YTM’s Next Top Model: 8th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 5 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa 8th Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. It’s a sad night kasi tanggalan na naman.  Pero on the other hand, mas lalo tayong lumalapit sa finale! Woooh! Sorry for the late post. Nanood pa kasi ako ng special premier ng Total Recall sa Greenbelt 3 kanina. Ok lang? Isang MALAKAS na shout ouch sa aking  IPF na si Mr. Rogelio Estacio Jr. Ganda ng Total Recall, kingina! Best ni Kate Beckinsale! Thanks, IPF. Sama mo ulit ako next time.

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 5 finalists ang tuluyang magpapaalam. Panalo rin sa intensity ang SHADOW round na ito ha! Salamat muli sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM. Walang iwanan hanggang katapusan!

Anyway, alam kong nauulol na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight sa YTMNTM. Hindi ko na ito pagtatagalin pa. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

____________________

Coco, 24, Quezon City

________________________

Hindi na naman po nagamit ang SAVE POWER ng mga judges. Actually, hati na naman ang naging desisyon ng mga judges. Since hindi unanimous ang naging pasya, si Coco ay tuluyan nang magpapaalam. NAKAKALOKA!!! I’m saaaad.😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing, Coco. Salamat sa iyong oras at panahon na nilaan para sa blog na ito. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin. Ipagpatuloy mo ang napakagandang adbokasya mo, Coco. Mabuhay ka! Masaya kaming makilala ka.🙂

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.🙂

_______________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang dalawang nangungunang finalists na umangat sa round na ito. Sila ang models na naging pinaka-makinang among the 5 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 2!”

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

______________________

Flip, 27, Mandaluyong

______________________

Jeff,22, Malabon

_____________________

Hail to The Powerful 2!!! LAKAS! Sila ang  models na naging pinaka-pasabog sa mata ng fans at ng judges! Woooh!

Congrats, Flip! Ang todo naman kasi talaga ng entry mo! Wala akong ibang masabi. Bow ako sa’yo.🙂

And syempre, iba rin ang nakita naming Jeff ngayon! Deserved na deserved mo ang pwesto mo. Astig!

Palakpakan din natin ang dalawa pang models na kukumpleto sa Top 4! Shout ouch naman sa kanila!!!

Congratulations kina (in no particular order):

______________________

Paris, 24, Quezon City

_____________________

Jetti, 28, Quezon City

_______________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 4!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model! Malapit na tayo sa LIVE Grand Finale! Tang inaaaaa!

Sa Friday (August 24) ang formal presentation ng Top 4! Ang theme sa Friday ay VINTAGE! YTMNTM goes Vintage ang peg. Excited na ako sa round na ito!

At syempre, may WRITE-UP ulit! Slambook naman ang peg para sa mga models. Ang write-up para sa Top 4 finalists: “Share your most unforgettable childhood experience Aaay. Lakas maka-high school nito!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is on Thursday (August 23).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 4! Galingan n’yo sa next round!

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming maraming salamat sa ating Celebrity Judge for this week na si Ms. Mimi Aringo Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Mimi. See you soon.🙂

AGAIN, iniimbitahan ko kayong dumalo sa live finale ng YTMNTM at the same time post-birthday concert ni Madma titled “YTM: The Great Invasion.” Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito! 7:00 p.m. sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Ave, Marikina City. Admission is FREE! Pero 100 lang ang kasya sa venue kaya abangan ang further instruction ni Madma kung paano makakapasok. PASABOG event ito!!! PROMISE! Hindi n’yo ‘to kakayanin.🙂

P.P.S. Shout ouch again kay Mr. Rogelio Estacio Jr. para sa movie date kanina! Panalo ang Total Recall! Pasabog yung may dinner! Thanks sa pagimbita, IPF! Love you.❤

Gusto ko rin kayo imbitahan sa pasabog event this Sunday (August 26, 2012). The Young Moro Professionals Network (YMPN) will be holding the historic MY (Moro Youth) Hariraya 2012 anchored on the recognition of the role of Muslim Youth in our Mulsim Ummah (community and brotherhood) to advance positive paradigm on Islam, and bridge harmony among different cultures and religions in the Philippines.

The event will be an avenue to gather children, youth and various sectors of the society to celebrate peace and unity. It will provide an opportunity for Muslims and non-Muslims to come together and enjoy the traditions of Ramadhan. Sa Sunday na ito ha. 10:30 a.m. sa 2L Activity Area, Starmall (EDSA-Shaw).  Suportahan naman natin ang kapatid nating Muslim na si Mr. Zabra Yu Siwa!🙂

Visit their event page: http://www.facebook.com/events/246935792093419/

Thanks din kay Mr. Jayson Cruz for my photo above.🙂 Live na live ‘yan sa Malaysia!🙂

57 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 8th Elimination Night

  1. Ano to?!?! CRAZY! Kailangan ng petition to bring Coco back in the running towards becoming Yours Truly Madma’s Next Top Model. Calling Coco fans, What’s Happening to this Blog and Nay Cristy! ‘Wag nating payagan ito!!!

  2. oh ano mga galit kay coco? masaya na kayo ngayon na natanggal na sya? grabe magdiwang na kayo! gustong gusto nyo to eh.

    Coco, sayo ang boto namin all the way. sana patuloy kang magmodelo. u deserve it!

    • Super like. Hehe. Anuman ang kinahinatnan nito, wala akong say. Hehe This is how a contest works. Lahat naman magagaling considering the different walks of works, business, priority etc of every contestants. Hats off to you Coco for staying cool, professional and broadminded. Miss you. huggs

  3. There’s nothing to be sorry about. That’s how competition goes. =). Coco is still lurve. =) Bye Coco and till next time. We’ll miss you. zzzzz… nyt.
    – Boss Mark

  4. I think Coco deserves to be in the top three. As a modelstant, I believe he has just gained momentum but unfortunately got eliminated.
    I, however, have so many things on my plate right now. My heart, I must say, is no longer in the competition.

    Thus, I AM GIVING MY SPOT TO COCO.

    Coco, gather up your posse for your VINTAGE-themed photo.
    Tell all your friends to charge up your voting factory once again.

    To Madma, this was an enjoyable ride. I will see you….at home😀
    To my fans–ang core group ko sa XS, kayo lang to alam ko yan—bonding naman grabe!

    Thank you, guise!

    • Naramdaman ko to kagabi pero di ko naisip na mangyayari dahil alam kong gustong-gusto mo ito, pero pag gusto, may paraan, so ito, pinaraanan na nga.

  5. What if, pareho na lang silang tanggal? Just like cycle 19 of ANTM, wherein Ebony (in YTMNTM’s case, siya si Coco) was voted out by the judges tapos Alicia (in YTMNTM’s case, siya si Flip) quit to let Ebony stay. But Tyra didn’t let it happen and asked both of them to go home.

    I think dapat i-consider ang idea na ito Madma. Hindi naman ito plane ride na may isang chance passenger na pwedeng pumalit kapag may isang hindi dumating for the flight. Coco was eliminated for getting low scores and votes, so why bother put him back in the competition? That’s just wrong. If someone wants to quit, let him/her go, but it should not give way to a previously eliminated contender, or modelstant, as Flip puts it.

    My two cents.

    • Tyra has her reasons, pero mas bet ko ang approach ditey ng Project Runway na binabalik nila ung previously eliminated contestants kapag may nag-quit. Ibigay ang slot sa may gusto, wag pilitin ang ayaw. Pero depende pa rin kay Coco kung gusto nyang bumalik, pero nafi-feel ko ung passion nya dito eh, kaya feeling ko bet nya din talagang bumalik.

      Di ko kine-carry ang twist na ito.

      Nakakaloka ka madma!

      I love second chances. We should give Coco another chance.

      And to Flip, good luck na lang. Quitter.

      • Nyay! Imbes na pasalamatan si Flip, natawag pang quitter! E sa tingin ko naman naawa lang si Flip kay coco kata nagbigay daan na siya. Tingin ko lang yun ha? Pero, all the best para kay Flip and Coco.🙂

      • Nakakatawa naman. Bakit si Coco LANG ang pinagpalang mabigyan ng chance. I think may anomalyang nagaganap. Bakit yung ibang mga natanggal di nabigyan ng chance. Bakit may bigayan ng slot? Bakit choice ni Flip ang nangyari. Kung magqu-quit ka dahil kamo wala na ang puso mo sa game, edi mag-quit ka. Tapos. Wag yung magququit ka tapos pipiliin mo yung gusto mong mag-stay. Pa-ratings na lang ata tong blog na to. Di ba pwedeng happy-happy lang. Di ba pwedeng hobby-hobby lang? I-hilera nyo lahat ng entries ni Coco at itabi sa hilera ng entries ng iba, josme, di karapat-dapat talaga.

    • Sasabihin ko sana wild card na lang pero, mas best itong sinabi ni Chona.

      Yes ito sana yung time na akma na yung wildcard pero unfair dun sa tatlong natira kung basta basta lang ibalik si Coco

    • Edi ikaw na mag-run nitong competition. Twist mo? Top three na nga wala pa rin JUDGES’ SAVE na nagagamit eh. Coco is lab.

      • Why, Ebony and Alicia? Have you got a better or more worthy and more “expensive” suggestion/input than my two cents up there? Share mo naman!

  6. TAMA, JUST LIKE ANTM CYCLE 19, if Flip decides to go, then he cannot save the spot to Coco because UNFORTUNATELY, COCO Lost sa combined powers ng Fan Votes and Judges Judgements.

    CONGRATULATIONS THEN TO TOP 3:

    Jetti, Jeff and Paris!!!

  7. Ano ba yan! This is YTMNTM. HINDI ITO ANTM so wag nyo i-pattern at mag-suggest na parang iyon na ang dapat gawin. Hindi to ANTM. Si Tyra ay hindi si Madma–mas best si Madma kesa dun. Let Madma decide, okay? Dami nyo nguynguy.

    • Weird lang. sabi mo “This is YTMNTM. HINDI ITO ANTM so wag i-pattern at mag-suggest na parang iyon na ang dapat gawin..” well, kung mawawari mo, ang YTMNTM ay patterned sa ANTM. hindi ba obvious? Sinasabi mo ang daming nguynguy, ikaw mismo madaming nguynguy. Kaazar! Anyhow, bilib ako sa iyo Flip! Hinahangaan kita. Pero Marvin, ako personally ay umaayon kay Chona pero susuport pa din ako sa anumang desisyon ng mga tao sa likod ng “pa-contest” na ito.🙂

    • Carla Jill, ano ang punta na inaayunan mo kay Ebony and Alicia? Na mas best si Marvin kay Tyra? :)) well, i think hindi dapat si Marvin ang magdecide kasi “wala siyang voting power” pero kung ang pagiging owner ng blog na ito ang pagbabasehan, siya nga ang masusunod. Kahit anong mangyare, support lang ako. :)) sama lang patas para sa lahat. Sa lahat – judges contestants, mga naunang natanggal at fans, ang maging desisyon sa issue na ito.🙂

  8. Hindi ko naiintindihan ang ibang tao. Baket tila hindi sila maayos makipagusap. Parang ang hahambong at tila laging nag-aaya ng away. I believe ang blog na ito ni Marvin ay dapat masaya lang, yun bang iisang grupo tayo, magkakaibigan. Sa mga nabasa ko dito, baket tila may ilan na magagaspang ang ugali?

  9. Or why not, ranking na lang ang labanan. Top 3 na sina Jetti, Jeff and Paris tapos sa VINTAGE round, ranking na lang. Wala nang elimination. Coco, tigilan mo na yan!!! OUT KA NA! OUT KA NA! OUT KA NA!

    • well wag mo syang sisihin dahil tinigilan nya na to, tanggal na nga di ba. Hindi sya ang nagdecide, yun yung point. Isa lamang din syang biktima. Loveyou Coco.

  10. Si Flip ang nag-desisyon ng pagbalik ni Coco, hindi yung may-ari ng blogsite na ito. Si Flip ang nasunod. Sistema ples. CONTINGENCY PLAN naman Madma, puro ayon sa schedule?

    • tekla, relax lang🙂 mananalo ang deserving ang puso, ang puso mo. at tsaka kung itake ni madma ang suggestion ni flip, decision pa din ni madma ang nasunod. cool ka lang tekla🙂

      • Alam ko na to, Carla Jill, pinu-push si Coco to be the face of Madmacarta for more pa-ratings. Okay na ma’am.

        Si Keempee din malakas sa fans, tawagin nyo na rin sya🙂

  11. Gulo mo, tekla. Fun-fun lang? Hobby-hobby lang pero pinapakomplika mo pa ung mga pangyayari? Eh si Coco ung huling natanggal eh. Eh di sya ung pinakalogical na pumalit sa slot ni Flip? Gusto mo ba ibigay pa sa pang-2 or 6 na natanggal? Gusto mo mag-face off pa ung mga natanggal para malaman kung sino ung papalit? Fun-fun pala.

    Magtigil ka nga. Kainit ka ng dugo.

  12. Ay mga mam, di dapat ito susundin ni Madma.. pleeessss… tgilan ang paratings dahil unang una, may rate na to. Flip, bakit ngayon pa… I mean ikaw ang ugat ng komosyon na to. Pwede namang magquit prior sa elimination para at least di naannounce na tanggal si Coco… Alam mo yon,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s