Madma is Back! YTM: Season 2 na!

Dear fans and followers,

O.M.G. It’s Madma, bitch!!!

I’m soooo back!!! Hello naman sa inyo! I soooo miss this shit. And I miss your shit. Wow. Tae level rin ha.😉 Na-miss ko kayo kingina!!! Kamusta naman mga palaka? I’m sure na-miss n’yo rin ang ang mga pasabog or mga “shit” ni Madma. Umamin kayo! One week din tayong hindi nagkita-kita ha. Shet!!! Parang ang tagal din pala grabe. Pero one week lang ‘yun! Kayo naman.🙂

Well, nagpahinga lang talaga ang idol n’yo. Irita yung “idol.” Lakas maka-Robin Padilla! Pwede namang magpahinga, ‘di ba? Katulong nga may day-off, ako pa kaya?!🙂 Eh kasi naman nakakaubos ng lakas yung finale ng YTM’s Next Top Model at yung concert ko na YTM: The Great Invasion. Taas ng stress nun! Kingina. Pero, successful talaga! Good job pala, YTM Team ha. Alam n’yo na ‘to.🙂 Nagkasakit din ako last week. Kinetong ako. CHAR.🙂 Hindi, trangkaso lang. Tsaka sore throat. Tsaka headache. Tsaka cough. DAMI RIN! Grabe!!! Bumigay din yung katawan ko ha. After all, tao rin ang mga Diva. Ngayon lang ako talaga gumaling kaya salamat sa Circulan. WOW. Hindi, salamat sa tubig, Gatorade, Biogesic at Strepsils.🙂

The long wait is finally over!!! Sa mga nagsasabing “patay” na si Madma, fuck you all! WOW. Charoth lang. Wala naman talagang nagsasabi nun.  Arte ko lang ‘yan.🙂 Sa mga nag-iisip na nag-quit na si Madma sa blogging, magtigil kayo! Sumikat kaya ako dito so bakit ko ‘to bibitawan! HELLO?! Umayos nga kayo! Sa mga nagsasabing nagka-jowa na si Madma kaya wala na siyang post sa YTM, please! Paki-lakasan naman! Hindi kayo masyadong naririnig ni Lord! Sa mga kababayan naman nating Kapampangan, “aguman ning amanung.” WOW! Ang best! Eh Pampanga eh. Alam n’yong best!😉

Anyway, welcome naman sa opisyal na pagbubukas ng  2nd Season ng Yours truly, Madma!!! Wow. May Season 2 rin ha! Ang dami kong arte ‘no? Hiyang-hiya ang Survivor Philippines at Pinoy Big Brother. Shout ouch naman at umabot tayo sa point na ito. Yung ibang tao nga patay by now eh, aarte pa?! Ito na pala ang ika-apat na buwan ni Madma sa blogging industry! Woooh! Grabe, 4 months na pala ang blog na ito. Wala pa rin akong nakukuhang jowa rito ha! Konting Return On Investment naman! Wala ba talagang na-in love sa akin sa 4 months?! Sure ba ‘to?!  TAAS N’YO RIN HA! Chura n’yo! Char.🙂

Ano ang e-expect ng mga fans sa Season 2 ng YTM? E ‘di syempre MORE PASABOG! Ngeee.😉 Kilala n’yo ako! Huwag n’yo akong simulan re: PASABOG! Abangan n’yo ang mas pinalakas, mas pinatapang, mas pinabangis at mas pinabonggang Madma sa Season 2! Welcome pala sa new look ng YTM. Likey n’yo ba?! Ang tamis tamis ng bagong look natin! Huwag kayong malito ha. Nasa YTM talaga kayo! Nagbagong-bihis talaga tayo to mark our 2nd Season!  BONDING NA ULIT TAYO! THIS IS IT! Simula na ulit ng mga chikahan, payuhan at mga pakulong tiyak na inyo na namang kaka-ululan!

Since bukas na ang Season 2 ng YTM, bukas na rin si Madma sa pagtanggap ng mga nguyngoy at ngasngas n’yo sa buhay! Parang opisina lang din ha. Ipadala lamang sa yourstrulymadma@gmail.com ang inyong mga pasabog na kwento at pag-usapan natin ‘yan! Yes, lumipat na ako sa gmail kasi sobrang chararat ng yahoomail! Daming spam! Diyos ko! Nahiya ang Maling! SULAT NA kayo para ma-feature na kayo rito. It’s your time to shine!  Maiksi pa ang pila kaya go na!😉

Maraming salamat sa lahat ng mga patuloy na naghihintay sa pagbabalik ni Madma. Salamat sa mga positive feedback n’yo! Salamat sa patuloy na suporta! Ratchada na naman tayo simula sa araw na ito. Patikim lang ito. Samahan n’yo muli ako sa bagong kabanata ng ating show.

Handa na ako! Sana handa na rin kayo!

GAME!!!

Yours truly,

Madma

P.S. Andami kong baong mga pasabog! Can’t wait to share them with all of you! Na-miss ko talaga kayo!🙂 Galaw galaw na mga fans! 2nd Season na tayo oh! Paramdam na!!! I’m expecting more from all of you.🙂

P.P.S.Gusto pala kayo invite ng ating kasamahan na si Ms. Sonia Pascual sa kanyang bagong endeavor! Ang bongga nito! Grabe!

For the past several days they have been working to help the inventors of the Solar Pocket Factory get stretch funding on Kickstarter. With a few days left they would like to reach their dream goal of $150k. Solar panels are expensive to produce and require big investments and factories. That’s why solar-powered anything is usually expensive. With the Solar Pocket Factory, people can make solar panels anywhere, in a small factory that can fit on top of a table,  for cheap. This is a giant step forward to help us and our kids live in a better world with safer, cheaper solar energy.

Spread the word using this link: http://youtu.be/jil95obudb8

When you share that on Facebook, the link to the Kickstarter project automatically appears. Maraming salamat!🙂

-Ang pasabog talaga! Go, Ms. Ona! Suportado ka ni Madma! We love you!!!😉

14 thoughts on “Madma is Back! YTM: Season 2 na!

  1. Welcome back BBF! Ang ganda ng bagong interface ng blog mo. More power! (wow. showbiz narin talaga ang “well wishes” sayo. haha!

  2. Hello Season 2. Please be kind. :p
    Lakas maka-bagong taon re: bagong season. Ready na kami re: more pasabog dahil alam naming ready ka na rin re: this.😀
    We❤ you Madma!😉

  3. slow clap for madma. Masasabing the BITCH is fucking back! TAAS!!! Bilang avid viewer ng blog mo, masasabi kong nakatulong ang one-week day-offs / days-off / days-offs (Lito sa pluraling si Maam! hahahaha.) para maibalik ang enerhiya mo sa blogging. Congrats sa successful concert and finale. Ibang level yon, alam mo yan… Hindi lang basta na-pull off, it was GREAT! hence, the concert title: The Great Invasion. Sayang hindi nakapanood LAHAT ng Filipino sa lahat ng sulok ng mundo. World tour naman Madma!!! Kasama ang team and prod staff / stuff ha.

    Welcome Season 2 ng YTM everyone!!!

    Madma, handa na kami sa mga pasabog na hatid ng season na to!!!

    LET’S GO!!! More power.

    • WOW! Salamat naman, Kaytiest! Irita yung days-offs!!! Yes, we are sooo back! Simula na naman ng mga pasabog at pakulo! Thanks for being a part of YTM: The Great Invasion ha. Alam mo na ‘to! Daming pasabog na naka-abang!!! SHET!!! Kapit lang!

      I love you, Kaytiest! You are the Kaytiest indeed!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s