Official Statement of Madma: Coco and Flip are OUT

Dear fans and followers,

Isang maintrigang umaga sa inyong lahat.😉

Hindi na tayo gumagawa ng Official Statement. Napapadalas na rin ang Official Statement ni Madma lately ha. Panalo.🙂

Nabasa ko lahat ng mga comments/nguynguy/ngasngas/suggestions ng mga fans. PASABOG! Ang best! Intriga at its finest! Hiyang-hiya si Ms. Claudine Barreto sa kasikatan ng blog na ito.

Surprisingly, more than stress and anger, mas natutuwa ako sa gitna ng intrigang ito. Natutuwa in a sense na you genuinely love and care about this blog.🙂 Natutuwa ako sa matapang na pagpapahayag n’yo ng inyong mga saloobin. Natutuwa ako sa fact na nararamdaman ko kayong aktibong nakikilahok sa pagdedesisyon sa blog na ito. Natutuwa akong buhay na buhay kayo at nakabantay sa show. Higit sa lahat, natutuwa akong may pamilya ako rito. Sniff. Nakaka-touch naman ang samahan natin dito. Parang isang pamilya talaga ha. Group hug naman!🙂

Sa puntong ito, nais kong ipaalam sa inyo na si Flip at Coco ay opisyal ng OUT sa YTM’s Next Top Model. Since hindi naman tinanggap ni Coco ang spot na ibinigay ni Flip sa kanya, silang dalawa ay tuluyan nang magpapaalam sa YTMNTM. Nakakalungkot ang kanilang pagkawala bilang malalakas silang modelo sa kumpetisyong ito. Subalit, at the end of day, kailangan nating respetuhin at tanggapin ang kanilang mga desisyon. Sa kabila ng kagustuhan ng YTM Team na sundin ang naging kahilingan ni Flip, hindi na rin ito matutuloy sapagkat hindi naman tinanggap ni Coco ang spot na ito.

Maraming salamat Flip and Coco sa inyong wagas na suporta sa YTMNTM. All I have for the both of you is LOVE. Hangad ko na mapasainyo ang tagumpay ng buhay.🙂

At dahil sa naging desisyon ni Coco, sila Jeff, Paris and Jetti na ang official models na kasali sa Top 3! Shout ouch naman sa Top 3 natin! Walang elimination sa next round. Tuloy ang laban pero walang matatangal sa kanila sa Vintage round. Subalit, ang magiging resulta ng ng Vintage Shot round ay magiging parte ng overall ranking nila sa Live Grand Finale. Kukuha tayo ng 20% sa result ng Vintage Shot round at isasama sa final judging sa September 8. Kaya naman, gusto ko na ring ipaalam ang magiging criteria for judging sa Final Round:

Criteria for Judging (Final Round)

20%- Vintage Shot Score; 40%- Group Photo Score (ito ang theme sa next round); 20%- Commercial Score (gagawa ng commercial ang Top 3 for Adbokasya soon) and 20%- Runway Modelling (sa live event na natin ito sa September 8, 2012).

So, there. Ito na ang mas pinasabog at mas pinalakas na criteria for the Final Round! Mas masasala na talaga natin ang karapat-dapat na hiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM! Shout ouch naman!🙂

Mga paglilinaw:

Nais kong linawin na naninindigan ang YTM sa pagtupad sa kahilingan ni Flip na ipalit si Coco sa spot n’ya. Walang kameng nakikitang masama sa bagay na ito. Pero, since hindi naman kinuha ni Coco ang spot, silang dalawa ay tuluyan nang magpapaalam sa YTMNTM. Alam naming maraming “better” way to handle this situation pero sana ay maunawaan n’yo ang piniling desisyon ng YTM.

Hindi ginagamit si Coco ng show na ito para lamang sa ratings. Mahal ng YTM si Coco. Mababang uri ng laban ang paggamit at pagyurak sa pangalan ng isang tao para umangat. Hindi ito ang uri ng laban ang gusto ni Madma at ng buong YTM Team. Gaya nga ng sinabi ko sa previous statement, minarapat na lamang ng YTM Team na kusang sundin ang kahilingan ni Flip na ibalik si Coco sa competition.

Nais ko ring ipaalam na pinakikingggan ng YTM ang inyong mga boses. Ang inyong mga saloobin ay importante. Humahanga si Madma at ang buong team sa matapang at palaban n’yong pagpapahayag ng inyong mga damdamin. Kaya naman, lubos ang aming pasasalamat sa bagay na ito.😉

So, there again.🙂 Vintage Shot round na shortly! Kapit kayo!😉

Yours truly,

Madma

P.S. I love you all. At the end of the day, we are a family.😉

10 thoughts on “Official Statement of Madma: Coco and Flip are OUT

  1. Ang mahalaga sa huli iba iba man tayo ng pananaw, the show must go on. Suporta all the way pa rin. P.S naman salamat sa TIWALA ng YTM talaga. Hindi naman po ako umapila lamang dahil sa paninindigan ko. Medyo kinonsider ko rin po ang oras ko (dahil nga nasa travel din ako hindi ko na magawang magshoot din) kapasidad at kakayanan. So there.

    LOVEYAH ALL, LOVE THE SHOW

  2. Saludo rin ako kay madma. Matapang! Iba! Lupet! matalino. binusisi. =0 Papatay ako mkakuha lamang ng slot para sa first 100 sa Marikina.

  3. Ayan, tapos ang issue. Shut up na guys, I mean shut up na re: this issue, dahil kung hindi, magiging si Regine na si Chona. Chort.

    Can’t wait for the vintage round!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s