The Official Statement of Madma (Another)

______________________

Dami kong issue sa contest na to.

Hindi malinaw kung for fun lang ba ito o seryosohan. Unfair pareho sa contestants at sa judges.

Unfair sa contestants, na mukhang marami sa kanila eh kaibigan lang naman ng may-ari ng blog na either nagvolunteer sumali bilang suporta o pinilit lang, dahil nasa-subject sila sa matinding kritiko ng mga resident at judges at ng mga nagsusubaybay sa blog samantalang inihain ito bilang isang katuwaan lang naman.

Unfair din para sa judges, dahil naglalaan sila ng panahon upang pag-isipan ang kanilang mga sasabihin, na lingid sa kanilang kaalaman eh hindi naman pinaglaanan ng panahon at pinag-iisipan ng mga contestants ung mga entries nila. Halimbawa na lang si Coco na ibang picture lang sa parehong photoshoot nya nung nakaraang linggo ung binigay nya ngayon.

Hindi bagay ang title na “top model contest” dito. Mas bagay ang “Next Top Stock Photo Model.” Alam naman natin na hindi naman ineeffortan ng mga kasali ung mga binigay nila dito. Mga dati na nila tong litratong nahalungkat sa Facebook.

Natuwa ako nung nagsimula ang contest na to, pero ngayon eh naaawa na lang ako para sa mga kasali, mapacontestant o judge o mambabasa.

Wala ng saysay ang contest. Na hindi naman nakapagtataka dahil parang ung kabuuan ng blog eh wala ng saysay. Parang wala ng gana si madmacarta. 3rd monthsary na sa makalawa, walang teaser para sa bagong video. Wala na ring mga yabang post tungkol sa ranking sa topblogs. Alam nyo na kung bakit.

Sayang, nagsimula ng maganda, nagkaroon agad ng following, pero napabayaan na. Kung aayos pa, sa totoo lang, hindi ko na inaasahan, pero para sa iba pang nagtitiyaga, sana ayusin pa to ni madmacarta.

– What’s Happening To This Blog

______________________

Dear What’s Happening To This Blog,

PASABOG ka! Salamat sa matapang na pagpapahayag ng iyong saloobin. Maanghang. Palaban. Bongga! Gusto kong sabihing na-appreciate ko ang comment mo higit sa anupaman. Nagpapasalamat ako at may taong kagaya mong masusing nakamatyag sa bawat galaw ni Madma at sa blog n’ya. I love it!🙂

Your comment needs to be addressed accordingly. Kaya naman hayaan mong sagutin ko ang mga issues mo sa blog ko at sa YTMNTM.🙂

Sa simula pa lang ng show na ito, malinaw na inilatag na ang YTMNTM ay isang online modelling search na naglalayong magbigay ng saya sa mga mambabasa ng YTM at the same time ay hanapin ang karapat-dapat na model para sa kumpanyang Adbokasya. Ginawa ang show para mag-offer ng bagong twist sa blogging world. Sa tanong mo na kung for fun lang ba ang show na ito o seryosohan, ang sagot ko ay both. Ang YTMNTM ay binuo primarily para makapagbigay ng saya sa mga mababasa ng YTM while observing and displaying professionalism. Two components ‘yan: saya and professionalism. Saya, na hindi tipong gaguhan at baranggayan na basta na lang isu-subject ang mga contestants sa matinding kritiko ng mga judges at ng mga taga-subaybay ng blog para laitin, pagtawanan at yurakan ang kanilang pagkatao. Ang tinukoy kung “saya” ay isang uri ng aliw na kung saan malaya at matalinong nagpapalitan ng kaalaman, kuru-kuro, diskurso at saloobin ang mga contestants, mga readers and judges on modelling. Ang sinasabi kong “saya” ay isang porma ng entertainment na kung saan sama-samang natututo ang lahat ng mga involved sa show pagdating sa modelling.

Malaking component din ang role na ginagampanan ng professionalism sa show na ito. Tandaan natin “online” show ito. Never kong nakita ang mga constestants at nakausap ng face to face until now. Tama si Madmacartian, the contestants didn’t sign any contract with me. Wala silang obligasyon sa akin at sa show. Hindi sila required magpasa ng bagong photos para sa YTMNTM. Hindi ko sila binabayaran at wala kameng kontrata. Ang tanging nagbubuklod lamang sa akin at sa mga contestants ay wagas na tiwala.🙂 Kaya naman, laking pasasalamat ko sa pagmamahal, dedication at suporta ng mga models para sa blog na ito. :)Nagpapasalamat ako effort ng mga models na kahit hindi required ang bagong photos, gumagawa sila ng paraan sa kabila ng kanilang busy schedule para makapag-photoshoot on their own, mai-apply ang comments ng judges and fans at makapagbigay ng pasabog entry sa itinakdang deadline. Kung hindi ka masaya sa entry nila at napapangitan ka, huwag kang bumoto. Laging open ang choice na ‘yan. Pero, hindi tamang mag-demand tayo sa mga contestants beyond their capability. Alam naman nila kung pangit or maganda ang entry nila eh. So, ready sila sa kahihinatnan lalo na sa mga sasabihin ng judges and fans.😉

Gusto ko ring sumang-ayon sa sinabi ni Random Madmacartian. You made a lot of assumptions in your comment lalo na sa pagsasabing “unfair pareho sa contestants at sa judges ang show na ito.”  Kailan man ay hindi naging unfair ang YTMNTM. Ang mga judges ay maayos na nabibigyan ng briefing sa nature ng show na ito bago pa man sila mag-judge. Sa katunayan, karamihan sa mga naging Celebrity Judge ay avid reader din ng blog na ito kaya alam na alam nila ang lahat. Ang mga contestants naman ay nabigyan din ng briefing sa nature ng show na ito bago pa man magsimula ang lahat. Sa abot ng aking makakaya and given the online nature of this show, sinikap kong maipaliwanag sa mga contestants ang nature ng YTMNTM bago ko pa man sila isalang.

Totoong karamihan sa mga models ay kaibigan ko. Yung mga hindi ko naman kaibigan na sumali ay kaibigan ko na ngayon. Wala akong nakikitang issue sa bagay na ito kasi ang importante ay PATAS ang laban regardless kung matagal ko ng kabigan o hindi. Wala akong voting power. Isa lamang akong host ng patimpalak na ito. Tandaan ulit natin, 50/50 ang judging sa YTMNTM. Pantay lang ang power ng judges at ng mga fans para mas balance. Ang YTMNTM team ay nagsisikap na makakuha ng mga credible na judges every round para sa patas at tapat na labanan. YTMNTM upholds fairness and equality.

Gusto ko ring i-point out na hindi ko hawak ang utak at emosyon ng mga contestants lalo pa’t online ang show na ito. Sa kabila ng mga pagsisikap kong maging malinaw ang nature ng show na ito sa lahat lalo na sa mga models, batid ko pa ring iba-iba ang pwedeng maging reaksyon ng bawat isa sapagkat tayo ay may magkakaibang puso at damdamin. Oo, hindi ko alam fully ang reason ng mga models for joining the show kung ito ba ay seryoso for them or fun lang. Pwedeng yung iba for fun lang ang pagsali rito. Pwede rin namang yung iba ay seryoso. Pwede ring both. Hindi ko ito hawak at hindi ko ito kontrolado. Kaya naman, the least that I can do is to observe and display fairness and professionalism in this show. The least that I can do is ensure na ang mga judges ay professional sa kanilang pagbibigay ng komento. Ito lang ang bagay na kaya kong kontrolin kaya naman pinagbubuti ko ang aspetong ito.

Hindi ka dapat maawa sa mga contestants, judges and readers na patuloy na nakakapit at naniniwala sa YTMNTM. Hindi kinaawaan ang mga taong nage-enjoy at nagsasaya. Mas nakakaawa ang mga taong mapaghanap ng mga kamalian at hindi marunong makuntento. Mas nakakaawa ang mga nega at mga mapanghusgang tao. Mas nakakaawa ang mga taong hindi marunong maghintay. Mas nakaawa ang mga taong laging nakatingin sa kadiliman. Mas nakakaawa ang mga taong masyadong naka-focus sa mga kakulangan kaysa sa enjoyin ang mga simpleng tagumpay sa buhay. I pity those people who are taking the fun out of life. Life is not perfect. Kahit saan ka pumunta, laging may mali. Laging may pagkukulang.

Aaminin ko, bumaba nang konti ang ranking ko sa topblogs.com.ph. from Top 50 to Top 100 out of 1,000 blogs in the Philippines. Ganoon naman kasi ang ikot ng mundo, hindi ba? Minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba. Para lang yang tubig na galing sa dagat, umakyat sa kalangitan at bumaba muli bilang ulan. Subalit, ang pinaka-exciting na part ay ang muli na namang pag-akyat sa taas! Hindi ako nababahala sa munting pagbaba ng YTM sa ranking. Kumpara sa mga tagumpay na nakamit ng blog na ito sa loob lamang ng tatlong buwan, walang-wala sa kalingkingan ang munting dagok na ito. At the end of the day, hindi importante kung nasaan ka. Ang mahalaga ay na-enjoy mo ang byahe kung saan ka pupunta. Ang importante ay patuloy kang lumalaban at patuloy na pinagbubuti ang inyong kakayahan. Hindi madali ang byahe patungong tagumpay ika nga ni PNoy. Pero, masaya akong tinatahak ang landas na ito kasama ang mga taong wagas na sumusuporta at naniniwala kay Madma at sa blog na ito. Kung nagaalala ka na wala nang pasabog si Madma sa YTM, I am sorry to burst your bubble pero mali ka. Patience, my dear. Patience.

At panghuli, kung wala ng saysay ang contest na ito at ang blog ko sa mata mo at gulung-gulo ka na sa mga kaganapan dito, lagi kang may choice na lumisan. Para lang ‘yang TV show na ayaw mo panoorin. You can always switch channels kung saan ka masaya. Pwede mo ring patayin totally ang TV at manood na lamang ng DVD kung hindi ka talaga masaya sa isang palabas. Pwedeng huwag ka ng bumili ng TV at all at mag-gym ka na lang. You always have a choice. Walang pilitan. Walang pigilan.

Maraming limitation ang YTMNTM bilang online show. Hindi ito perfect show. Alam ko ‘yan. Subalit sa kabila nito, patuloy akong magsisikap na maging patas at tapat ang labanan dito. Patuloy kong susuungin ang mga kahinaan ng show para sa mapasaya ang mga sumusuporta at naniniwala sa blog na ito.

Hindi ako titigil sa mga pasabog. Nagsisimula pa lamang tayo.🙂

Muli, salamat sa komento mo, What’s Happening To This Blog. Nawa ay nabigyan ko ng linaw ang mga issues mo.😉 Chill. Enjoy life.😉

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat din kina Random Madmacartian and Madmacartian sa pagbibigay nila ng insights. Salamt din kay Jeff and Coco for sharing their views bilang part ng show na ito. I love you, guys.🙂

LAST DAY na ng botohan sa YTM’s Next Top Model tonight! Cut-off ng voting is 11:00 pm! Itodo na ang pagboto!!! Elimination Day na naman natin bukas!!! Top 5 na tayo sa Friday. OMG!🙂

Click this link to vote and view the standing of the models: https://madmacarta.wordpress.com/2012/08/10/the-top-6-finalists-of-ytms-next-top-model/

26 thoughts on “The Official Statement of Madma (Another)

  1. Isang masigabong pagpupugay sa iyo, Madma… with confetti on the side.
    Matapang mong hinarap ng patas ang mga issue na ipinupukol sa iyo, sa YTMNTM at sa blog na ito in general and as a whole.
    Sa mundong ating ginagalawan, kung saan lalo tayong pinaglalapit ng internet at social media, ang bawat isa sa atin ay may layang ipahayag ang sarili.
    Kung kaya naman hanga ako, at kaisa mo ako, sa hindi pag-kundena kay “What’s Happening To This Blog” sapagkat ang kanyang binitiwang mga salita ay personal nyang opinyon at pansariling perspektibo sa kasalukuyang mga kaganapan dito sa madmacarta.wordpress.com.
    Maaaring sya ay nababagot na, tulad ng pagkabagot ng fans ni Jonalyne Viray (kelan ba ang concert sa Araneta? Yun ay kung…).
    Maaring may sumang-ayon, maaari ring may sumalungat, ngunit walang makakapigil sa kanyang ipahayag ang sarili.
    At the end of the day, hindi matatawaran ang ipinapakitang tagumpay ng blog na ito.
    Anumang narating ng madmacarta.wordpress.com sa nakaraang 3 buwan ay maituturing ng tagumpay… at narito ako/kami, ang mga masugid mong mambabasa para patuloy na sumubaybay sa mga susunod pang buwan at taon ng blog na ito.

    p.s. (lakas maka-madma ng p.s. na yan!)
    Sana ay pamarisan ka ng mga artista sa larangan ng pagharap sa mga kritisismo — negatibo man o positibo.

    • Hi, Jeff. WOW naman! Ang taray din ng comment mo ha. LEVEL na rin sa main entry! hahahaha

      Salamat sa suporta, Jeff. Wagas din talaga ha. Ang simpleng bagay na ito ang pinagkukunan ko ng lakas para magpatuloy at lumaban. Ansabe?!

      Dami talagang intriga sa show bizz. Alam mo ‘yan. haha Ang mahalaga is maayos itong hawakan at i-address nang maayos. Hindi ako galit sa mga detractors and bashers. Love ko din sila gaya ng pagmamahal sa mga avid fans. Nagpapahayag lang naman sila ng saloobin. Na tunay namang naa-appreciate ko. After all, mahalaga ang feedback sa isang online show na gaya nito. Ito lang ang way para malaman ko kung gaano ka-effective ang YTMNTM. Ansabe ng communication expert?! hahaha

      At may P.S. ka talaga ha! hahaha Kabisado mo na rin talaga yung format! hahahaha

      Love you, Jeff!❤

  2. ” Hindi kinaawaan ang mga taong nage-enjoy at nagsasaya. Mas nakakaawa ang mga taong mapaghanap ng mga kamalian at hindi marunong makuntento. Mas nakakaawa ang mga nega at mga mapanghusgang tao. Mas nakakaawa ang mga taong hindi marunong maghintay. Mas nakaawa ang mga taong laging nakatingin sa kadiliman. Mas nakakaawa ang mga taong masyadong naka-focus sa mga kakulangan kaysa sa enjoyin ang mga simpleng tagumpay sa buhay. I pity those people who are taking the fun out of life. Life is not perfect. Kahit saan ka pumunta, laging may mali. Laging may pagkukulang.”

    Well said, Madma. Sadyang may mga ganyang tao. May kanya kanya tayong pinaghuhugutan ng mga pananaw natin sa buhay. Bilang photographer ng dalawang YTM na contestants, video editor mo, at bilang kaibigan mo na rin, magtutunog biased ang kahit na anong sasabihin ko so di na lang ako ngunguynguy masyado. Ang mabibigay ko lang ay ang patuloy na suporta sa blog at patuloy na tumulong sa pagpapasaya ng mga readers and fans mo. I love you, BBF!

    • BBF! I love you too.🙂 Ang industriya talaga ay puno ng intriga. Kakaloka. hahaha Alam ko namang wagas ang suporta mo sa YTM. Kaya naman, gagawa tayo ng marami pang pasabog soon. Isama natin ‘yang jowa mo. Sayang naman ang kapogian n’ya! hahaha

      I love you, BBF! See you really soon. I will GONNA see you soon! hahaha

  3. Waaaah… Anyare??? Anung kaguluhan ang naganap? Ang pasabog, di ako nakabisita for a few days dahl busy, pagbalik ko, me drama, aksyon nabg ganap. Dame namang nguynguy nung letter sender. Tama ka madma, kung ayaw, eh di wag. Kung inis ka sa blog, eh di wag mong bisitahin. Di ka naman pinipilit basahin to. Kung nag eenjoy ka dati at ngayon hindi na, eh di humanap ka ng ibang mababasa. Parang syota lang yan eh, db?

    Ang nega kase ng dating ng mga sinabi nya, pwede namang sabihin in a more constructive way..

    Hmppphhhh….

    Heychu what happened to this blog.

    Magsama kayo ni Charice!

    • wahahaha. Bakit mainit ang ulo mo kay Charice?! haha

      Ang daming nagaganap sa YTM ngayon. Inuulan din talaga ng intriga at mga pasabog. We are so back! haha Na-miss ka namin, Ron!

      GV, GV lang. Pak!❤

  4. Sa buhay showbiz, ganyan talaga.. some will love you and some will hate/criticize/judge you.. Yes some, Some Milby (corny ko, kaines..haha)

    First of all, I am a fan of yours even before you started this blog (wuw, English din) and I bet there are others like me who adore your wit and sense of humor.

    Eto lang ang masasabi ko sayo Madma, ituloy mo lang ang laban (Ansabe?!) Just do what you enjoy doing and others will enjoy with you (May sense ba?.. haha).

    More power Madma, hope to see you soon.

    • Yun! Shout ouch naman sa’yo, Mr. Brightside!❤ Talaga namang naging-brighter ang araw ko sa comment mo!❤

      Ang arte-arte mo magsalita! Nakakatawa ka. hahaha Ume-English pa ang pota. hahaha Laban lang! Marami pang pasabog soon.

      Thanks, Mr. Brightside! Parang ang pogi mo sa personal. hahaha Beat that!

  5. Oh my freaking lord. I can’t believe my rather harmless observations would be blown up like this.

    Fact 1: The quality of this blog has deteriorated significantly over the last few days. The contents are no longer as interesting. Whether you take this as bashing or intriga or laban or whatever other term you choose to use to hype up your blog is up to you. Just one thing, I’m not fighting you. Heck, I do not even know you. It’s not my intention to pull you down. I was just trying to bring something to your attention —- things I’m sure your other followers have also observed. They’re just too enamored by you that they let it pass. Or maybe the are afraid of you. One thing is for sure, you deserve more respect than that.

    Fact 2: You started a “historical top model” competition “for fun” but things somehow got “professional” and this got your contestants some very harsh and below the belt criticisms that they did not deserve which you allowed.

    To quote Coco in his reply to my comment on the top 6 post:

    “Kase I was thinking when I joined na “okay for fun”, “not too harsh”, we can grab our facebook photos. Honestly I didn’t expect that it will be as serious as this: being there everyweek on the hotseat, reading comments, more like negative than positive and sometimes below the belt, specially during bad times (specifically nung “pambahay shot week” where I lost a loved one and I totally forgot this contest). On the other hand, Di ko alam pero, it’s true that sometimes judges are really expecting a lot, like we are really professional models provided with resources, ON THE OTHER HAND, though I don’t blame them because I know it’s their job to judge. I have nothing against them for I know they are not judging me personally (cause they obviously don’t know me in person), hence they are judging my output, and it’s a learning experience for me kase in the first place sumali ako, so I expect that this might happen.”

    (Curiously, you did not reply to his comment.)

    It was your responsibility to control the direction of this competition. That was your job and you did not do it.

    I do not care anymore about the “fairness” of this competition. I know what I know and you know what you know. I know that some of the contestants are your friends. Some of them are friends with the judges too.

    Confusion: Sinabi mong never mong nakita ang mga constestants at nakausap ng face to face until now pero inamin mo rin na karamihan sa kanila ay kaibigan mo.

    ****

    I am saddened (but actually more alarmed) by how you handled my criticisms. Telling me to just go away only because I pointed out some shortcomings is very arrogant. For someone as you say is just starting, well…

    I do not understand how my reaction to the recent quality of your blog warranted this kind of attention when they are far more harmless and constructive compared to the brutality your contestants experienced from the judges and followers.

    Finally, again, I’m not a “basher” (you and your friends may want to look up the meaning of this word). I am just a concerned fan who has learned my lesson the hard way, do not tell madmacarta that his posts are becoming boring and his contests have several loopholes (and unfair to some people) if you do not want to be put on the spot and his followers to gang up on you.

    Advanced happy birthday!

  6. Sobra talagang pasabog ng blog mo DF!😉

    Bad publicity is still publicity. Thanks to What’s Happening To This Blog for giving a new perspective about this blog. This will make Madma stronger.

    Ako man, bilang miyembro ng Tribu_Tagapayo, Madma Cum Laude, and former contender of YTM NTM (PABIDA DIN TALAGA HAHAHA) ay talaga namang naglilow din in one way or another. Ito ay dahil busy din talaga sa ibang bagay. Pero tuloy ang pagsuporta hindi lang dahil kaibigan ko si Madma kundi dahil I’ve found fun and comedy in this blog. Ito naman lagi ang sinusuportahan ko sa kanya ever since, ang kanyang talento na magpatawa at magentertain ng tao. Madami akong ipinapayo kay Madma na mga advice kung pano pa papagandahin ang blog at talaga namang open sya para rito. Ngunit one step at a time lamang huwag tayong magmadali.

    Agree ako sa lahat ng sinabi mo Madma. Walang ka unfair unfair na nangyayari sa YTM NTM, pero kung iyon ang opinyon ng isang reader, pwede nating iexamine din mabuti ang show. Siguro nagdedemand na sya ng Communications Team sa blog na ito. Wuw, hindi kasi ito company hahaha. Hirap din magkaron ng Comms Department ha, na gagawa ng contest guidelines, may isang separate page for it sa blog. Naka-link or nasa isang tab. Tapos lahat ng mga niluluto for the blog ay naroon din. Mayron din interviews sa mga nagjudge about their experience, mga interviews kung anong nafeel ng candidate sa pagkatanggal nila or anong naging reaction nila sa isang Theme. WAHAHAHA.

    I think hindi mangyayari iyon. Kaya naman Open ang ganitong opinyon mo kasi madaming surprises talaga dahil hindi magiging bukas ang communication dahil sa limitasyon ng isang online pacontest. Normal lang talaga ang naging reaksyon mo at itatake dapat ito na positive. Isang taong concern ngunit dahil sa too much expectation ay nabigo.

    Masaya kami sa YTM, hindi kami magaaksaya ng minuto sa pagsusulat na wala kaming bayad hahaha kung hindi kami masaya.🙂

    • wahaha. Salamat, DF! Salamat sa wagas na suporta.😉 Kaka-touch naman ang mga sinabi mo.😦 Sige, consider ko rin yang Communications Team na suggest mo. haha I love you.🙂

  7. May mga ilang magagandang points naman si What’s Happening In This Blog. Hindi naman dahil kabatch kita Madma eh kakampihan na kita lagi di ba?

    Ganyan kasi kaming magkakaibigan very open sa criticisms! Hahaha Rest assured, What’s happening, na tinatanggap ni Madma ng maluwalhati ang comments mo. Marami ka naman talagang sinabing maganda at valid. Though hindi ko sinasabing lahat.

    So there.

  8. Napa-comment tuloy ang isang lurker na katulad ko. Gan’tong mga atake/obserbasyon pala ang kailangan. Okay lang magmasid, pero kung meron kang pinaniniwalaan na kinukwestiyon, dapat itong tayuan at panindigan (tumi-TV5 lang). Madma, magpatuloy ka lang sa ginagawa mo. Ganyan talaga, may karampatang halaga ang tagumpay at kasikatan at isa lang ito sa mga dapat mong bayaran. Para sa akin, hangga’t may nagpapangiti at nagpapatawa sa akin dito, patuloy akong babalik, patuloy akong magbabasa. Dalawang salita lang pero mabigat yung “walang saysay”. Kung walang saysay sa ‘yo ang isang bagay, hindi mo na dapat ito pinag-aaksayahan ng mahalagang ilang minuto ng iyong buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s