No to Blackmail!

Madma,

Hi and hello sa lahat ng tagasubaybay ng iyong blog! Isa po akong silent fan ng blog mo Madma and I really mean it. I follow every single post you blog. However, I opted to stay hidden among your fans. It’s because of the nature of my work.

Isa po akong actor from one of the biggest networks here in the country. I wouldn’t say that I am that popular, but I guess you would recognize me kapag nagkasalubong tayo somewhere. May show po ako, and I have guested on quite a number of programs already, and I guess that makes me quite an item, especially sa mga newspapers, tabloids and other forms of media.

I want to confide to you a challenge I am facing right now, Madma.

Last month, I started to have a sexual affair with a co-actor. We have kept this secret discreetly. My sexual preference is not public and I maintain a manly image in showbiz. I’m gay ever since. As of now wala pa namang clue ang public, I hope so…

Few days ago, he started doing weird stuffs. I would not go into the details. But I think he has some weird fetishes. Like bondage and group things. Sinabi ko sa kanya na I don’t do those stuffs. I am afraid I might get some STDs or worse, HIV. He insisted. He kept bugging me for a while. Then he stopped. And guess what. I received a video from him. It was a video of me kneeling on him. I was really shocked. Hindi ko alam Madma na he has taken a video of me doing the thing. Worst part is, his identity is not shown in it, just me and my face and his tool. He said I ought to do what he wants or the video will spread on Youtube, Facebook and Twitter.

I really don’t know what to do with this black mail, Madma. I’m not forcing you to give me an advice. Or any of your readers per se. I just hope that through your blog, and your community of your intelligent and empathic readers, there would be someone who‘ll listen to my troubled mind. I just need to release it.

Thanks for your time Madma. I hope he doesn’t visit your site.

Sincerely,

Chupping Tatum

___________________

Dear Chupping Tatum,

O.M.G.!!! Nakakaloka yung may artistang nagbabasa ng YTM at nanghihingi ng payo kay Madma! Kingina, pasabog!!! Hiyang-hiya ang The Buzz sa lakas ng pasabog na ito! Hindi ka naman siguro si Roco Nacino, ‘no? Or ikaw! Grabe yung si Roco ka! Waaah. Super crush ko si Roco Nacino like crazy! Mabanggit lang ang pangalan n’ya, nagka-climax na ako. Swear to guard! WOW.😉 Pasensya na kung di ko mapigilang ma-curious sa identity mo ha. Eh kasi naman, lakas maka-blind item nung descriptions na binigay mo eh. Lakas maka-Fashion Pulis! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na isipin kung sino ka sa real life.🙂 Nevertheless, I will respect your request to stay hidden among the fans of YTM. Pero sana magpakilala ka naman kahit kay Madma lang. Sige na!!!🙂 Feeling ko kasi si Roco ka eh. Don’t tell me si Regine Velasquez ka?! No way! Charoth.🙂 Ano ba, ACTOR nga eh. Naloloka na ako, sorry naman!🙂

Anyway, ang taray ng story mo! Very complicated. NAKAKALOKA! Ito talaga yung perfect example ng nakakaloka! Ayoko na magpayo. Kayo na lang. Give up ako! Charoth.🙂 Grabe, ang taas ng energy ko now. I can’t control it. Obvious naman, ‘no? Teka nga lang. Excuse muna. Ikakalma ko lang ang sarili ko. Wait…

Ayan, kalmado na ako. Game! WOW. Ang bilis ding kumalma ni Madma.Taray!😉

Hindi ko ikakailang kumplikado ang sitwasyon na kinalalagyan mo, Chupping Tatum. Lume-level sa problema sa baha ng Pilipinas ang pagka-kumplikado! Mahirap lumagay sa katayuan mo. Kitang-kita ko ito. Make or break kasi ito ng buong buhay mo eh so ramdam na ramdam ko talaga yung takot, agam-agam at malakasang pagkabahala mo. Isang maling galaw lang, maaring matapos ang lahat para sa’yo lalo na sa career mo. Isang maling desisyon lang, mababago na nang lubusan ang buhay mo. Ang hiraaaap, pare. WOW. Naging lalaki bigla ah. :) Sino ba yang actor na ‘yan? Sabihan mo nga para pabagsakin natin! Ang kupal ni Kuya. Ang gago lang. Irita! Umiinit ang dugo ko sa pamba-blackmail na ito. Napaka-cheap ni ng actor na ‘yan ha. Bakla na, cheap pa! Redundant! Baliw na ata ‘yan eh. Hug naman, Chupping Tatum. 😦 Hindi man kita kilala, pero naniniwala akong mabuti at maayos kang tao. Tsaka malandi rin. CHAR!🙂

Una sa lahat, tama ang desisyon mo na tumanggi at umiwas sa mga bagay na hindi mo naman talaga gusto gawin. Delikado rin kasi talaga yung mga weird stuff na pinapagawa sa’yo ni Kuya. Kaloka. Ang AIDS!!! Alam mo ‘yan, Ma’am. Forever na ito once na makuha mo. Wala nang balikan. Wala nang atrasan. Mabuti naman at kumalas ka na agad sa mga ka-cheapan ni Kuya. Natutuwa akong malaman na may pagpapahalaga ka pa rin sa sarili mo sa gitna ng kalandian mo. WOW.😉

Ito lang akin: kung gusto n’ya ng maruming laban, so be it! Sabayan mo ang uri ng laban na gusto n’ya! Kung ano ang hiningi, ibigay!  Kuha ka rin ng something na pwede mong ipambala sa kanya. Videohan mo rin siya o kaya mangalap ka ng impormasyong pwedeng ikabagsak n’ya. Ngipin sa ngipin. Mata sa mata ang laban! Mahirap kasi yung wala kang hawak na alas at all. Talo ka agad. Hindi ka titigilan ng gagong actor na ‘yan hangga’t hindi ka sumusunod sa gusto n’ya kaya mabuting may alas ka rin na hawak. Diskartehan mo ‘to. Pwedeng videohan mo rin siya para may panlaban sa  video mo. O di kaya, conduct some intense research about that actor para makakuha ka ng pasabog information na pwedeng ipang-blackmail din sa kanya. This is cheap, yes. But you have to fight! Hindi pwedeng mamatay ka na lang sa takot!

Kung hindi mo naman kaya ang Suggestion A ni Madma, pwede ka ring mag-resort sa legal na paraan. After all, blackmail is a form of crime that is punishable by law! Pwede kang kumunsulta sa isang lawyer para mabigyan ka ng legal advice higgil sa tamang atake sa case na ito. Common case din kasi ang blackmail lalo na sa mga sikat na kagaya natin. WOW.🙂 Alam mo naman ang mga detractors at masasamang tao, nagkalat din sa mundong ito. Pilit na pinapabagsak ang mga taong nasa itaas kagaya natin. Beat that!🙂

Lastly, lagi pa rin namang bukas ang option na kausapin mo siya nang puso sa puso para matigil na itong ka-cheapan na ito. Effective pa rin ang heart-to-heart communication. Marami pa rin namang mga sigalot at awayan na natatapos gamit ang maayos na usapan. Kitain mo si Kuya tapos mag-usap kayo nang maayos. Or pwede rin namang sex muna kayo, then videohan mo siya then mag-usap na kayo. Grabe yung pinu-push ko yung Suggestion A ko! :) Kausapin mo siya at sabihin mo ang lahat ng mga nararamdaman and issues mo at maayos mong iparating sa kanya ang mga ito. Actor ka naman eh. So, gamitan mo din ng konting acting! Yung paawa effect ha. Dapat bait-baitan school of acting ang gawin mo para makuha ang puso ni Kuya. Kung ayaw n’ya pa ring pumayag at ginagago ka pa rin after this, ikasa mo na ang matinding laban!

Take it from Madma, something must be done about this. Kailangan mong labanan ito either sabayang laban or legal na paraan. Hindi dapat tino-tolerate ang mga masasamang tao. Dapat silang labanan at gapiin. Lakas maka-Shaider nung “gapi.”🙂 Maging handa ka rin sa lahat ng pwedeng mangyari. Huwag kang matakot kung lumabas ang video mo kung sakali man. Napatunayan naman ng panahon na nakakabangon ang mga taong nasasangkot sa mga ganitong iskandalo halimbawa na lang nila Ma’am Katrina Halili o kaya Maricar Reyes. Nakabawi naman sila, hindi ba?🙂 Mapagpatawad naman ang Pinoy eh. Judgemental, yes. Pero mapagpatawad at madaling makalimot.🙂 Basta ang mahalaga, huwag kang papayag sa mga gustong ipagawa sa’yo ni Kuya. Huwag kang pagamit! Manindigan ka at huwag kang pa-uto sa gagong ‘yan. Diskartehan mo ‘to. KAYA ‘YAN!

We love you, Chupping Tatum. Grabe, natapos na lang lahat ang entry na ito pero hindi ko pa din maialis na mag-wonder kung sino ka. Salamat sa tiwala kay Madma at tiwala sa YTM. Salamat at ipinagkatiwala mo sa blog na ito ang story mo at hindi sa MMK.🙂 Good luck sa career mo. Pa-guest naman sa show mo! GRABE!!! Kahit extra lang or yaya role lang tapos ako yung magpapaligo sa’yo. O kaya kahit taumbayan role lang tapos mai-inlove ka sa akin tapos gagahasin mo ako kasi sobrang type na type mo ako. WOW. Porn naman pala ang peg.😉 Chill ka lang. Matatapos din ang period na ito. Kapit ka lang.

Ang sikat na rin talaga ng YTM ha. Pati mga artista tumatambay na rin sa blog na ito! Ansabe?!🙂

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://nymag.com/daily/intel/2010/09/blind_item_which_goldman_sachs.html)

P.S. Abangan mamaya ang NAKAKALOKANG Elimination Night ng YTM’s Next Top Model! May isang model na naman na magpapaalam sa YTMNTM!😦 Sino siya? Abangan mamaya. Nakakalungkot talaga ang results night later. Haaay…. ;(

28 thoughts on “No to Blackmail!

  1. pasabog! hello artista! yes, no to blackmail. i-private message mo naman si madma para pormal kang magpa-kilala. hahaha!
    …cant help it, wild guess, is your first name similar to a really famous Pinoy singer/performer and yung surname mo naman is very holy/pang-kwaresma? hehe…
    but anyway, goodluck sa career, mr. tatum!

  2. I think si Ahron Villena ka. Haha. Parang… hmmm ikaw nga! Si Ahron nga to.. (wuw) matagal ko nang hinhintay na marinig at malaman na homo ka. I guess this is the right time. Ang hirap din nga talaga nitong blackmail. Though kapag kumanta sya, eh di walang takot mong harapin, totoo naman eh. Tapos ireveal mo din kung sino ung chinuchups mo. Kahit di man kita mukha nya, mag name name ka pa rin. Haaayyysss I’m excited to see the vid (wuw!) Pero seriously di ko alam ang sagot. My sympathy is with you. =( Madma pakitrace nga ng IP address ng sender na to. Nag aappear sya sa email kapag nagsend sya sayo ng email tas let’s start from there. Joke. Ui sorry pero ahm… huuggss na lang for you

    • WAHAHA Grabe yung si Ahron Villena ang hula mo! Hindi ko na siya maalala! hahaha Hindi ako marunong mag-trace ng IP eh! Mahina ako sa mga ganyan. Huwag na natin hanapin si Kuya. Intayin na lang natin ang video n’ya. WOW! Charoth lang. hahaha🙂

  3. and pahabol lang, Mr. Tatum ah…

    “I’m not forcing you to give me an advice. Or any of your readers per se. I just hope that through your blog, and your community of your intelligent and empathic readers, there would be someone who‘ll listen to my troubled mind. I just need to release it.”

    ..is such a mature and brave remark. i applaud you for that.

    hindi ka nagkamali ng pinuntahang blog. malakas ang simpatya ng mga readers ni madma, tipong level sa El Shaddai at INC.

    • wahaha. In fairness naman to Mr. Tatum, hindi n’ya ako pinilit mag-advice. Own will ko lang talaga yung pagpayo sa kanya! hahaha

      Korek ka! Lume-level ang blog na ito sa El Shaddai at INC. Iniisip ko na ngang i-rent ang Luneta para sa Grand Fans Day eh. Ansabe?! hahaha

  4. Nakagugulat ang pangyayari na ito. Hindi ko na nais malaman kung sino ka pero tunay na ikinalulungkot ko ang kinahantungan ng makating niyong pagkakaibigan ni artista b. Talagang hindi maganda itong ginagawa sa iyo.

    Sa pagkakataon na ito, kaisa ako ni madma sa kanyang mga payo 1. Estratehiyang ngipin sa ngipin 1A. Blackmail din 1B. Demandamahan 2. Estatehiyang puso sa puso.

    Masyadong maingay kung mahahantung sa ngipin sa ngipin at talagang sana ay hindi na himantung dun pero naniniwala ako na dapat ay may alas ka din. Kasi ngayon pa lang nakikitang hindi talaga maganda ugali ni artista b. Mamaya nga makapagusap kayo ng maayos tapos sa huli ilalabas niya din. Kaya dapat magawan nga ng paraan na makakuha ka din ng alas – sa kahit anong paraan.

    Puso sa puso – dapat mailahad mo talaga kung baket ayaw mo ang ma ganung klaseng gawain (maliban sa aids). Maaaring hindi ka kumportable kasi wala taliwas talaga iyon sa iyong values or nadudumihan ka lang talaga, etc. Ipaintindi mo din sa kanya na talagang hindi din magandang ideya ang group sex lalo na sa estado ng inyong trabaho.

    And after magusap at makakuha ka ng alas please pakitigilan na si artista b kasi ngayon pa lang ganyan na ginagawa niya sa iyo pano pa pagtumagal pa ang samahan niyo. Hindi maganda ugali niya at hindi deserve ng isang mabuting taong na katulad niya – demonyo!

    Good luck ng todo! Sana maayos at malusutan mo ang sitwasyon na ito.

    That’s all!

  5. anubanamanyan.

    nakakadiri lang yung mga bumababa sa lebel ng blackmail.

    pero teka. bakit di mo alam na vinivideo ka?? or baka naman nakapikit ka habang chumuchups ka teh.

    here’s what i think. obviously, feeling mo masisira ang career kung malaman na homosexual ka. with the sex video itself-it could mar whatever image you may have.

    so why wouldn’t it be the same for your co-actor?? e di threaten him to reveal na kanyang etits yun.

    eto ang payo ko sayo: sa buhay, madaming tao ang hihila sayo pababa, madaming gustong pabagsakin ka; bakit di mo sila isama kung mangyari and inevitable??

    yun lang.

    mabuhay ka.

    p.s. hot ka ba? nagkawork na ba kayo together? may hula ako kung sino ka. ahihihihihi

  6. Madma!!!! Ikaw na!!! Lakas din ng YTM ah! lebel sa pep.ph. Mahihiya si ellen degeneres or si oprah sayo. Artista level teh! kalerks!

    Well, Chupping Tatum (kaloka din ng nickname ah. witty ka kuya! naughty pa!), i suggest ipatumba na si artistaB. Kung ako ikaw, gamitin ko yung pera ko para ipa salvage yan. Char! ang morbid. Dalin sa bakanteng lote or factory at igapos. Pag nagising, buksan mo yung TV. “Hello *****, I wanna play a game….” ahahaha. laveeeet!

    Kidding aside, explain mo sa kanya ang situation at gusto mo. at mostly yung ayaw mo. sana makinig siya sayo. if ayaw nya pa din, i go for madma’s suggestion A. Kung ayaw pa rin. resort to my “SAW” suggestion. final na, yun ang best! haha.

    Sino ka baaaaaaa?! Clueless ako. Ikaw si Charice noh?! Pepe yung chinochorva mo at lesbiana ka talaga no?!hindi mo kami malilihis ng pag iisip….. char! ang judgemental din talaga. Pinoy ako eh! haha.

    More power and alam kong malalampasan mo rin to.

    • Hello, Ron. Aminin mo ‘tong pasabog letter na ito! hahaha Maski kame ay naloka! hahaha Ibang level na rin yung taas ng YTM. haha Nakakahiya naman sa mga “detractors.” hahaha

      Bakit ba mainit ang ulo mo kay Charice?! hahaha Lagi mo siyang nababanggit! haha

  7. Chupping Tatum,

    Ikalat mo ang video ng matapos na to. Then magpainterview ka yung parang super kawawa ka. Then sisikat ka pa ng bongga, magkakaron ng maraming projects, dadami pera mo, mag-ipon ka. eventually hihina rin career, mawawala ka rin sa showbiz, buti nakaipon ka.

    then hanggang death na. ganon lang yun, before you know it, it’s done.

    K?

  8. “Publicity”, whether good or bad is still publicity Kuya.. Jan bumebenta ang mga artista. Hayaan mo lang lumabas ang video na yan at yan ang gawin mong bala! At habang nasa kainitan ang issue mo, kunin mo ang simpatya ng sambayanang Pilipino… Sabihin mo na alam mong nagkamali ka at ginagamit niya ang pagkakamali mo para sirain ka, pero naisip mo na ayaw mo sa kondisyon na hinihingi nya kasi hindi lang career ang pwedeng masira sayo, pati na rin ang sistema mo, ang kalusugan mo… Bentang-benta yan for sure sa mga tao!

    At ang pinakapasabog sa lahat, sabihin mo na humingi ka din ng tulong kay Madma para naman ma-feature naman ang YTM sa telebisyon at iba pang mga pahayagan. Oh di ba bongga? Sabay ang pag-angat nyo ni Madma! =D

    • “At ang pinakapasabog sa lahat, sabihin mo na humingi ka din ng tulong kay Madma para naman ma-feature naman ang YTM sa telebisyon at iba pang mga pahayagan. Oh di ba bongga?”- BONGGA!!! ‘Yang ang mga gusto kong tirada! hahaha Ang best mo, Donya Maria. At ang yaman! hahaha

      • Ang yaman ko no, Madma?? Hahaha! Magkakasundo tayo.. Sa susunod, mag-aapply na ko as P.A. mo ha? Ako na pinakamayamang alipin sa lahat, malayo sa pagiging saguiguilid! Talo mo pa mga sultan at datu nung araw ‘pag ako pinili mong assistant! haha

  9. simple lang.. kunyari ppyag k na sa gusto nya, then alamin mo kung san nkalagay yun video,nakawin ito at wasakin. hehehehe parang double agent james bond ang style.

    yun nga lang pray tyo n wala sha iba kopya.kung meron man…e di sunugin ang buong bahay! isama na si actor B, grabe yung nakinabang sha gusto pa umabuso..hayy…

    this too shall pass. kaya mo yan

  10. Eh kung mag-out ka na kaya? Eventually, lalabas at lalabas din naman ang katotohanan ng iyong pagkatao. At least, hindi ka bumaba sa lebel ni aktor b na mamba-blackmail ka rin (kahit in hindsight, may point si madma for suggesting it too). At kung sakaling lumabas na ang sex video mo by the time na nag-out ka na, parang balewala na lang yun sa mga tao. It may or may not save your career, but it would have saved your reputation.

    What you think madma?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s