Tamang Landi Lang, Girl

Dear Madma,

Una sa lahat, gusto kong sabihing kilala kita dahil ubod ng dalas ka kung mag-host sa events ng week-long celebration ng College of Engineering sa UP. Benta talaga bawat gabi pag kasama ka sa mga host. Di ko makakalimutan yung pag papatayin na ang ilaw… “oh sex na…”, at yung “second place goes thru”, at yung “salamat sa pagsali at wag ka nang umasa, Miss [insert org]!” hahaha. Nag-Darna costume ka pa nga non, right? Unfortunately wala ka last year. Magagaling din naman yung mga nakuhang hosts pero iba pa rin yung laugh trip mo. Anyway, di ko alam kung worth writing about ba yung ikukwento ko pero i want to give it a shot.

So may na-meet akong guy sa particular site, and let’s call him Tosh. Pagkakita ko palang sa kanya sa video-chat, tumambling na ako. Nag-usap kami further, exchanged numbers, at ngayon nagtatawagan kami gabi-gabi at masasabi kong ngayon lang ulit ako nakaramdam ng excitement/kilig after kong makipag-break sa ex ko monthsssssss ago. And I would say that the last year I spent with ex, never kong naramdaman na masaya talaga ako. Parang nagkakaroon din kasi ako ng doubts kasi siya palang ang nakakasama ko, at siya rin naman kasi ang nagmulat sa akin sa ganitong perspective. At siya rin ang nanloko, although may faults din naman ako kasi very passive ako. Pero ngayon, sure naman akong wala na siya sa isip ko at masaya naman ako.

Anyway going back to Tosh, nagtataka lang ako kasi one week palang, sobrang sweet at malambing niya, aside from the fact na sobrang gwapo at talented niya. Tinutugtugan nga niya ako at sobrang naappreciate ko yun haha. Marami kaming pagkakapareho at nararamdaman kong iba siya sa lahat. Pero yun, hindi ko lang talaga magawang maniwala sa lahat, about “how he feels” kasi hindi pa nga kami nagmi-meet in person, and kamon, parang ang bilis. At hindi ko rin alam, baka natatakot lang din akong masaktan. Pero nakapanghihinayang din na baka mapalagpas ko ang isang tulad niya. Masarap ma-in love pero hanggang saan ko ba dapat ibigay ang puso ko, Madma?

Salamat at sana makadalo pa ako sa mga shows mo. (yehes, show mo na talaga yung mga events na yun. Sana maghost ka pa in the future. Haha)

Chin.

PS. Nagkasundo pala kaming magkikita kami bukas (pagkasend ko ng entry na ito). Wish me all the luck.

________________________________

Dear Chin,

Chin up naman! Shout ouch dahil ikaw ang unang letter ni Madma para sa 2nd Season ng YTM! Woooh! ;) Na-miss ko mag-payo! Ang dami ko pa namang alam sa buhay. Salamat naman sa pagliham at pagbabahagi ng storya mo sa YTM. Grabe yung nasubaybayan mo rin ang hosting career ko sa UP ha. Nakaka-touch naman! Kingina. Nakakatuwa yung may nakaka-alala sa husay at galing ko sa hosting. WOW.🙂 Well, magaling naman kasi talaga akong mag-host. Tsaka magaling kumanta. Ay, pati sumayaw pala. Tsaka magpabagsak ng tao. Ang dami kong kaya, gosh! Happy Birthday naman sa akin.🙂 In fairness, 6 straight years na akong Diva sa event ng UP College of Engineering. Last year lang ako umabsent kasi nga nag-Asian tour ako eh. Alam mo na, medyo nagka-pera na rin. Tapos nagka-ere. Char.🙂 Oo, nag-Darna costume ako 2 years ago. Tigas ng mukha ‘no?! Hayaan mo, magbabalik ako dishir! Babalik ang reyna sa event n’yo. Magkikita-kita ulit tayo! Excited ka ba? Parang hindi naman. Gosh! Or gush. Lakas maka-regla nung “gush.” Shet, natawa ako!

Anyway, nakakatuwa naman ‘tong hatid mong tsismis sa amin. Ramdam na ramdam ko ang kilig ng pepe mo kay Tosh! Medyo “malandi” ka rin ha. Chareng.🙂  Saang site mo ba nakilala si Tosh? Timbrehan mo naman kame kung saan para mabisita namin! Baka naman sa www.mgachararatbumbakame.com mo nakuha si Tosh ha. O di kaya sa www.mgapangetkameperobusogkamelagi.com.ph ‘yan. Or baka naman sa www.angpangetpangetnaminperokerilang.org galing ‘yan ha . ALAM NA! Grabe ang dami ring website for mga chaka ha! Well, we can’t blame them. Medyo madami sila, aminin natin.

Alam mo, Chin, wala naman akong nakikitang masama sa cyber dating or sa mga love affairs na nabubuo sa internet. Ang love naman kasi eh walang pinipiling lugar ‘yan. Kahit sa kubeta nga pwede kang ma-in love eh. Beat that!🙂 Pogi ba talaga si Tosh? Mala-Piolo Pascual ba?! TANGINA! Buka na, girl! Penetration na! Char. ;) Iba rin kasi talaga kapag pogi eh. Nakaka-ulol! No offense sa mga pangit ha. Grabe, ang mean ko sa mga panget today. Sorry naman! Eh kasi ang panget nila eh. Charoth. Ang ganda ko ‘no?! Swabeng ganda!🙂 Sa pagkaka-describre mo kay Tosh, masasabing madali nga siyang mahalin. He seems to be a perfect guy. Grabe yung sobrang gwapo at talented ang description mo sa kanya ha. BEST! Pa-meet mo nga sa akin baka kame pala ang para sa isa’t isa. Ikaw lang yung “tulay” para sa amin. WOW. Ansabe?!🙂

Buti naman at nararamdaman mong medyo “mabilis” ang mga naganap sa inyo ni Tosh. Eh ang bilis naman kasi talaga! Grabe yung 1 week pa lang, mahal na?! Yang puso mo ha. Gabayan mo ‘yan! Konting contain naman sa kalandian, girl. Mahirap talagang paniwalaan ang mga pinapakita ni Tosh lalo na at sa internet lang kayo nakakapag-usap. Ingat din tayo, Chin. Alam mong may so-called “death” din ha. Baka mamaya killer pala ng mga chaka yang si Tosh, yari ka! ;) Pero seriously, mag-ingat ka rin. Ayaw naming mapahamak ka kasi napamahal ka na sa amin. WOW! Mahal na rin agad ha?!

Alam mo, naiintindihan ko namang yung pagka-humaling mo kay Tosh eh lalo na at marami kayong pagkaka-pareho sa buhay. Tapos pogi pa siya and talented. Gets ko ‘yan! Ka-level na n’ya si Lord eh. Pero sana ay paandarin mo pa rin ang isip mo para magmuni-muni at mag-isip isip. Alam mong kakagaling mo lang sa isang failed relationship and I’m sure ayaw mo na malungkot at masaktan ulit. Protektahan mo rin yung puso mo kasi hindi ka namin mapo-protektahan lagi dahil busy rin kame. May work din kame eh. Monday-Friday din ang pasok namin. Mag-ingat ka. ‘Yan ang payo ka. Mag-ingat in a sense na ingatan ang puso mo para di na masugatan at masaktan ulit at mag-ingat ka sa pagkatao ni Tosh. Masaya ma-in love. Alam natin lahat ‘yan. Pero mahalagang paganahin pa rin natin ang isip natin sabay ng pagtibok ng puso. ‘Yun oh!

Take it from Madma, mas mabuting kilalanin mo pa nang mabuti si Tosh. Magkita kayo in person. Mag-date kayo. Mag-Sogo kayo. Ganyan. Bumuo kayo ng isang totoo at solid na foundation. Deceiving din kasi ang on-line love affair minsan so mabuti na yung magkakilala kayo sa personal level. Kontrolin mo rin ang emotion mo at huwag kang masyadong pakupota kay Tosh. Tamang landi lang, Ma’am. Ang key word is “control.” Aralin mong ikaw yung ‘in control” sa situation n’yo. Ikaw dapat ang nagpapa-ikot sa kanya. WOW! Maghanap ka rin ng ibang activities aside sa pakikipaglandian kay Tosh para di ka naman masyadong focus sa kanya! Or di kaya hanap ka pa ng ibang lalandiin para may ibang options. I-maximize mo na ang pagiging single mo! Single ka na rin lang, itodo mo na!

Chill ka lang! Get to know him for real. Balitaan mo kame ng updates.

We wish you all the best! Good luck sa inyo. Sana maging kayo. Kung hindi man, sana matikman mo siya at the very least. BONGGA!  ;)

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.toonpool.com/cartoons/love%20on%20line_153351)

P.S. Ang saya-saya nung nagbalik na ang payuhan sa YTM! Ang best! Sana naman ay buhay pa rin ang mga Tribo_Tagapayo rito! Share your thoughts naman! Game! Usap tayo!

Sa mga may nguynguy sa buhay, ipadala na ‘yan sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali, i-feature natin ‘yan dito! GAME!

P.P.S. OMG!!! Lumabas na rin talaga ang official scoresheet ng mga judges sa nakaraan 2012 Samsung UAAP Cheerdance Competition! Kingina! O, ayan ha. Super liwanag na UP Pep Squad ang nanalo! Mas maliwanag pa sa kinakabukasan n’yo ang laman ng scoresheet! Aarte pa?! Ngunguyngoy pa?! Check n’yo naman, Bitches! Hindi nagsisinungaling ang data.😉

NAKAKALOKA! Out of 5 judges, 4 ang nagsabing wagi ang UP Pep! Woooh! Ang lakas! Si Mr. Huang Yu Chun lang ang medyo kumonflick sa lahat. Bigay na natin sa kanya ‘yan. Taga-China si Mr. Chun so huwag na natin siyang pikunin. Alam naman natin na ang China ang may-ari ng lahat! Sa kanila ang Kalayaan Island pati ang Cheerdance Competition. Pati ang blog na ito sa China rin. Ok na?! Charoth.😉

Though hindi ako masyadong happy sa ranking system. Mas best pa rin yung points system for me. Nagulat nga ako na ranking system ang ginamit! Eh inexplain pa sa unang yung game mechanics and percentages. Para saan ‘yun bale?! Feeling ko nagka-tamaran na lang yung 5 judges in the middle. Tipong sabi siguro nung isang judge, “Guys, i-rank na lang natin sila para hindi naman nakakahiya sa ibang schools na makitang zero yung score nila tapos 100 ang UP Pep.” ANSABE?! In fairness, ang polite ng mga judges ha. Love ko na sila. WOW! Bipolar ang pota.

So, finally we can put this issue to rest! Pero may message muna ako sa ibang schools. Ang taray!

Sa FEU, tama na ang pagiging bitter. Galingan na lang next year. Nage-expect kame ng mas pasabog at mas pinlakas na FEU sa 2013. In fairness sa inyo ha, pasabog na kayo this year! So, itodo n’yo pa next time.

Sa UST, hello sa inyo. Sasali pa ba kayo?! Parang ok lang din na wala kayo. Charoth. Galingan n’yo naman kasi ulit! Nami-miss ko na yung galing ng UST eh! Asan na ba yung angas n’yo? Pina-raffle n’yo na?! Sayang naman. Pasayawin n’yo na kasi ang mga tunay na members ng UST Salinggawi. Huwag n’yo na pasayawin yung mga kapit-bahay or mga pinsan ng totoong mga members. Go, USTE!

Sa NU naman, enjoyin n’yo ang pagkapanalo n’yo kasi baka hindi na mauulit ‘yan.

Sa UE, alam ko na ang theme n’yo next year. UE Bald. Papakalbo rin ang girls tapos ang suot n’yo eh yung kuma-camel toe na costume na parang sa UP Pep Squad. O, ayan ha. Alam na namin yung gagawin n’yo. Originality naman! Ang dami-daming theme sa mundo. Pwede kayong mag-Spongebob o kaya Sailor Moon, which is my favorite show, o kaya mga kasangkapan sa bahay. Or di kaya mga gamit sa talyer or parlor. Ganyan. Surprise us. Tandaan n’yo lang, kapag nagawa na ng iba, ekis na!

Sa Ateneo naman, PLEASE! No to anime theme ha! No to Voltez V! Sibakin n’yo na yung nagbigay ng idea na ‘yan parang awa n’yo na. Ang sosyal n’yo kasi para sa theme na ganyan. Imaginin n’yo si Tessa Prieto Valdes pinagsayaw n’yo ng “Laban o Bawi” ng Sexbomb. O, ‘di ba?! Sakit sa bangs! Focus lang kayo sa personality n’yo. What if next year ang theme n’yo is mga designer bags! Ang taray nito! Bagay sa inyo bilang mayayaman. Sa ending bubuo kay ng isang sosyal na Louis Vuitton na bag instead na si Voltez V. I think mas keri n’yo ‘to.

Sa Adamson, OMG! Sumali pala kayo this year? Shet. Hindi ko na-sense. Sali kayo ulit.

Sa De La Salle naman, more pa. Pa-angat na kayo so tuloy lang. Sa totoo lang, promising kayong team kaya galingan n’yo pa. Aabangan ko kayo next year. Anino La Salle! I mean, Animo pala. Chaka nung anino!

So there, that concludes this year’s UAAP Samsung Cheerdance Competition! Now, we can TRULY move on.🙂

Congrats ulit, UP Pep Squad. We love you!!!❤

Thanks naman kay www.bryologue.com para sa pag-timbre ng scoresheet.😉

19 thoughts on “Tamang Landi Lang, Girl

  1. Madma isa ka talagang santo. ganda ng advice mo na naman ha. Alam mo ako rin gusto kong magpa advice dahil alam mo na…ang puso, medyo delikado yan eh. alam mo na yan (walang masabe?) hirap mo kasing sabayan eh

    • wahaha. CHE! Ang OA nung Santo ha! haha Grabe parang di ka naman sanay sa akin. haha Gusto ko yang magpapa-advise ka. Balita ko “marami” ka raw pinagdadaan ha. haha See you soon! I mean, later! Alam mong later! haha Miss you.😉

  2. Sana mag sama si Chin ng friend pag mineet nya si Tosh para naman kung sakasakaling member ng masasamang kulto si Tosh eh atleast hindi siya nag iisang mabibiktima. Chos!

  3. Madma, hello again. Happy to get your advice. Tumambling ako kaninang umaga nang mabasa ko pero nagmamadali kasi so di ako nakareply. Waaaaw shet more reason para manood ako ng Engg week this year. Hihi.

    Balita… Medyo kilala ko naman siya bilang more than 2 weeks naman kami nagchachat at SOP. Joke lang yung SOP. hahaha. At Siyempre sa mataong lugar naman kaming nag-agree na mag-meet. And so we finally saw each other. I would say he’s photogenic and videogenic, pero 1% lang naman ang nabawas sa kanyang in-person appeal. 99% hot and sweet niya. Tas sinabihan naman niya akong mas guapo daw ako in person. Chausse. Sobrang happy but confused, kasi hindi ko pa alam kung ano gagawin at pano magrespond in every way. Di naman sa nagiinarte ako pero sabi mo nga Madma, wag muna i-all out. Dapat pa-kyeme muna. Haha. We’ve agreed to go out for a few more weeks, date dito, date doon, sex dito, sex doon. Jooooke. hahaha. or not. pero lately, mejo matamlay, although nagtetext din naman pa-minsan minsan, busy kasi ako sa paghahanda para sa something come December. At least nasubukan ko ulit tumambling at kiligin, kuntento na muna ako doon pero hindi ko naman inaalis yung opportunity with him. Kung mag-aaya siya, game naman ako.

    -Chin

  4. Girl, naloko na din ako ng ganyang lalaki. Poging pogi at kumakanta, gumigitara pa. Pero pepe lang habol nya. Mga 6 months din kami. Tapos iniwan nya ako. Sawi ako ng sobra. Mag-ingat ka. Wag ibigay ang pepe so early. Sa palagay ko nga kaya kami umabot ng 6 months kasi mejo 3 months ko din syang pinaghintay for action, what if binigay ko agad?! Taga-UP ka naman, kaya mo yan.

    • Hello naman, NeaRamos. Salamat sa input. Gusto ko yung ‘wag ibibigay ang pepe so early. CHECK! hahaha Mukhang malalim ang expereince mo rito ha! hahaha Thanks sa sharing.😉

    • Hiya. Spark, di naman. Actually, madalas niya akong ayain sa haus niya. Tas after a few weeks, parang naubusan na ng ideas at busy din ako. Haha pakabusy kuno. Or hanap na naman ng bago. Joooke kati much.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s