BEE Happee: Give Love a Chance!

Hi Madma,

Isang mapagpalayang araw!

Una sa lahat I want to let you know that I’m super proud of you, grabe ibang level na ung blog mo! Wag kang makalimot kapag sikat na sikat ka na ah! HAHA! Ipagpatuloy ang ibang level na serbiyong totoo! hahaha.

Matagal na akong nagsabi sa iyo na susulat ako, pero bilang isa tayong busy-busyhan na tao, nadelay na ng nadelay ang pagsulat ko sa’yo. HAHA! Pero eto na! Sa wakas, nakasulat na din ako.

Ayun, I will be sharing the story of my current lovelife (lovelife daw oh!) hahaha!

I met Ned (di tunay na pangalan) nung college pa, nakilala ko sya kasi close friends kami ng kapatid nya. Pero ever since magkakilala naman na kami. Tapos nagkaroon kami ng “thing” more than a year ago.

That time tuwing magkasama kami parang nakikita ko na ung sarili ko sharing myself with him. I can really feel na pwedeng pwede talaga kaming maging couple. We really get along well and very special talaga sya sa akin.

May nangyari na lubos kong ikinagulat, someone called me one night. Galit na galit ang boses ng taong nasa kabilang linya. Sabi nya sa akin, hindi ko daw ba alam na may jowa si Ned. Nagulat talaga ako, kasi wala akong ideya na taken pala sya bilang we shared couple of intimate moments with each other. Sakin naman ayaw ko naman na patulan ang patutsada at galit ng taong kumakausap sa akin, so malumanay ako magsalita at ineexplain ko na hindi ko alam yung tungkol sa kanila. I even heard Ned crying sa background while nag-uusap kami. Naaawa ako kay Ned that time, kasi feeling ko he was being tortured emotionally. Simula nun dumistansya na ako, pero naghohope talaga ako na okay si Ned at sana naayos nila ung gusot sa relationship nila.

After almost a year, nagkaroon uli kami ng communication ni Ned, and he told me na break na sila a month ago pa. So nagsimula uli kami magkita and spend time with each other. This time nafi-feel ko talaga na mas okay ung friendship namin. Pareho kasi kami ng wavelength eh at higit sa lahat swak din ung mga values namin. And masaya talaga sa tintakbo ng pagsasama namin.

During one of our heart to heart talks, napag-usapan namin ung tungkol ‘relationship’ namin. Sabi ko kasi, i feel na i deserve more than being a rebound. So bago dapat kami pumasok sa relationship dapat sure na sure na sya na free na sya. At siyempre i shared to him my fear na baka kung ano ung nangyari sa amin dati nung may relationship pa sya, baka mangyari uli kapag kami na. And I personally don’t want that to happen.

Madma, tama ba ang mga diskarte ko sa buhay? Share mo naman ung thoughts mo.

Sincerely,

Jolly BEE

________________________

Dear Jolly BEE,

Ang cute naman ng story mo, Jolly BEE. Hiyang-hiya si Kim and Gerald sa tamis ng love story n’yo ni Ned.😉 Salamat naman at proud ka sa mga achievements ni Madma. Yung iba kasi laging nega eh. Kairita. WOW. Nang-aaway pa! Charoth lang, baby!😉 Ang taray naman nitong line na ito “we shared couple of intimate moments with each other.” You mean sex, right? HOT! Ang saya! Tsaka ang sarap! Ramdam na ramdam ko na gusto mo itong mga “moments” na ito. Sali naman ako minsan sa mga “moments” n’yo. Grabe. Ang damot!🙂

Una sa lahat, gusto ko muna mag-comment sa landian n’yo before. Medyo na-sad ako na naglihim si Ned sa’yo na may partner siya noong nagka-“thing” kayo one year ago. Baka naman nag-assume ka lang na may “thing” kayo ha. Maliwanag ba na mutual ang “thing” na ito? If yes, then medyo foul yun sa part mo. Landi rin ni Ned! Ang sarap ng buhay n’ya habang kayo (you and his partner) ay walang kaalam-alam na pinagsasabay na at that time. Ipot ‘yun! Ano ‘yun? Nakalimutan ni Ned na may partner siya kaya nilandi ka n’ya?! CHE! Jinu-judge ko si Ned, yes! Kasi naman kung may karelasyon ka, hindi naman tamang magka-“thing” ka pa sa iba, ‘di ba?! Basic ‘yan. Mas basic pa ‘yan sa paghinga. Kati rin ni Kuya! Irita. At talagang naawa ka pa kay Ned habang naririnig mo siyang umiyak sa background while talking to his partner ha? Bait naman! Mother Theresa, ikaw ba ‘yan?!🙂 Kung ako ‘yan, sinapok ko pa yang Ned na ‘yan. Wala siyang karapatang maglaro , magpa-ikot at manloko ng tao. CHE! Lampake kung tinorture siya emotionally ng partner n’ya. He deserved that! Mabuti naman at ikaw na ang kusang dumistansya after ng pasabog revelation. Buti naman hindi ka na umaarte-arte at humabul-habol! Good job ka sa part na ‘yan. Wheeew. Ang lalim ng hugot ko dito ha. Akala mo naman ako yung kasali.😉

Now, let’s go to your present situation. Ang taray nung nagbalikan ha. Judy Ann and Wowie ang peg n’yo ngayon. Or pwede ring Antonette Taus and Dindong Dantes. Or Angelou De Leon and Joco/Choco Diaz! Pasabog!🙂 Well, feel na feel ko namang bet na bet mo si Ned, ‘no. Huwag ka na umarte. Haba rin ng hair mo kasi every time na kasama si Ned eh. Girl na girl!🙂

Tama ka, you deserve more than being a rebound. And you also deserve more than being a kabit. Kaya naman, kausapin mong mabuti ‘yang Ned na ‘yan at siguraduhin na wala ‘yang karelasyon ngayon ha. Kung single naman talaga siya gaya ng sabi n’ya, go na! Bet na bet mo naman siya eh. I’m sure nami-miss mo na ang mga “intimate moments” with Ned.😉 Padilig ka na.😉 Bigyan mo na ng chance ang love team n’yo once and for all para magkaalaman na kung papalo ba yang ratings n’yo sa takilya! Wala naman akong nakikitang masama kung patulan mo si Ned now that he is single. Love mo siya, bet ka naman n’ya, so, go! Or SOGO na! Alam na.😉 Bigyan mo ng chance si Ned. WOW. Ang bait ko bigla kay Ned ha. Baliw ang pota.😉

I know na may trauma ka from the past. Medyo may negative record na rin kasi si Kuya eh. Pero kung mahal mo siya, isantabi mo na ‘yan at tanggapin siya completely. After all, hindi n’yo naman malalaman ang kahihinatnan ng love team n’yo kung di n’yo susubukan. I-grab mo na ang moment na ito. Huwag kang mabuhay sa what ifs. Masaktan na kung masaktan. Ganoon naman talaga ang buhay, ‘di ba? Ang mahalaga eh “sinubukan.” :)

Take it from Madma, go na ‘yan! I-grab mo na ‘yang si Ned. Gustung-gusto mo rin naman, sumulat ka pa.🙂 Huwag na magpakipot, Jolly BEE. Bigay mo na ‘yang “hiyas” mo. WOW.😉 Maiksi lang ang buhay. Yung iba nga patay na eh so di na sila maka-nguynguy. Go na ‘to! Huwag kang matakot sumubok.😉

Ngayon naman, kung malaman mo ulit na may karelasyon pala yang Ned na ‘yan another, AAYYY, ibang usapan na ito. Sabihin mo sa amin kapag nagkataon. Kuyugin natin! Gago ba siya?! Papatira ko ‘yan sa mga bata ko! Pabagsakin natin yang Ned na ‘yan! Umaayos siya! Huwag n’ya akong simulan!

Yun lang naman. Give love a chance.😉

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.dreamstime.com/stock-photo-cute-bee-holding-love-heart-image17683570)

P.S. Kumapit kayo sa nakakalokang presentation ng Top 5 finalists ng YTM’s Next Top Model. Rarampa na sila bukas! Abangan ang kanilang pasabog entry. Shadow ang theme bukas kaya medyo dark ang peg natin.🙂 Abangan n’yo rin ang ating Celebrity Judge bukas sa YTMNTM. Maloloka kayo!😉

9 thoughts on “BEE Happee: Give Love a Chance!

  1. Di ko na mapigilan.. Tagal ko na nakikibasa lang at di nagko-comment sa mga sumusulat sa iniidolo kong si Madma. (Lakas maka-linta ah! haha)

    Parang chocolate lang yan te.. Nasa harap mo na.. alam mo naman na wala nang may-ari, hindi pa naman bukas, di mo pa ba titikman?? Aarte ka pa? Eh tempt na tempt ka na! GO NA Te! Wala na naman masama dun eh. Nayon kung ikaw na ang may-ari tas nakita mo na may dumidila pang iba (which is kadiri), eh di iwan mo! At least nabigyan mo ng chance yung sarili mo. Wag mo isipin na si Ned ang pinagbibigyan mo kasi sarili mo talaga ang binibigyan mo ng chance sa puntong ito…

    Magpakaligaya ka.. Come what may lang.. Wala naman taong perfect eh! Eh ano naman kung magkamali ka ulit di ba? As if naman board exam yan no! Wala yang grade, don’t worry.. =)

  2. Hello! At bumalik ako sa pagcomment dito! Hihi.😛

    Hindi ko kilala ang letter sender. Share naman kung sino siya! Haha. Anyway, para sa akin, jusko enjoy lang! Arte pa. Sayang ang oras eh. Kung masaya naman at nabibigay naman ang mga rekisito, oh sabog ang rekisito, ng isang relasyon eh go na. Unless feeling mo may mali at kulang. Eh mukha namang happy kayo so enjoy lang.

    Lagi naman mahalaga ang hinaharap kesa sa nakaraan. I’m sure may natutunan naman si Ned sa nangyari sa inyo last time. Kaya feeling ko, hindi na siya manloloko. OR. Bwahahaha! Once a cheater, always a cheater! Chartz lang ples. OR. Bwahaha. Ulit-ulit?😛

    Napacomment ako kasi just like you Jolly Bee, I’m happy! Single man, happy pa rin!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s