Madma Gives Back (Parts 2-3)

Dear fans and followers,

SHOUT OUCH naman sa 2nd and 3rd featured fans para sa Madma Gives Back!!! Batiin naman sila ng isang pasabog na HAPPY BITHDAY!!!

Kilalanin natin sina Jayson at Tristan! Woooh!😉

______________________

My ultimate birthday wish– Makapag travel across Europe. Gusto ko mabisita mga castles sa Prague, magkape sa Paris, umattend ng Cannes Film Festival, magbasa ng libro sa Barcelona at magparty sa Stockholm. I love places that make you realize how tiny you and your problems are. Wow, lalim din. Medyo selfish no? Pero birthday ko naman so pagbigyan nyo na. Madma, sana naman matupad mo to. Hahaha.

Message to family- Kapit lang, kakayanin natin to🙂

Message to friends– Let’s travel more! Gastos pa!!

Message to YTM and Madma– Salamat YTM for this opportunity sana naman magkita tayo soon. Di na tayo nagkikita kita. Three positives and three negatives naman. Haha.

Message to enemies– You can’t bring a good man down. No seriously, wala akong kaaway.

Message to the whole world– I want to meet all of you soon.

____________________

Ako si Tristan, at ito ang mga nguyngoy ko:

My Ultimate Birthday Wish- Ang hirap mag-isip ng ‘ultimate’. Pero dahil ’yun ang hinahanap, ibigay natin. Ano nga ba? Haha! Ayun! Naalala ko nung December 2011, available na ‘yung favorite planner ko sa Fully Booked. Pagkabili ko, hinanap ko kaagad ang August 02 hanggang 07. Hindi sakop ng range na ‘to ang birthday ‘ko dahil August 09 ako ipinanganak. Sinulat ko kaagad sa mga pages na ‘yun gamit ang mas makapal na calligraphy pen kumpara sa ordinaryong pen na palagi kong gamit – for emphasis – ang mga words na “Trip: Singapore-Malaysia, with Peers, Day 01, Day 02….Day 06”. Ito ang itinuring kong birthday wish ko for this year: na sana matuloy at maging sobrang enjoyable. Natuloy, yes; sobrang enjoyable, yes! So masasabi kong natupad ‘yung birthday wish ko. First time ng barkada na mag-out of the country. By the way, kasama pala si Madma sa grupo na ‘to. Sobrang saya na lumabas ng bansa kasama ang barkada. Pwedeng maging challenge at isyu ang bayaran. Ito ang eksena:

*****

A: Bayaran mo na lang muna ‘yung pamasahe nating walo.

B: Okay, sige.

*****

Bayaran time

B: Oh guys, tig-$2.20 ang babayaran n’yo sa’kin.

A: Ibawas mo ‘yung kulang mo sa aking 50 cents.

B. Okay, bale $1.70 na lang.

A: Kunin mo kay “C” ‘yung $0.40 kasi may utang siya sa’kin. So magkano na lang babayaran ko?

C: Teka, kalian ako nagkautang?

A: ‘Di ba ako nagbayad sa MRT pag-uwi kahapon?

D (sisingit): Oh ito, $5, bayad naming dalawa ni “E”, suklian mo ko ng 60 cents.

B: Teka, isa-isa lang, ang gulo na eh.

*****

Message to My Family and Friends- Sa family ko, specifically sa mga kapatid, tama na sa pagpapasaway . Medyo magulo kayong mamuhay eh. Haha! Hello kay Estela, ang mama ko. Kami lang yata ang dalawang medyo may ayos sa pamilya. Haha!

Sa mga friends ko, alam n’yo na ‘to eh. More lakwatsa at more gastos pa! Haha!

Message to Madma and YTM- Madma/Marvz, na-surprise ako sa lakas ng blog site mo. Medyo busy-busyhan din ako’t ’di ko magawang sumubaybay talaga dito regularly. Kaya nga’t nung napa-browse ako sa content, napa-wow ako. Sikat ka na rin talaga ah! ‘Di na mapigilan. Alam kong gusto mo ‘yan. Haha! Mas marami pang PASABOG nawa ang mai-share mo sa mga nagbabasa ng entries mo. See you soon. Sa lahat ng bumubuo ng YTM, congratulations. Mahusay, mahusay! Sana mas marami pang pakulo ang lumitaw sa site n’yo.

Message to My Enemies- Wala namang umaaway sa’kin. Ang mga ‘di ko lang makasundo sa araw-araw eh ‘yung mga pasahero sa FX na malaki na nga, sila pa ‘yung umaastang lugi sa pamasahe. Ayoko rin ‘yung malakas makipag-usap sa phone; tipong mula Novaliches hanggang MRT North Avenue Station may kausap at ang lakas ng boses. Lastly, ‘yung mga nagyoyosi na pumapasadang tricycle or jeepney drivers. Na-i-inhale kasi naming mga pasahero ‘yung usok ng yosi n’yo. ‘Yun lang.

Message to the Whole World– Enjoy lang habang umiikot pa ang mundo. Haha! Magtrabaho, magsaya, tumulong, magbasa, kumain, tumulala, mag-aral, matulog. Tapos ‘yun paulit-ulit lang. Minsan pwede namang mag-yosi, pero huwag sanang ipalanghap sa iba.

__________________________

Wooooh!!! WE LOVE YOU, Jayson and Tristan! Happy Birthday sa inyo. Wish namin ay kaligayahan para sa inyo at sa mga mahal n’yo sa buhay. Salamat sa suporta sa YTM.😉

O, kayo?! Gusto n’yo bang ma-feature sa sikat na sikat na YTM?! Ito na ang chance n’yo!!! Kung ang birthday mo ay sa month of August, pasok na pasok ka sa Madma Gives Back! Anga taray talaga nung “Madma Gives Back!” Nakaka-artista!

Madali lang ang gagawin! Padala lang kayo ng picture n’yo tapos samahan n’yo ng write-up. Ang laman ng write-up ay ang wish n’yo sa birthday n’yo. Hindi ko naman ibibigay ang wish n’yo, ano. Gusto lang namin malaman.🙂

So, kung ang birthday mo ay August, magpadala ka na! BILISAN N’YO NA! May konting slots pa! HABOL NA!

Padala na kayo ng best photo n’yo at samahan ng write-up. Ito ang format ng write-up:

  1. My Ultimate Birthday Wish
  2. Message to my family, friends and jowa
  3. Message to Madma and YTM
  4. Message to my enemies
  5. Message to the whole world

So, ayan ha! Send your pasabog photo and write-up sa yourstrulymadma@yahoo.com. Ife-feature ko ang lucky 7 letter senders sa YTM. Excited na kameng makilala ang mga August celebrants. Malay n’yo, maging daan pa itong blog ko sa katuparan ng wish n’yo. SULAT NA! GO!

Yours truly,

Madma

P.S. Thanks muli sa aking photographer na si Mr. Jayson Cruz for my photo above.😉

Malapit na ang “Yours Truly, Madma: The Great Invasion!” Potaaaaa!  Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito mga fans! 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (near Sta. Lucia Mall). Admission is FREE. May konting-konting slots pa kaya pwede pa makapasok sa birthday concert ni Madma! Maraming pasabog ang magaganap sa gabing ‘yan kaya hindi n’yo ‘to dapat ma-miss!

Kung bet n’yo pumunta, sagutin lang ang simpleng tanong na ito: “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?” I-email n’yo lang ang inyong sagot together with your complete name, address, birthday at contact number sa yourstrulymadma@yahoo.com. GO NA!!! Dapat complete ang details ha! Ekis na agad yung kulang-kulang. Hintayin ang confirmation email ko kung kayo ay mapalad na napabilang sa first 100 guests.

Tandaan: dapat may confirmation email ko para legit ang slot n’yo. GO NA!

Inaasahan ko kayo sa gabing ito. Sama-sama nating baguhin ang blogging world sa September 8!

2 thoughts on “Madma Gives Back (Parts 2-3)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s