Nai-garahe na si Kuya

Dear Madma,

Isa po ako sa mga masugid na sumusubaybay sa blog niyo from the very beginning. Ang witty mo kasi Ma’am! Nag-aalala nga ako minsan pag binabasa ko ang blog mo sa opisina, baka maweirdohan sa akin ang mga katrabaho ko kasi bigla na lang ako natatawa.. hahaha.. parang ganun.

Anyway, eto po ang kuwento ko. Matagal na po naming napag-uusapan ng partner ko (of almost two years) na magsama na kami sa iisang bahay. Natutuwa kami kasi we are on the same page. Last week, unexpectedly, may bumukas na opportunidad para kami magsama na at nag-offer na siya na magsama na nga kami. Masaya po ako at excited, ganun din naman siya. Masasabi pong isa itong major decision at event sa buhay namin, lalo na at wala namang kasal para sa magkaparehong kasarian, eh parang eto na yun, eto na ang next level ng relationship namin. Dahil nga isa itong major decision and event, normal lang naman isipin ang mga bagay bagay, pros and cons, na kaakibat nito.

So eto po sana nag hihingin ko sa inyo Madma at sa ibang readers ng blog niyo:

1) Ano ang thoughts and opinion niyo about this?

2) Sa mga nasa sitwasyong/status na ito, anong maibibigay niyong payo?

Maramig salamat Madma at Mabuhay ka!

Yours truly,

Brandon Wade

_________________________

Dear Brandon Wade,

Nakakataba naman ng PUSO ang WAGAS na suporta mo! SALAMAT sa tiwala at PANANALIG kay Madma. Lakas maka-Rated K nung lumalaki  bigla yung words. Pota.🙂 Grabe yung nagbabasa ka ng YTM during office hours ha. Masasabing niri-risk mo rin ang trabaho mo for Madma. Likey ‘yan! Siguro, mabuting i-refer mo na sa officemates mo ang YTM para sama-sama na kayong maging weirdo. Kapag di sila natawa, naku, pihadong may MALI sa kanila. WOW. Shout ouch naman sapaggamit ko ng “pihado.” Buwan ng Wika NAMAN d’yan!😉 Ang saya talaga nung lumalaki bigla yung WORDS. Nae-enjoy KO ‘tong ka-cheapan na ‘TO.🙂

Anyway, ang taray nung  magli-live in na kayo ng jowa mo, Brandon Wade! Shet! Sex every day, anytime, anywhere! SAYA!!! Kingina naman oh, nakaka-inggit! Sali naman si Madma minsan. WOW.🙂 Ang best nung magka-live in na kayo ha. Nai-garahe ka na talaga! Misis na misis ang peg mo! Sana kumatok bigla sa bahay n’yo ang mga taga-Census tapos ikaw yung maaabutan. Tatanungin ka nila “Misis, ilan po kayo sa bahay n’yo? Saan po nag-aaral ang mga anak n’yo? Ano pong trabaho ni Mister?” Aaay. Taray! Feel na feel.🙂 O, kaya bigla kayong bisitahin ng taga-barangay Health Center tapos ikaw na naman ang maabutan then tatanungin ka nila “Misis, regular po ba kayong nagpapa-check sa gynaecologist n’yo? Ilang beses kayo mag-sex ni Mister? May mga nakakapa ba kayong bukol sa suso lately?” SHET! Babaeng babae ang peg mo Ma’am! Nakakaloka!🙂

Alam mo, wala naman akong nakikitang masama sa pagli-live in n’yo ng jowa mo. Ako nga gusto ko na makipag-live in kaso wala naman akong isasama. Paawa rin ha.😉 Kung kaya n’yo naman emotionally and financially, go! I-next level n’yo na ‘yan. What’s the holdup?! Lahat naman ng mag-jowang desidido na sa isa’t isa, whether homosexual or heterosexual relationship, ay bubukod at gagawa ng isang pamilya eventually. Hindi namang pwedeng laging date sa labas, check in sa motel or patagong kita ang peg lagi. Mga teenager?! Kaka-regla lang?! So, kung na-plan n’yo na ‘to, grab na agad ang unang opportunity na makita n’yo to make this come true. Maswerte ka nga at gusto ka na i-bahay ng boyfriend mo. That’s something.🙂 At least pinapakita n’yang “totoo” ang pagmamahal n’ya sa’yo. Yikeee. Kilig naman ang pepe mo. Haba ng hair mo, Brandon Wade. Trintas natin para di maapakan.

Natutuwa ako sa plano n’yong ito.This is a mature decision from the both of you as a couple kaya aprubado ‘yan ni Madma.🙂 Ang saya kaya nung uuwi yung jowa mo tapos nakapag-luto ka na and nalinis mo na yung sala tsaka CR. Tapos uupo si jowa sa sala n’yo at ima-massage mo yung likod n’ya. AAAAY! Misis na misis! Tapos iinitin mo na yung ulam n’yo, usually sinigang ‘yan, then kakain na kayo sabay. Tapos update-update sa mga naganap sa inyo the whole day. After this, maliligo na si jowa, tapos sasabay ka na rin kasi malandi at Makati ka, then sex sa CR. WOW! Tama na nga!!!🙂

Syempre, may mga pros and cons din itong move na ito. Lahat naman ng desisyon ay may pros and cons so, normal lang ‘yan. Huwag kang matakot. Ang mahalaga is MASAYA KAYO sa desisyong ito. Marami pa kayong madi-diskubre sa isa’t isa kaya exciting ito. Masasabing ultimate test ito ng relationship n’yo kaya excited na rin kame para sa inyo. ;) Huwag  kang masyadong mag-isip ng nega. Huwag ka masyadong mag-alala kasi baka maging-cause pa ito ng breast cancer mo. Ang suso! Alam mo ‘yan! Masaya ito kaya happy ka dapat.😉

Take it from Madma, give this a try! Go na! Magandang learning experience ito para sa inyo bilang mag-jowa. Kung malaman n’yo eventually na hindi kayo swak, tigil na. Hiwalay na! Kung ok naman, tuloy lang. Basta enjoyin n’yo lang ang bagay na ito at maging bukas sa lahat ng mga possibleng mangyari. After all, wala naman nakakapagsabi kung sino ang makakasama natin for the rest of our lives. Ang tangi lang nating magagawa ay patuloy na sumubok, mangarap at magtiwala.😉

So, there. Enjoy lang. Update-update n’yo na lang kame. Huwag naman sana kayo magbangayan, magsigawan at magbasagan ng mga muebles. Ang mga kapit-bahay!

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.onislam.net/english/family/your-society/gender-and-society/451118-same-sex-families-a-new-fact-of-life.html?Society=)

P.S. Malapit na ang “Yours Truly, Madma: The Great Invasion!” Sa September 8, 2012 (Saturday) na ito mga fans! 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (near Sta. Lucia Mall). Dito na na natin kokoronahan ang kauna-unahang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM! Woooh! Live fashion show ito at post-birthday concert ni Madma. Aarte pa?!

Inaasahan ko kayo sa gabing ito. Sama-sama nating baguhin ang blogging world sa September 8!

11 thoughts on “Nai-garahe na si Kuya

  1. Hi Dear,

    Ngayong nagmomove on na ako mula sa aking break up, ako ay nakipag-balikan na sa aking first – and true love, siguro. Dahil ang 2nd bf ko, parang intermission number lang talaga. Pampagana ulit – nauunawaan ko na ngayon na tama lang na naghiwalay kami, hindi ko pala siya minahal ng wagas, minahal ko lang siya kasi wala akong minamahal ng mga panahong yaon. Ngayon, sila na ng bestfriend ko – o ha – pero ibang issue naman yan!

    Sa issue mo… challenging, tol.

    Ngayong kasama ko na ang first love ko, nadidiskubre na namin ng totoo ang isa’t isa. Natutuwa nga ako kasi na train ko naman na siyang mag chores, eh kusang tamad siya. Natuwa nga sakin nanay at lola niya kasi marunong na siyang magtiklop, mag hugas ng plato at maglinis ng banyo.

    May list of responsibilities kami, and we keep to it para alam namin talaga ang silbi ng isa’t isa.

    Napansin ko nga lang na… somehow, hindi na ganun ka-exciting ang chorvaloo. Alam mo yun, araw araw kasi kayong magkasama, hindi naman kayo araw araw nagiling – unlike dati siguro pa quickie quickie at motel pa kayo para lang maka chorva.

    Eto iba – more on kasi, iisa nalang kayo – halos. Masarap din naman ng may sure na kayakap sa gabi, at pag gising eh katabi mo pa din – pumili ng malaki-laking kama – mahirap na yan at baka magtulagan pa kayo.

    Over all, sabihin ko sayo, 2 years isn’t enough. kilalanin niyo muna. Observe ka muna kung ano ang attitude niya sa sarili, at sa bahay. Baka in the end maging katulong ka, ingat ka.

    Pag ipupursue mo, give roles, assign tasks, para balanced kayo ng ginagawa.

    Mag set din kayo ng mutual fund kuno – o ha, step na to sa budgeting of your resources.

    Kung gusto niyo magsama, plessss magsama kayo sa sarili niyong bubong at hindi yung nakatira pa din sa magulang nakikwarto na. Nakakahiya naman yun.

    So far, 1 month, mag tu-two months na kami halos sa iisang bubong. Masaya naman.

    Good luck sa inyo!

    Alicia Mendez

    • WOOOOH! Ang taray ng payo mo ha! Ang best mo naman, Alicia Mendez! hahaha Ang todo rin talaga ha. Salamat sa pasabog input mo. Napaka-genuine! Parang gusto ko na tuloy makipag-live in after mabasa ang comment mo. Hanap mo nga ako! hahaha

      Shout ouch naman sa sharing mo! BEST! hahaha

  2. Open communication is the key. It takes a certain level of maturity para magwork out yan. Siyempre parati na kayong magkikita, so dapat walang palya ung open line of communication para hindi nagka-clash. Bawal na bawal ang nag-a-assume ng mga bagay bagay; hindi binabasa ang utak ng ibang tao at hindi ina-assume ang feelings nila. If in doubt, consult your partner. At dahil parati na kayong magkasama, dapat maglaan din kayo ng “me” time–para magawa nyo ung mga activities na you usually do alone or with other people. Pero if your partner finds the activities you do during your “me” time, eh isama mo sya! It’s always the best to do things you both love together. Pag may ayaw na bagay sa isa’t isa, find a middle ground kasi unfair i-demand na baguhin ang sarili lalo na kung hindi to amenable. Masyado na ako madaldal, so lastly always remind yourselves why you love each other and never forget to verbalize them. Happy live-in-ning!!

    • Ramdam na ramda kong “malapit” sa loob mo yung topic! hahaha Alam mong isa akong piping-saksi sa buhay “may asawa” mo. haha Ay, hindi pala “pipi.” Dami ko rin palang sinasabi. haha Masasabing gamay mo na rin ang live-in relationship. pwede ka na magpa-presscon re: this topic. haha

      I love you, Manager.❤

  3. fave line:After this, maliligo na si jowa, tapos sasabay ka na rin kasi malandi at Makati ka, then sex sa CR. WOW! Tama na nga!!!
    –lakas ng tawa ko dito sa office, sabay tiklop ng laptop… daming issues eh… pero madma, kakadik tlga mga blogs mo!!!! hahahaha

    • hahaha Hello naman, mcke.🙂 Salamat naman sa pagbabasa ng mga posts ni Madma. Medyo natengga muna ang payuhan to give way sa finale ng YTMNTM. Next week mas maraming mga pasabog stories sa YTM!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s