YTM’s Next Top Model: 9th Results Day

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 3 na finalists, sino ang kuminang?

Welcome sa 9th Results Day ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Huwag kayong ma-sad, walang elimination sa round na ito. Results Day lang ang peg natin ngayon. Walang matatangal sa Top 3 models sa Vintage round. Ang magiging resulta ng round na ito ay magiging parte ng overall ranking nila sa Live Grand Finale. Kukuha tayo ng 20% sa result ng Vintage Shot round at isasama sa final judging sa September 8.

Gusto ko na rin kayong i-guide sa magiging criteria for judging sa Final Round next week:

Criteria for Judging (Final Round)

20%- Vintage Shot Score; 40%- Group Photo Score (ito ang theme sa next round); 20%- Commercial Score (gagawa ng commercial ang Top 3 for Adbokasya soon) and 20%- Runway Modelling (sa live event na natin ito sa September 8, 2012). ‘Yan na!!!

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 3 finalists ang naging pinaka-bongga sa Vintage round. Ibang level ang naging labanan! TODO!

Anyway, alam kong nauulol na kayong malaman kung sino sa mga modelo ang nanguna sa mata ng judges at ng fans. Hindi ko na ito pagtatagalin pa. Mga fans, sama-sama nating alamin ang naging resulta ng Vintage round. Nais kong ipaalam ang final ranking ng Top 3 models sa round na ito.

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

________________________

Jetti, 28, Quezon City

_______________________

Paris, 24, Quezon City

___________________

Jeff,22, Malabon

___________________

At ito nga ang naging ranking sa VINTAGE round!!! Congrats kay Jetti! GRABE yung boto n’ya sa fans and judges! Breaking box-office records si Ma’am. AS IN! Ang best naman kasi ng vintage photo ni Jetti Wala talagang papalag.😉

Congrats din kay Paris na nakuha ang second spot! Fierce ni Ma’am! Ibang level!

And of course, binabati ko rin si Jeff sa 3rd place. Pogi ang pasabog as always!

Actually, best silang tatlo! Wala ka rin talagang arte pa. Congrats sa Top 3 models!🙂

_______________________

Next week na ang FINAL ROUND ng YTMNTM! Shout ouch naman sa final week ng very successful na YTMNTM!Ang theme sa Final Round is Group Photo! Pasabog ang labanan nito. May bonggang pictorial ang Top 3 models with Madma sa Saturday (September 1). Ansabeee?! ABANGAN n’yo ‘to! Ibang level ang kabugan sa final round next week! Patalbugan at its finest! Hindi n’yo ‘to kakayanin!

At syempre, malapit na ang “Yours Truly, Madma: The Great Invasion!” Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito mga fans! 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (near Sta. Lucia Mall). Dito na na natin kokoronahan ang kauna-unahang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM! Live fashion show ito! Rampa talaga.🙂 Makikita n’yo rin dito ang ilan sa mga previous models ng YTMNTM. Reunion ang peg!!! See them all live sa September 8!🙂

Inaasahan ko kayo sa gabing ito. Sama-sama nating baguhin ang blogging world sa September 8!

MARAMING Salamat sa inyong suporta! Sama-sama tayo until the end!

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming maraming salamat sa ating Celebrity Judge for this week na si Mr. Amiel Kirby Guevara Balagtas. Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Kirby. See you soon.😉

Salamat rin sa ating pasabog na Resident Judges na sina Mr. Rogelio Estacio Jr. and Ms. JC Cantos.😉

P.P.S. Shout ouch naman sa mga ka-bonding ko kagabi na sina Ms. Jenny Melgarejo, Ms. Hazel Jayag, Mr. Sanriel Chris Ajero, Mr. Mayk Juat and Mr. Robby Benson Torres! Ang best ng bonding natin ha! I love you all.🙂

Sharing lang: nanood kame kagabi ng horror debut ni Ms. Angel Aquino na “Amorosa.” Alam n’yo naman, adik ako sa horror film so hindi ko ito pinalampas! Talagang attack agad sa sinehan sa first day of showing.😉

Overall, mahusay naman ang ang horror film ni Ms. Angel. Maayos ang storya, acting at mga horror scenes. Sigaw kung sigaw rin talaga ang Madma n’yo sa sinehan! Lampake sa ibang tao. Horror kasi so natural na sisigaw! Chura.🙂 Ang best talaga ng acting ni Angel. WAGAS! Talagang ipaparamdam n’ya sa iyo bilang audience yung mga nararamdaman n’ya as a character! Kung malungkot siya, papaiyakin ka n’ya. Kung masaya siya, sasaya ka rin. Kung nalilito siya, malilito ka rin. BEST ni Ma’am! Surprising din ang acting nila Martin del Rosario and Enrique Gil. Natutuwa naman akong naging effective sila sa film. Actually, maayos umarte ang mga cast kaya good job! Sakit kasi sa ulo nung hindi marunong umarte. Abala!

Masasabing ang Amorosa ay ang horror film na may kurot sa puso.😉 Tipong ma-miss mo yung mga characters after the film! Clingy din ha. Natutuwa naman ako at hindi na naman ako binigo ng direktor na si Topel Lee. In fairness naman kay  Direk Topel, maayos siya gumawa ng horror films gaya ng Ouija, Sundo, Shake Rattle & Roll etc. Mahusay naman ang vision n’ya as a direktor.

Ang nega part lang is masyadong madaling mahuli ang twist ng pelikula. May twist naman, yes. Pero madaling mahuli. Sana nag-explore pa ng ibang atake para mas pahirapan ang fans. Sana mas marami pang horror scenes at mas kinareer pa yung play-up sa mga anak ni Angel. But then again, maayos ang storya. Acceptable ang twists and turns ng mga events. Buo naman ang storya. Gusto ko yung paglalaro ng pelikula sa paggawa ng mga tao ng “choices” sa buhay! Effective! talagang mapapa-decide ka rin! #pa-involve

Kaya naman, ang hatol ko sa Amorosa is 2.5/5 on my Divanometer. Maayos na pelikula. Tamang horror at kurot sa puso. Alam mong pinag-isipan din. Sulit naman ang ibinayad ko. Hindi naman ako pumunta sa ticket office after para manghingi ng refund. Hobby ko kasi yung manghingi ng refund kapag chaka ang pelikula.😉

Panoorin n’yo rin! Ang best ni Angel at ang ganda! Diyosa talaga!🙂

5 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 9th Results Day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s