Happy Birthday, Madma!

Dear fans and followers,

IT’S MY BIRTHDAY, BITCH!

Happy Birthday naman kay Madma!!! Woooh!🙂 Grabe, 27 years old na rin talaga ako. Tanda na rin ha! Kingina. Konting greetings naman!🙂

At since birthday ko today, natural lamang na MAY PASABOG!!! Ang lagay eh ganoon na lang?! Chura n’yo.🙂

Gusto ko ipamalita sa inyo ang not one nor two, but THREE major pasabog ni Madma para sa birthday n’ya! Yes, may 3 malalaking pasabog si Madma para sa lahat ng fans and followers ng YTM! Hindi ko na papatagalin pa kasi busy ako today. So, game! Kumapit na kayo sa mga nakakalokang pasabog na ito!🙂

Unang Pasabog: “Yours Truly Madma: The Great Invasion”

Markahan n’yo na ang mga kalendaryo n’yo dahil magkita-kita na tayo! Sa September 8, 2012 magaganap ang nakakalokang “Yours Truly Madma: The Great Invasion!” Ito ay pinagsamang fashion show at concert para sa lahat ng mga fans and followers ng YTM!

Gaganapin natin sa September 8 ang LIVE Grand Finale ng YTM’s Next Top Model!! Take note, LIVE ito! Hindi ito joke ha! Ples!🙂 Rarampa ng live ang mga sinubaybayan n’yong models sa YTMNTM. Ito na ang chance n’yo na makita at maka-bonding sila ng LIVE. Ansabe ni Tyra Banks at ng ANTM?!🙂 Come and join me para sama-sama nating koronahan ang Ultimate Grand Winner ng YTM’s Next Too Model! Live fashion show ito kaya naman nakakaloka!!!🙂

Sa araw din na ito gaganapin ang Birthday Concert ni Madma! Yes, bibirit si Madma ng LIVE kasama ang ilan sa mga friends n’yang singers! Concert talaga ito mga Ma’am. OK LANG?!🙂 Aaay, huwag n’yo akong simulan. Kumapit kayo sa mga nakakakalulang mga song numbers ni Madma. Biritan to the max ang peg nito. Kakabugin ko si Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa concert na ito. Kung akala ni Vice Ganda ay siya lang ang may karapatan mag-concert, nagkakamali siya!🙂

And of course, ito na rin ang Grand EB ng lahat ng mga followers and fans ng YTM! Ito na ang tamang panahon para magkita-kita tayo ng personal! Medyo 3 months na rin tayong magkaka-sama kaya it’s about time na talaga! Kilalanin ng live ang mga members ng Tribo_Tagapayo at ang lahat ng mga taong nakasuporta sa YTM!🙂

Ikalawang Pasabog: Launching ng YTM Theme Song

Kayanin n’yo naman yung may theme song ang YTM! Sa September 8 din ibibirit ni Madma ang nakakalokang theme song ng YTM. Original song ito mga fans! Excuse naman sa inyo!🙂 Ang song na ito ay isinulat ni Mr. Albert Cruz ng ABS-CBN at nilapatan naman ng musika ni Mr. Erwin Lacsa na miyembro ng The Ryan Cayabyab Singers. OK LANG?! Hindi n’yo ito dapat ma-miss!

Ikatlong Pasabog: Launching ng YTM Idol

At since magtatapos na ang YTMNTM, hayaan n’yong i-launch ko ang pasabog na show na papalit sa modeling search na ito. Sama-sama nating i-welcome sa September 8 and “YTM Idol!” Woooh! Ito na ang bago n’yong kakabaliwan sa YTM!

So, ayun naman. Markahan n’yo na ang mga kalendaryo n’yo! Kita-kita tayo sa September 8, 2012, 7:00 p.m. Ang venue ay kasalukuyan pang inaayos. Abangan ang complete details ng “Yours Truly Madma: The Great Invasion” sa Wednesday.🙂 Excited na ako sa live bondingan na ito!!! Like crazy! Siguraduhin n’yong makakapunta kayo. You wouldn’t want to miss this!🙂

Maraming salamat sa suporta n’yo sa YTM! Mahal ko kayo!

Yours truly,

Madma

P.S. Salamat sa aking photographer na si Mr. Jayson Cruz para sa larawan ko sa taas. Ang daming bumabati sa akin today! GRABE! Sorry, busy talaga ngayon. Balikan ko na lang kayo lahat. Bigay n’yo muna itong araw na ito. SALAMAT sa greetings!🙂

17 thoughts on “Happy Birthday, Madma!

  1. Happy Birthday Madma! Nakakainggit naman yung mga makakapanood nung YTM:The Great Invasion ng LIVE. Sana may live streaming din for the TFC subscribers!😀

  2. Madma! Sorry late kitang mababati. Ngayon lang ako nakapag-online ulit. At late cummer este comer talaga ako ever since eh. Mas matagal mas masaya. Hahaha. Belated happy birthday, Madma! I-enjoy mo ang iyong 27th year sa mundong ito.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s