Best Comedy Play of The Year!!! Nood Na!!!

Dear fans and followers,

Ms. Eugene Domingo – Award-winning Theater/Movie/TVActress…

Mr. Chris Martinez- Scriptwriter, Director, and Producer…

And

Madma- Theater Actor, Diva, Host, Blogger…

Ano ang common sa aming tatlo? Kameng lahat ay produkto ng The UP Repertory Company!!! Avail n’yo naman yung ni-linya ko ang sarili ko kina Ms. Eugene and Sir Chris. TAAS! LEVEL! Medyo nakakapangilabot din ha! Pota.🙂

Sa mga hindi nakakakilala sa UP Rep or in short mga hindi taga-UP, (wow. parang may “angas” sa part na ito), ang UP Rep ay isang student theater organization na kabilang sa premiere University Performing Organizations ng UP Diliman  kasama ang UP Pep Squad, UP Filipiniana etc. Ok lang?! Ito lang ang tanging org ko sa buong stay ko sa UP. Marami akong sinubukang salihang mga orgs noong kalakasan ko pa pero sa UP Rep ko lang nakita ang “kakaibang” saya at galak na hinahanap ko sa isang student organization. Kaya naman, super love ko ang UP Rep! Nakakahiya naman kong hindi ko love ang tanging org ko, ‘di ba?! Ang dami n’ya kasing naituro sa akin lalo na pagdating sa performing! AS IN! Ang org na ito ang masasabing naging malaking parte, mga 90%, sa kung anong klase akong performer slash tao sa ngayon. Ang taray nung 90% ‘no? Nabilang ko talaga ha. Precise!😉

Kaya naman sa aming 40th Anniversary, malugod ko kayong inaanyayahang panoorin ang BEST COMEDY play ng taon na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?” OMG! Super comedy to at its finest! Ito ang play na muntik na magpa-lock jaw sa akin!🙂 Ibang level ng pagka-comedy! Pop culture kung pop culture. Pagsamahin mo ba naman ang mga characters nila Dora the Explorer, Avengers, cast ng musical na Chicago, etc, sa isang play, RIOT TALAGA! Grabe yung tawa ko sa play na ito. WAGAS! Buo ang storya, taas ng energy at higit sa lahat napakaganda ng message! Aarte pa ba?! Sa UP Rep nanggaling ang humor ko kaya naman kapag nanood kayo ng play na ito eh para n’yo na ring nakita ang kabataan ko. :) Kung natatawa kayo sa humor ko ngayon, eh mababaliw na kayo kapag nanood ng play! Beat that!😉

Baka naman sabihin n’yo eh sinasabi ko ang magandang review na ito kasi alumus ako ng UP Rep. NO!!! Tandaan natin, bago ako naging member ng org na ito, tao muna ako na may sariling pag-iisip. Alam ko ang pagkakaiba ng pula at dilaw. Ng lalaki sa bading (or hindi rin minsan kasi tricky) at ng chaka sa maganda! At ang play na ito, masasabing MAGANDA TALAGA! Tawa ako nang tawa from start until the end. O ‘di ba?! Mukhang baliw na rin! Ang huli kong naalala na nagpatawa sa akin ng ganito ay ang comedy film na “Here Comes The Bride” na ginawa ni Sir Chris na kung saan kabilang na naman si Ms. Eugene. Aminin n’yo, maganda ang film na ito! At maniwala kayo, tatapatan ng play ng UP Rep ‘yan!  Iisa lang naman ang pinanggalingan ng humor namin kaya it’s a tie!🙂

O ito pa ang chika, last week ay aksidenteng nakanood ng play ang director ng Eat Bulaga. Yes, the very noontime show! As in walk-in audience lang si Direk ha. Nagbayad talaga. And guess what, after the show, kinuha n’ya agad ang cast ng play para mag-guest sa grand finals ng Mr. Pogi the following week! ANSABE?! Ganung level ang ganda ng play na ito! Shet, gusto ko na ulit manood!😉

Itataya ko ang aking “munting” pangalan sa industriyang ito. WOW. LAKAS! Manood kayo ng play at sinisiguro kong magagandahan kayo! Friendship Over kapag hindi kayo nagandahan! O, ha!🙂 Ito ang  klase ng palabas na hindi n’yo dapat ma-miss at higit sa lahat sinusuportahan.

May chance pa kayong makanood ng play kasi may natitira pang show dates! Take note n’yo ‘to!!!

“Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?”

Sept 22, 24 | 3 and 7pm

Sept 21| 7pm

Venue: Aldaba Recital Hall, UP Diliman. Ticket Price: P250. For tickets, contact Serville at 0917-600-0161 or reserve online: https://docs.google.com/spreadsheet/viewform?formkey=dG9xNWZYSWNGZVk5ckNyRjg3ck9md2c6MQ

Papanoorin ko lahat ang mga natitirang show dates na ‘yan! So, magkikita-kita tayo! Pero ang grand fans day ko talaga is yung Saturday (September 22) 7pm na show! Ito ang bulto ng fans ni Madma kaya join na kayo sa araw na ‘yan! Yung mga umattend sa concert ko, please!!! Punta kayo! Mag-bonding tayo dito. Yung mga stress d’yan, nood na!  Sama-sama tayong tumawa at mabaliw sa panood ng play! Kingina!!! TARA NA!!! Kung hindi kayo magandahan, tambangan n’yo na lang ako sa labas!

Yours truly,

Madma

(The photos above were lifted from these sites: http://thoughtologist.wordpress.com/tag/eugene-domingo/; http://www.international.ucla.edu/article.asp?parentid=108462)

P.S. Binabati ko lahat ng cast and production staff ng play na ito! Isang pagpupugay sa mga mahuhusay na residente ng UP Rep!!! Good job! You made Madma proud!❤ Magkikita ulit tayo soon! GALENG!!!

Shout ouch din sa mga kasama kong nanood ng play na sina Mr. Reginald Uy, Ms. Carla Jill Masalonga and Mr. Robby Benson Torres! Best experience! Aminin natin! I love you all!❤

6 thoughts on “Best Comedy Play of The Year!!! Nood Na!!!

  1. Hello and welcome back pala, Madma! Parang ang tagal mo rin nawala.

    Anyway, yes, kasama ako sa mga nanood kahapon.

    Sulit din talaga yung leave ko dahil napanood ko ang Ped Xing. Let me tell you, this is not your run-of-the-mill student org play; this is the first theater act that sent chills down my spine, or goosies sabi nga ni JLo, hanggang sa aking…binti. Haha! No, seriously, sobrang nakakatawa pero kinikilabutan ako sa bawat act kahit na hindi naman nangyari sa akin yung mga nangyari sa buhay ng mga characters. I never knew pop culture and social awareness could be this fun. I say, it’s a very tactical way of instilling vigilance and critical thinking on the audience. Talaga namang naluha, ngumanga ng bongga sa katatawa (sorry pala sa 2 lalaki na I think ay mag-jowa na nasa unahan at sa katabi kong girl kung naabala kayo ng tuhod at siko ko dahil sa katatawa at palakpak) at napaisip ako ng todo sa bawat eksena. Meron ako laging, “oo nga, ano?” at “bakit nga ba?” moment sa bawat act. Masasabing ang Ped Xing ay malaman at mamumulat ka sa katotohanan ng buhay sa Pilipinas higit sa kung ano man ang alam mo ngayon. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero baka ma-spoil na ang mga hindi pa nakakapanood.

    More than the applause and commendation, gusto kong pasalamatan ang UP Repertory Company sa paglikha at pagtatanghal ng Ped Xing. Maipagmamalaki ko na napanood ko ang play na ito.

    Salamat ng marami. Hindi ko na alam kung ano pa ang mas mataas na magagawa niyo, pero for sure, marami pang parating at aabangan namin ang mga ito.

    Mabuhay ang mga artista ng bayan!

    • *Clap, clap, clap!!! Galing naman ng review mo, B! Legit na legit! Well, kitang-kita ko naman yung ‘galak” mo while wathcing the play kagabi. Talagang nakipag-sabayan ka rin sa tawa with the fans! hahaha May sipa sipa pa on the side! haha Nood ulit tayo! Ano ba naman yung manood ulit!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s