Isang Pagluluksa sa Pagpasa sa Cybercrime Law

Dear fans and followers,

ISANG MALAGIM na araw sa inyong lahat.

Alam kong tayong lahat ay naglukluksa ngayong araw. Nagluluksa sa pagkamatay ng ating karapatang pantao. Kita n’yo naman, pati ang weather eh nakikiisa rin sa ating sadness. Lakas ng ulan sa labas! Medyo pa-involve rin talaga ang ulan sa mga kaganapan ngayon ha. Parang nangaasar. Nakakadagdag tuloy sa kalungkutan.😦

Makasaysayan ang araw na ito. Ito ang huling araw ng freedom natin sa paggamit ng internet. Since hindi nag-issue ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order (TRO), tuloy na tuloy na ang pag-implement ng nakakalokang Republic Act No. 10175 or mas kilala sa pangalang “Cybercrime Prevention Act of 2012.” Ouch lang.😦

Ang sakit ulit-ulitin na mawawala na sa atin ang kalayaan sa pagpapahayag sa internet. Parang mawawalan na rin tayo ng isang kaibigan. Ang close na rin kasi natin talaga sa internet, amin n’yo ‘yan. Parang tao na rin yung internet na matatakbuhan at masasandalan natin sa mga oras ng pangangailangan.🙂 Ngayong ipatutupad na ang Cybercrime Law, mawawala na ang kaibigan nating ito. Wala na  tayong malalapitan sa mga oras na gusto nating ngumuynguy sa buhay. Wala na tayong kaibigan sa mga times na gusto nating ibahagi ang ating kalungkutan at saya sa internet. Wala na ang friend natin na pupuntahan sa mga moments na irita tayo sa isang tao at gusto lang nating man-chaka para maka-bwelta. Wala na ang kaibigan nating ito.😦 Inagaw na siya ng gobyerno nating nakakairita! ;( OMG! I love the analogy!😉

Ang drama ko tonight ‘no? Baka akalain n’yo hindi si Madma ang nakikipag-usap sa inyo ha. Baka akalain n’yo si Regine Velasquez ‘to. Ako talaga ‘to! Ano ba! I just can’t hide the intense sadness that I’m feeling right now dahil sa lintik na Cybercrime Law. Kaya medyo serious, serious muna tayo. Avail n’yo naman paminsan-minsan yung “other side” of Madma. WOW.🙂

Pasensya na kung medyo political ang post ko today ha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na makiaalam at magsalita re: Cybercrime Law. Buhay kasi natin ang nakatakdang mabago. Bansa natin ang apektado. Imaginin n’yo na lang yung bahay n’yo is biglang pinasok ng mga taong di n’yo kilala tapos binaboy ito at sinira. O, ‘di ba?! Nakakaloka. Ang Pilipinas ay tahanan natin wheather we like it or not. Dito tayong lahat nakatira so huwag kayong umarte. Kaya naman, kapag may nambaboy dito, kailangang makilaam tayo bilang mga naninirahan sa bahay na ito. Kaya ako affected talaga kasi I treat this country as my home. Tapos kayo yung pamilya ko. And hindi ako papayag na may maagrabyado kahit isa sa inyo.🙂 OMG! Ansabe?! Parang nangangampanya level ha. Naku, baka kopyahin ito ng mga staff ni Sen. Sotto tapos marinig ko sa speech n’ya ha. NAKU!

Alam n’yo, nahihiya na rin talaga ako sa fact na pinagtatawanan na tayo ng international community dahil naipasa ang isang very unconstitutional na batas na Cybercrime Law. Naloloka siguro sila sa atin! Sabi siguro ng mga foreigners, “What the fuck?! Democracy sila,‘di ba?! Eh bakit mas mahigpit pa sila sa sinturon?” WOW! Nagta-tagalog din pala ang mga foreigners! Natawa ako rito for real. Pota!🙂

O, ito pa ang chika. Mismong mga human right experts ng United Nations na ang tumutuligsa sa atin! My god! Sabi ng UN, “internet freedom is a basic right.” Ang keyword is BASIC. Ibig sabihin, required talaga na andyan. Fundamental element. Parang ganito: Kung walang puno, walang papel. Kung walang tubig, walang palamig. Kung walang baro, walang saya. Kung walang chaka, walang salamin. Ganung level! So, kapag inalis ang isang “basic” element , wala na. Sira na. Wasak na.😦 Kaya nakakagalit talaga itong Cybercrime Law eh. Ninanakaw n’ya ang basic right natin bilang mga tao. Inaalisan n’ya tayo ng karapatang makapagsalita at makapagpahayag ng ating mga saloobin, opinyon at ideas. BASIC sa tao ang magpahayag. Kapag inagaw ang karapatang ito, wala na rin tayong pinagkaisa sa isang Barbie doll. Maganda lang. Ngiti-ngiti lang. Pero walang kakayahang magpahayag.😦 Pero at least maganda. Focus din tayo doon.🙂

Hay. Legit na legit din ang pagka-emo ko ngayon ha. Umamin kayo! Haaay…  nakakalungkot talaga. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Naniniwala pa rin akong kaya nating baguhin ang laban! Hello, mas powerful kaya tayo kaysa sa government. Excuse me! Hindi ba sabi ni PNoy, tayo ang boss n’ya?! Pwes, PNoy making ka! Sabi ng mga boss mo ay ibasura mo ang Cybercrime Law! Bibigyan ka namin ng isang linggo para umaksyon. Kapag wala kang ginawa at hindi mo sinunod ang utos ng mga Boss mo, kakasuhan ka namin ng insubordination!

Kapit lang tayo mga fans. Ituloy lang natin ang pagiging mapanuri sa mga nagaganap. Pasasaan pa’t magtatagumpay rin tayo sa labang ito. Pinatunayan na ng EDSA 1 and EDSA 2 ang lakas ng mga ordinaryong mamayang Pilipino. Huwag nila tayong pikunin kasi malapit na rin talaga tayong mapuno!

Ibasura ang Cybercrime Law! Fight for our Freedom of Expression! Fight for our Basic Right!

Yours truly,

Madma

P.S. OMG! Ang dami kong emotion na nailabas sa entry na ito. Aminin n’yo, pang-best actress ang peg ng performance ko rito.🙂

MARAMING salamat sa lahat ng nagbabasa at nagtitiwala sa Yours Truly, Madma!!! Grabe, super taas ng ratings natin!!! At dahil sa suporta n’yo, ang YTM ay Top 13 na sa Most Read and Most Visited Personal Blogs in the Philippines based sa topblogs.com.ph.!!! GRABE!!! Ito na ang pinaka-mataas nating nakuha EVER! Shet lang yung Top 13 na tayo. SOBRANG LAKAS!!! Aarte pa? Five months pa lang tayo sa blogging world pero nangangabog na!

Salamat sa lahat ng suporta n’yo kay Madma. Ang todo n’yo rin ha. Kaya naman ganado rin talaga ako.

Yung previous post ko pala titled “Cybercrime: NAKAKALOKA! IBASURA!” ang highest post ko ever with 25 Retweets and 320 FB Shares! GRABE! So, paano ‘yan, sama-sama na tayo sa kulungan?! Alam n’yong covered ng Cybercrime Law ang retweets and reposting! Char.🙂 LABAN LANG! Hindi ito ang panahon ng pananahimik. Galaw galaw!

SALAMAT! GRABEEEEE!❤ Ang best n’yo.❤

P.P.S. Shout ouch naman sa YTM reader na si Mrs. Kai Raef. Grabe yung “misis” ka na rin ha. Bed rest ka daw? Get well soon, Ate Kai.🙂 Hello rin sa’yo, Ms. Kristy Ann Texon. I miss you! Bonding soon! I love you both.❤

8 thoughts on “Isang Pagluluksa sa Pagpasa sa Cybercrime Law

  1. Masidhing emotion, sinunod ko yung advice mong kumapit, haha! Affected din ako e, dami ko rin kasing mga ngasngas sa buhay na talagang nailalabas ko rin naman sa Internet, kaloka kung irereview ko sila lahat para lang wag makulong, not likey makulong, hindi glamorosa yun! Kaloka! Anyway, oo, laban lang, nakakairita talaga, pero laban lang!

    • Hello naman! haha Kakabasa ko lang ng article. Hindi naman tahasang sinabi ni Regine na pabor siya sa online libel. Pabor lang siya sa parameters and regulations. Which I also agree. Dapat naman kasi talaga may rules na sa paggamit ng internet. After all, hindi naman lahat ng tao ay mababait at responsible kagaya natin. WOW. haha Marami rin talagang mga krimen na nagaganap online gaya nga ng “spamming, illegal data interception, illegal access to computing systems, the altering of software and the use of malware, cybersquatting, forgery, fraud, and the misuse of devices.” May personal friend pa nga akong ginagago ng stalker n’ya, eh. And with all of these, kailangan talagang mapanagot ang mga gago by putting cyber parameters.😉

      Salamat naman sa maiinit na tanong na ito. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s