTM
  4. Message to my enemies
  5. Message to the whole world

So, ayan ha! Send your pasabog photo and write-up sa yourstrulymadma@yahoo.com. Ife-feature ko ang lucky 7 letter senders sa YTM. Excited na kameng makilala ang mga August celebrants. Malay n’yo, maging daan pa itong blog ko sa katuparan ng wish n’yo. SULAT NA! GO!

Yours truly,

Madma

P.S. At syempre, tuloy-tuloy lang ang pagboto sa favorite models n’yo sa YTMNTM! Mamaya na ang cut-off ng voting! Until 11:00 p.m. lang botahan! Elimination Special natin bukas. BOTO NA!

Click this to vote: https://madmacarta.wordpress.com/2012/08/10/the-top-6-finalists-of-ytms-next-top-model/

21 thoughts on “Madma Gives Back (Part 1)

  1. Hangbilis din ng pagpost mo Madma! Nahiya naman ako bigla. WOW.😄
    Maraming salamat sa pag-feature ULIT. Haha. Feeling ko may pangatlong beses pa. LOL. Pakagahaman ko din eh.😀

    Calling all August Celebrants!!! Diba Gens and Benson? :p

  2. madmadenoche malapit kng sumikat dito sa Brunei, ng multiply na kaming mga fans mo dito, tuwang tuwa kami sa mga blogs mo, simple at totoo kang tao. Keep it up!

    • WOW! Hello naman, Royalskies.😉 Oo nga, ang lakas ng views ko d’yan. haha Sige, sama ko na ang Brunei sa Asian tour ko.🙂 Salamat sa suporta. Nakaka-touch ka naman!🙂

  3. HQF! grabe yung ikaw ang nauna na nafeature! napredict ko na to na magpapastar ka na naman dito, di ko lang inexpect na ikaw ang mauuna! :)) Advance Happy Birthday naman sa yo at kay Madma na rin! gusto ko din mafeature kaso next month pa naman bday ko. haha. pero okay na din sa kin di mafeature basta may gift ako mula kay madma! hello naman madma, nagpaparinig ako! :))

    p.s. (akala ni madma siya lang ang pwedeng mag P.S., ako din! haha!)
    sael, kabirthday mo ang kuya ko!🙂 magkapatid talaga tayo! apir!🙂

  4. Hello, Sael! Happy birthday sayo!🙂 Kahit medyo naging oldie na ako, gusto ko pa rin ang pinya at hotdawg on sticks! Wish ko ang good health at happiness para sa iyong birthday. Bagung-bago. Ahaha! Mwah!

    • Hello Jetti! Maraming salamat naman! Actually, kahit yung marshmallow lang eh okay na ko. Dati nga gusto ko magtrabaho sa factory ng marshmallow. Meron ka bang alam? Haha. Marshmallow is love kasi. ♥♥♥😀
      Hegsayted na kami for your next YTMNTM entry! Alam mong tuluy-tuloy ang suporta namin sa’yo.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s