Usap Muna Bago Bukaka

Dear Madma,

Avid reader n’yo kame ng mga friends ko ng YTM. Kaka-adik magbasa eh. Tawa kame lage nang tawa! Sobrang laugh trip.

Gusto ko lang itanong, ok lang ba mag-sex agad sa first date pa lang? Meron kasi akong ka-chat tapos magme-meet na kame sa weekend. He seems malibog kasi. Baka bumigay agad ako. Ok lang ba kung patulan ko agad? HELP! Gusto ko na magka-totoong jowa.

More power po. Sana po mag-post pa kayo ng maraming maraming entries!

Sincerely,

CD Rom

____________________________

Dear CD Rom,

Ikaw na ang may-date at may prospect for sex! Nakakaloka ka. Habang kame ay naghahanda para sa palapit na Undas, ikaw ay abala sa pakikipaglandian! Hello naman sa’yo at sa mga friends mo!😉 Super thanks sa pagbabasa ng YTM ha. Grabe di ako nakaka-post lately kasi ang daming nagaganap sa mundo. Parang mage-end of the world na talaga sa December. Charoth. Ang saya ng issue mo. Pang-malandi talaga! Best! Hiyang-hiya yung mga issues ng mga kababayan nating mahihirap na usually ay about pagkain, tubig, kuryente at pera. Ikaw na talaga, CD Rom! Ikaw na yung malandi at mayaman!😉

For me, parang hindi bet ang sex agad sa first date. Parang ang bastos. WOW. Ang linis linis ko talaga. Ako na ang dalisay at puro. :) Pwede bang sa 2nd or 3rd date na lang yung sex? Magpa-init naman muna kayo sa 1st date! GRABE! Ayaw n’yo bang mag-usap muna? Masyado bang boring yung usap lang?! Gusto ‘pag kakita, buka agad?! Not likey!

Generally, naka-depende talaga yan sa hanap mo or sa goal mo. Kung naghahanap ka ng “totoo at seryosong” relationship gaya ng sabi mo, I don’t think na dapat mag-sex agad sa unang kita pa lang. Hindi ito masyadong magandang foundation. Parang aso kasi yung ganun ‘eh. Aso ba kayo? Tahol naman d’yan! Arf, arf. OMG aso nga! Char.😉 While it’s true na kailangang sexually compatible kayo ng ka-relasyon mo, importanteng ma-check mo muna ang intelligence at personality and OTHER important qualities ng ka-date mo. Tamang prioritization lang ‘yan parang pagluluto ng isang masarap na adobo. Gisa muna sa bawang, sibuyas at mantika bago ihalo yung “laman.” Ay, ang taray!🙂 Or gusto mo laman muna tapos ihalo yung bawang bukas then next week na lang ilagay ang mantika? Pwede rin. Landi mo ‘eh. Mai-push lang talaga yung laman sa unahan! Kaya nga binabadbad muna sa suka at toyo ang “laman” para mas masarap, ‘ di ba?! Ganun din dapat sa relationship! Tamang build-up din!🙂

Kung ako talaga ang tatanungin, mas better na gamitin ang first date sa getting to know each other shit regardless kung homosexual or heterosexual relationship ito. Usap muna bago bukaka. Ay, nasabi na rin ang title!🙂 Mag-build muna kayo ng good foundation para mas meaningful ang sex. Otherwise kasi, para ka lang nakipag-sex sa isang callboy. Paraos lang ang peg. Gusto mo ba ‘yun? Sayang naman ang chance for a true relationship kung papairalin agad ang libog sa simula. Baka mapaso lang kayo. Tandaan mo, ang kaning bagong saing, kapag sinubo nakakapaso. At ang kanin, kapag naging biko, may nagluto. Ano raw?!

On the other hand, kung landian lang talaga ang goal mo sa ka-date mo, sex na agad. Aarte pa?! Ang daming “tigang” sa mundo ha. Well, hindi ako kasama doon. WOW!!!:)  Super blessed ka na. Basta safe sex lang ha. Alam mong dapat ma-ingat tayo sa mga “sinusubo” at “pinapasok” sa ating katawan.😉 Hindi ko naman dini-discount yung fact na may mga successful relationships na nag-simula sa sex. May mga ganung couples naman talaga. Pero konti lang sila. At mga pinagpala. So, I suggest na doon ka lang sa sigurado at subok na strategies.

Take it from Madma, mag-usap muna kayo sa first date n’yo. Huwag kayong magmadali. Manood kayo ng sine, kumain, at tumawa. Or pwede ring kumain, tumawa at mag-sine. Bahala na kayo sa order. Ako pa ba ang magsasabi?! Char.🙂 Hindi naman kailangang sa kama agad ang punta! Don’t spoil this chance. Sayang. Kung malibog ang ka-date mo, doblehin mo ang self-control mo. Kung sa una pa lang hindi na ma-set ng tama ang mga bagay-bagay, wala na. Baka mag-end up na lang kayong fubu! Sayang ang true love!🙂

Yun lang naman. Na-miss ko ang payuhang ganito. AS IN!

We wish you all the best, CD Rom. Balitaan mo kame ha. Kaya mo ‘yan!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://lifeand100books.com/tag/running-with-scissors/)

P.S. Wala nang makakapigil sa pagbabalik ng mga payo ni Madma! Kaya kung may nguyngoy kayo, isulat n’yo na at pag-usapan natin ‘yan! Email n’yo lang ang ngasngas n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com. Promise, sasagot ako!

I love you all!

13 thoughts on “Usap Muna Bago Bukaka

  1. Super funny reply, Managee. Ang payo mo ay busilak, dalisay, at puro–ideal nga. Pero maigi ng ideal, kesa naman walang kahinatnan ang lahat. Tama ka, konti lang yung relationship na sex agad ang nag-flourish. Dapat talaga matalinong foundation muna–tapos sunod na yung tawag ng laman. Kung fubu-han lang naman, attack! Protection lang please. Alam nyong pataas nang pataas ang ratings ng Aida sa manila..pa lang…sa manila pa lang to ha!! Enjoy!
    Pis.

    • wahaha. Grabe yung unang comment ka, Manager. haha Suportado mo rin talaga ang pagbabalik-payo ng Managee mo. haha I soo love you.❤

      Gusto ko yung "matalinong foundation" muna. hahaha Idol kita when it comes to relationship eh. Alam mo yan. At consistent ka talagang may issue sa AIDA ha. hahaha

  2. Perst! Yes!! Di ba? Ang natutunan ko sa relationship (1) dapat may growth (2) dapat sabay naggo-grow (3) walang baguhan ng personality–pero dapat open to behavior modification para sa mga ugaling hindi ka-Sharmaine sharmaine…arNAIS (4) open communication kung saan paiiralin ang Johari’s window (5) intelligent conversation ay precursor sa growth ng baway isa at ng relationship (6) aspirations at goal setting ay ginagawa together–start with short term goals on the first few years at wag mag lolong-term on the first year because it’s overwhelming (7) expectations change–it even has a cycle kaya dapat open minded and understanding. there are times when one feels unhappy and unfulfilled, and then after some time, the other feels the same way–so give and take (8) never force someone to like what you enjoy. in this case, enjoy what you love (doing) on your “me” time, but find other things that both of you enjoy. (9) build a support system between you and your partner (10) sex.
    Oh see..last yung sex.

  3. Natawa ako sa aso at tahol part…. Ahahaha. Pnalo tawa ko dun!

    Ganito ako nung kabataan ko at mapusok pa ako… Yung wala pa akong pinagkatandaan sa buhay… Sex agad sa 1st eb. Minsan yung ka eb ko na yung nagkokontrol kase pa virgin sila. Well they all ended up as failures…

    Tama si madma. I suggest takamin nyo muna ang isat isa sa first date… Like handjob sa illim ng mesa sa jollibee. Or finger habang nkasakay kayo sa fx. Mga ganyan. Wag muna bukka teh… Get to know him first. Malay mo sa 2nd date nyo sabihin nya na me AIDS pala cya, tas bumigay k sa 1st date a lang. Patay ka… Kilalanin mo muna.

    More power sayo at welcome back madma. Mejo di rin ako nkakabisita sa YTM lately kasi busy sa work at studies. Tsaka me nagsabi kasi sa akin through a pm na masyado akong mapapel dito. Which is not good. So lilo muna ako, hehe.

    • Hello, Ron! Miss na kitaaaa! Tangina nung handjob sa Jollibee! PANALO! hahaha magawa nga. WOW.❤

      Alam mo, ang laki na rin talaga ng pinagbago mo ha. Masasabing mature ka na. Good job! Winner 'to oh "Malay mo sa 2nd date nyo sabihin nya na me AIDS pala cya, tas bumigay k sa 1st date a lang. Patay ka" WAHAHA! PAK na PAK!

      Sino nagsabing ma-papel ka rito, sasapakin ko! Grabe! Blog mo rin 'to. Alam mo 'yan.🙂 Bonding tayo pagbalik mo. Which is malapit na!

  4. hi cd rom, ang compact siguro ng chorna mo kaya ganyan ang code name mo no? or yung memory mo e talaga namang read-only lang kumbaga e walang nasstore, ganyan ka ba magmahal kaya papayag kang sex-sex na lang muna? wuw, nagenjoy din sa code name analysis. lately talaga ginaganahan ako maganalyze minus the fact na psychology talaga ang course ko.. ang saya magcontent analysis ganyan.. kaya naman hindi kita papayuhan gaya ng mga nasa taas, Hi roni & TF!!🙂 grabe friendship based ng blog ni madma!!

    anyway, yun nga sa atake ng tanong mo, i think nangyari na to. humahanap ka lang ng affirmation kay madma para naman maassert mo na socially acceptable lang yan, ang leading kasi ng question mo, “ok lang ba?” pwede mo kasing itanong ang questions na hindi answerable with yes or no. yun medyo unbiased. ‘Baka bumigay agad ako” – Tama si Madma malandi ka nga pero hindi necessarily na masama yun, Description yun e. Walang right or wrong. Plain adjective lang. Congrats kasi kilala mo ang sarili mo, maraming kulang pa sa information about themselves. alam mo ang tendencies mo as a person.

    lastly, “gusto ko na magka-totoong jowa” – meaning madami kang jowa jowaan hindi totoo, puro fubu lang. yan ang atake mo. well, yan ka e, jan ka sumaya so ang masasabi ko lang ang totoong jowa naman puro seks din pero yun nga dapat kilalanin nyo ang isat isa, nagkakasundo ba kayo, masaya ka ba pag kasama mo sya? ikaw lang din magdedecide kung totoo na ang isang bagay. nasa iyo lahat ang control kasi ikaw yung may kakaibang trip – kakaiba again hindi naman sya masama.

    is it the right time para magshift na sa socially acceptable – happy ending driven kind of relationship. ikaw ang humusga. ikaw ang magdesisyon. hindi ako magpapayo. basta ikaw ang nakakaramdam nyan. narito lang ako para maganalisa:)

    • WAHAHAHA Nakakalokaaaa. Analysis much?! hahaha Nagbabalik na rin talaga ang resident Psychologist ng YTM. Love it! haha Ang best ng payo mo, DF. Natodo mo rin ha. Gusto ko talaga ang atake mo as Pyschologist. Laging bordering to judgmental. hahaha. Ang friendship-based nga ng comeback ni Madma. Which is LIKEY.🙂

      Salamat sa support, DF. Kapit ka lang sa mga pasabog soon.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s