YTM’s Next Top Model: The Final Round

Dear fans and followers,

13 na ang natanggal…

1 nag-voluntary exit…

3 na lang ang natira…

Sa FINAL round, sino kaya ang mangunguna?

Welcome sa nakakalokang final round ng Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. GRABE! Final round na tayo! Shout ouch naman!

Masaya akong i-present ang mga pasabog photos na ito na produkto ng aming photoshoot na ginawa ng YTM Team last week. WOOOH! Grabe, hindi birong pawis, dugo, oras at panahon ang ginugol namin para magawa ang mga larawang ito. Kaya naman ngayon pa lang, gusto kong pasalamatan ang buong YTM Team sa wagas na suporta na binigay n’yo kay Madma at sa YTMNTM. Mahal ko kayo, guys! GRABE! Hindi ko ito kaya mag-isa.😦 Kaya naman, MARAMING SALAMAT!

Todohan ang labanan ngayon sa GROUP PHOTO round! Sabayan. Palakasan. Pagalingan. ALL-OUT WAR na ito! Showdown talaga ang peg for this round para mas makita natin kung sino sa Top 3 models ang karapat-dapat na maging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. By the way, sa September 8 na ang Live Grand Finale ng YTMNTM! 3 tulog na lang! Sa sa Sabado na ang huling pagtutuos ng mga models. Shet!

Again, walang elimination sa round na ito. Tuloy ang labanan ng ating Top 3 models na sila Jetti, Paris and Jeff pero walang matatangal sa kanila sa Group Photo round. Ang magiging resulta ng round na ito ay magiging parte ng overall ranking nila sa Live Grand Finale sa Sabado. Kukuha tayo ng 40% sa result ng Group Photo round at isasama sa final judging sa September 8. Gusto ko na rin kayong i-guide sa magiging criteria for judging sa Final Round:

Criteria for Judging (Final Round)

20%- Vintage Shot Score; 40%- Group Photo Score, 20%- Commercial Score and 20%- Runway Modelling (sa live event na natin ito sa September 8, 2012). ‘Yan na!!!

MAJOR TWIST

The ratio of judging is no longer divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Sa round na ito, FANS lang ang magde-decide!!! 100% ang Fan votes ngayon! Shout ouch naman! Dahil sa huli, ang taumbayan pa rin ang magde-decide sa karapat-dapat na hiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM!

Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa September 7 (Friday) at 11:00 p.m. Then, Live Grand Finale sa September 8! Konting kapit na lang! :)

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So, huwag na nating patagalin! Malugod ko pong inihahandog ang Top 3 models sa kanilang huling rampa!

____________________

Jeff,22, Malabon

______________________

Paris, 24, Quezon City

____________________________

Jetti, 28, Quezon City

___________________________

______________________

_____________________

_____________________

______________________

______________________

_____________________

At sila ang ating Top 3 Finalists!!! Ang bongga ng Group Photo round!!! Umamin kayo! Iboto na ang favorite finalists! Grabe yung nakipagsabayan din ako sa modelling ha! Shout ouch naman kay Madma.🙂

BOTO NA!!! Ito na ang huling botohan!

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

P.S. Gusto kong pasalamatan ang buong  YTM  Team na tumulong para sa video na ito lalo na sa aming pasabog na photographer na si Mr. Zabra Yu Siwa GRABEEEEEE! Ibang level ka na, Z! Kingina. BEST! Kapag kinasal ako, ikaw na kukunin ko. WOW. Hanap muna ng jowa kase.🙂 Salamat, Z. Iba ka!😉

Salamat din sa pasabog na make-up artist namin na si Ms. JC Cantos! Grabe! napaganda mo talaga kame like crazy!!! Thanks, JC.🙂 Salamat sa oras at panahon na nilaan mo for YTMNTM! Ang taray mo mag-make up! Talagang lahat kame kamukha ng boss mo na si Mr. Richard Gutierrez. I love you, JC.😉

Of course, salamat din kina Ms. Jorgette Ann Aguirre, Mr. Peter Jeffrey Maloles, Ms. Paris Acedo (Top 3 Models ng YTMNTM), Mr. Albert Cruz (Creative Director), Ms. Melanie Libatique (Video Editor), Mr. Mark Anthony Lopez, Mr. Robby Benson Torres, Mr. Rogelio Estacio Jr., Ms. Carla Jill Masalonga (Stylists), Mr. Eshei Mesina, Mr. Ralph Marco Sahagun and Mr. Reichen Li Lopez (Production Staff).

LIMANG BAGSAK PARA SA ATING LAHAT!!! Masasabing isa itong tagumpay!

I love you all!!!❤

__________________________

P.P.S. Gusto ko rin kayong imbitahang manood ng  bonggang produksyon ng The UP Repertory Company para sa pagdiriwang namin ng ika-40 na anniversary! Sana ay makanood kayong lahat!😉

The UP Repertory Company will be staging “Ped Xing: Tatawid ka ba Kahit Nakamamatay?” from Sept 7-24 at UP Diliman. Ped Xing brings about the scheme of five ordinary townsmen, designing the perfect assassination of their town’s mayor… This action- comedy play depicts the current issues in our society: political, economic and socio-cultural. It will portray the strengths and vulnerabilities of man, and finally will make the audience think once more of the undying question— what is most essential in life?”

For more details about the show, pls check their September Notes Section http://tinyurl.com/9g7ahvf or visit their Scheds at a Glance tab (http://on.fb.me/SyMFKm)
Show dates:
Sept 8, 17, 22, 24 | 3 and 7pm
Sept 7, 21 | 7pm
Aldaba Recital Hall, UP Diliman

47 thoughts on “YTM’s Next Top Model: The Final Round

  1. madma papost naman ng direction, or iguide mo naman kame papuntang headstock. haha. Like from cubao sakay ka ng ganto, baba ka sa gantong kanto. (kahit from cubao lang) haha =) Theinks. Alien ako sa lugar eh.

  2. Ang dapat manalo ay si Paris kung posing at right angles rin lang ang labanan, si Jetti if you consider modeling for the contest’s main sponsors, si Jeff kung overall commercial appeal. Ay lahat na pala sila yon!

    After all is said and done, all is said done.😀
    The top 3 finalists deserve to be there.

    • wahaha ang lakas ng tawa ko dito: “After all is said and done, all is said done.” hahaha Ka-level ‘to ng drawing a line! hahaha

      Nabutbot mon rin ang models ha. Gusto ko yung input and perspectives na binigay mo.😉 Kita kits sa Saturday ha. Konting attend naman sana. haha Miss you!❤

  3. Si Jetti ang Jessica Sanchez ng YTMNTM…
    Si Jeff naman si Phillip Phillips…
    Si Paris si Hollie or si joshua na lang din…

    Magporn ka na lang Jeff. Hehehe.

  4. makakakuha din ba ng points or percentage ang 3 finalist sa mga previous elimination rounds na pinanalo nila? votes din yun ng fans and judges.
    sana huwag lang pag basehan ang final round . . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s