Sinister: Super Scary! NAKAKALOKAAA!!!

Dear fans and followers,

Alam n’yo yung feeling ng nakasakay sa roller-coaster?  Yung tipong sa umpisa ‘eh very banayad at swabe ang byahe tapos unti-unti kang iaakyat then biglang kang ido-drop nang bonggang-bongga? Shet! Ganito ang naramdaman ko habang pinapanood ang pasabog horror film na “Sinister” na pinagbibidahan ni Ethan Hawke. Potang ina soooobrang ganda ng pelikula!!! Horror at its finest! Hindi pa man natatapos ang taong 2012, ide-declare ko na ito ang Best Horror Film of the Year! Kingina! Ibang level ‘to mga Ma’am! Ulol level. AS IN!🙂

Bilang isang Horror Diva, super satisfied ako sa film. Feeling ko nga, kulang pa yung binayad ko na P180 sa binigay na takot sa akin ng Sinister! Parang gusto ko pang pumunta sa counter para dagdagan yung bayad after watching it kasi ang todo!!! Yaman!🙂 Kung yung iba ‘eh iniiwasan ang takot, ako nagbabayad para matakot. LAKAS! Ang confident ko kasi sa buhay ‘eh. Hindi ako nakakaramdam ng takot on a daily basis kaya nagbabayad pa ako para madama ito. Parang sex lang ‘yan sa iba.🙂

Kakaiba ang storya ng Sinister. Bago, maayos, buo at believable. Kung akala n’yo ‘eh wala ng bagong magagawa sa horror, MALI KAYO! Maling-mali for that matter. Hindi na ako magbibigay ng details about the story para naman ‘di kayo ma-spoil. Swabe yung story. Ang ganda ng pacing. Tamang chika lang yung mga characters at hindi ka mabo-bore. Ang best din ng actingan! Tamang tirada talaga at hindi OA. Hindi pwedeng i-cast dito si Ms. Kris Aquino kasi masisira n’ya yung film sa pareho-parehong expressions ng mukha n’ya kapag umaarte. Alam n’yo ‘yan!🙂 At naku, yung build-up ng mga horror scenes, masasabing mahusay kaya talagang mapapatili ka! Shet lang!  Sa horror kasi, very important yung tamang build-up para kapag tinakot ka, kuhang-kuha ka. Tangina nitong Sinister, hindi lang ako nakuha, binaliw n’ya pa ako! Kung lalaki nga  lang ‘to, kame na siguro by now. Kuhang-kuha eh. Char!🙂

Isa pa sa nagustuhan ko is yung mga anggulo ng camera na mostly ay very tight shots na tipong kitang-kita mo na yung skin pores ng mga actors. Tutok na tutok! Kaya naman mapapasigaw ka talaga kapag nanakot na yung film! Ang best rin pala ng musical scoring! Nakakaulol! My god! In fact, until now eh nagpe-play pa rin siya sa mind ko! Ang creepy ‘no?! Shet.

Do yourself a favor. Panoorin n’yo ang Sinister! This is a must lalo na sa mga horror adik na kagaya ko. SWEAR! Lahat ng horror films na mapapanood n’yo  magiging comedy film na lang after watching this movie! Ganun ka-todo ang takot na ibibigay ng Sinister. Manunuot talaga sa mga ugat at utak n’yo yung pagka-creepy n’ya. Ka-level ng putok at baktol na nanunuot sa ilong ang amoy! Ganun!🙂

Maghanda na kayong palitan ang favorite horror films n’yo. For sure, lalampasan ng Sinister ang lahat ng ‘yan.Parang ito na nga ata ang favorite horror film ko ‘eh! Ansabe?!

By the way, Sinister is produced by the same producer of the Paranormal Activity films and Insidious. ALAM NA!🙂 Ang writer-director  nito is the same ng sa The Exorcism of Emily Rose. AARTE PA?! Alam n’yong best ang mga horror films na ‘yan! Huwag kayong umarte!

At naku, 72% siya sa rottentomatoes.com. SHET! Fresh na fresh! Check n’yo ang iba pang nakakalokang review sa Sinister: www.rottentomatoes.com

PLEASE! Panoorin n’yo ‘to ha! Kilala n’yo naman ako, hindi ko hobby magsinungaling! Kung hindi man kayo sigurado sa kinabukasan n’yo, sa film na ito, sigurado ang takot n’yo!🙂 Bitbitin n’yo ang buong barkada n’yo at gawin n’yo itong major event! WORTH IT TALAGA! Titigil ako sa pagbo-blog kapag hindi kayo nagandahan! O, HA!😉 Sumabog nga ang Divanometer ko ‘eh! Hindi kinaya. Ang rating ko pala sa Sinister is 5/5! No, masyadong mababa. 6/5 pala! LAKASSSS!🙂

Go na sa mga sinehan! Manood na kayo. Unahin n’yo na ‘to! Huwag na maarte. Huwag n’yo pala panoorin yung trailer nor basahin ang synopsis para wala kayong alam sa film. Hayaan n’yong surpresahin kayo ng Sinister!🙂 GO NA!!! Nood na! Kita n’yo naman, may isang bonggang posting pa talaga ako about it. Gumising pa ako nang maaga para rito ha! Ayokong ma-miss n’yo ‘to. I-miss n’yo na ang payment n’yo sa Meralco pero be sure na hindi n’yo ‘to papalampasin.

Humanda na kayong matakot. Nood na!🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://modernborefare.com/2012/10/08/sinister/)

P.S. Shout ouch naman sa mga kasama kong sumigaw kagabi sa sinehan: Mr. Rustan Paolo Baltazar, Ms. Hazel Jayag, Mr. Karl Saringan and kay Ms. Kaye Giron na most of the time ‘eh nakapikit lang naman!🙂 I love you all! Until our next horror bonding!🙂

Manonood ulit ako sa weekend! Ang saya eh! GRABE!

7 thoughts on “Sinister: Super Scary! NAKAKALOKAAA!!!

  1. Nako bilang bibili ako ng bagong Ram module sa ortigas mamaya eh sasaglitin ko na din itong Sinister na itey bonggang bonggang bet ni madma sa Galleria. Sana gwapo makatabi ko para pak na pak sakaling mapayakap ako sa sobrang nginig! HAHAHA. Charice.

  2. Namimiss ko na ang bonding natin over horror films BBF. Dahil nirecommend mo, papanoorin ko. Tsaka since kalevel mo narin sa authority ang rotten tomatoes, irerecommend ko sya sa friends ko. Miss you! Wow. Clingy.

  3. Hindi ko napanood so download na lang ang labanan, Managee okay?
    By the way, may kalaban tong movie eh, according to Atom Araullo—Brinader.
    Sinister–Brinader!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s