The Official Statement of Madma re: Flip’s Voluntary Exit in YTMNTM

Dear fans and followers,

NAKAKAGULAT.

Alam kong nagulat kayo sa di inaasahang voluntary exit ng modelong si Flip sa YTM’s Next Top Model. Tunay namang nakakaloka ang pasabog na ito. Nagulantang ang lahat. Ako man may talagang na-shock sa biglaang desisyon ni Flip. Isa pa naman siya sa iniidolo, hinahangaan at malakas na modelo sa YTMNTM. A shocking twist indeed.😦

Aamin ko, biglaan ang twist na ito. Hindi scripted. Hindi etchos. Wala ring nabuong rule ang YTMNTM para sa mga ganitong bagay. Isa talaga itong lehitimong PASABOG! Naa-appreciate ko ang lahat ng mga naging suggestions ng fans and followers kung paano mas magandang harapin ang sitwasyong ito. Nabasa ko lahat ng mga mungkahi na naibigay.  SALAMAT sa mga ideas n’yo. Ito ay malinaw na patunay na mahal n’yo ang show na ito and that you really care. Nakakataba ng puso.🙂

Matapos ang masusing pag-aaral ng mga bagay-bagay, minarapat ng YTM Team na sundin ang munting kahilingan ni Flip na ibalik si Coco sa competition. Balikan natin ang statement ni Flip:

“I think Coco deserves to be in the top three. As a modelstant, I believe he has just gained momentum but unfortunately got eliminated. I, however, have so many things on my plate right now. My heart, I must say, is no longer in the competition. Thus, I AM GIVING MY SPOT TO COCO.

Coco, gather up your posse for your VINTAGE-themed photo. Tell all your friends to charge up your voting factory once again.”

Ito ang naging kahilingan ni Flip kaya naman ito ang ibibigay ng show. Kahit man lang sa paraang ito ay masuklian ni Madma ang wagas na suportang ipinakita n’ya sa YTMNTM. Kahit man lang sa paraan na ito ay mapalitan ni Madma ang unconditional love and effort na ibinibigay n’ya linggo-linggo. Maliwanag ang naging kahilingan ni Flip at ito ay ipagkakaloob ni Madma. Batid kong maraming mga nguyngoy sa bagay na ito subalit si Flip na mismo ang nagdesisyon na ibigay ang pinaghirapan n’yang spot kay Coco. Kaya naman ito ay minarapat na sundin ng YTM.🙂

Maraming salamat sa pinakita mong tapang at husay, Flip. Nirerespeto namin ang iyong naging desisyon. Salamat at nakilala namin ang isang matapang na modelong kagaya mo.  Salamat sa pagbabahagi ng sarili.🙂 Hangad namin ang iyong tagumpay sa anumang landas na iyong tahakin. Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.🙂

Bukas ay muling lalaban si Coco sa YTMNTM. Siya ay makakalaban nila Jetti, Paris at Jeff sa Vintage Shot round. Abangan ang pagrampa ng Top 4 models tomorrow!😉

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta.🙂 Sa huli, fans and judges pa rin ang huhusga. Ipinapaubaya ko na sa inyo ang desisyon sa kung sino ang karapat-dapat na hiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Malapit na ang live finale. Sama-sama tayo hanggang huli.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman sa masayang bonding ko with Ms. Kaye Kirsteen Mendoza and Mr. Efren Domingo. I love you both.😉 Nalasing din ako ha! Kaloka.😉

57 thoughts on “The Official Statement of Madma re: Flip’s Voluntary Exit in YTMNTM

  1. unpredictable ang show na ito. AZ IN.🙂 i congratulate flip for being transparent sa contest na ito, kung hindi na kaya, hindi na kaya!

    and to coco, please take good care of this second chance. sabi nila it’s lovelier the 2nd time around. wag mong bibiguin si Flip.

    i love the show, i am just so busy right now. pero i’ll try to catch up talaga;)

    i love this blog!!🙂 i miss you everyone. i miss tribu_tagapayo. sana sa concert magbonding tayo!!

  2. Parang namatay lang si Flip, sige ibigay natin sa kanya yung kahilingan nya. Tsaka as if may choice pa di ba, ikaw naman may ari nitong blogsite na ito. BETTER contingency please, next time. Masanay tayo sa biglaan. Wag tayo lagi sa most convenient choice.

  3. Wow Flip, PASABOG ka talaga! Lakas maka-bigating contest ng YTMNTM, Madma ha! Give me that spot! NOW NA! =)

    AT in fairness kay Madma.. Para kang Fairy Godmather dito ah. Si Flip kasi parang nasa “Wish Ko Lang”!

      • Pinoy talaga tayo, pag kawawa/kinawawa/mahirap, yan ang ginugusto nating manalokahit walang K. Pag sa singing contest or whatever show, talaga namang huling-huli ang mga puso nating mga pinoy ng mga “api”.

      • I think hindi kaya ni coco. Kasi kung kaya niya talaga, edi hindi siya natanggal. Hindi ko alam na marami pa lang nang-aapi sa kanya. Baka hindi naman “nang-aapi” yung tamang term. Baka konti lang talaga ang supporters niya at dahil madaming ayaw na ibalik siya, ay naiisip na “inaapi” siya.

  4. Yes. Pinoy ako ay Pinoy, ipakita sa mundo🙂

    Pero hindi ko gusto manalo si Coco, gusto ko manalo yung deserving, yung tatapos sa contest, as what I’ve said in the previous. Mananalo ang deserving Tekla, relax ka lang:) kaya nga may judges 50% and audience impact na 50% e.

    • Yun nga e, parang hindi din talaga nasunod ito – 50% judges 50% fans. Hindi nga din nasunod ang judges save kasi binalik si coco kahit hindi siya sinave. Ohwell.

    • Ows, di mo/nyo gusto manalo si Coco? Hahahaha alam naman na, face of madmacarta di ba? Wag mo ako i-push magsabi ng ikawawala ng kredibilidad ng YTM or sige i-push mo rin ako hahaha ready for some action? Kaya hindi ako relaxed Carla Jill, ay dahil may nalalaman ako, may pinanggagalingan ito. Hindi ako Coco-hater. Meron lang ganyang twist dapat na hindi napahintulutan NOON pero ngayon, heto na, napahintulutan na nung si Coco na🙂

      • wow, credibility ng madmacarta? may pagbabanta?

        or baka masyado ka lang nagiisip ng malalim, tekla.

        as far as i know, super nagulat si madma sa mga nangyaring ito at tinake nya in consideration ang mga views nyo about this. and nagdesisyon pa rin sya.

        bakit kailangan naming humiling ng something e hindi naman kami nagvoluntary exit? naalis kami ng biglaan e.

        i just think masyado mo binibigyan ng kulay ang mga bagay.

        “Hindi nga din nasunod ang judges save kasi binalik si coco kahit hindi siya sinave. Ohwell.”

        — Hmm i don’t think kailangang masunod ang judges sa pangyayaring ito kasi wala namang modelling na nangyari – malinaw na hindi nila ginamit pa ever ito at ang pagbabalik kay coco ay decision ni madma na suhestiyon ni Flip.

        – parang sa PBB House, sa mga nakakagulat na pangyayari kailangan magdesisyon si Kuya.

  5. Naisip ko, para palang judge dito si Flip at hindi contestant. Actually mas malakas pa siya sa mga judge kasi nasave niya si coco e. Kung titingnan, para sa akin, nakababastos lang ito sa mga judges, contestants at sa ibang mga tagasubaybay ng YTM at sa mga natanggal na ding contestant kasi sa isang iglap, pwede naman pa lang magsave ang isang hindi judge. I think dapat ang nagdecide kung babalik si coco ay ang mga judges kasi nga diba wala namang voting power si marvin or kung sino man maliban sa fans at judges? Sa nabasa kong statement parang si marvin (at ang “ytm team”) pa din ang nagdecide. Actually si Flip “..subalit si flip na ang nagdesisyon na ibigay kay coco ang pinaghirapan niyang slot..” I think pinapakita lang nito na may power pa din si marvin sa “palabas” na ito. After all, siya kasi may ari ng blog. So, i wonder, masasabi pa din ba talagang “walang voting power si Marvin” at may integridad pa din ba ang “judges save”? Na-a-unfairan lang talaga ako para sa ibang mga natanggal na contestant. Im sure nasa puso din talaga nila ang pagsali dito at gusto rin talaga nilang manalo. Ohwell. Papel.

    • Unfair talaga. And yes, hinayaang si Flip ang mag-decide.

      “Kahit man lang sa paraang ito ay masuklian ni Madma ang wagas na suportang ipinakita n’ya sa YTMNTM. Kahit man lang sa paraan na ito ay mapalitan ni Madma ang unconditional love and effort na ibinibigay n’ya linggo-linggo. Maliwanag ang naging kahilingan ni Flip at ito ay ipagkakaloob ni Madma.”

      Bakit kailangang suklian? Pwes suklian mo rin yung suporta. unconditional love at effort na ipinakita nila Rog, Keempee, Allen, Angelica, Nessa, Kti, Jill, etc.

      Guys, humiling rin kayo, dali! Ipagkakaloob ni Madma! Alangan namang yung hiling lang ni Flip ang pagbibigyan?

      • Kung para sa ratings kaya ibinalik si Coco, aminin na lang para tapos na ang issue. Pero syempre aaminin ba yan?🙂

  6. Hoy ang gulo mo, tekla ah. Fun-fun lang? Hobby-hobby lang? Pero pinapakomplika mo pa ung mga pangyayari. Eh si Coco ung huling natanggal eh. Eh di sya ung pinakalogical na pumalit sa slot ni Flip? Gusto mo ba ibigay pa sa pang-2 or 6 na natanggal? Gusto mo mag-face off pa ung mga natanggal para malaman kung sino ung papalit? Fun-fun pala.

    Magtigil ka nga. Kainit ka ng dugo.

    • Yes, fun-fun lang/ hobby-hobby lang sana ang BLOGSITE na ito. Huwag namang focused na sa ratings. Yun lang.
      Ibinalik si Coco dahil sya ang gustong maging FACE OF MADMACARTA. Isa sa mga rason ay dahil marami syang fans/ followers na makakatulong sa pag-maintain/ increase ng ratings ng blogsite na ito.

  7. May tanong po ako madma. Paano po kung ang hiniling ni Flip na i-save ay si Krys or Kris, di ko sure spelling, basta yung unang natanggal. Pagbibigyan niyo po ba si Flip at ibabalik niyo si krys? Parang ganun din po kasi to ngayon eh. Binalik yung natanggal dahil gusto lang nung isang kasali. Parang mas ok po sana kung judges yung nagbalik sa natanggal na. Haissst

  8. OFFICIAL STATEMENT NI COCO.

    Ang mga sumusunod ay saloobin ko po.

    Hindi ko po alam pano to sisimulan kase ako po ay isang modelo lang din na nagbibigay ng larawan linggo linggo. Tanggap ko po anuman ang hatol ng taumbayan, tagasubaybay, judges at lahat ng walang pag-iimbot. Actually hindi ko po alam ang twist na ito until 3pm kanina Thursday dahil nasa work po ako. Nung nalaman ko po ito ay nasa travel ako to province at hindi ako handa talaga sa totoo lang.

    Alam nyo po mga tagasubaybay, hindi ko rin po alam ang magiging stand ko as a modelstant. Wineigh ko po ito kanina nung nalaman ko. Maraming salamat Flip sa intensyon unang una. At nirerespeto ko po ang hiling ni Flip, ang pacontest na to, ang boto ng judges at taumbayan. Alam ko pong magiging unfair ito sa lahat ng bumoto dahil parang nawalang bisa ito nung last week. Tama ka markganda na wala ito sa rules at kahit ako ay di ko naanticipate to. Tinanong ko rin yan kay Madma. Marami akong hesitations, brinought up ko rin kay Madma na judges lang ang may SAVE power as far as I know, most importantly I want to retain the credibility of the show. Actually sinuggest ko pa na kung mag quit si Flip, then let’s get down to the top 3 na kase pinal na ang desisyon ng judge at vote ng tao eh. Wag na siguro nating paglaruan ang pangalan ko. From the bottom of my heart, anuman po ang inabot ko sa contest na ito, masasabi ko sa sarili ko na naging propesyunal ako sa pagharap linggo linggo at ok ako kung yun ang hatol nyo at ng judges. Hinaharap ko ito at ipinagpatuloy ko ang laban hanggang sa huli. Ang nangyaring ito po ay parang nangyari sa Showtime kung saan nung natanggal si Ryan Bang as a judge ay binigay ni Dimples Romana ang spot nya. In the end instead, it wasn’t granted officially.

    Para sa akin, opinyon ko po, unfair po ito sa mga natitirang contestants, sa natanggal na contestants, sa rules, sa supporters at kahit sa akin po. Flip kase ituloy mo yan, kaya mo yan. Ang biglaan na rin nga kase. Ang pangit din naman po kase (if ever) na mananalo ka sa isang contest na out of the rules.At ayoko rin namang mapasama sa paningin nyo. WALA PO AKONG MASAMANG INTENSYON. =( Sobra. Mahal ko rin ang blog na ito at suportado ko ang mga natitirang contestants. Since online nga ang labanan dito, iba iba ang level ng commitment at ang sa akin po ay professionalism. Hindi po ito sa pagmamaarteh o pagiging choosy ha pls wag nyo akong gawan ng issue dito, ito po ay bunga ng pagninilay nilay ko sa sitwasyon talaga. =( Inisa isa ko po ito at inilapat sa timbangan. Muli, hindi sa pagiging choosy o maarteh sa spot, ang sa akin po ay lumulugar lang.

    Siguro po kung may say si Flip na magsave sa kanyang opinyon, ay sana po ay may say din akong mag go or magdecline base sa aking pagtingin sa contest na to.

    Since nagcocommunicate naman po tayo dito online at hindi sa personal, ito po ay suhestiyon at saloobin ko lamang sa inampalan, sa hurado, kay Madma at sa inyo bilang isang naguguluhan at naiipit na contestant. Samakatwid, ang sagot ko po ay HINDI KO MATATANGGAP ANG SPOT kung ako ang tatanungin ninyo. Since nasabi na rin naman ni Madma na hindi ito contest na for fun na tipong barubalan na lang, eh seseryosohin ko po ito kung gayon.

    Kay Flip, salamat sa intensyon, sobrang salamat, hindi ko matatawaran ang tiwala mo sa akin. =)

    Sa judges, salamat sa inyo sa linggo linggong pagbibigay payo sa kahinaan at kalakasan ko.

    Sa mga fans ng bawat contestant, sorry at salamat na rin. Kita kita sa Sept. 8

    Sa mga friends ko na tumutok din, Mahal ko kayo.

    Kay KT Alibanban na nagpakilala sa akin sa blog na ito at kay madma, salamat. Loveyou migs.

    At higit sa lahat kay Madma, ay pano ba to, salamat sa oportunidad, sa pagkakaibigan, pagpapapalakas ng loob, at TIWALA. Sa iyo at sa blog pa rin ang suporta ko anuman ang mangyari. Mahal kita.

    Kung hindi nyo po matatanggap ang apila ko na hindi na magpatuloy, wala po akong magagawa kundi magsumite ng susunod na larawan in respect for the contest and to your decision. But again, kung ako po ay may say, I would rather DECLINE THE SPOT not because I don’t like it, but because I know that’s my doom. This is how I play my game.

    Muli, maraming maraming salamat po.

    Anumang desisyon ng management pagtapos nito, tatanggapin ko.

    Nagmamahal,
    Coco

    • Hi Coco,

      Sa totoo lang, hindi mo ako supporter pagdating sa contest na to not you as a tao ha. Dahil syempre may manok o friend din akong akin. But with this statement of yours, hats off to you. I mean it’s not that I don’t want you to be back in the competition but I am on the same side. Dito pa lang HINAHANGAAN kita sa katalinuhan mo. Hindi ka isang robot na aalisin at ibabalik ng walang pahintulot mo. Kung iisipin natin, hindi lang si FLIP or si MADMA ang ang dapat iconsider, kung hindi ikaw din. Tanong ko lang sa contest, since wala naman ngang contract ito, anu yun ganun ganun na lang. To Flip, hindi dahil wala ka ng picture na maipasa quit ka na, the fact na sumali ka sana naanticipate mo to. Anu bang magpicture ng saglit. Eh si Coco nga o si Paris, paulit ulit minsan, hinahanapan na ng konek sa theme. I mean professionalism lang ng onte kahit walang contract. Alam mo yon. Hindi ako galit sayo but nadisappoint ako sa ginawa mo. Kay madma naman, sana pinagisipan muna ng sobra.. like sobraa… alam mo yon. pero isa lamang itong dagok. And to some commenters, week by week sinusukat ang photos ng models, I don’t believe that a fish is being fried here. Basta. Ang gulo.

      • I don’t think yan ang dahilan ni Flip. Looking at his portfolio, im sure may maipapasa siyang pangkabog. Kaya nga yoko siyang umalis e. I believe may ibang dahilan siya. Not that ayoko talaga kay Coco. Not against him, at all! Tunay na dapat talagang maconsider din si Coco dito and talagang kahangahanga ang sinabi niya. Mas nagulat ako sa turn of events pagalis ni Flip. Sana maaksyunan na ito ng YTM Team. Lakas makamilyon ng prizes.😉

    • Ay Shout ouch naman! grabe….=( I could feel the confusion. Decide decide naman madma. Nahihirapan na huminga si babe Coco.

    • Ay P.S pala, hindi ko na rin nabanggit kase na infairness to madma sa agaran nyang pag abiso ng di ko agad nabasa. Salamat sa tiwala talaga ng YTM, maluwag kong tatanggapin anuman ang judgement nyo. Sorry kung medyo nahilo rin ako sa pagdedecide. Kinonsider ko rin naman po yung feasibility ko, capacity ko, oras ko (na parang nasa travel ako wala akong panahon din na magshoot ulet, bilang nasa bahay ang laptop and all that) Walang nagkulang sa twist. Salamat sa YTMNTM. Mabuhay tayong lahat.

  9. 1. Salamat kay Madma. Nasabi mo ang nasa puso mo pero hindi mo na-put into words na mapi-please ang lahat. “suklian ang suporta” was badly phrased. We don’t owe each other anything. Lahat is voluntarily. I’m thankful na naging part nito. AND YES, I JOINED TO SUPPORT THIS BLOG especially nung ini-establish pa sya.

    2. Ang pag-alis ko ay hindi nangangahulugang hindi ko na sinusuportahan ang ligang ito.

    3. When I asked Coco to take my spot, Madma could have said otherwise. Pero wala kaming kontrata. Kung pinagbigyan ang hiling na to, I don’t have to say thank you. Unang una, brainchild to ni Madma. Kung lumabas na para akong judge na nagsave, I didn’t mean to offend the judges, and I am sorry. Kung meron mang kayong mga pansariling interes, hindi ko sinasadyang masira ko ito o anuman, ang sakin lang ay yung suporta ko sa blog na to. Kung mababasa man tong isang PASABOG, aaminin kong isa nga tong pasabog. Ganito din kaya ang magiging reaksyon nyo kung ibang contestant ang sinabi kong pumalit sakin? Pause muna and think. (Siyempre I don’t expect all of you to agree.)

    4. Maaring tama nga na better contingency plan next time. Dito sa point na to siguro ako dapat mag-sorry kay Madma kasi na-“on-the-spot” ko sya. Subalit, this is a first. At saka, nataon lang na ito ang timing. Kung si Paris or Jetti naman yung naalis (hindi si jeff top 2 sya eh–pero kung kay jeff ko binigay spot ko, same reaction pa din kaya?), ganito pa din naman ang desisyon ko. Ang tanong, “Ganito pa din kaya ang mga saloobin nyo?” Bakit hindi ko to ginawa earlier? Kasi may maganda pa akong pictures na pwede kong ipanglaban (di ba lalo na yung shadow round?) na alam kong maaring makakuha ng malakas na suporta para sa blog na to. Napag-isipan ko din naman.

    5. Sana maging maliwanag din pala ang paglalabas nyo ng mga hinaing. Naiinis ba kayo sakin, personally, kasi parang naging ako yung makapangyarihan dito? O naiinis kayo sa naging resulta na babalik si Coco?
    Sana yung una na lang. Sana hindi yung pangalawa, kasi medyo mapo-prove nyo lang din yung mga points na ni-raise before about how mean this contest has gradually become. Sana hindi kayo nag-reregodon kasi ayaw nyo si Coco. Isipin nyo na malakas ang suportang hatid ni Coco sa blog. Kung yung una naman, sorry ulit. I didn’t mean to control the show.

    6. Konting refresh: kaibigan natin si Madma. Bago tayo maglabas ng hinaing, suotin din natin ang sapatos ni Madma at pagnilayan ang mga puntos na ibig nyong ihain. I do not discount the fact that you have invested a lot in this contest, but you did to support our friend, didn’t you? Wala pa naman sigurong nawalan ng trabaho o nagsangla ng ari-arian o naubusan ng pangkabuhayan dahil sa pagsali dito. Wag sana natin alisin ang FUN sa patimpalak na to.

    7. To the other contestants who were previously eliminated, it was not my intention to offend you. Frankly speaking, I decided to give Coco my spot because of his factory of votes. This is something that I do not have, and this was something that ALL of the readers knew for a fact. Hindi nga ba’t parating malakas ang votes nya? Basta sa sakin, ito yung naisip kong pwede ko pang idagdag sa blog na to–hindi to alam ni Madma kaya nga hasty yung naging decision nya. Kung ang PASABOG na to na pwedeng positive eh naging fiasco, then mali ako. Magso-sorry na din ako sa inyo at again, kung kay Paris ko ba binigay or kay Jetti or kay Jeff ang spot ko, would this still have turned out similarly?I do not have to expound. I know this point will garner different reactions, both logical and bizarre.

    8. yung mga friends ko, sana hindi naman to yung maging dahilan para magtapos ang ating pagkakaibigan. yung mga friends ko na friends ni Madma, same wish. yung mga friends ko dito sa blog—-wala ata akong ganon. Putik, today lang ako nagpost dito sa Madmacarta bilang FLIP.

    9. Alam kong hindi ko kayo mapi-please lahat sa statement kong to. Universal truth yan, so kung hindi nyo kayang i-accept yung mga sinabi ko
    (a) wag nyo awayin si Madma
    (b) isang elimination night na lang naman top three na–these three would be the best for sure, mas madami pang pasabog si Madma for the top three, so might as well wait
    (c) kung ayaw nyo pa rin, magkita na lang tayo sa Ortigas sa Pearl Drive o kaya sa Tycoon Building o kaya sa Linden Suites, square tayo. Joke lang. I-message nyo na lang ako sa FB.

    10. Mag-suportahan lang tayo. Friend nyo si Madma, suportahan natin sya.

  10. “Kung hindi nyo po matatanggap ang apila ko na hindi na magpatuloy, wala po akong magagawa kundi magsumite ng susunod na larawan in respect for the contest and to your decision. But again, kung ako po ay may say, I would rather DECLINE THE SPOT not because I don’t like it, but because I know that’s my doom. This is how I play my game.”

    Calling ” the management ” naman!! :))

    • Ay P.S pala, hindi ko na rin nabanggit kase na infairness to madma sa agaran nyang pag abiso ng di ko agad nabasa. Salamat sa tiwala talaga ng YTM, maluwag kong tatanggapin anuman ang judgement nyo. Sorry kung medyo nahilo rin ako sa pagdedecide. Kinonsider ko rin naman po yung feasibility ko, capacity ko, oras ko (na parang nasa travel ako wala akong panahon din na magshoot ulet, bilang nasa bahay ang laptop and all that) Walang nagkulang sa twist. Salamat sa YTMNTM. Mabuhay tayong lahat. Salamat Flip,

  11. Re: Flip’s statement no. 7.

    Uhm wait clear ko lang ha, eto yung standpoint ko, it’s 50% 50%, nailagak ka sa top 4 hindi lamang sa boto ng tao kundi dahil na rin sa desisyon ng hurado. This isn’t just a popularity contest po or about how much ratings you can contribute to the blog. That’s not the intention of the contest, and we knew that in the last round you at some point, had the most number of votes. But again, thanks for the trust and Flip. I may not accept it but for whatever intention you have, I respect that. I think it’s up again to Madma to decide.

    • “This isn’t just a popularity contest po or about HOW MUCH RATINGS YOU CAN CONTRIBUTE TO THE BLOG”

      – Yes.
      – I love you Coco. You have a great mind and a great personality.
      See you on Sept. 8🙂

  12. Much has been said, to Flip, anlabo pa rin pre eh. though kung ipupush mo ang desisyon, sige. To Madma, kung ipupush ni Flip ang desisyon, eh di tanggalin na sya… Vintage top 3 na. To Coco, I salute you for your heart in the competition, naniniwala akong may say ka. Kung bumalik ka man o matanggal sa kompetisyon, saludo ako sa saloobin mo. syet im starting to like you. mwuah

  13. “Isipin nyo na malakas ang suportang hatid ni Coco sa blog.”

    “I decided to give Coco my spot because of his factory of votes. This is something that I do not have, and this was something that ALL of the readers knew for a fact. Hindi nga ba’t parating malakas ang votes nya? Basta sa sakin, ito yung naisip kong pwede ko pang idagdag sa blog na to”

    -if the exit was done to maintain/ increase the ratings of this blogsite, just PLEASE say so, admit it. End of the issue.

    To Coco, I salute you!🙂 you may not be the face of madmacarta but you are the HEART of madmacarta🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s