Si Madma sa Gitna ng mga Issues ng Bansa

Dear fans and followers,

OMG! Grabe yung ngayon lang ako nakapag-post sa linggong ito. Sorry naman! Medyo na-busy si Madma sa mga kaganapan. Na-miss ko kayo, kingina n’yo! Anyare na sa inyo?! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw ha. Hitik na naman sa mga pasabog! Ang saya talaga rito sa Pilipinas. Hindi ka mabo-bore. Pasabog after pasabog ang peg dito. Likey!🙂 Kayan naman, hayaan n’yo muna akong humabol sa mga ganap. I’m sure hinihintay n’yo ang nakakalokang boses ni Madma hinggil sa mga  mahahalagang issues na bumida sa atin nitong mga nakaraang araw. Aminin n’yo, ang lakas ng boses ni Madma re: Cybercrime Law last week ha. Talagang hataw sa ratings! Tunay namang pinakinggan, ikinaloka, at naging maingay ang mga matatapang na pahayag ni Madma re: Cybercrime Law. BONGGA!😉

O, tama na ang intro. Chika na!

_______________________________

Temporary Restraining Order (TRO) para sa Cybercrime Law

The Supreme Court finally issued a TRO that stopped for 120 days the implementation of Republic Act  No. 10175 or the Cybercrime Protection Act of 2012 after receiving 15 petitions questioning the constitutionality of portions of the law. MABUHAY!!! Ang best nito. Nagbunga rin ang pangangalampag natin sa  gobyerno! Kingina. Masasabing isa itong tagumpay para sa ating lahat na matapang na lumaban laban sa Cybercrime Law! Woooh! Group hug naman!🙂

Kinabahan rin talaga ang mga Senators at ang buong Aquino Administration ha. Eh sa lakas ba naman ng campaign against Cybercrime, ewan ko na lang! Buti naman at pumanig ang Supreme Court sa atin. Ang saya lang na nakuha natin ito! Good job everyone.🙂 Tayo pa rin talaga ang makapangyarihan. Excuse me! Tayo ang Boss kaya tayo ang dapat masunod. Tax natin ang pinambabayad sa lahat ng government officials kaya umayos sila. Pota.

Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat ha. Patuloy pa rin tayong maging vigilant sa mga kaganapan. Mahirap na, baka maisahan!!!

Isang pagbati sa ating lahat! Cheers. Bwahahaha🙂

_______________________________

The Varsitarian Controversial Editorial Article

Ito ang isa pang pasabog! Ang fierce nung Anti-RH Bill editorial article ng The Varsitarian ha. NAKAKALOKA! Nabasa n’yo ba?! Buwis-buhay din yung writer/writers! PALABAN!🙂 Well, commendable yung tapang and conviction n’yo, mga Ma’am! Ibibigay ko ‘yan sa inyo. Ang taray ng mga wordings na ginamit n’yo ha! Lemons, cowards, dishonest, intellectual pretenders and interlopers etc. BONGGA!  Away kung away. Walang pakundangan! No holds barred!

Gets ko naman ang point n’yo, The Varsitarian. Ayaw n’yo sa RH Bill. Period. Malinawag. Klaro. Pero ang hindi ko ma-gets ay ang pancha-chaka n’yo sa mga taong pabor sa bill na nito particularly sa mga kasamahan natin sa Ateneo De Manila University and De La Salle University. Ekis ‘yan mga Ma’am! Hindi kailangang dautin ang opposing views para i-angat ang opinion n’yo. This is soooo nega. Purely wrong.😦

Ito example ha. Ako, super favorite singer ko si Regine Velasquez. Para sa akin, siya ang pinakamagaling na singer sa bansang ito. Mataba siya, yes. Pero Diva pa rin. Lampake. Kahit ikamatay ko, ito ang paniniwalaan ko! Pero at the end of day,  alam kong hindi lahat ng Pinoy ay agree sa akin. And I respect them. Hindi ko sinusubo sa mukha ng iba ang paniniwala kong ito. Or sinusubo rin pala. Char!🙂 Nirerespeto ko ang mga fans ni Pops Fernandez kahit  maliwanag pa sa araw na chaka ang idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga fans ni Jaya kahit sing-kalat ng basura ang boses ng idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga followers ni Jovit Baldivino kahit na singgaspang ng hollow blocks ang skin ng idol nila. WOW. Ang perfect ko rin ha.🙂 The bottom line is RESPECT. Yun lang! Respect, respect lang!

Medyo below the belt din talaga yung article ng The Varsitarian. Masyadong righteous bordering to nakakairita! O, ‘di kayo na?! Kayo na ang may hawak ng “katotohanan.” Nasa school n’yo na ang “truth.” Lahat kame masusunog sa impyerno. Okay na ba?! Kakainit din talaga ng ulo. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga Atenista at mga La Sallians sa pag-react nila. Buti hindi n’yo tinira ang UP. Kasi medyo gyera na talaga ‘to! Char.🙂

Hindi ko kinaya ‘tong line na ‘to sa article: “If faculty members of UST and other Catholic schools feel they need to invoke their academic freedom to make known their stand in conflict with the bishops regarding the RH bill, then they’re free to do so. But they must resign from UST. They must give up their Catholic academic affiliation.” WOW! LAKAS! Parang humina bigla yung hangin sa industrial fan ko. Nakakaloka!!!

Ito pa ang best: “But alas, it seems intellectual honesty and moral convictions are in such short supply in Katipunan, Quezon City and Taft Avenue, Manila.” ANSABE?! ‘E, ‘di kayo na ang nakakaalam kung saan may maraming supply ng moral conviction! Buti na lang sa Mandaluyong ako nakatira. May ample moral conviction dito. KAKALOKA kayo!

Ayun naman. Bilang pangwakas, magme-message na lang ako sa writers ng The Varsitarian. Wow. Lakas maka-birthday!🙂

Take it from Madma, reviewhin n’yo ang basics ng editorial writing. Medyo “sumablay” kayo eh. While it’s true na kailangang maging matapang at palaban sa pagsusulat ng editorial article, hindi pa rin dapat nawawala ang mga basics ng journalism such as RESPECT, FAIRNESS and BALANCED reporting. Otherwise, mag-blog na lang kayo. Wala masyadong rule sa blogging. Pasok kayo rito. Na-appreciate ko tuloy ulit ang UP College of Mass Communication! Salamat sa “tamang” pagpapalaki n’yo sa akin.🙂

Sa mga hindi pa nababasa ang controversial na article ng The Varsitarian, click this link: “RH Bill, Ateneo and La Salle: Of Lemons and Cowards”

_____________________________________

Political Dynasties to Dominate the 2013 Elections

KINGINA! Ito ang nakakaloka! Hindi ko kinakaya yung puro political dynasty ang tatakbo sa elections next year! DIYOS KO! AYOKO NA!!! Ano ba ‘to, bastusan na?! Family business na ba ang government?! Very sari-sari store na ang peg! Sobrang nakakasuka ‘tong eksenang ito. I just can’t take it.

Ibang level na rin talaga ang pagka-garapal ng mga tao sa ‘Pinas pagdating sa kapangyarihan. SUKDULAN! Lahat gagawin para masigurong makaka-upo sa pwesto. Lahat papatakbuhin para sure ang panalo. Same faces. Walang bago! Grabe yung pinapatakbo na ngayon ang bunsong anak, hipag, asawa, bayaw, katulong etc. Family outing sa Tagaytay?! MY GOD! Pati siguro aso, kung pwede, ‘eh papatakbuhin din. Tang ina. Mapapamura ka talaga.

Kaya naman mga fans, PLEASE! Maging matalino tayo sa darating na halalan ha! PARANG-AWA n’yo na! Hindi pa ako nagkaka-jowa kaya huwag n’yong pag-initin lalo ang ul0 ko! Suriing mabuti ang mga tumatakbo sa lugar ninyo. Huwag magpasilaw sa kasikatan. Sa itsura! Ayoko na mag-name drop. Kilala n’yo na sila.

PLEASE! Huwag nating ilubog pa lalo ang bansang ito sa mas malalim na kahihiyan. Pumili tayo ng mga karapat-dapat! Malapit na naman ang eleksyon. Amoy na amoy ko na. Hindi ko na nga maamoy ang simoy ng Pasko sa lakas ng politika ngayon. GRABE! Eeeeh umiinit na naman ang ulo ko! Makapag-bibingka nga muna sa labas!

___________________________________

So, ito na lang muna sa ngayon. Grabe ang political na ni Madma lately ha. Sorry, hindi ko talagang mapigilan ang mga nguynguy ko sa mga kaganapan sa paligid nowadays. Huwag kayong mag-alala, tuloy pa rin ang mga payuhan natin. In fact, may pasabog letter na tayo for this week! O, ha! KAPIT KAYO! Nakakaloka ang nguynguyera natin para sa linggong ito! Stay tuned!

SALAMAT sa mainit na pagtanggap n’yo sa Yours Truly, Madma! SALAMAT sa suporta! SALAMAT sa paniniwala!🙂

I love you all!

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.facebook.com/AdLSUhttp://www.newsflash.org/2004/02/hl/hl112153.htm and http://www.scmp.com/news/asia/article/1057020/philippines-suspends-controversial-anti-cybercrime-law)

P.S. O, since puro pasabog tayo sa araw na ito, allow me to share this PASABOG  song as well! Grabe, hindi ko kinaya ang kantang ito. Muntik na akong ma-ospital sa kakatawa kanina! Salamat naman sa’yo, Mr. Albert Cruz for introducing me to this song! Nabago ang buhay ko! GRABE!!!

Ang title pala ng kantang ito is “Kantutan Na.” O, di ba?! Kailangan ko pa bang magsalita?! Pakinggan n’yo ”to! DALI!

Mahal ko na ang Cue C! Fan na ako! Sana magparamdam kayo sa blog ko. Ang best n”yo eh. AS IN! More songs pa, please! Good job!

Paki-namnam yung lyrics ha! Ingat lang din kasi baka “labasan” kayo after the song!🙂

P.P.S. Belated Happy Birthday, Joharri Marasigan! Mwah!

Belated Happy Birthday din sa pasabog photographer ng YTM na si Mr. Zabra Yu Siwa. I love you, Z! Alam mong package ako!😉

AND, isang MALAKAS na shout ouch para kay Ms. Karen Dematera para sa pelikula n’yong “This Guy’s In Love with You Mare.” Masasabing maganda! Salamat sa premiere night tickets. Congrats sa buong cast and crew lalo na kina Vice Ganda, Toni Gonzaga and Luis Manzano! Ang saya ng film! LEGIT na comedy! NOOD NA!😉 We love you, Karen!

10 thoughts on “Si Madma sa Gitna ng mga Issues ng Bansa

  1. love it. hindi na tayo nagka “kantutan na” lately. sana meron na nito sa videoke asap.

    At tungkol sa Varsitarian. I love them. I Love that they do not show respect. Because naunang mawalan ng respeto ang ateneo at la salle sa catholic church, mga catholic institution sila so binastos nila ang religion nila. Parang isang anak lang ang UST na nagagalit sa kanyang mga kapatid na tumalikod sa kanilang ina.

    Iyun lang. Now let’s play Cue C’s Hoy Tanga.

    • Wahahaha! TARA! Kantutan na tayo! hahaha Ang best ng Cue C! kakaloka! I-meet natin sila, Bette! hahaha

      I love your point re: The Varsitarian ha! Ako naman mas sa journalistic writing ang issue ko. haha As to the “tapang” eh, bibigay ko sa kanila!

  2. wow! nakakatalino talaga pakinggan pag aware ka sa paligid-ligid (ay puno ng linga?!),.ang init din talaga ng ulo mo sa issue,i mean sa lahat,.first day ng regla mo noh? haha! pero seryoso, agree ako sayo, re: The Varsitarian, sumusobra na rin yung pagka.disrespectful nila,.hindi naman kasi lahat nadadaan sa religious belief, kelangan din natin maging practical re: RH Bill. this is just my opinion huh,.i’m a catholic pero i’m also a citizen of this country,concern lang ako sa mga mahihilig magpadami ng anak

    • hahaha korek! First day ng regla ko. Lakas nga eh. hahaha Bulwak talaga. haha Salamat naman sa pagbibigay ng opinyon. Hindi kasi dapat nawawala ang pagpapakita ng respeto sa ibang tao sa kahit na anong bagay. Kung salungat sa iyo ang opinyon ng iba, go lang. After all, iba-iba rin kasi talaga ang utak ng mga tao. Basta respect is the key. Grabe ang political na natin! hahaha Kukulong na tayo! hahaha

  3. Mother, I’d like to congratulate you on this entry. Talaga namang ibinababa mo sa masa ang mga kaganapang pang national. Isa kang paham. Waw. Paham. Ayun. Ano pa ba? Ano pa ba mahihiling mo?

    • OMG! Nakaka-touch naman na mabisita ng isang “Seph Ubalde” ng TV 5! GRABE! Nakaka-artista! Shout ouch naman sa’yo!🙂

      Irita yung paham! kakaloka ka. haha Alam mong bilang mga celebrities, we owe it to the masa people na ipa-digest sa kanila ang mga bagay-bagay sa level na kaya nila. WOW. Parang may halong judgement yung comment ko. haha Or pwede rin kasing masa rin ako kaya alam ko ang karakas nila. hahaha

      Miss you, Seph! Bonding ulit. Afters naman ulit! Dadala na rin ako ng bible para legit na legit ang bible study natin! Hindi ako nakakanood ng show mo sa umaga kasi umaga. Focus tayao sa word na “umaga.” hahaha Pero alam kong umaarangkada ang career mo sa timeslot na ‘yan kasama ang mga lolang maagang gumigising para magpa-usok ng punong mangga! Sarap naman magka-friend ng journalist na pogi. WOW. Arte pa?! See you soon!

  4. TAMA! kanya-kanyang utak, dapat kanya-kanyang isip! opinion nga e,.haha! afraid sa makukulong na tau kasi masyado na taung political, lecheng buhay toh! haha,.konti na lang mabubuo na uli ang KKK,.at sana ikaw na ang pinuno,.MABUHAY SI MADMA! MADMA FOR QUEEN! haha!

  5. Madma, bilang taga UP at dating isang student leader, ngayun kabilang sa isang grupo na nais tumakbo sa party list, ano ang masasabi mo sa bangayan ng AKBAYAN at ANAKBAYAN?

  6. Isang belated Thank you din Madma for the greeting, now ko lang nabasa, maraming salamat, at mabuti naman at active na ulit blog mo, namiss kong bumisita dito ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s