Mabuhay ang UP Pep Squad!!!

Dear fans and followers,

I SOOO MISS YOU ALL!!!🙂

Tangina sobrang busy these past few days! GRABE! NAKAKALOKA! Hiyang-hiya si PNoy sa dami ng ganap ko as a person. Una, super busy ako sa work bilang end ng third quarter. Daming reports!!! Papa-raffle ko na nga yung iba sa dami eh. Bet n’yo?! Sabayan pa ng kaliwa’t kanang social events, which I highly love naman! Partida pa ‘yan ha, wala pa akong jowa nito pero nauulol na ako sa daming kaganapan. Feeling ko kaya siguro ayaw din ako bigyan ng love life ni Lord kasi di ko na rin maha-handle. Pero Lord huwag n’yo naman akong i-judge sa aspect na ito! Konting “chance” naman re: this matter!

Anyway, mag-bonding nga muna tayo. Chikahan muna. Game!🙂

Shout ouch naman sa pagkapanalo ng THE UP Pep Squad sa nakaraang 2012 UAAP Cheerdance Competition! WOOOH! Kingina! Mabuhay ang UP! Ang best talaga ng UP Pep Squad. POTA! Ibang level ng difficulty ang ginawa nila. Back to basics ang peg pero apaw sa difficulty! Malinis ang routine at talagang bongga!🙂 Showcase of skills ang ginawa nila. Walang masyadong gimik. Walang arte. Pure talent! Shet lang talaga. Ang nakakatuwa sa UP Pep Squad is may story ang performance nila lagi. And magaling sila mag-kwento. Parang isang palabas talaga. May beginning, middle, climax and end ang performance. Malinaw. Maayos. NAKAKALOKA! Nakaka-amaze yung nade-deliver nila ang message ng performance nila nang tama. Ito lagi ang malaking hamon sa lahat ng klase ng performers at masaya ako na they never fail to deliver the message right!

Sa mga hindi pa nakapanood ng pasabog performance ng UP Pep Squad, watch this bitch!

Ang fierce nung nagpa-kalbo ang girls ng UP Pep Squad! WOOOH! Lakas! Trend setter talaga ang UP. O, naku, baka next year kalbo na rin ang girls ng UE ha! AYOKO NA TALAGA! Konting “originality” naman!

Isa pa sa  kinakaloka ko sa UP Pep Squad is marunong silang mag-incorporate ng tamang “pause” sa kanilang performance. Yung tipong nagbibigay sila ng moment para ma-absorb mo yung ginagawa nila. Hindi puro ratchada na parang tanga. Tama ang pacing. May puso ang galaw. May tamang angas. Ayyy this is crazy!!! Yung iba kasi kana nang kana akala mo namang magaling. Ibang level na talaga ang UP Pep Squad. Japan level na yung galaw nila. Samantalang yung iba eh barangay level pa rin. Huwag tayong mag-namedrop ha. Kilala n’yo ang sarili n’yo. Grabe yung maang-maangan. Hello naman UE and Adamson.

In fairness, ang laki ng improvement ng performance ng FEU ha. Malakas na contender na talaga ang sila. Pero sadly, hindi pa rin sila level ng UP Pep Squad. Ni-review ko ang performance nila at maliwanag na angat sa kanila ang UP Pep. Malayo ang difference! Grabe yung ni-review ko ha. Busy pala ha.🙂 Yung UST naman, Diyos ko po. ANYARE?! Nabaha? UST Salinggawi ba talaga yung napanood namin? Baka naman mga pinsan lang kayo ng mga tunay na performers? Ang chaka. Kakalungkot. Napag-iwanan na kayo.

Yung NU nakakagulat na 3rd place ha. Eh mas magaling pa ng very light ang De La Salle eh. Medyo di ako bilib sa pagkapanalo ng NU pero deadma na. Hindi ako nagalingan sa “very SM slash Tom’s World” na performance nila. Oh well. Ayoko na magsalita pa baka ipaligpit ako ni Henry Sy.🙂

Yung UE naman kung maka-blonde akala mo ikina-angat nila. Grabe yung nag-blonde sila this year! Hindi ko kinaya! Eh nagawa na yan ng UP Pep Squad last year eh. Di ba nila napanood ‘yun? Asan sila bale? Ako yung nahihiya sa pagpapa-blonde nila. Ka-level ito ng may nakasalubong kang taong kaparehas mo ng damit habang naglalakad. Ganun! WOW. Pa-involve rin ha.🙂 Payo lang, mag-focus muna kayo sa galaw n’yo and routine bago kayo mag-isip ng “gimik.” After all, cheerdance ang sinalihan n’yo hindi Talentadong Pinoy.

Yung Ateneo naman, naku po! Chaka rin. FYI, hindi n’yo ikinaganda ang pag-buo ng Voltez V sa dulo. Oo na, gets na naming mayaman kayo at kaya n’yo bilhin si Voltez V pero ang chaka eh. Hindi effective. AS IN! Sino ba ang nag-advise sa inyo n’yan?! Sapakin n’yo na! Sayang kayo at medyo umangat na kayo last time. Ngayon, bagsak na naman. Inaabangan ko pa naman kayo.  Haaay…😦

Overall, maraming bagot moment sa taong ito. Mas maraming hindi magaling kaya medyo boring. Nabuhay lang ang dugo ko nung sumayaw na yung FEU. Yung mga nauna naman very front act lang ang peg. Parang kumanta lang si Pops Fernandez. Ganung level. Sana mas-exciting next year! Sana galingan naman ng ibang schools para mas exciting pa. Anu’t ano pa man, congrats sa lahat ng mga sumaling schools. Alam naman naming pinaghirapan n’yo ang performance n’yo kaya bongga kayo!🙂 Yung nga lang, pangit ang kinalabasan ng ibang schools. Pero deadma na.🙂

Congrats, UP Pep Squad! You made 8 happen! Weeeh. Trivia lang, dati din akong naging trainee ng UP Pep Squad nung “kalakasan” ko pa. Yes, totoo ‘yan! Hindi ito chismis lamang!  Medyo 5 months din akong jumoin sa kanila. Hindi ko nga lang natapos kasi ang hirap eh! Kingina. Tapos may play pa ako at that time so hindi ko natapos ang application sa kanila. Kaya naman isa lang ang org ko. At ito nga yung The UP Repertory Company. Magkalapit naman, ‘di ba?! UP Pep and UP Rep. Ansabe?!

Speaking of UP Rep, isang pagbati sa very successful na “Ped Xing: Tatawid Ka Ba Kahit Nakakamatay?” In fairness, MAGANDA TALAGA ang production n’yo! 3 times ako nanood ha. I think kaya ko na sumali next time! Medyo kabisado ko na eh. Super congrats sa umaapaw na audience! Grabe, blockbuster! Mas marami pang nanood sa play n’yo kaysa sa horror film na Pridyider. Salamat sa lahat ng mga fans na sumama sa akin manood! Grabe ang supportive n’yo talaga sa akin. BEST!🙂

Mabuhay ang mga artista ng bayan! I love you, UP Rep!

So, there. Ito muna ang chika ko. Ang sarap pala ngumasngas sa mga current events! Nakaka-talino sa part ko.

Na-miss ko talaga kayo! Sana nasa maayos kayong kalagayan.🙂

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.inquirer.net/?attachment_id=59004 )

(The video above was lifted from this channel: http://www.youtube.com/watch?v=mIFIiLgbD1s)

P.S. Isang malakas na shout ouch sa pagbabalik ng napaka-ganda kong best friend na si Ms. Ma. Gertrude Hernandez! BONDING NA ‘to!!!  Aminin n’yo ang ganda n’ya. Magtataka pa ba kayo eh ang ganda ko rin kaseah. Alam n’yo na, birds of the same feather flock together. Check n’yo rin yung mga friends n’yo. Kapag napansin n’yong mostly chaka, ALAM NA!🙂

I love you, Ger! Belated Happy Birthday.  Welcome back!!!❤

50 thoughts on “Mabuhay ang UP Pep Squad!!!

  1. Madma hahahahah!!! As usual super tawa ako ng tawa sa hirit mo! Natawa ako sa Pops Fernandez at Pridyider, medyo kroo kroo nga itong mga ito HAHAHA!!

    • hahaha eh nakakaloka naman kasi talaga yung performance nung ibang schools!!! sayang nga at hindi ako nakapanood ng live. Medyo patayan rin para sa ticket ha. At alam mong hindi pa ako ready mamatay. hahaha. Tang ina kung anu-ano na lang sinasabi ko. hahaha

      • Haha anyare madma! Baliwag bulacan na, death death na lang hahaha! Truth sa ibang schools! Nastress ako sa anime ng ateneo! Tska di rin maxadong benta ang suot ng FEU na di mo gets kung cheetah or leopard hahaha! At nahiya naman ako sa bulaklak ng UST na di open to interpretation talaga kung bat andon hahaha!!

      • hahaha chaka talaga yung anime ng Ateneo! Diyos ko!!! Yung UST naku, huwag na nating pag-usapan. Medyo “napadaan” lang sila. Yung FEU magaling din naman. I’ll give that to them. Pero lamang na lamang ang UP sa difficulty! Grabe!!! Pinapanood ko ulit yungt video. Kinikilabutan ako! Ganda pa ng music ng UP! Shet!

  2. Sa pagpanood ko ng Live, I think Okay na Okay ko sa review na to. Namaos lang talaga ako. Puro tili at sigaw nambongga! Nakakakilabot ang performance nila at kinabahan pa din ako sa pagbagsak nung isang dancer sa dulo kasi alam nyo naman pwede nilang gawing butas yun.

    Ang ganda ni Ger! Happy Birthday!!:D

    • DF!!! Miss na kita kingina ka! Asan ka na?! Paramdam naman, Ma’am! Papamigay na ba namin mga damit mo? hahaha Grabe mas maganda siguro ‘to sa live! Kainis kasi yung hindi ako nakakuha ng ticket eh! Pota. Nakaka-kaba nga yung pagbagsak sa dulo. Grabe! Natakot din ako doon ha. Sa TV kasi ang chaka ng camera angle kaya hindi ko nabutbot masyado yung overall performance ng UP Pep. Pero at the end of the day, NANALO! Ang galing naman kasi talaga nila! PLEARSH!

      Ger is back! Bonding na!❤

  3. Hello naman Madma. Na-miss ko naman ang chikahan.😀

    YES to this! Tawang-tawa ko sa review mo. Winner ples!🙂

    Grabe yung hindi pa rin kasi ako maka-get over sa pagkapanalo ng UP Pep. Kingina galeng talaga, lalo na pag live! Sobrang nakakaproud lalo na pag may nasasalubong kang taga-ibang school nung Saturday, iba eh. Tas naka-maroon ka pa, tas back-to-back-to-back 3peat champions pa, tas eighth title pa, tas paulit-ulit-ulit na. :p

    Pero para saken, ang pinaka-highlight ng araw na iyon eh ang “escalator moment” ng mga Isko at Iska. Ito yung after i-announce ang winner at nagsilabasan na yung mga tao sa Arena, tas nagkita yung mga UP Supporters na galing Gen Ad/Upper Box at yung mga nasa Lower Box. Biglang nagsigawan yung mga tao, tapos sabay-saby na nag-chant ng U-ni-ber-si-dad ng Pi-li-pi-nas. NAKAKAKILABOT. NAKAKABINGI. NAKAKAPROUD TO THE NTH LEVEL. Kasi pati yung taga-ibang school, nakikisali sa cheer. Maiiyak ka sa sobrang pagkaproud mo na isa kang Isko/Iska. Ang BEST talaga. :’3 Worth it ang pagpapashave ko ng buhok. :p

    Kaya sana wag na mag-bitter yung mga naka-yellow at green ples! Move on na tayo guys. Yes magaling naman talaga ang squad niyo, pero walang-wala sa difficulty. Hindi naman kayo magbibitter ng ganyan kung hindi nalaglag yung huling stunt ng Pep. Pero final na kasi eh, nagdesisyon na yung judges, so aarte pa? Galingan niyo na lang next year, kasi manggugugulat na naman ang Pep for sure. Kung ngayon we made 8 happen, next year, we are aiming for Siyam-pions! :p

    Yun lang naman.
    UP FIGHT!😀

    P.S. – Hello naman Jill, grabe nandun ka rin pala, di man lang tayo nagpang-abot. WOW. Bonding naman uli!😀

    • Hello naman, Sael! I miss this chikahan too! Ikaw kasi may “iba” ka ng ka-chikahan eh. Yikeee. Kamusta na ba “kayo?” hahaha

      Hindi pa rin ako maka-get over sa pasabog na performance ng UP Pep Squad! Grabe lang kaseah! Shet! Ang taray naman nitong “escalator moment” na ito!!! Waaaah! sana na-witness ko! Ang agaw-eksena n’yo rin ha. Bet ko yung pati taga-ibang schools eh nakisale. Gusto ko yung pa-involve rin sila. hahaha Sayang lang talaga at hindi ko napanood ng live! Irita kasi yung ang hirap maghanap ng ticket! Ka-level ng paghahanap ng love! WOW! hahaha

      Bitter ba ang UST? WOW! Nakakahiya naman. hahaha Eh muntik na nga akong makatulog sa performance nila tapos umaasa pang mananalo?! PLES!

      Yung FEU naman magaling. Bibigay ko. Pero again, lamang pa rin ang UP Pep. Maliwanag ‘yan! So, move on na kayo. hahaha

      UP Fight! Sarap maging taga-UP, pota! Go UP!

    • Omg, Sael!! Sana pala nagkita tayo. Nakakakilabot ang performance nila, parang scene sa Baby Ama. Lol. Preso levels. Ang tatapang nila, parang lahat lalaki. Masculine, palaban! BEST! Wala silang keme keme, arte-arte, pacutie pie just like lashyir. Ibang ibang putahe ang inihain nila.

      OO GRABE YUNG PALAKPAK NILA NUNG NABAGSAK ANG UP PEP. Sobrang sama! Feeling naman nila. LOL.

      • Grabe nga yung palakpak nila nung may nahulog. Akala mo nanalo sa lotto. >.<
        BUT ang reaksyon naman ng mga mukha nung in-announce yung 1st runner-up – namatayan levels. Haha. :p

        Nasaksihan mo ba yung escalator moment ng mga Isko’t iska after the event? Yun talaga kasi ang highlight of the day para saken.😀 Paulit-ulit na ko haha. :p

  4. Hay naku naman Madma. Nakakaloka na pati yung mga friends ko nakipag-inuman sakin para lang icelebrate ang pagkawindra ng mga Amazonang baabe from UP. Akalain mong ang lakas maka women empowerment ng peg ng UP Pep this year. Freedom na freedom talaga. Charos.

    At eto pa, baka next year, manggaya na naman ang ibang university sa bonggang pagkakapub ng UP Pep this year. Akalain mong dinudumog ng shares,likes,comments at mga nguynguy ang page at mga videos nila sa vimeo at youtube. Kakaiba talaga. Trend setter talaga ang UP. Walang bahid ng panggagaya.

    At masasabi kong nakatulong sa UP this year ang pagcompete nila sa Asian Cheerleading Championship sa HongKong last year.

    Yun lang naman.

    UP Rep, I miss you all. Kelan challenge week?

    • Wahahaha. Ang best nung nag-inuman kayo to celebrate! wahaha Ang best! Pa-involve nang bongga! hahaha Ang best ng theme ng UP! Agree! Freedom kung freedom!

      Sana nga talaga huwag gayahin ng ibang schools yung pagpapa-kalbo ng girls ng UP. Paging UE! hahaha

      Miss you, Joms! Nex week ata ang challenge week. Daming applicants! Attack tayo!

    • wahahaha. Ang chaka nung UE= Charice. hahaha Sabagay, mukhang madungis nga sila sa blonde nila. haha Ang weird naman. Bakit nung yung UE ang nagpa-blonde medyo chaka. Yung UP last year, ang sosyal. Hmmm. hahaha

  5. Galing ng review mo Madma. Am now a fan! Ang lakas ng tawa ko habang binabasa ko to! At dahil nandun din ako, thanks to a very good friend na nagbigay sa akin ng ticket, nangilabot din ako sa performance ng UP Pep Squad. FREEDOM! Nawalan ako ng boses kakasigaw, napa-iyak at may humahawak sa kamay ko kahit di ko kakilala dahil super intense at out-of-this world yung tosses, tumbling at mga stunts!

    Keep on writing Madma…..you’re simply the best!

    EJ

    • hahaha grabe yung ngayon ka lang naging fan?! hahaha Char. Patikim lang ‘yan, Super EJ! Partida ‘yan ha, busy pa ako nito. Humanda ka sa mga susunod kong pasabog ko very very soon. haha Salamat sa pagbabasa, Super EJ!❤

      • I just saw your blog sa isang forum kaya napunta ako dito. Very entertaining kase ang mga posts. Pinabasa ko pa nga sa kabigan ko!! Kaya, ngayon ngayon lang din ako naging fan mo!! Sige, aantaying ko mga susunod mong pasabog!!! Ingat🙂

    • Mark! Grabe super sayang at hindi ka nakanood ng Ped Xing! BEST TALAGA! hahaha Bonding tayo soon. Nami-miss ko na rin ang chumika with you. Alam mo naman tayo, maraming alam at sinasabi sa lipunan. haha Miss you too, Mark!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s