YTM: Nangangabog sa Ratings!

Dear fans and followers,

GRABE!!! Nakakaloka ang taas ng ratings ng Yours Truly, Madma these days. Hindi ko tuloy mapigilang gumawa ng post tonight. Sabi ko pa naman break muna ako ngayon kasi may ime-meet sana ako for you know… BUT NO!!! Here I am! Live na live! Avail n’yo naman yung simpleng photo ko sa taas. Lakas maka-tricycle driver ha. Sasakay ka ba kung si Madma ang magda-drive?!

Hindi na talaga mapigilan ang pag-ratchada ng YTM sa blogging world. Top 9 na po tayo sa Most Read and Most Visited Personal Blogs in the Philippines based sa topblogs.com.ph. POTA! ANG LAKAS! Limang buwan pa lang si Madma bilang blogger pero nangangabog na agad at gumagawa na ng ingay! Feeling ko next na nito, magkaka-jowa na ako! Char. Ito na pala ang pinakamataas na ranking ng YTM so far. SOBRANG LAKAS nito! AS IN!

MARAMING SALAMAT sa mahigit 3,000 readers ng YTM every day. Hindi ko alam kung sinu-sino kayo pero ang best n’yo! Kung may pogi man sa’yo, please! Magparamdam kayo! Salamat sa pagtangkilik, pagtitiwala at pananalig kay Madma. WOW.  Kulto level na rin ha. Nakakatuwa kayo. Ibang level kayo sumuporta. AMAZING!

Para po sa mga hindi nakakalam, ang YTM ay nagsimula last May 2012. So, 5 months pa nga lang tayo. Hindi ko talaga hilig isulat ang mga thoughts ko kasi mas madaldal ako as a person. Mas prefer ko talaga ang live chikahan kasi ang energetic ko talaga. Dapat i-try n’yo ako sa live! Siguradong hindi n’yo kayayanin ang energy ko. Yung iba nga nahihimatay na lang bigla habang kausap ko eh. O, ‘di ba? Parang sinasapian lang sila ni Mama Mary. Ang saya saya.

SALAMAT TALAGA! Wala akong ibang masabi kundi SALAMAT! Thank you at ginawa n’yo akong tunay na Cyber Diva. O, ha! Binigyan ko na talaga ng title ang sarili ko ha. Kayanin n’yo ‘yan.

And since nagre-reminisce na rin ako, gusto ko pala ulit ipapanood sa inyo ang 2nd video blog entry ni Madma para sa mga fans ng YTM. Muli nating balikan ang masasayang moments natin noong tayo ay nagsisimula pa lamang sa industriya. By the way, super lakas ng video na ito noong nilabas ko last July 2012. This was aired sa CGETVIntheloop ng ABS-CBN! Aarte pa?! Salamat sa buong YTM Team for helping me produce this video. Lalo na sa inyo Ms. Melanie Libatique and Mr. Albert Cruz. Salamat din kina Ms. Carla Jill Masalonga, Ms. Catherine Alibanban, Mr. Peter Jeffrey Maloles, Mr. Mark Anthony Lopez, Mr. Eshei Mesina! Reminisce naman! Balika-tanaw naman sa pasabog video na ito! I love you all!❤

O, heto na! Balikan natin ang pagsisimula ni Madma! Watch the video! Nasa taas ng post na ito nakalagay. Hindi ko alam embed dito sa post eh.

Pwede ring click this link para mapanood ang video: 2nd Video Blog Ni Madma

Ay! Na-embed ko na ang video. Ito na! Thanks to my one and only BBF.❤

 

SHET! Natatawa pa rin ako sa video na ito. Parang ang bata bata ko pa rito. Lakas maka-lalaki nung pagba-basketball ko ha! Halatang hindi marunong.😉 I had so much fun shooting this video. Swear!

So, there. Muli, SALAMAT sa pagtangkilik kay Madma. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, ang sumikat. WOW. Ang simple rin ha! Pangarap ko talaga magka-talk show! Kahit walang jowa, basta sumikat at magkaroon ng sariling talk show! Ansabe?!  Kaya naman yung mga producers d’yan oh, konting galaw naman! Konting discover naman! Ang galing ko kaya. HELLO! Mas magaling pa nga ako mag-host kay Jean Garcia and Jolina Magdangal sa show na “Personalan: Ang Unang Hakbang!” No offense to them ha. Char.

Abangan ang marami pang pasabog ni Madma soon. Makakaasa kayo nang mas pinalakas, mas pinabongga at mas pasabog na YTM sa mga susunod na linggo. KAPIT LANG! Malapit na tayo umabot sa 100,000 views! Woooh!

I love you all! SALAMAT!

Yours truly,

Madma

P.S. Malapit na ulit bumalik ang mga payo ni Madma! Kaya mauna na kayo sa pila! Kung gusto n’yong mapayuhan ni Madma, sumulat na kayo at ipadala ang inyong nguyngoy sa yourstrulymadma@gmail.com. Sulat na habang maiksi pa lang ang pila. I-share n’yo na ang inyong mga ngasngas at pag-usapan natin ‘yan! Huiwag n’yong sarilin ang problema n’yo! Hindi n’yo ikayayaman ‘yan.

SULAT NA!

P.P.S. Revise the Cybercrime Law!!!

13 thoughts on “YTM: Nangangabog sa Ratings!

  1. OMG! Grabe yung Top 9 na! ANG TAAS PLES!
    Gusto ko yung magkaka-talk show ka. I-guess mo naman kami. Alam mong gusto rin naming sumikat. :p
    I think dapat ka na ring mag podcast Madma, para malaman ng mga tao na mas pasabog pag chumichika ka. Or live payuhan via Skype or Ustream, ganyan. Pakelamero rin ako sa career mo eh. Haha.😄
    Share your thoughts naman re: this.

      • Hello Jill!
        Ang bongga nung nasa plano na lahat. She’s on her way to the top! Haha. Naki-her din talaga ako. Lakas maka-babae sa part ni Madma. I think may ovaries na rin siya as we speak. Hahaha.😄

        Nagpapahinga kasi si deathbymilktea, kaya ako muna si Sael. Namimiss ko na rin siya. Saka na yun babalik pag may payuhan na uli, ganyan. WOW. Schizo rin pala.

      • hahaha gusto ko yung nagpahinga rin si Deathbymilktea! haha Miss you, Sael! Abang ka lang sa mga pasabog! She is on her way na talaga! hahaha Irita yung “she.” hahaha

  2. hi marvin, what’s up? congratulations. top 9. just keep on making sense, soon you’ll hit number 1. you deserve it bakla.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s