Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?

Dear fans and followers,

Hello naman ulit mga fans! Bonding naman grabe! I miss you all!😉

Una sa lahat, MARAMING salamat at very successful ang comeback ni Madma last Tuesday. Wooooh! Taas agad ng ratings natin. Kingina! Masasabing “na-miss” n’yo rin talaga ang mga pakulo ng YTM. Ang saya naman nung comeback ratings natin. Palung-palo agad!🙂 I’m sure nilagnat na naman sa takot ang mga kalaban ni Madma! Salamat at nakaabang pa rin kayo sa mga nguynguy ko. Nakaka-touch talaga. Higit sa lahat, nakaka-inspire. Grabe, legit na legit na blogger na rin ako ha.  BEST!!!

Medyo nagpapa-init lang muna si Madma re: pasabog. Let’s take it slow, bitches. :) Usap-usap portion muna tayo. Kumbaga sa sex, kiss muna. Grabe yung pagpasok sa kwarto at pagkatanggal ng panty, tira agad?! Climax agad?! Shower agad?! Char.😉 By the way ha, ang dalas umulan lately. Parang tanga. At iba na ang ulan ngayon! MALAKASAN! Talagang nambubutas ng payong at bubong level. GRABE! Ano na bang nagaganap sa mundo! Haaay… Always stay safe everyone. Mahirap magkasakit. At mahirap magkasakit kapag walang jowa. Alam n’yo ‘yan. Eeeeh hindi naman love ang topic natin today eh! Focus!😉

Sharing pa pala. May bago akong habit habang nakasakay sa MRT and LRT. Nagbabasa ako ng cellphone message ng katabi. ANG SAYA! Yet, ang bastos.🙂 Ang exciting gawin ito. Basta huwag ka lang papahuli ha. Kagabi may cute na guy sa harapan ko sa loob ng MRT. Syempre siksikan, so body contact ang peg! Ang sarap n’ya. I mean, ang saya. :) Noong nasa Ayala Station na kame, naglabas siya ng iPhone para mag-text. Aminin n’yo, may kaya. Naka-iPhone! Since super dikit namin, hindi ko rin maiwasan basahin ang mga text niya. WOW. Napilitan pa ha.😉 Sabi n’ya sa text, “Honey, pauwi na ako. I want to hug you.” Then biglang send sa sa nagngangalang “Archie.” ALAM NA! Kingina bakla pala si Kuya. Shet!!! ‘Yun lang.🙂 Try n’yo ‘to mamaya. “Pampalipas” oras lang habang nasa byahe. Magugulat kayo sa “karakas” ng ibang tao.🙂

Anyway, GV GV lang tayo today. Gusto ko rin palang i-share sa inyo ang ilan sa mga nakakatuwang feedback ng fans para kay Madma at sa YTM. Ang saya basahin eh. Nakakaganda sa part ko. ;) Background lang, noong nag-birthday concert ako, nag-post ako ng question na “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?” Ito na ang ilang inspiring na sagot ng fans! I will share with you some of the most memorable responses na ikina-kilig ko talaga nang todo.🙂

_____________________

“Well, mahal ko si Madma kasi totoong tao sya, graciosa maghandle ng intriga, hindi nagpapakababa,wow nakilala ko rin talaga sya ng husto! Hindi sya choosy with friends, ang gaan nyang kapalagayan ng loob. Tsaka ang pasabog nya e, as in! Mahal din pati sya ng boyfriend ko, so kung sinong mahal ng boyfriend ko, mahalin din! Spread the love!!!❤

Love ko naman ang YTM kasi totoo ang mga tao e, kaloka! Sarap pati tumawa. PAK!” –Kristine Joy S. Santos

“Mahal ko si Madma at ang YTM dahil binigyan at patuloy silang nagbibigay ng kasiyahan sa aking buhay. Bago ko natuklasan si Madma, boring ang aking online life. :p Salamat na lamang at nagtagpo ang aming mga landas. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, si Madma ang bukal ng kaalaman, kasiyahan, at pagkakaibigan. Dahil sa YTM, sumikat ako. Hahaha. Joke! OR! :p

Seriously, dahil sa YTM dumami talaga ang kaibigan ko. Nagkaron pa nga ako ng ka-loveteam eh. Kaloka diba? Pero puro saya at tawa ng dinulot saken ni Madma. Kaya maraming salamat! Sniff.”- Israel Pinile, aka Sael, aka Deathbymilktea

“Mahal ko si madma dahil ang funny nya as a person. Lalo kong minahal si madma dahil sa mga pasabog nya ngayong 2012.

Higit sa lahat, mahal ko si madma dahil mahal nya ang mga kaibigang mahal ko. Isa-isahin pa ba? Haha!

Mahal ko ang YTM dahil talaga namang pasabog ang konseptong ito. Lalo kong minahal ang YTM dahil kina keempee (as a quasi-manager), flip (friendship) at jetti (taga-hanga). Higit sa lahat, mahal ko ang YTM dahil sa mga solid na tagasubaybay nito na nakikipagtalastasan ng intelektwal na opinyon at kwelang hiritan.” –Jeff Christian Garma

“Mahal ko si Madma dahil sa tiwala nya bilang isang second degree friend ko, dahil sa katalinuhan nya, pangunawa, at malawak na pag iisip, gayun na rin sa powers sa pagpapatawa. Una ko syang hinangaan nung febfair 2009 sa UPLB sa booth ng UP SIBOL kung saan inimbatahan sya ni Kt along with flip and red.

Mahal ko ang YTM dahil isa itong pintuan na nagbukas sa akin na lalong pag ibayuhin ang aking kalakasan at katangian. Nagbigay aral ito sa tamang pagdedesisyon sa buhay, at FAME na rin. Natutunan kong maging handa sa consequence ng anumang hakbang na gagawin. At nag enjoy rin ako sa pagbabasa ng mga comic letters.” –Aries Bayeta

“Mahal ko si Madma dahil una sa lahat ibang klaseng tao sya! Iba sa lahat ng bagay..

1. ibang kakulitan (kulit na hindi nakakainis)

2. iba kung humirit (minsan teh tagos, ang sakit eh)

3. iba kung tumawa (parang totoong nakakaloko)

4. iba kung magmahal (ung tipong hindi ka nya kalilimutan)

5. ibang klaseng kaibigan (maski matagal mong hindi nakita, parang walang naganap)

6. ibang klase magpatawa (tatawa ka pero alam mong may sense)

7. iba ang timbre ng boses (kabog ang mga DIVA! uy bet mo yan.. aarte pa?)

8. ibang klaseng maglaro ng badminton (parang kiti-kiting ewan, minsan pwede na din bulateng binudburan ng asin..hehehe)

9. ibang klaseng magvolleyball (ay pangMVP ang peg mo!.. ndi mo mababasa ang game nya..hahaha)

10. at higit sa lahat… IBA!!!!!! un na!

sa YMT…

Hindi ako mahilig magbasa ng blogs pero dahil kaibigan kita, kahit papano ay nagbasa ako ng ilang article at payo mo. As expected from a DIVA, panalo ang mga sagot mo.. kakatangal stress ang pagbabasa, bumoto din ako sa mga models ha.. pero sobrang proud ako sa yo MADMA” –Sim Horato

“Two thumbsh up.” –Regine Velasquez (Charoth lang ‘tong part na ‘to.)🙂

____________________________

Sniff!!! Kaka-touch talaga ‘tong mga ganitong statements ! Naiiyak tuloy ako!!! Arte?! Hiyang-hiya si Rizal sa mga sinabi n’yo. Happy Birthday naman sa akin.🙂 Salamat, Tin, Jeff, Sael, Coco and Sim. I love you all!! Sa mga ibang sagot na hindi ko na nailagay dito, salamat din sa inyo. Nasa puso ko na lahat ‘yan! GRABE!!! Umaapaw ang love! Haaay… GV at its finest.

I love you all!❤

Yours truly,

Madma 

P.S. Malapit ng bumalik ang payuhan natin! KAPIT! Abangan ang bwena-mano nating letter for this season! Masaya ‘to! Malapit na!!! Sabihin na nating bukas na! Bilis din ha.🙂

Sa mga nais idulog ang kanilang nguyngoy, bukas na bukas na ang tanggapan ni Madma!  O, ‘di ba parang opisina talaga! Ipadala lang ang inyong mga kaartihan at ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali, pag-usapan natin yang mga ngawngaw n’yo!

P.P.S. Nagbago na pala ng category ang YTM sa topblogs.com.ph. From Entertainment & Lifestyle category to Personal catergory na tayo. Since bagong season na tayo, kailangan natin ng greater reach at kailangan na ring humanap ng mga bagong kalaban! Bagong Season, bagong mga kalaban ang peg! Taray! In all fairness to Madma, YTM faired very very well sa Entertainment & Lifestyle category! Good job sa ating lahat.🙂 Talagang nakipagsabayan tayo sa mga malalaking blogs sa show bizz. LAKAS!!!

So, sa mga blogs na nasa Personal category ng topblogs, kabahan na kayo. Madma is here, bitches. Char!🙂

Congrats pala sa aking Phizzteedee na si Mr. Dax Carnay for winning the Bootleg WebJock Seach!!! Woooh! I love you, Phizzteedee! Pa-guest naman sa show mo. Grabe, parang nate-threaten ka?! Char.🙂 Ikaw ang patunay na hindi hadlang ang katabaan at kaitiman sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay! Isa kang “inspirasyon.” SHOUT OUCH!!!❤

11 thoughts on “Bakit mo mahal si Madma at ang YTM?

  1. Grabe yung nafeature na naman ako! ANG SAYA SAYA!😀 Medyo inexpect ko rin kasi ‘to! Haha. Famewhore din ples! :p
    I think dapat ka nang ma-threaten Madma. Konti na lang papantay na ko sayo. HAHAHA. Sana naman makatulong to para dumami na rin ang followers ko sa twitter. Yun kasi talaga ang sukatan ng fame eh. Lol. At grabe yung hindi mo pa pala ako pinafollow. Grabe. Kakacheck ko lang. Isang click lang yun oh.😥 Haha. Pilitan din eh.
    At btw, nakakuha ako ng cdc ticket!😀 Hindi ba extended ang play ng UP Rep? Sayang rin kasi eh.😦

    Ohwell.
    Maraming salamat Madma! Mahal kita alamoyan!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s