Sisikat Din Ako!

Dear Madma,

Naaaliw ako sa blog mo. Nakakatawa talaga.

Ang problema ko po ay napaka-simple lang, meron po akong blog pero wala po akong followers. Gusto ko po sana mag karoon ng followers na tulad nyo. Ano po ba ang dapat kong gawin para maging interesado ang blog ko?

Alam nyo po kasi, dito na po ako sa ibang bansa nakatira, wala po akong kaibigan at trabaho (housewife) kaya ang pag blo-blog nalang po ang pinagkakaabalahan ko, kaya lang po nawawalan na po ako ng interest mag-blog kasi pakiramdam ko wala naman pong nagbabasa.

Any suggestion po? Salamat and more power po!

Batang Kawawa

PS… Okay lang din po kahit wag n’yo na ipost ‘tong wala kong kwentang problema. Pwede na lang po kayo mag reply sa e-mail na ito.🙂 Salamat po.

_______________________

Dear Batang Kawawa,

Grabe, kawawa ka naman. Hug nga!🙂 Nakakatuwa naman ‘tong issue mo. Ang light. Pero rock. Ramdam ko yung bigat ‘eh tsaka yung “inggit.”🙂 Shout ouch naman sa mga mga TFC subscribers ng YTM. Nakaka-touch naman yung fact na ako na ang pinagtatanungan ng mga ganitong bagay to think na 3 months pa lang ako sa blogging industry. GRABE! Parang ang sikat na rin talaga ng YTM ha. Parang ang expert ko na sa blogging. Nakaka-flutter!!! Hiyang-hiya si Divine Lee na ilang taon na sa blogging. Salamat naman at naaaliw ka sa YTM, Batang Kawawa. Love na kita!😉

To be honest, wala sa plano ang pagbo-blog ko. As in! Mas prefer ko kasing dumaldal kaysa sa sumulat. Mas mabilis talaga ang galaw ng bunganga ko kaysa sa pagta-type ng daliri ko sa keyboard. Ang bagal ko kaya mag-type. Pero sa chikahan at daldalan, hay naku! Huwag mo akong simulan kasi hindi kita uurungan kahit magdamagan. Kahit ang bibig ni Gloc 9, hindi ko aatrasan. Ewan ko ba at bigla akong napunta rito sa blogging. Three months ago, ibang-iba talaga ang buhay ko. Puro lang ako basa ng books, nood ng series and films, casual sex with strangers during may alone time. WOW!🙂 O, ‘di ba? Ang sosyal ang mga hobbies ko. Ngayon, naku po, hindi ko na magawang magbuklat ng book, mag-salang ng palabas sa TV (ang chaka nung “salang” parang sinaing) at makipag-landian sa net. Mas lalong hindi ako magkaka-jowa nito, pota! Sa totoo lang, ubos oras din itong blogging. Hindi ko inexpect! My God! Pero super saya naman. Ibang level ng saya! Nakaka-adik. Nakakaloka.🙂 Ang saya kasi nung fact na maraming nakakabasa ng mga ngasngas mo sa buhay. Ang best nung may loyal fans. Higit sa lahat, nakakaaliw yung thought na ang layo nang nararating ng mga salitang nagmula lamang sa isipan mo. POWERFUL!😉

Hindi ko rin talaga inasahan na magiging phenomenal ang YTM. WOW.🙂 Kung maka-phenomenal naman. Mahihiya ang El Nino at La Nina phenomenal.🙂 Gusto ko yung kasikatan at the comfort of my own seat. Famewhore kasi talaga ako kaya naman naulol ako sa success ng YTM.😉 Lahat kame ay talagang na-surpresa. Hindi ko inasahan na sa loob nang napaka-iksing panahon ‘eh aariba ng ganito ang blog ko. Hindi ko rin inexpect na sisikat ako rito. LAKAS! May mga detractors na nga rin ako ‘eh. Ansabe?! Nakaka-artista yung may mga detractors! Kaya naman love ko rin sila gaya ng pagmamahal ko sa mga avid fans ang followers. Group hug naman tayo mga fans, followers and detractors. Clingy!!!

Huwag ka mag-alala kung wala kang followers sa ngayon. Chill ka lang, Batang Kawawa. Darating din ‘yang mga fans mo. Gaano ka na ba kasi katagal nagbo-blog? Kahapon lang? Grabe naman! Demanding din ha. Char. ;) Enjoyin mo lang ang mga posts mo. Just be yourself. Sulat lang nang sulat. Eventually, may makakapansin din sa’yo. Huwag ka magmadali magka-fans kasi baka ma-frustrate ka lang tapos mag-end kang drug addict. Not likey!🙂 May kanya-kanyang market ang blog. Mabuti sigurong hanapin mo ang iyong niche at i-define mong mabuti kung ano ba ang blog mo. I think d’yan mabuting magsimula.😉

Hindi mo naman kailangang maging funny like me. Kung hindi ka funny, huwag mong ipilit na magpatawa. Grabe yung ipipilit! Mase-sense kasi ng mga readers ‘yan. Matatalino sila. Alam nila kung totoo ka or nagpe-pretend lang. Mag-focus ka strengths mo. Kung magaling ka magluto, go sa cooking blog. Mga iba’t ibang luto ng ilog ang atake. Kung malibog ka naman, go sa porn blog. I-chronicle mo yung sex life n’yo ng Mister mo. WOW. Kung mahilig ka sa mga multo, go sa horror blog. Tipong mag-ghost haunt ka tapos sasapian ka ganyan then magbo-boses Sto. Nino ka. Aaay….shet parang ang lakas ng ghost/horror blog kapag na-pull off mo! Baka matalo mo pa ang YTM! Nakaramdam ako ng kaba bigla! :) Basta ang key is genuine at sincere ka sa mga sinasabi mo. Huwag kang malungkot at panghinaan kung starlet ka pa lang ngayon. Minsan din akong naging-starlet sa blogging industry. Pasasaan pa’t magiging big star ka rin gaya ni Madma. WOW! Nakakakilabot! Pota!😉

Take it from Madma, just be patient and enjoy your day-to-day blogging experience. Enjoyin mo lang ang starlet moments mo kasi kapag nakilala na ang blog mo, kumapit ka na sa mga issues and controversies! Aaay… Mag-ready ka sa mga ‘yan! Gagawa ka na rin ng Official Statements mo. ;) Just an idea, since housewife ka, why not try mo mag-blog about sa buhay ng isang housewife. I think pasabog ‘to. Desperate Housewives ang atake. Very promising! Ang hirap din maging isang housewife ha. Makulay at pasabog. Alam ko ‘yan. Housewife rin ako. WOW! Bisyosa.😉

So, there. I must say, na-enjoy ko ‘tong pagpapayo sa’yo ha. Very Dorina Pineda and Lavinia Arguelles lang ang peg natin! Nakaka-artista! Ano pa lang link ng blog mo? Pabisita nga!

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://okasaneko.wordpress.com/2008/09/17/tag-im-it/)

P.S. MALAPIT na ang “YTM: The Great Invasion!” Grabe, ang bilis. Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito mga fans! 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (near Sta. Lucia Mall). Admission is FREE.

May konting-konting slots pa kaya pwede pa makapasok sa birthday concert ni Madma! Maraming pasabog ang magaganap sa gabing ‘yan kaya hindi n’yo ‘to dapat ma-miss! I-miss n’yo na ang period n’yo huwag lang ‘to! :) Samahan n’yo akong koronahan ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM . Hayaan n’yo rin akong awitan/biritan kayo sa gabing ‘yan. Full-concert talaga ito ha kaya kumapit kayo. Hindi n’yo kakayanin ang mga nakakalokang production numbers na inihanda ni Madma! THIS IS IT!

Kung bet n’yo pumunta, sagutin lang ang simpleng tanong na ito: “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?” I-email n’yo lang ang inyong sagot together with your complete name, address, birthday at contact number sa yourstrulymadma@yahoo.com. GO NA!!! Dapat complete ang details ha! Ekis na agad yung kulang-kulang. Hintayin ang confirmation email ko kung kayo ay mapalad na napabilang sa first 100 guests.

Tandaan: dapat may confirmation email ko para legit ang slot n’yo. GO NA!

Inaasahan ko kayo sa gabing ito. Sama-sama nating baguhin ang blogging world sa September 8!

P.P.S. Last day na ng botohan sa YTM’s Next To Model tonight! Itodo na ang bota para masiguro ang panalo ng manok  n’yo. Ibang level nag labanan ng mga models sa Vintage round na ito! INTENSE talaga! Boto lang nang boto! Next week na ang final week ng YTMNTM! Sama-sama tayo sa Live Grand Finale!😉

Click this link to vote: https://madmacarta.wordpress.com/2012/08/25/the-top-3-finalists-of-ytms-next-top-model/

16 thoughts on “Sisikat Din Ako!

  1. Maraming paraan din para makaatract ka ng view. U can register your blog sa topblogs.com.ph or blogcatalog.com. Eto yung mga bloghub, sa simpleng salita, parang facebook ng mga blogger kung saan nagmimingle ang mga bloggers sa buong mundo. You can register there base on your blog’s category. Ganun. Tapos gawa ka ng fanpage ganyan. Parang info dissemination ba or publicity. Create ka ng teaser or video post ka sa youtube. Ganyan. =)

  2. Baka naman kasi puro rantings na tungkol sayo lang yung blog mo. Try mo na isipin na ikaw yung reader mo, at kung makakarelate ka sa pinagsasabi mo. At, imarket mo muna yung blogs mo sa closest friends mo, then pag sobrang relate sila, isshare nila yan sa facebook nila, and then other people will be curious.

    • hahaha. Hello naman, imaginationtravelsfar. Tama ka, dapat talaga malinaw ang overall form ng blog na gagawin n’ya: kung persdonal ba ito or what. Ito talaga ang mahalagang key to success.😉 Buti na lang hindi alienating ang form ng YTM. Daming nakaka-relate sa mga nguyngoy ng mga letter sender. haha Thanks sa comment.😉

  3. Based sa mga nabasa ko naman…

    1. Dapat may certain topic of interest ka sa pagbloblog.

    – since housewife ka, baka pwede mo iblog yung mga gingawa mong pagluluto. Ingredients, steps at isang magandang picture ng finish product.
    – mga scrap booking mo na mga ginagawa.
    – mga DIY na mga gawain sa bahay
    – Paghahalaman, flower arrangement, etc.

    2. Set target audience.

    – sino sino ba ang mga gusto mong makabasa sa blog mo? para kanino ba tong blog na to?

    3. Technical Side. Publish your blogsite sa mga “Bloghub (Rick Blanco)

    4. Papasok jan ang Basic SEO (Search Engine Optimization) tutorials….

    – eto yung pagtipong papasok ako sa google.com or yahoo.com at magtype sa search field sex position….. boom mangunguna sa listahan ang iyong website.

    – maraming basic SEO tutorials na mababasa over the Net at marami ding articles na makakatulog kung paano magboboost ang rating mo sa blog world.

    5. Link your blog to other blog sites…. for example meron kang finofollow na isang blogger na nagsscrap booking… pwede mong ilink yung site nya sa site mo…. or magcomment ka sa isa sa mga entry nya tapos indicate mo yung blog URL mo.

    6. Adwords and Adsense…. if may napapansin kang mga blog site na may mga advertisement sa gilid… isang tulong din yan para maging searchable ang blog site mo…. plus kikita ka pa.

    7. Ipublish mo ang blog mo sa FB account mo.

    8. Mag sign up ka din sa iba pang social networking like google+ tapos ipublish mo blog site mo sa account mo…

    9. Btw. nahuli ko pa talaga to…. Design… siguradohin mong appealing sa mata ang website mo..

    – wag gamitan ng maraming kulay…. baka akalaing blogsite ng United Colors of Benetton yan.
    – Wag lagyan ng maraming gumagalaw galaw ng images, nagpapabagal to ng load page time.
    – Make it simple…. just like Madma’s Site….. simple yet stunning.

    Above mentioned ay mga ways para maging searchable ang site mo over the internet…..

    I suggest read more on how to boost Blog ratings and hits.

    • WOW! Ang taray naman nitong input mo, Iniel.😉 Likey ko ‘to. Ang hirap din talagang mag-blog sa mga panahong ito. Pakarami na ring blog these days. kailangan talagang maging pursigido sa bagay na ito. Ang taray nung may 9 steps ka na na-share ha!😉

      • re: maraming blog these days.
        Ay tama yun, lahat ng bagay sa mundo these days mahirap na, kase parang lahat nagawa na. Mahirap nang gumawa ng bago, ang bilis din kase ng panahon at dame ng tao. Ayun.So goodluck sa iyo, darating din ang panahong sisikat ka. Kahit nga pag aartista diba, parang sa dame na ng stars wala ka ng lulugaran. Mahirap mag standout. So consistency teh, update update ng mga post. Baka naman last post mo eh January 1998 pa.

      • Agree! haha Halos nagawa na rin kasi talaga lahat. Nakakaloka. Kaya naman, ang taas ng challenge sa ating henerasyon na gumawa ng mga makabago at pasabog na bagay sa mundo.🙂

  4. Nung nabasa ko yung title, napakanta ako ng “sisikat din ako, sa palakpakan niyo. isang munting bituing magniningning!” Lakas maka Little Big Star na pinagmulan ng the very Charice Pengpengco. Ang cute nung Pengpengco as a surname, parang may malansang aroma.

    Sa’yo naman, Batang Kawawa, wawa aman ikawzzz. Huhu! Chara.

    Unang-una, isipin mo na kung sobrang sikat mo na at naungusan mo na si Madma. Handa ka na ba sa mga kontrobersiya, gulo, profanity, paninirang-puri, death threats at pang-aagaw ng asawa? Wuw. Bigat nung may pag-agaw ng asawa part. Seriously, andaming pagdadaanan bago marating ang rurok. Pero sa tingin ko naman eh hindi ganung levels yung gusto mo; parang ok na sa’yo yung maraming hits at comments di ba?

    I go for, uhm, mag-launch ka ng Batang Kawawa’s Next Top Model tapos may voting component at theme every week. Kuha ka rin ng celebrity judges weekly. Ay teka! Parang nagawa na pala yun. Hahaha!

    I think your blog should have its own identity na susundin mo at ipapakita mo with every post, hindi yung kung ano maisip eh post lang ng wala-wala lang. That way, makakabuo ka ng niche or may mare-reach ka na niche. Tapos yun na yung magiging following mo. Tulad nitong YTM, ang niche ay, uhm, ano nga ba? Mga bakla? Chort. Mga taong gustong maging masaya. Kaya ‘wag kayong nega. Wuw, ako kasi bukal ng positivity eh, no?

    Establish mo muna kung ano gusto mong ipahayag sa blog mo, then take it from there. Hingi ka ng builds from friends to make your content more interesting and catchy.

    When all else fails, sex sells, mare. Wahaha! Wag ganun ples.

    Yun lang. Kaya yan!

    • wahahaha. Natatawa ako sa “Batang Kawawa’s Next Top Model!” wahaha Irita. Lahat na lang modelling! hahaha

      Tama ka, dapat tanungin muna ni Batang Kawawa ang sarili n’ya kung handa na siya sa kasikatan kasi napakalaki talaga ng kaakibat nitong responsibility and stress. hahahaha Lalo na ang issues and controversies! aaay. hahaha

      Welcome back naman sa YTM, B.🙂 Grabe yung may nanlalandi na sa’yo na reader rin ng blog ko. haha Balata naman!

    • Hello, Batang Kawawa! Sige, bisitahin ko ‘yang blog mo.🙂 Salamat sa pag-nguyngoy kay Madma. Nakakatuwa naman yung napadpad ka sa YTM despite the fact na may blog ka. Tataas din ang ratings mo! Chill ka lang. We are here for you. Tambay ka lang dito.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s