Mapapanood na bukas ang “Kontrobersyal” na MMK episode!

Dear fans and followers,

Friday na! Kingina! Gimik time na! Grabe ang buhay ng empleyado. Very hmmm… “predictable.” Irita.

Anyway, bukas na mapapanood ang very controversial episode ng “Maalaala Mo Kaya!” Aaaay… kailangan itong mapanood!!! Hindi ito dapat mapalampas! Ang Cinemalaya best actor at ang poging-poging si Edgar Allan Guzman ay gaganap na closet gay sa MMK! Shit! Ang best nito! Aarte pa?!  Bibigyang buhay ni Edgar Allan ang karakter ni Ritche, isang closet gay na nangangarap maging seaman upang patunayan sa lahat, lalo na sa kanyang ama, na may mararating siya sa buhay. Sa takot na mainsulto at maliitin ng kanyang mga kaklase, pilit niyang ikinubli ang kanyang tunay na sekwalidad. Anong hirap ang pinagdaraanan ng isang taong patuloy na pinatutunayan ang sarili sa kapwa? Mapupunan ba ng pagtanggap ng iba ang sakit na dulot ng pagtatago ng tunay na pagkatao? Aaay.. ang fierce ng story, ‘di ba?! Aminin n’yo, may hugot talaga!🙂

Tampok rin sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Eda Nolan, Ryan Boyce, David Chua, Bryan Homecillo, Art Mendoza, Joseph Bitangcol, at Quintin Alianza. Sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario at panulat ni Benson Logronio. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Ang MMK episode na ito ay obra ng premyadong director na si Direk Nick Olanka!  Talagang nakapa-husay ni ni Direk Nick kaya naman suki na siya sa MMK. Ilan sa mga pasabog MMK episodes na kanyang naidirehe ay “Bimpo” na pinagbidahan ni Kim Chiu, “Baunan” na pinagbidahan ni Irma Adlwan at EJ Falcon, “Basura” nila Matt Evans at Melissa Ricks, “Toy Car” nina Melai Cantiveros, Ketchup Eusebio and Ryan Eigenmann at marami pang iba. Siya din ang nag-direct ng MMK episode ni the late-Tyron Perez na “Ice Cream II.”

At kung napanood n’yo ang horror film na “Cinco,” siya ang nag-direct ng episode ni Mariel Rodriguez na “Mukha.”isa rin siya sa mga directors ng sikat na sikat na teleseryeng “E-boy” at ang aking personal favorite show na “Magkaribal.” Happy Birthday naman Direk Nick. Ang dami mo na rin palang “nagawa” ha.

Sama-sama tayong manood ng MMK bukas, Saturday, 22 September, 730pm. Balita ko ay may ilang “maiinit” na eksena si Edgar Allan sa episode na ito. SHET! Take it off daw sabi ni Kesha! Huwag magpapahuli bukas. Kailangan nating mapanood itong pinag-uusapang episode na ito!

Para kiligin naman kayo, panoorin ang trailer na ito!

 

Shet!! Ang pogi ni Edgar! Napaka-amo ng mukha n’ya pero alam mong “wild!” Kingina!!!  Kapag ito naging jowa ko, hindi na talaga ako lalabas ng bahay! Bahala na kayo!🙂 Tama na nga. Nauulol na ko. Panoorin na lang natin ‘to bukas!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://philheadlines.blogspot.com)

P.S. Happy 4oth Anniversary naman sa The UP Repertory Company! 4o years na rin pala ang org natin. BEST! Apat na dekada na rin tayong nagsusulong ng dulaang Pilipino at nag-aalay ng sining para sa Inang Bayan. Happy Anniv naman, mga Repists!

Kaya naman, samahan kami sa aming pagdiriwang ng aming ika-40 Anniversary sa pamamagitan ng pagnood ng Best Comedy Play ng taon na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?” SHET! Laugh trip talaga ito nang bongga! SWEAR! At alam naman natin na “Laugther is the best medicine.” Aarte pa?! Best medicine na?! Ihanda n’yo ang mga panga n’yo bago kayo manood. Baka “mabigla” ‘yan at ma-lock jaw kayo, maagaw n’yo pa ang eksena sa show.🙂

Manood na kayo! Ito ang remaining show dates:

“Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakamamatay?”

Sept 22, 24 | 3 and 7pm

Sept 21| 7pm

Venue: Aldaba Recital Hall, UP Diliman. Ticket Price: P250. For tickets, contact Serville at 0917-600-0161 or reserve online: https://docs.google.com/spreadsheet/viewform?formkey=dG9xNWZYSWNGZVk5ckNyRjg3ck9md2c6MQ

May show sila tonight! Yung mga wala pang plan na gimik, dito na kayo umatake! Hatakin ang buong barkada at pamilya at manood na! Bukas manood ako kasama ang mga fans ni Madma. Fans Day ang peg nito. Andoon kame sa 7pm show bukas. Attack na kayo! Bonding tayo! See you all.🙂

P.P.S. At naku!!! Excited na ako manood mamaya ng premiere night ng comeback movie ni idol Regine Velasquez Alcasid na “Of All The Things!” Hindi na ako makapaghintay na mapanood si Te Reg sa big screen. I mean, tumaba siya, yes. Pero medyo pumayat na rin siya ngayon kaya hindi na masyadong masagwa sa big screen. Super excited na talaga ako bilang fan!!! Buti na lang at may nagbigay sa akin ng premiere night tickets. Shet. Ang best talaga ni Lord!❤

Sa September 26 ang regular showing ng “Of All The Things” sa mga sinehan ng masang Pilipino. Balitaan ko kayo kung maganda! Excited na ako later!!! Kingina!!!

4 thoughts on “Mapapanood na bukas ang “Kontrobersyal” na MMK episode!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s