The Amazing Race Philippines at si Madma

Dear fans and followers,

Sharing naman ulit! Ganado ako ‘eh.😉

Mamaya na pala ang pilot episode ng inaabangang The Amazing Race Philippines sa TV5! Mamayang gabi ay makikita na ng buong Pilipinas ang Pinoy version ng nakakalokang show na ito! Excited na ba kayo?!

By the way ha, na-invite si Madma last Thursday (October 25) sa Preview Party ng The Amazing Race Philippines sa Dragon Bistro sa Timog para manood ng pilot episode ng show. Ang taas nung nai-invite na si Madma sa mga showbiz events. ANG LAKAS NG YTM!🙂  Aminin n’yo! Kinikilala at nilalapitan na rin tayo! :) Nakita ko tuloy ang ilan sa malalakas na bloggers sa bansa sa unang pagkakataon. GRABE! Hardcore bloggers talaga sila. At malalakas ha! Kakaloka. Shout ouch naman sa mga bago kong blogger friends na sina Edcel, Richard, Manny and MJ! Salamat talaga sa pagkalinga sa akin during the event. Ang saya n’yo rin talaga kasama.  Thanks for the company.🙂

Sobrang pogi ni Derek Ramsey! TANGINA! Presence pa lang n’ya, climax na! Ang best nung may exclusive interview kame with Derek Ramsey! NAKAKALOKA! Ultimate crush ko kasi si Derek. Excuse me. Kaya naman, sinigurado ko talagang nasa tabi ni Derek during our interview. Sobrang bango n’ya. Nahiya yung pabango kong Versace. Parang naging Baby Cologne bigla! My god. Sobrang perfect ng mukha n’ya. Parang nakita mo na rin si Lord kapag nakita mo si Derek. Level ‘eh! Eeeeh.🙂

Na-meet ko rin ang lahat ng mga contestants sa The Amazing Race Philippines. Halu-halo talaga ang mga personalities so exciting. Ang standout for me ay si Jervi na taga-UP rin! Woooh. Panalo ang mga banat ni Ma’am. Magaling, witty at matalino. Ikaw ba naman ang Magna Cum Laude ng UP ‘eh. Shout ouch naman sa’yo, girl! Mabuhay ang mga taga-UP CMC! Ikaw na ang ang artista. Galingan n’yo ni Saida ha. Please! Ang light lang nung chikahan natin last time. Sana magka-chika pa tayo soon.😉

Standout din ang Alabang Housewives! SOBRA! Punung-puno ng character at personality. Abangan n’yo sila. Tawa ako nang tawa as a person sa mga kilos nila. Waging-wagi ka Mommy Pam and Vanessa.🙂 Lakas n’yo rin pumarty ha. Natalo n’yo pa ako. Bagets na bagets.😉

Yung ibang  naman tama lang. Tamang pogi, tamang sexy. Ayy, wait. Sorry. Hindi pala tamang pogi ang Football Borthers na sina Anton at Armand. SOBRANG POGI PALA NILA! Kakaloka.🙂 Panalo rin sa itsura ang member ng Magbayaw team na si Dayal. Lakas ng dating. Pota. O, check n’yo ‘tong link na ito para makita aty makilala ang 11 pairs ng The Amazing Race Philippines: http://www.theamazingrace.ph/

Overall, exciting ang show! Masasabi! Lakas maka-drama nung may ulan habang nagre-race. Ramdam mo talagang ginastusan ang show at pinaghirapan. Mataas ang excitement. Mabilis ang pacing. Nakakaaliw ang mga contestants. Panalo rin ang hosting ni Derek Ramsey. Hindi irritating tulad nila Cesar Montano at Xian Lim. Wow. Nag-namedrop talaga?! Kaya naman, ang pilot episode ay 3.5/5 on my Divanometer. Alam kong marami pang pasabog ang show sa mga susunod na araw. Aabangan namin ‘yan!

Congrats sa bumubuo ng The Amazing Race Philippines. Good luck sa ratings n’yo. Sana pumalo.🙂 Salamat sa PR Team ng TV5 lalo na kay Mr. Luigene Yanoria. Alam mong ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Salamat nang bongga, Lui.🙂 Sa uulitin. Bonding tayo soon!🙂

Panoorin mamaya ang pilot ng The Amazing Race Philippines sa TV5 pagkatapos ng Wil Time Bigtime. See it for yourselves, bitches. Share your thoughts after!  GAME!😉

Yours truly,

Madma

P.S. Wala akong camera during the event kaya wala akong pictures. Mahirap! Kukunin ko sa mga blogger friends ang photos para post ko rin dito!

Panoorin ang teaser ng The Amazing Race Philippines! Ito oh!

12 thoughts on “The Amazing Race Philippines at si Madma

  1. Diba yung Jervi ay taga SAMASKOM? Nakita ko siya once nang maghost ako at may cohost ako taga samaskom. well, assumption ko lang naman yun kasi group sila ng samaskom na lumalapit sa cohost ko. Anyway, Hi madma! Avid reader here! Grabe yung hindi ka sumali ng TARP! Next season.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s