YTM: The Great Invasion, Kasado Na!

Dear fans and followers,

THIS IS IT!!!

Kasadong-kasado na!!!

The loooong wait is over!!!

Go na go na ang “Yours Truly, Madma: The Great Invasion,” ang pinagsamang LIVE grand finale ng YTM’s Next Top Model at post-birthday concert ni Madma para sa lahat ng fans and followers ng YTM! Aarte pa?!Bukas na ito mga fans, September 8, 2012 (Saturday), 7:00 p.m sa Headstock Music Bar located at 23 Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City (across Sta. Lucia Mall). Glam Rock ang theme natin so konting costume naman! Black, white, silver and yellow and color palette natin d’yan. Konting sunod naman sa theme! Huhubaran yung ko-conflict sa theme ha!🙂

Ito nga pala ang mapa para hindi kayo maligaw at ma-late sa event.

Sa mga may kotse, sundan n’yo lang ang mapa sa itaas. Pwede n’yo ring sundan ang tinatawag na “liwanag” o di kaya ang “boses” ni Madma. Mamili lang kayo. Either way, makakapunta kayo. Madali lang makita ang venue so makikita n’yo ‘yan. Don’t worry, Tagalog naman ang dialect ng mga taga-Marikina so walang magiging language barrier kung maligaw kayo.🙂

Sa mga mahihirap na fans na magku-commute, sakay lang kayo ng jeep or fx sa Cubao papuntang Sta. Lucia Mall. Baba kayo sa mall tapos tawid kayo sa overpass then pagtanong n’yo na lang ang Headstock Music Bar. Basta ang landmark is Mcdo in front of Sta. Lucia Mall and Tapsi ni Vivian. Madali lang pumunta kaya huwag na kayong umarte d’yan.😉

Sa mga maglalakad papuntang venue, simulan n’yo na maglakad ngayon para umabot kayo bukas.

_________________

Maraming pasabog ang magaganap sa gabing ‘yan kaya hindi n’yo ‘to dapat ma-miss! Samahan n’yo akong koronahan ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Hayaan n’yo rin akong awitan/biritan kayo sa gabing ‘yan. Full-concert talaga ito ha kaya kumapit kayo. Hindi n’yo kakayanin ang mga nakakalokang production numbers na inihanda ni Madma! Grand fans day na talaga ito!!!

Again, 100 lang ang kasya sa venue. Kung hindi kayo nakapag-reserve, dasal na lang kayo na makapasok.😉 Pero try n’yo pa rin, “malay” n’yo.  Medyo maliit na venue muna tayo. Next time na tayo sa Araneta Coliseum. WOW. May next time talaga.  ;)

Masaya lang ‘to! SEE YOU!!!

Yours truly,

Madma

P.S.  WAGAS na pasasalamat sa buong YTM  Team na tumutulong para sa katuparan ng event na ito. Grabe, ang todo ng support n’yo. Nakakaiyak.😦 THIS IS IT, guys!!! We can do this!😉

Salamat kay Mr. Zabra Yu Siwa para sa another pasabog photo namin sa taas! ANG BEST NA NAMAN! Mahihiya sila Donna Cruz sa pelikulang “Campus Girls.” Thanks, Z! Vsiti n’yo ang mga gawa ni Zabra! PANALO! : http://www.facebook.com/zysphotography

Salamat din sa pasabog na make-up artist namin na si Ms. JC Cantos.

Thanks din kay Ms. Vanessa Joyce Zambale and Mr. Mark Anthony Lopez para sa poster ko na bongga!🙂

ITO NAAAAAAAAAA!!! Bukas na ‘to shet! Good luck sa atin!

LABAN!❤

5 thoughts on “YTM: The Great Invasion, Kasado Na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s