The Top 5 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

12 na ang natanggal…

5 na lang ang natira…

Sa SHADOW round, sino kaya ang mangunguna?

Welcome naman ulit sa Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Top 5 na tayo! Aminin n’yo, malapit na tayo sa pinakaaabangang Grand Finale! Shout ouch naman at ang aga ko nag-post! Eh kasi naman 5 na lang sila so, very manageable!😉

Liva na live na naman ang panibagong round ng YTMNTM! 5 models na lang ang natitira! Sila na lang ang matitibay na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, nagpaalam na sweet na sweet na model ng Laguna na si Angelica. Nakakalungkot din talaga ang pagkawala n’ya. Isa pa naman siya sa mga malalakas na models noong una.😦 Para sa inyong kaalaman, si Angelica ang pang-12th na natanggal sa YTMNTM. Maraming salamat sa pagsali, Angelica. Salamat sa pinakita mong husay, galing at tapang sa bawat round. Super love ka namin! Nawa ay ipagpatuloy mo rin ang napakagandang adbokasya mo. We wish you all the best!😉

Moving forward, panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 5 finalists today. Magkakalaman na kung sino ang mangingibabaw sa SHADOW SHOT round na ito. Masusubukan natin kung sino sa kanila ang mahusay na nakagamit at naka-incorprate ng shadow sa photo. Challenging din kasi ang pagamit ng shadow sa isang larawan! Aminin n’yo ‘yan.

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating Celebrity Judge for this week na si Ms. Mimi Aringo. Shout ouch naman sa nakapa-talented na Celebrity Judge natin for this round!

______________________

Si Ms. Mimi Aringo lang naman ay ang 1st Runner-up ng “Clown in a Million Season 2” ng sikat na sikat comedy show na Bananasplit sa ABS-CBN! Napahusay na comedienne ni Mimi! NAKAKALOKA! Kinabog n’ya ang napakaraming comediane na sumali sa nasabing show. I’m sure kilala n’yo si Ms. Gregarious! Naloka sa kanya ang mga cast ng Bananasplit na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pooh etc.! Hindi nila kinaya ang husay ni Mimi. Maging ang mga judges ng Grand Finals ng  “Clown in a Million Season 2” na sina Pokwang, Joey Marquez and Direk Bobot Mortiz ay naloka rin sa galing ni  Ms. Gregarious. Eh magaling naman kasi talaga!

Bukod sa pagiging isang pasabog na comedienne, isa rin siyang mahusay at dekalibreng theater actress. Best umarte si Mimi! Like crazy! Napanood ko siya at nakasama sa ilang mga theater plays ng The UP Repertory Company at talaga namang mapapa-nganga ka sa acting ni Mimi.  Inborn na talaga kay Mimi ang pagiging actress! Bata pa lang siya, maarte na. I mean, umaarte na. Naku, you really have to witness her acting prowess! Sama n’yo sa bucket list n’yo!🙂

Mabuti pa, panoorin n’yo na lang ang dalawa sa kanyang PASABOG na comedy acts para kayo na ang humusga! GO!!! Click n’yo lang ang mga links below!

http://www.youtube.com/watch?v=LV7rfWMToH8

http://www.youtube.com/watch?v=uhDHkQBmThk

Mabuhay ka, Mimi! Isa kang tunay na alagad ng sining.😉

Thanks to Mr. Albert Cruz and Ms. Lady Ann Salem for the videos!❤ More nakaw, more fun.🙂

________________

The ratio of judging is divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa August 21 (Tuesday) at 11:00 p.m. Tapos sa August 22 (Wednesday) ang ating 8th Elimination Day! Isang model na naman ang ating tatangalin sa Wednesday. Malapit na tayo sa Grand Finale!!! Konting kapit na lang! :)

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So, huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 5 Finalists ng YTM’s Next Top Model! RAMPA NA!!!

________________________

Jeff,22, Malabon

“I know how to keep my skeletons very very well. Enough said.”

______________________

Jetti, 28, Quezon City

“My dark side is very rebellious. I always have this compulsion to break the rules.”

_________________________

Coco, 24, Quezon City

“I fell in love with an imaginary friend when I was in college. I created him in mind, gave him name, imagined his figure, drew his face and painted it in canvass. I don’t know but part of me believes that I will see him in the future, even if he’s not real.”

_______________________

Paris, 24, Quezon City

“Life is full of ups and downs. Sometimes, I just enjoy schadenfreude.”

_____________________

Flip, 27, Mandaluyong

“What is my dark side? Bukod sa passive-aggressive ako, wala na. Busilak ang aking pagkatao.”

________________________

At sila na nga ang ating Top 5 Finalists!!! Ang bongga ng SHADOW SHOT round!!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 4! GRABE! Malapit na tayo sa Grand Finale! Abangan n’yo ang nakakalokang pasabog sa YTMNTM soon! Kapit lang kayo!😉

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

Salamat kay Mr. Jayson Cruz for my photo above. Best mo! Sa Malaysia pa kuha ang picture na ‘yan ha! Ok lang? :)

Loooooong weeekeeeend na!!! Ingat kayo!❤

56 thoughts on “The Top 5 Finalists of YTM’s Next Top Model

  1. shet, parang maglalaban si coco at jetty sa bottom two sa round na ito. at dahil alam naman natin ang powers ng friends ni coco, jetty. galugarin mo na ang mga fanbase ng mga natanggal na modelstants.

      • keri lang, pero umariba kasi sina Paris at ang blur-bluran na si Jeff. Though basta, bottom three ko sina Coco, Jetty at Flip. there you go.

        It’s not that hindi sila magaling ha, don’t get me wrong, and even let me get me. Humusay naman sila at kitang-kita ang development ng mga modelstants from day 1.

        Pero pagdating talaga sa dulo, pag papalapit na ang mga finals, may mga nagbibigay na talaga, ng best at hindi na papangitan ang game, pagandahan na rin talaga.

        Remember the first rounds, ang hinahanap natin ay kung sino ang matatanggal dahil alam naman natin nagkalat ang mga pangit, pero this time, kung sino na ang hindi umariba ang ganda sa mas pinataas at mas panatodong standards na lam naman nating sila-sila na rin ang nag set sa sarili nila. so iyun na!

      • Aaaah. Gets ko! Sila rin naman kasi ang nag-set ng standards sa mga sarili eh. Agree sa part na ‘yan. Kumbaga may maagang nag-peak, mayroon namang sabay lang sa agos ganyan. But I love them all! May pag-angat na nagaganap sa bawa isa sa kanila.🙂

  2. ang symbolic and mysterious ng kay Jetti pero i think it’s medyo weak.

    Malapit na ako mabore kay Jeff. Malapit lang naman.

    Paris ay ulit nanaman. di lang halata kasi shadow. effort naman o. top 5 na.

    Coco, ok lang. weak as usual. ito yung boring talaga. paulit ulit nalang stting ng pics mo

    FLIP SARAP MO SHET

  3. Hmmmm the theme this week is BLURRY not SHADOW. haha , Blurred ang mga pics, parang anlabo. or is it just my eyes. But anyhow, model wise, magagaling!! masasabi. Comment ko lang, parang tinamad na si Paris. Hehe naulet naulet, kitang kita yun ulet. ibang posisyon lang.

  4. And the numbers are dwindling and dwindling and dwindling until there are FIVE!

    Competitions getting tougher and tougher! And this round, may I just say, is very PASABOG (as Madma calls it). I love this round the most, by far. I love, love, love, love IT!

    So this week, the models challenge in their shoot is to incorporate shadows during the shoot. And it is up to them, how to include the shadow in the shot. Now, firstly, this round would consider the PHOTO CONCEPT in a very major way, as it will be part of my judging. This includes the “quality of the shadow” and the way the shadow was “utilized” and “modelled” in the shot. And of course, the pose of the model itself.

    AGAIN! I will be judging the SHADOW QUALITY as well, which encompasses the photo concept.

    So with no further ado, let us start judging:

    First up is, JEFF:
    Hmm…This photo will work better if you crop the shadow out. I know, it will be out of theme. But in your case, the shadow that you cast pulled the overall impact of the picture DOWN. The shadow should help intensify the photo’s impact but in your case, it didn’t. I see this picture in a magazine though, given that we crop the shadow out. HOWEVER! I love the smize again, as always. I love the angst, the body language, the face, and honey, I would buy that red jacket you’re wearing.

    Next up is, JETTI:
    Hi girl! When I see this picture, it reminds me of rape victims. Ahahaha! I don’t know why but it has impact, child. It makes me want to examine the photo more. And examining it more, I find little stuff that I don’t like in the pic. This isn’t a flattering angle for your face. If you could have moved you face a little to the right, we would have seen the shadow cast by your hand on your left eye, and would make this picture more stunning. I see a story in your picture like hope and freedom but somehow I got lost because of the bracelet and necklace.

    Next is, COCO:
    I like this shot! It’s dark and lonely and the shadow is crisp in terms of shape, proportion and form. This is what Jeff’s shadow was lacking. I love the expression on your face and I’m getting a solid story here. The thing’s I’d do to fix the placement of your hands though. A wonderful shadow picture from you Coco.

    May we call on, PARIS:
    First impression? Oh no, she didn’t! Do correct me, dear. Does this photo belong to you summer-beach-pink-dress-big-hat roll? If yes, then wow, that roll is a gold mine, this photo blew me away! But then again, you’re lacking variety! And you’re lacking it big time. This is the 3rd time you submitted a photo from the same roll. NOW! If this isn’t part of that roll, giving you the benefit of the doubt, then this photo, as I’ve said, actually rocks! You’re suspended in midair, like you’re holding onto some invisible rope and your toes! Oh! They’re too die for, the way they point? Wow! The silhouette is amazing. I love that YOU are the shadow in this shot. I love this. Minus the fact that it’s a photo from a previously used roll.

    Last but not the least, FLIP:
    Papi!!! Why didn’t you submit this in the SEXIEST SHOT?! This belonged there. AND I MEAN, THIS BELONGED THERE AND THIS WOULD HAVE TOPPED THERE! You’re smokin’ papi! And….THAT’S IT. The shadow here is EDITED. The shadow cast on your skin didn’t “wrap” on your skin, so it’s definitely edited. And that’s a BIG MISTAKE. You incorporated it in post editing. And that’s not the point of the theme, I believe. Do correct me. I love the face, the distorted arm, the sensuality, but not the shadow.

    FIRST CALL IS:
    Coco

    BOTTOM 2:
    Jeff
    Flip

  5. gusto ko ang mga entries ngayon! i loooovvveee it!

    JEFF: ang powerful ng mata at ng mukha ko dito. ramdam ko yung angas! ang ganda din ng nabuong shadow! be careful lang next time sa iris. pagtitingin sa gilid, wag 100% gilid. 45 degrees lang para kita pa din mata mo. but i really love the rugged feel of this image.

    JETTI: for me, gusto ko ang hopeful feel dito. love your profile! nakita ko ang concept ng “the other side” sa image mong to. gusto ko yung may konting shadows lang na tumatabing sa katawan mo at mas nakikita ito sa BG. love love!

    COCO: gusto ko ang suot mo ngayon dito though di masyado strong ang shadow na nabuo sa image na ito, oks naman sa akin ang overall look ng image mong ito.

    PARIS: mygooodddd!!! love this. kahit na same lang ata ito sa iba mong beach photo, bitch pa din ang dating! hahaha gusto ko yung idea na ikaw mismo yung shadow than nagcreate ka ng shadow mo. Love the pose too!

    FLIP: isdang nahuli sa lambat. ganda! hahaha di ko lang sure kung mas okay kung di ka masyadong nakatingala pero ayos na ayos ang patterns na nakatabing sa iyo plus feel na feel ko ang emosyon na meron sa image na ito. personally di ko kasi talaga gusto ang hubadhubad pero overall, lakas nito! plus the heart! hahaha

    Kudos everyone! That’s all!

  6. Si jeff nakatingin o hindi si cam ang asteeg ng eyes nya.. Para lang syang maniac na nagaabang kay marvin sa kanto sa pic na ito.;p Mamya one vote naman kay jeti. I like her use of shadow in her pic.

    Ang init lately ng mga posts sa blog mo marvin in fairness!! Di man ako nagrereply sa mga posts e patuloy akong bumibisita sa blog mo. Hindi lahat magugustuhan ang ginagawa o sinasabi mo pero basta masaya ka e ituloy mo lang ang ginagawa mo. Marami kaming napapasaya mo.. Luv u mare! Happy bday mo na after ng ilang tulog. Ang tanda na natin! Waaaah! =]]

    • MARE!!! Talagang may comment ka rin for this round ha. Ang astig nga ni Jeff. Agree ako d’yan. Ang daming sinasabi ng mga mata at titig n’ya.

      Salamat sa non-stop support mo, Mare! Malapit na nga ang bday ko. Abangan ang PASABOG! haha Miss you.❤

  7. Hi Madma! Hey Tyra! Nice to see you in here. If you guys don’t mind, I’d like to share my views on this week’s photos.

    Jeff – Too much white in the eyes. Kind of freaky but it works, given that you said you keep your skeletons very, very well. As for the shadow, it’s too much in your face and doesn’t tell much of a story. Is it a good photo, yes. Makes you safe for this round.

    Jetti – This, Jetti, is such a low point for you in the competition. I mean, come on! You’ve done one great photo after the other during the previous rounds. This isn’t the time to do a blurred photo with the shadow, which is the focal point of the shoot, being hidden on the other side of your face. There’s something that’s forming a shadow in front of your hand. Perhaps that could have worked without the hand up. There’s just too many things happening here. Will this keep you in the competition? It shouldn’t. But your fans will definitely move mountains to keep you here.

    Coco – Do you think doing the same pose every week will keep you safe? No. Face to the side week after week doesn’t show versatility. You have to thank your fans for keeping you here. That hand up looks like Gollum’s. Soft hands, dear. You should know that by now. The styling doesn’t work as we’ve seen this office attire before, one too many times actually. Will we see you next week? I’m not sure. Push your fans for more votes.

    Paris – I can see the commitment in the shot. However, this came from the same shoot as your other photos where you wore that pink maxi dress and huge summer hat. I used to think you can do a lot of things, but given that you submitted another photo from the same shoot, I have to think twice if you still deserve a spot in the finals.

    Flip – Boy, this is one hell of a photo! One of your best, I must say! I don’t mind the nostrils pointing to the camera because it works with the concept which you executed tastefully. Naked but not trashy. This could have been one of the top photos in the high fashion or sexy week. I’m not sure about the net shadow; your body’s shadow could have worked on its own. But overall, fantastic! You truly deserve a spot in the finale.

    In order:
    Flip
    Jeff
    Jetti
    Paris
    Coco

    • O.M.G.! Kumpleto na talaga ang ANTM people. Nigel Barfer in the house! hahaha Grabe yung nakatambay na rin kayo lahat dito ha. Love it! Salamat sa pasabog comment mo, Nigel. Magparamdam ka na lagi! Naalaliw ako sa comment mo eh. Thanks sa support.❤

  8. My bets in reverse order:

    Paris- alisin na to please! Wala n lang ma isend? Beach na lang lage? Recycle na lang? Walang effort. Di naintindihan ang theme? Shadow at hindi silhouette? Di benta to, kasi di kta sa pic ang model. Imagine, sa isang magazine, may pic na ganito tapos illagay ko sa caption si Tyra banks to. Maniniwala kayo? Hindi. Malay ko ba kung si Charice talaga yan. Tsaka a model is supposed to sell. Anong binenta mo dito? Dagat?

    Flip- hot pic but a.little to hot to the point na i can see this on a cover of a porn mag.

    Jetti – di ko gusto yung profile angle mo. Sa sobrang sidr view, di na emphasize uung shadow na ur trying to cast sa face mo.

    Coco – So far, eti gusto io among all the pics u sent dito sa contest. Gusto ko facial expression at yung shadow sa wall. Parang any moment gagalaw ng kusa yung anino mo. Good job, pero me ibubuga pa.

    Jeff – Eto na. Best in the bunch. Jacket sold! Jeans sold! I like the lisik. The bigger shadow makes an impression na u have a big evil inside you. Hehe. Strongest among the top 5.

  9. This week is tougher than ever. Aside from the fact that SHADOW theme is more in line with photography, I still see the models excute it very well.
    First congratulations.U all deserve it. And with that, here’s my comments. I based my judging on the photo as a whole, clarity of photo, (because the theme falls under photography* for me at least), how model execute the theme and the pose of course.

    Jeff- You are my top pick in this round, however the quality of photo pls. It’s blurred. Im not sure kung kasama sya sa overall message. It’s more of gangster ang dating. The shadow tells it all, evil.

    Coco- I don’t know but you are really my next pick. The story is lonely. I get it right. The shadow is very whole and crisp and the overall impact is great. Naalala ko yung movieng, Shadow Cast. Good job for this round. As per the pose,this is nice angle except for the hand on the botie, you have the most clear pic quality among the 5.

    Jetti- It’s blurred too dear but I like the message though. I got moved by how you look at your hand. Not your best shot, siguro mag head to toe ka na lang ulet sa next round. But indeed, best pa rin.

    Flip- For some reason, hhmmmm di ko bet yung pose. Totoo, and I just have a question,is that real wire shadow, it looks post edited. Hmmmm Maganda sana yung overall impact kung nadirect sa posing kase masagwa sya tingnan for me.

    Paris- Indeed a silhouette. So ayun, saka archive to. Aminin. Nagsawa ako sa pic.

    Kthnksbye

  10. Parang ganito yung peg nung theme for the week, ayon sa aking pagkakabasa. http://goo.gl/cdd62 pero dedma na.

    Ika nga, wala namang room for question and answer dito kaya kanya-kanya ng interpretation ang mga models. So kung ano ang ipinasa nila, okay na iyun.

    Best pa rin sa akin si Paris. he is the shadow. siya ang may story, may movement, may dynamics, may composition. I don’t care kung sa isang rolyo lang ng film kuha ang i-submit ni Paris, as long as ito ang best niya. Malay natin mahirap lang si Paris at wala siyang pampa-photoshoot, or wala siyang time, dahil sa hikahos siya sa paghahanap buhay, Labanan ito ng best foot forward, so kung laging best foot mo ang left foot, i don’t care as long as kaya niyang unahan lahat ng paa ng kalaban.

    Jeff, number two ka ngayon for me. Best pa rin sa akin yung handstand. very memorable. sorry kung hindi ako nakanguynguy noong mga nakaraan dahil alam naman ninyo ang marikina, nanghihingi ng relief goods. so there. blard nga lang ito ngayon, at instead of the shadow being nakapatong sa iyo, Ikaw ang pumatong sa shadow, this is so graphic novel kaya nagwork ang blarity/blardness. for improvement lang, since nandito ka na rin naman, you should have modelled with your shadw na rin. kasi naman, hindi nakuha ang profile mo, or ang magandang silwet mo sa anino, may sa kawali ang mukha mo sa shadow, so sana, nakausap mo yung photgrapher na i-direct ka to have better shadow. isa ka ditong no neck monster, btw. and that is not good.

    Jetty is my third. clear ang story. I am sfraid of my own shadow, but i am facing it now. iyun ang story for me. pero iyun nga lang, medyo kulang sa intensity ang mga mata, or mata, since medyo isa lang ang kita. PEro sa issue ng bone structure. gusto ko ito, so proud of your profile. parang telling the whole world, this kind of profile exists. And it is beautiful.

    Flip, sa tingin ko, hindi ka mabo-bottom 2, or mabo-bottom perhaps. or mabo-bottom din. because sex sells. dun ka na nagbank. though i dont think this is your pinakagwapong photo. i dont agree that this is hot either. this looks like a monggol pencil na nagkatawang tao. parang thumb na nilagyan ng face. shet, ang harsh ko. Pero iyun na, this reminds of Rihanna’s music videos. parang isa itong portion nun.

    And finally Coco, lumalaban ka naman, pero para sa akin, hindi ka nananalo. This is a better attack of your vampire entry sa umpisa ng competition, and it stops there.

    iyun na.

  11. I like the way they played with the shadows. This is a very exciting stage, truly, and I guess some of the efforts paid off.

    Jeff – I like the shadow play, plus the cigarette added character, giving you the naughty Don effect. Could have been better if 1) your pic isn’t blurred and 2) the shadow wasn’t cropped. Right hand’s kind’a awkward as well, you should’ve just released your fingers and showed a bling. Nonetheless this shot is pretty.🙂

    Jetti – The choker and the push-up bra did it for me. The effect is very vampiric, but, like Jeff’s could’ve been better if it’s not blurred on the wrong places.

    Coco – Huge picture, but very grainy. I see the drama that you are trying to portray, but this… just isn’t making the cut. Sorry.

    Paris – I guess this is the 3rd picture of its kind. I see nothing dark here.

    Flip – I do not see anything dark here. I guess this should be in the previous stage though.😀

    As an ex competitor, I feel that this, and the previous stage are quite… weak. I mean, not the participants. They have their own talents and strengths. The submissions just seem to be wayward. It’s as if the excitement to submit has died down. C’mon guys, push it. This may be just for fun, but I guess the judges would appreciate more effort. More boldness. More flair.🙂

    I want to be there at the finale. I’d be cheering for you all, definitely.😉

    • teh tawang tawa ako sa thought na lalagyan ng walis si Paris. =) hahahahahahaha… napipicture out ko to.. hahahahaha anubayan. And with that nagcome up ako sa ideya na pamagatan ang mga picture hango sa movie.
      Jeff- “Manong Gang” starring Bong revilla
      Jetti- The Sarah Balabagan Story starring vina morales.
      Coco- “Ang mga Taksil” starring Allan Paule
      Paris- Corazon Ang unang Aswang starring Erich Gonzales (o ha taray Erich, wag kang umarteh pinakabongga)
      Flip- Virgin Forest (forgot the stars) directed by Peque Gallaga

      Hahahha.. di makagetover sa walis.. pleeessss..

  12. In this week’s theme, photography has something to do with it again. So I based my judgement on 50% Photography (how the shadow is incorporated, the proper use of lighting, quality of picture) and 50% Modelling (the models’ poses, message, story, facial expression and body language: Being a photographer here is my own opinion.

    50% photography top picks:

    1. Coco- You have the clearest photo quality. As per the shadow and lighting, I like the 50/50 effect. 50 % of which is you and 50% is the shadow which is solid as well. Good job.
    2. Jeff- I like the bigger shadow. It depicts the devilish story of the picture. It helps fulfill the story. A little workout on the photo quality and editing.
    3. Flip- Great usage of wire to fulfill the story but the shadow didn’t cast well. I presume it as an effect of post editing.It doesn’t look like a natural shadow. Photo quality and placement wise, a little dead center but the wiring helps though.
    4. Jetti- Not so good photo quality, blurry which I can’t exactly see as part of the story. The shadow wasn’t casted very well. It’s scattered.
    5. Paris- Shadow is very different from silhouette boy,or girl for this matter. You using yourself as the tool to block the lighting is out of theme. Quality of photo is very good though.

    50% Modelling top picks:

    1. Jeff- You carry the emotion, the fiery eyes are awesome.
    2. Paris- theme aside, you got the right proportion, the pointed toes and free hands are but great.
    3. Coco- Facial expression is very nice. I can feel the escape from solitude.
    4. Jetti- I like the way you look sideways, though some of your physical features aren’t at its best.
    5. Flip- Hmmm given the naked pose, it’s a little awkward. I don’t know but I didn’t like it that much. I don’t feel you as a model here. If you are posing naked, highlight your nice physical features and hide the not-so-great physical features. Know it by yourself.

    COMBINATION. So having said that. Here is my overall list:

    1.Jeff- Congratulations
    2.Coco- Goodjob
    3.Paris- Work on theme next time
    4.Jetti- Head to toe is missed.
    5.Flip- showcase your best assets

    Thank you very much, I would love to take a shot with these five aspirants however I’ll be leaving the Phils by next week. I’ll go back sometime November. =(.

  13. I am so happy na ok yung set of pics this week as compared to the disappointing sexy theme. Pero pahabol na epal na rin Re: Sexy Theme Fiasco, sana nagkaroon na lang ng hiatus in consideration sa naganap na bagyo, para lahat nakapagsubmit ng maayos, kasi kahit yung posting ng eliminated constestant ay very late na rin that time.

    So this round I love it, isa lang yung pinakabet ko na alam ko eh gusto ko at jun eh si Jeff. Kebs na kung blarred, ramdam mo pa rin intensity sa mata nya and the styling and the shadow works for with the mood that he set.

    So yung iba, hindi ko mawari feelings ko for them.

    Jetti: yey for the bra! There is drama kaso kulang sa Wow factor unlike her previous photos, like yung stolen shot at forlorn, best nya yung dalawang yun.

    Flip: Wow skin kung skin at very ANTM inspired, ok lang sakin kung post edited yung shadow kasi for a normal citizen like me, naapreciate ko siya, sana lang di ka masyado nakatingala, or sana nakatingin ka na lang head on, at mukha ka ring may makapal na bigote rito.

    Paris: this is a good photo entry kung photographer ka, pero model ka kasi, kaya medyo nawala yung model dito kasi di ka naman nakikita, good thing na alam namin yung kulay ng suot mo kasi galing ito from the same set of photos from your summer outing, kaso yun nga, we can’t see you, so there.

    Coco: muntik na kitang makalimutan kasi medyo forgettable ito, this is a big step up talaga from your previous entries, kaso the pose is masasabing nagawa na, so hindi siya bago for me.

    Good job sa inyong lahat, thanks for making this a good comeback from last week😉

  14. Mahirap ang round na ito para sakin. Parang dito talaga nagiging malinaw na subjective ang pagtingin at pag-assess ng mga tao sa mga entries. Maaring ang maganda sa isa ay palpak para sa iba. Ang top ng isa ay bottom para sa iba. Andami na rin kasing aspekto ang lumilitaw at tinitingnan – pagmomodelo, kalidad ng larawan, pagsunod sa tema, commitment ng modelo, atbp. Sa totoo lang, kahit ako nalilito na! haha

    Andaming komento na nagsasabing magaganda at malalakas ang larawan sa round na ito. Para sa akn ay hindi masyado. Nahihinaan ako sa mga larawan, base sa mga kayang gawin ng mga model na napatunayan nila sa mga nakaraang rounds, at base sa katotohanang Top 5 na ito. Inasahan ko na talagang lulupitan ng mga kalahok ang mga larawang ipapasa nila. Nakulangan ako, na-miss ko tuloy sina Nessa at Angelica. Muli, subjective ito.

    Ang anino ay bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay na kadalasa’y hindi natin pinapansin. Sunod ito nang sunod satin. Pero sa photography, karaniwan kunukunsidera ito. So ano ngayon? Wala lang, gusto ko lang yun sabihin haha.

    Sa round na ito, sino nga ba ang pinaka-nakapaglahad ng istorya at nakapagmodelo gamit ang anino?

    Jeff – Maganda at seksi ang larawan na ito. Nabenta mo ang sigarilyo at ang damit. Ang anino, hindi ko sigurado. Magaling talaga mangusap ang mga mata mo, at ang ekpresyon mo’y sadyang naghahayag ng istorya. Kaya best ito.

    Jetti – Hindi ko mawari kung anong istorya ang nais mong iparating sa amin. Magulo, Malabo, mahina. Ibang-iba sa mga naipadala mo noong nakaraan. Muli, nahihirapan kang ungusan ang mga nauna mong isinumiteng larawan. Natatalo ka ng anino ng iyong kahapon.

    Coco – Okay ang larawan. Okay lang. Okay din ang damit mo. Ang ganitong ekspresyon ay paborito mo. Pero parang sawa na kami dito. Wala na ba kaming ibang aasahan sa iyo? Kung wala na, babay na.

    Paris – Isa pa ito. Magaling ang larawan pero yun at yun din. Walang bago , hindi kami nagulat kaya walang pagkamanghang naganap, at least sa akin. Isa pa, nagiging magaling ang larawan mo kapag hindi nakapokus sa iyo, sa mukha mo at sa features mo. Kaya paano kapag magmomodelo ka na ng damit? Puro malayuan ang atake natin at talon talon? Sana napakitaan mo pa kami ng ibang lakas mo.

    Flip- Matapang at ‘mapanganib’ na kilos ang iginawa mo sa pagpapadala ng larawang ito. At mukhang marami ang nagkagusto dito. Ako? Hindi. So totoo lang, mas seksi ka kapag ikaw ay nagmomodelo nang nakadamit. Hindi ko nasasakyan ang pagpapakita ng ‘laman’ dito. Pero gusto ko ang ekpresyon at istoryang nasasambit ng mukha mo. Bibigyan kita ng puntos sa katapangan at ekspresyon ng mukha. Pero sa paghububad, hindi.

    Top 2: Jeff, Flip
    Bottom 2: Coco, Paris

  15. PARIS IS LOVE! SIYA LANG YUNG ALWAYS HEAD TO TOE MODELLING. Yung ibang models palaging face and upper body lang sinasubmit! Ano to? modelling for 1×1 ID picture??

  16. grabe, coco and jeff sa bottom… or isa sa kanila top. judges na ang magsasalita.

    for fun lang, sana kapag mae-eliminate si Coco, gamitin ng judges ang kanilang save power. bwahahahahaha!

  17. uhm medyo hindi magandang suggestion. You don’t save a person just for fun, para ano pa diba. para may flavor lang. I’m not pertaining to Coco alone, for whoever will be eliminated siguro, save if we know he/she deserves a spot and don’t save just for fun… =) pangit ang dating nun sa model. =) .

  18. Hello! As you know, friends ko na halos lahat ng mga natitirang contestant. Kaya ang labanan na lang dito yung unang pumasok sa isip ko nung makita ko ang pichur.

    So there.

    JEFF:

    WOW. FIERCE. Yun ang una kong reaction. Parang may something dark and creepy na niluluto si kuya. Abot ang amoy hanggang dito sa San Pablo City! Curious ako though kung ano yung nasa bunganga niya. Popsicle stick? All in all, gusto ko yung pic kasi naka-focus pa din ako sa mukha/ichura ni jeff kahit na sobrang laki nung shadow.

    JETTI:

    SINAMPAL BA SIYA? May red kasi siya sa pisngi part kaya yun ang una kong naisip. On a serious note (or hindi rin), mas nakita ko yung light kesa sa shadow. Alam ko namang they always go with one another, kaya lang in this picture, mas nangibabaw si light kesa kay shadow for me.

    COCO:

    ANG DILIM. Inayos ayos ko pa yung screen ng laptop ko. Iniba-iba ng anggulo kasi baka naman ako yung may problema. Pero final na. Yung picture yung madilim. Hindi ang mata ko. That being said, malabo yung shadow for me. Parang hindi siya definite. Nadudumihan ako. Hindi kay Coco ah. Dun sa quality ng shot.

    PARIS:

    GANDA! Kilalang kilala naman si Paris sa mga couture couture shots. At dahil malapit sa puso ko ang ballet and dance, bet na bet ko tong shot niya.Sana lang yung kaliwang paa niya nakapoint din ng maayos. Anyway, yung paggamit naman ng shadow ang pinag-uusapan.After kong mahimasmasan sa pagkaoverwhelm ko sa shot, inisip ko kung sumunod ba siya sa theme? Kasi parang isa lang siyang malaking black figure. But come to think of it, maaaring tingnan si Paris bilang isang malaking shadow. Na ayaw ipakita yung totoong siya (naks naman). Having said that, may pinagdadaanan ka ba? Step out of the darkness and into the light! Basta gusto ko ito. Maganda yung fusion ng elements ng ilaw ng lumulubog na araw, ng dagat, ng langit, saka ni Paris.

    FLIP:

    GUSTO KO SIYANG ITUNGO NG KONTI. hahaha! Yun talaga una kong naisip. Masyado siyang nakatingala, agaw eksena yung nguso at ilong tuloy. May erotic feel yung picture niya. Bondage? Sana ito na lang yung sexy entry niya. Wala na akong masyadong masabi. Okay naman.

    My Top Two: PARIS and JEFF.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s