Yours Truly, Madma: The Great Invasion

Dear fans and followers,

ITO NA!

KASADO NA!

IMBITADO KA!

This is it! Go na go na ang “Yours Truly, Madma: The Great Invasion!” Ito ang pinagsamang LIVE grand finale ng YTM’s Next Top Model at post-birthday concert ni Madma para sa lahat ng fans and followers ng YTM! ANSABEE?!! Aminin n’yo, ito talaga ang nakakalokang pasabog! Shout ouch naman sa bonggang poster ko!🙂 Glam Rock pala ang theme natin so konting costume naman! Black, white, silver and yellow and color palette natin d’yan. Konting sunod naman sa theme. Papalabasin kung naka-pink ha!🙂

Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito mga fans! 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (near Sta. Lucia Mall). Admission is FREE. O, ‘di ba? ANG YAMAN lang!🙂 Ito nga pala ang mapa para hindi kayo maligaw at ma-late sa event.

Maraming pasabog ang magaganap sa gabing ‘yan kaya hindi n’yo ‘to dapat ma-miss! IKALOLOKA n’yo ang show na ito! Promise!🙂 Samahan n’yo akong koronahan ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Hayaan n’yo rin akong awitan/biritan kayo sa gabing ‘yan. Full-concert talaga ito ha kaya kumapit kayo. Hindi n’yo kakayanin ang mga nakakalokang production numbers na inihanda ni Madma! Aaayy! Madma goes rock ang peg nito. Pota. ITOTODO natin ang bonding sa September 8! Grand fans day na talaga ito.😉 THIS IS IT!

Pero ang twist, 100 lang ang kasya sa venue. Hindi ko kasi napa-reserve agad ang Araneta Coliseum eh so sa medyo maliit na venue muna tayo. Booked na rin ang Music Museum, Ultra  at MOA Arena so ekis na sila. WOW.🙂 Since maliit lang ang venue, first 100 lang ang kayang i-accommodate ni Madma. UNAHAN NA ‘TO!😉

Kung bet n’yo pumunta, sagutin lang ang simpleng tanong na ito: “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?” I-email n’yo lang ang inyong sagot together with your complete name, address, birthday at contact number sa yourstrulymadma@yahoo.com. GO NA!!! Dapat complete ang details ha! Ekis na agad yung kulang-kulang.🙂 Hintayin ang confirmation email ko kung kayo ay mapalad na napabilang sa first 100 guests.😉

Tandaan: dapat may confirmation email ko para legit ang slot n’yo.🙂 GO NA!

Inaasahan ko kayo sa gabing ito. Sama-sama nating baguhin ang blogging world sa September 8!

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat sa aking photographer na si Mr. MArk Anthony Lopez! Ang ganda ko rin talaga sa poster ha! PANALO!

Wagas na pasasalamat din kay Ms. Vanessa Joyce Zambale for making this poster possible! SUPER LIKEY KO ‘TO!!! Thanks, Nessa. Ang best mo talaga.

I love you both.❤

10 thoughts on “Yours Truly, Madma: The Great Invasion

  1. I wish I can attend, Marvz! Taray ng poster at theme mo! Bakit di mo na-book ng maaga ang Araneta? Kulang ang 100! Baka magka-stampede! Pero ibiibigay ko na ang slot ko sa mga taga-diyan. Feeling makakauwe agad-agad talaga? Belated happy birthday! Mahal kita alam mo yan. I’ll wait for the video upload! I commend you for handling all the intrigues and controversies like a professional celebrity! xoxo

  2. Make sure na walang stampede na magaganap, quota ka na Madma sa mga controversy, hehe, wish you all the best, Oz supports you, ahi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s