Let’s Talk About Love!

Dear fans and followers,

Hello naman ulit mga fans. Anyare na?! Grabe ang bilis ng araw ha. Matatapos na naman ang linggong ito. October na next week. Tapos November na. Then December na naman. Tapos patay na tayo. Charoth. Ang harsh din ha.🙂 Welcome naman sa YTM! Grabe ang taas ng ratings natin kagabi!!! Kingina! From Top 102 yesterday, ngayon ay Top 39 na ang YTM sa Most Read and Most Visited Blogs in the Philippines! Grabe yung taas ng tinalon ko overnight! Hiyang-hiya ang kangaroo. Salamat naman sa mga natuwa sa post ko re: UP Squad. Ibang level talaga ang UP Pep Squad. Kahit si Madma, initsa n’yo pataas! LOVE IT!🙂

Anyway, chika chika naman ulit! Ayan ha, medyo nagkaka-time na ako mag-post. Aarte pa?! For this bonding session natin, let’s talk about love… Yikeeee! Kilig naman ang pepe n’yo. Gusto n’yo ‘yan eh. Mga ka-cheapang ganito.🙂

Sa totoo lang, lampake ako sa love. Pagod na ako eh. WOW! Tinapos agad yung discussion?!😉 Seriously, ok lang sa akin maging single. Kahit forever! O, ha. Ang lakas! Alam n’yo namang never pa akong nagka-jowa. But it doesn’t mean na never nakipag-sex ha. Aayyy! Pakilig ang pota. Sobrang hina ko sa talaga aspect ng love. AS IN! Hanggang landi lang ako tapos ending na. Mahina kasi ako magbasa ng mga tinatawag na “signals” eh. Yung tipong nakalabas na ang titi pero hindi ko pa rin alam na ‘yun na pala. Very virginal. Char.🙂 Well, masaya naman maging single. Ang daming time sa sarili and for other social activites. Hindi naman ako naghahanap ng love sa ngayon. In fact, wala nga akong crush as we speak. Parang hindi na ako nagkaka-crush! Shet. Ka-level ko na ang mga halaman! This can’t be! ;( Kung ayaw sa akin ng love, ‘di ‘wag! Gago ba siya! Huwag n’ya akong simulan! Basta may pagkain sa hapag at videoke, keri ko na maging single. Hindi naman ako mamamatay kung walang partner eh. Mas nakakamatay pa rin ang cancer, gutom at pagpapa-sagasa sa MRT. Alam n’yo ‘yan. Napatunayan na ‘yan ng panahon.

Kaya naman sa mga single na kagaya ko, itigil n’yo ‘yang nguynguy n’yo. KAYA NATIN ‘TO! Si Karyle nga kaya lahat eh, tayo pa kaya?! Huwag n’yo ubusin ang oras n’yo sa paghihintay sa love. Maraming ibang bagay na pwedeng gawin aside sa paghihintay. Pwede kayong magtayo ng sari-sari store or di kaya eh magbukas ng laundry shop. May kita ka na, wala ka pang labahan! O, ‘di ba?! Double whammy! Huwag kayong malungkot maging single. Hindi ibig sabihin nito ay pangit kayo. Baka siguro, may putok lang. Or baktol. Check n’yo rin mamaya pag-uwi n’yo. Char!🙂

Sa mga may jowa naman at this moment, enjoy n’yo lang ‘yan. Maghihiwalay din kayo mga punyeta kayo. WOW. Bitter much.😉 Hindi, enjoyin n’yo lang. Hindi n’yo naman alam kung hanggang kelan ‘yan so itodo n’yo na habang andyan. Kung mangalabit si partner, buka agad. Ganyan. Huwag ng magpa-kiyeme. The operative word is “maximize.” Maswerte kayo at nakakita na kayo ng partner. Ang daming naghahanap pa sa mga panahong ito. Kaya hawakan n’yong mabuti ang kamay ng isa’t isa at i-push n’yo na umabot ang inyong relationship sa tinatawag na “forever.” Sniff. Ano ba ‘to naiiyak na ako. Chareng!❤

Sa mga in a relationship at kasalukuyang nangangaliwa, sige lang. May araw din kayo mga ugok. Ang chaka nung “ugok.” Lakas maka-dialogue sa Pinoy action film! Mabibisto rin yang mga kabulastugan n’yo at pupulutin din kayo sa so-called “kangkungan.” Lalandi n’yo. Sana ketongin kayo.

Sa mga nasa relationship naman pero gusto ng kumalas, go na! Huwag n’yo na ayusin ‘yan. Hanap na ng bago! Tandaan n’yo, mas strategic na bumili ng bagong laptop kaysa sa ipagawa ang sirang laptop. WOW!🙂 Huwag ng masyadong maarte. Gawin n’yo lang simple ang buhay. Kapag ayaw na, tapusin na. Huwag n’yong intayin na ako pa ang tumapos n’yan para sa inyo. Masyadong maiksi ang buhay para sa mga nguynguyang walang katapusan. Maging mabait kayo sa isa’t isa. Maghiwalay na habang may araw pa. Kasi baka gahin kayo. Mahirap maghiwalay sa dilim!🙂

Sa mga nasa “landian” stage pa lang, kingina ang saya n’yan kaya itodo n’yo! Ang sarap nung stage na text kayo nang text, date nang date at motel nang motel! Magastos, yes. Pero kilig! Enjoyin n’yo rin ‘yan. Ok lang na may 2-4 kayong nilalandi at the same time. Walang kaso ‘yan. Basta kaya ng vagina, bakit hindi?! Go nang go!🙂

Sa mga girls naman na may boyfriend tapos feeling n’yo bading, BADING ‘YAN! Huwag na kayong mailto! Take it from me. Kapag may duda, alam na! Gusto n’yo test n’yo pa para sure. Regaluhan n’yo ng dildo ang boyfriend n’yo. Tapos kapag pinasok n’ya sa pwet n’ya habang naliligo, yun na! Huli ka balbon!

Sa mga mag-jowa naman na almost 10 years ng magka-relasyon, congrats! Mahusay kayo! Isang malakas na shout ouch sa inyo. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan n’yo para maabot ang point na ‘yan kaya humahanga ako sa inyo. Kayo ang buhay na patunay na may totoong pag-ibig sa mundo. Yikeee. Eeeehhh kinikilig naman ako, pota.

Yun lang naman. Don’t get me wrong ha. Hindi pa ako sumusuko sa love. Alam kong darating din ‘yan soon. No rush naman ako. Hindi naman nage-expire ang matres ko. WOW. Babae rin ha.🙂 Masaya ako ngayon. Masaya sa piling nga mga tunay kong kaibigan. And mind you, marami sila. Kaya naman, para na rin akong may jowa sa ka-busyhan.🙂 Salamat naman mga friends for taking good care of me while I’m still single. Huwag kayong mapagod ha! Konting tiis pa. Pasasaan pa’t maiga-garahe rin ang Diva. Huwag muna kayong magpakasal hangga’t wala pa akong jowa ha. Sisirain ko ang kasal n’yo kapag pinush n’yo, tandaan n’yo ‘yan. Char.

I love you friends! Gimik muna tayo habang single pa ako. Kasi nararamdaman ko, malapit na akong maging double! Yun oh!

Enjoy love!❤

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site:  http://iamjett.blogspot.com/2011_01_01_archive.html)

P.S. At para naman mas masaya tayo, gusto ko pala ipapanood sa inyo ang masayang video na ito. This is Madma playing the “Pinoy Henyo: Next Level” kasama ang mga pasabog kong friends from The UP Repertory Company. Pasabog ‘tong larong ‘to! Next level talaga! Kingina. Paumanhin sa mga ginagamit kong “language” sa video na ito. Medyo lasing na rin ako kaya bangag na. Sorry kung medyo “madumi” ang mga lumalabas sa bunganga ko. Magmu-mumog na lang ako ng holy water mamaya.🙂

Enjoy!!!

 

P.P.S. Sa mga may nguynguy sa buhay at gustong mapayuhan ni Madma, sulat na at ipadala sa yourstrulymadma@gmail.com! DALI! Pag-usapan natin ‘yan. Malapit na magbalik ang mga payo ni Madma! KAPIT!❤

17 thoughts on “Let’s Talk About Love!

  1. naaliw ako sa views mo about love and relationships marvs. hahaha. andami kong tawa. Nawa’y mabasa ng mga martyr, mga nangangaliwa, mga nagfiflirt-flirtan, and all ang post mo. Kumpletos rekados. hahaha. Mukhang makiki-nguynguyan ako ng madalas dito. congrats sa pagtaas ng ratings ng YTM🙂 galing!

    • wahaha. Thanks naman, Ellen! Miss ka na namin! GRABE!!!

      Oo nga eh, biglang angat na naman ang blog ko! hahaha Kaloka. Dalasan mo naman ang pagtambay dito. Kahit dito man lang eh magka-bonding tayo. Hope to see you soon. I love you.❤

  2. congrats DF sa mataas na ratings ng YTM.🙂 You deserve it, yang humor na yan ay talaga namang malayo ang mararating.

    Love? Sino nga kaya no? Naku excited na ko. Im sure magiging close din kami. Parang pag nagkajowa ka na, madadagdagan pa yung friendships di ba. Ang saya!!🙂 Wag ng masyadong choosy at suplada. Bigyan kasi ng chance ang suitors.

  3. salamat sa entertainment value ng blog mo. i enjoy reading it. although honey, i may be wrong but i think, na-left out ang mga delusyonado na may jowa. siyempre kahit make believe lang na may love life sila, kailangan di nila ng advise. happy blogging.

    • Ardell! Grabe, nakiki-nguynguy ka na rin dito! hahaha Love it. Korek, na-left out ko yung mga delusyonado na may jowa. hahaha Hayaan mo na sila. Delusinal naman sila so hindi rin nila ito babasahin. hahaha Miss you! Balik ka na rito!!!

  4. Hi Madma, kamusta naman? Balita ko hit na hit ang birthday concert mo.. ang taas mo, ikaw na ang nagbibirthday concert.. sana ako na lang ang kaduet mo sa Come What May, alam mong alam na alam ko ang second voice nun.. haha

    Napakomplikado talaga ng love, mailap pag hinahanap, tapos biglang surpresa pag suko ka na.

    Basta never give up on love, know what you want and stick to it and pray (powerful to lamoyan).

    Hope to see you soon. Mabuhay ka!

    • hahaha hit na hit talaga ang birthdat concert! Sad lang at wala ka?! Bakit hindi ka nagpakita?!!! Grabeeee. Sayang…

      Yes, agusto ko yung “never give up on love.” Lakas maka-positive! Thanks naman, Mr. Brigthside. Alam kong masaya ka ngayon sa love. Yikeee.

      See you soon! I miss you.❤

  5. hmnn..usapang love naman ngayon. Wala akong alam diyan! Sabi kase ng manghuhula, magiging single daw ako habangbuhay, kaya natuwa ako kakabasa ng post mo!!

    Ingat and sana dumating na ang hinihintay mong love🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s