Ang any-any post ni Madma bilang nagbabalik na Diva!

Dear fans and followers,

O.M.G!!!

Anyare na sa atin?! Magkakakilala pa ba tayo?! Sorry naman at super tagal kong nawala sa blogging industry. Balita ko marami raw na-depress nung nawala si Madma? GRABE NAMAN! Ang ki-clingy n’yo. Sorry na. Nagka-jowa na kasi ako kaya medyo focus muna kay Honey. WOW.😉 Uy, charoth lang yung jowa part ha. Baka panghinaan naman yung mga nagbabalak pumorma kay Madma. Go lang, porma lang kayo. Single pa rin naman ako, ‘eh. Promise di na ako masyadong papalag kasi malapit na rin akong mag-expire. Aarte pa ba?!🙂

NA-MISS ko naman kayo! Tangina n’yo! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw.  Kaliwa’t kanan! Papa-raffle ko na nga yung mga events sa dami eh. Kaloka. Kaya naman hayaan n’yong pasalubungan ko kayo ng mga chika at pasabog! SHET! Na-miss ko mag-blog! Pota. Mag-chikahan naman tayo!

Since matagal akong nawala, I think it’s just proper to start with one hello. HELLO naman sa inyo!🙂 Kamusta na kayo?!  Grabe yung biglang may bagyo ha. Wala man lang grace period! Tang ina. Buhos agad yung ulan! Hindi ba pwedeng ambon muna?!  Lakas din maka-gago ng ulan ha. Nagka-sipon tuloy ako at sore throat. Ang hirap tuloy kumanta. Leche. On the other hand, ang sarap din kapag umuulan. WOW. Bi-polar ang peg.🙂 Ang sarap din kasi nung malamig ang kapaligiran. Sarap tumutok sa electric fan habang nakakumot. BEST! Sarap din makipag-sex kapag ganitong panahon. Ay, alam na alam ito ng mga malilibog. Sa case ko naman, nood-nood lang ng porn. CHAR! Ano ba. Ang dudumi n’yo. Magmumog nga kayo ng Holy water.  ;)

Malapit na mag-Halloween! SHET! Matutuwa na naman ang mga kababayan nating chaka slash chararat bumba.  Favorite holiday nila ito eh. Bidang-bida sila. At least ‘di na nila kailangang bumili ng costume para sa Halloween. Konting pulbos lang at lipstick na lampas-lampas, keri na. Grabe parang nakaka-relate kayo. Sabagay ang chachaka n’yo. WOW. Parang nagka-ere na si Madma?! What do you think?!🙂

Long weekend today! WOOOH! Pero alam naman natin na ang lahat ng long weekend ay natatapos din. NEGA! Sa mga ‘di nakakaalam kung bakit holiday today, and believe me marami sila, ipinagdidiriwang ngayon ng mga kababayan nating Muslim ang “Eidul Adha” or the Feast of Sacrifice. Shout ouch naman sa mga friends nating Muslim lalo na kay Mr. Zabra Yu Siwa! Alam n’yong mahal kayo ni Madma.🙂 Since araw ng sacrifice today, hayaan n’yong mag-take part si Madma. Hindi muna ako bibirit today bilang pakiiisa. Ang laking sakripisyo na ito sa part ko ha bikang isang legit na Diva. Grabe!🙂 Or pwede ring isakripisyo natin ang buhay ng mga chaka. CHAR. Ano ba ‘to ang init na naman ng ulo ko sa mga panget. GV! GV!

So much for intro. Ang daldal ko. Pota. Mahihiya ang kanal sa lakas ng bulwak ng mga ideas sa utak ko. By the way, ang pasabog pala nung word na “bulwak.”  Lakas maka-regla.  Gamitin naman natin ang word na ito nang mas madalas. Sayang naman yung word. Bihira na nga lang magamit tapos sa regla pa na-associate. Poor word.😦

Gusto ko pala i-share sa inyo ang isang major change sa apartment namin. As you all know, nakatira ako sa isang pang-mayaman at exclusive apartment sa Mandaluyong area kasama ang aking mga minamahal na kaibigan. Yes, kailangan talagang isama ang  adjective na “pang-mayaman” kasi ito talaga yung best description na makaka-picture sa lugar namin. Wala na akong maisip na ibang description. Hello, may microwave kaya kame, leather sala set at tsaka washing machine. Kayo ba?! OMG wala?! Grabe ang basic ng mga appliances na ito! Paano kayo mag-iinit ng food na galing sa ref? Don’t tell me kukunin n’yo lang yung food sa freezer tapos ipapatong lang sa ulo n’yo kasi mainit ang ulo n’yo? Grabe. Paano naman kapag galing kayo sa work tapos gusto n’yo magpahinga and wala kayong leather sala set? Saan kayo sasandal? Sa pader kasi malamig? Ano ba ‘yan. CHAROTH. Ang sarap pala magyabang minsan.🙂

Grabe di ko na-share yung major change sa apartment namin, Ito kasi yung topic. Anyway, after almost 5 years namin na magkaka-housemate, we decided na bumili ng aso! And take note again ha, pang-mayamang aso! Gusto ko pala ipakilala ang cute na cute and very pasabog aso namin na si Mr. Roger. Tingnan n’yo siya oh!

O, ‘di ba?! Ang cute ni pota!!! Grabe. Ang breed n’ya pala is mix ng Maltese and Yorkie. Pwede ring Praying Maltese para more witty! Ang pinaka-owner pala ng dog namin ay si Mr. Reginald Uy. Shout ouch naman, Ermie!🙂 Siya talaga ang pinaka-master ni Roger. Ako naman, parang Tita lang ang peg. And mataray na Tita for that matter. Yung mina-maltrato yung aso kapag wala ang amo level. Charoth:)

Matagal bago kame nag-decide na magka-aso kasi majority sa amin ay ayaw talaga ng aso including myself. Ang chaka kasi nung may mga tae at ihi kung saan-saang part ng bahay, ‘di ba?! TAE yun! Madumi ang tae! Plus the rabies. OMG! The rabies. Alam n’yong nakakaulol ang rabies. Nakagat nga yung isang housemate namin recently, ‘eh. Pero ok naman, so far buhay pa siya. Hindi naman siya takot sa tubig at hindi pa naman bumubula ang bibig n’ya. SO FAR ha. Ewan natin next week.🙂

Pero noong dumating na si Mr. Roger nagbago na ang buhay namin. Naging mas best! Iba pala kapag nand’yan na ang aso. Nakakatuwa! Almost 2 months na sa amin si Mr. Roger at masasabing masaya! Sa sobrang saya nga, bumili pa kame ng isa pang aso. O, ha. Ang breed naman nung second dog namin ay mix na Shitzu and Lhasa Apso. Or pwede ring Lasang Aso. Siya naman ay si Ms. Maria. Super cute n’ya rin talaga! Lalo na yung mata! Grabe. Pang-mayaman yung mata. Ito siya oh!

Pero may twist. Medyo na-evict sa apartment si Ms. Maria last week kasi biglang nagtatampo si Mr. Roger. Nag-iba ang kilos ni Mr. Roger! Parang bigla siyang naging balisa, nagsusuka and all. In short, umaarte! Grabe yung mga aso ha, may artihan din or so-called asohan! Kakahiya naman sa kanila. Tumamlay si Mr. Roger buhat noong dumating si Ms. Maria sa apartment. Ang aarte talaga. So, na-evict na si Ms. Maria for now. Sad talaga. Ang saya pa naman sana nung may 2 dogs sa bahay. Ang hilig talaga mag-eviction sa apartment namin. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo marami na ring napalayas sa apartment namin. Bwahahaha.🙂 Kilala n’yo kung sino kayo. Mention ko pa ba? Char.  Shout ouch naman sa mga napalayas.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbabalik sa dating sigla si Mr. Roger. Ewan ko ba. Ang mysterious ng mga kilos n’ya. Mahihiya yung rosary. Pero sana gumaling na si Mr. Roger at maging bibo na siya ulit. Ang cute pa naman n’ya. Ang dami na n’yang alam na mga tricks. Alam na n’ya ang sit, fetch and up! O, ha. Malapit na n’ya matutunan ang pag-operate ng washing machine, microwave oven at paghuhugas ng plato. WOW. Katulong pala ang peg.🙂 By the way pala, and pangalan ni Mr. Roger at Ms. Maria ay galing sa pangalan ni Roger Federer and Maria Sharapova. Favorite players ni Red ang dalawang ‘yan  kaya ginawa n’yang aso para mapa-sakanya.🙂

Iyon na muna ang chika ko. Ang haba rin ha. Sobrang dami ko pang chika!!! Mamaya may post ulit ako! Ganado, ‘eh! Abangan n’yo mamaya ang pasabog meet up ni Madma kay Mr. Derek Ramsey! OMG! Ichi-chika ko rin ang nakakalokang  meet-up ko sa mga malalakas na bloggers sa bansa! POTA! Mamaya na ‘yan. Shet. Plus, babalik na tayo sa mga payuhan! Promise!!! Dami ko ng pending na stories. Iisa-isahin natin ‘yan!!!

Salamat sa suporta kay Madma! Mahal ko kayo. Kapit lang sa mga pasabog!

Yours truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman kay Ms. Christina Aguilera para sa napaka-bonggang music video na “Your Body!” Tang ina ang lakas ni Ma’am!!! Deadma na lang sa taba ng braso at hita. Lakas maka-Nanay, ‘eh. Pero ang boses, OMG! Napaka-pasabog pa rin. Grabe. Growl kung growl! Andoon pa rin yung “kapal” ng boses at birit ala Christina! ‘Di naapektuhan ng katabaan. Very Christina pa rin! LOVE IT! Ito naman ang kaibahan ni Christina kay Britney Spears. Si Ma’am Britney kasi wala na ngang kalatuy-latoy kumanta, nawala pa ang galing sa pag-sayaw! Diyos ko! So ano na lang babayaran kay Britney?! Kaloka. Pero I still love Britney. Pero nakukulangan na ako sa kanya. Konti na lang makakalimutan ko na siya.

Maganda ang bagong music video ni Christina. Masasabi. Ang daming naganap! At makulay. Though maraming cliche na part, overall is mahusay at talagang ramdam na may-effort. Yung song itself naman is maganda rin. Radio friendly at mataas ang recall. Kaya naman 3.5/5 siya on my Divanometer. WOW. My rating talaga?!🙂

Go, Christina! You are so back, bitch! You are a true artist. Hindi natatakot mag-reinvent! Parang si ultimate idol Ms. Regine Velasquez lang. Go lang nang go, XTina!!! PAK!❤

10 thoughts on “Ang any-any post ni Madma bilang nagbabalik na Diva!

  1. Andami mong iniisip df!!! Baliw ang peg!! Love it. Pero di ba dapat shih tzu, masahe ganyan, shiatsu? Kalerks ha :)) btw, congrats df!! Bagay na bagay sayo to in line na in line sa journalism which is your course at stardom which is your goal!! Tama, nowhere to go but up!! Dadami na naman ang social network mo🙂

  2. Hello MADMA! Grabe yung ang tagal mo nawala. Alam mong clingy kame! Haha.

    Medyo roller coaster din ang post mo today ha. Kelangan mabilis kang magcatch-up or mababaliw ka sa pagka-eni-eni. Haha. Likey ‘to! Pang-matalino lang. Lol. May ere na rin pala.😄

    Sooper cute naman ni Roger!!! :3
    Pwede ko ba siyang dalawin?
    Pwede ko ba siyang kidnapin/dognapin?
    Paki-DM naman your address ples! :p

    • hahaha korek! Nawala rin talaga ako sa blogging industry. Hirap kasi kapag ber months! Daming nagaganap!

      Kyot talaga si Roger! May aso ba kayo?! Dalawin mo! You are so welcome! Message ko sa’yo sa FB ang address namin. Dalawin mo na rin si Benson. Miss ka na n’ya ‘eh. Dalawin mo na siya bago “mahuli” ang lahat. aaaay!!!

      • Haha. Medyo marami ring ganap dito sa South pag ber months. Busy-busyhan rin ang mga tao.

        Pag nagkatime dadalaw ako. :p Grabe yung merong bago “mahuli” ang lahat. Haha. Nakakatuwa naman na may lablayp na si Benson.🙂

      • Dalaw ka! Huwag mong hayaang “mahuli” ang lahaaat!😦 Ang busy talaga ng ber months in general kaya pahirapan ang blogging. haha Super sinisingit ko na lang. Dalaw ka sa apartment namin soon!❤

  3. We are pleased to inform our readers that Ms. Maria is well taken care of. She now resides in Antipolo, the tricycle capital of the Philippines. She enjoys being the center of everyone’s attention. She even gained a few inches around the belly (whilst her legs are still short and dwarfed-ish)
    On a similar note, Mr. Roger has now recovered from his recent emotional trauma. He has regained his appetite, for food and for play. He enjoys his daily walks with his dads, both in the morning and at night. Quite intriguingly, he doesn’t poop when Daddy Red brings him out for a walk. That, however, is not too significant. Also, he has stopped taking a leak and pooping under our 6-seater mahogany dining set and has used the dirty kitch and the cr instead.
    Kudos!

    • Thanks for the update.🙂 Glad to hear that the two dogs are both fine! I love the fact that Roger is now using the dirt kitch and CR when pooping! Great dog.😉 With this, I will try to be more kind to Roger. Less ‘NO.” More “Good Job.”❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s