Sobrang sakit…ang sakit-sakit…

 

Hi, Madma!

I’m so happy na talagang walang kagatol-gatol sa pagtaas ang ratings ng kinababaliwan ng lahat na YTM! Kabog lahat ng blogs ‘teh! Ikaw na.. No, Tito boy. Ikaw na! Hahaha

Anyway, sana matulungan mo ako Madma sa aking nguynguy for today.. Mejo masakit kasi talaga ang kinahinatnan ng aking love story at fresh na fresh pa ang lahat ng pangyayari. Actually Madma, meron akong recently failed relationship with my jowa. Here’s the story.

Almost 7 years na kami ng jowa ko na itago na lang natin sa pangalan na Marvin (oha! ipinangalan ko talaga sayo. choz!). Just last week, nakipag-break sya sakin.😦 Marami kaming petty fights at may times na nagb-break na rin kami pero ilang minutes lang, nagiging okay na lahat. Just last week, parang nagbago ikot ng mundo at sya mismo ang nagsabing “ayoko na…”. Nasasaktan ako Madma kasi hindi ko naman akalain na aabot kami sa puntong ito.

Actually, may times na iniisip na rin namin ang wedding kasi 30y/o na rin naman ako at sya naman e 27 y/o. Alam mo ‘yun? Nangangarap kami na in the future ‘eh magpapakasal din kami. Okay kami sa family ng bawat isa. As in family ang turingan, both sides ganun. Expected na nga ng lahat na ikakasal kami in the years to come ‘eh.. Tapos biglang last week, parang bigla na lang s’yang bumigay nang hindi ko alam! Hindi na daw s’ya masaya samin.. Ang pinakanasaktan ako na part ‘eh nung sinabi n’yang wala na pala s’yang plano sa akin/sa amin after all! Na hindi daw n’ya nakikita na kami ang magkakatuluyan in the future. Pucha! Sobrang nasaktan ako Madma kasi parang all this time, parang naglolokohan lang pala kami! Na parang ako lang pala yung nangangarap para sa aming dalawa.. As in! Perfect nga sakin ung kantang Pusong Bato ngayon ‘eh.. Bigla kasi s’yang nagpusong bato! Di ko alam saan n’ya kinukuha yung pagiging matigas n’ya ngayon sa pagtrato sa akin. Halos ipagtabuyan ako ‘eh!😦 Isa sa mga naiisip kong dahilan is baka napupuno na s’ya sa akin kasi naman ‘eh may katarayan din akong taglay at ako ung mas dominante sa relationship pero wino-work out naman namin ‘yun. Just this time, sinabi n’ya na he wants to decide on his own (read: na wala ako..) kasi malaki daw impact ko sa pagdedesisyon n’ya sa buhay. Ang akin naman ‘eh para din sa ikakabuti n’ya ung mga iniisip kong reasons kaya tinutulungan ko s’ya mag-decide.

Ayun, malungkot ako at nasasaktan sa mga pangyayari kasi never ko naisip na aabot kami sa ganito. Na parang nabalewala na lahat nang isang iglap lang. Kasi nung sinabi n’yang wala s’yang plano sa akin (na pakasalan, etc.), parang lumubog talaga ko sa lupa na balewala lang ung buong 7 years namin together kasi WALA PALA SYANG PLANO! Sana man lang pinapaghanda n’ya ko sa pangyayaring ito kasi masyadong masakit. Iniisip ko nga ‘eh baka may babae s’ya para maging ganon s’ya ngayon, na kayang kaya n’ya akong tiisin kahit na alam n’ya sobra akong nasasaktan. Alam ko may mali rin ako sa mga pangyayaring ito pero hindi ko alam ang gagawin ko talaga. Parang antanda ko na para ma-inlove ulit sa iba. Literal na di ako makakain at makatulog (wow! pusong bato talaga ang peg!) sa mga pangyayaring ito..

Sana matulungan mo ako, Madma. Mahal ka namin.

PS. First bf/gf namin ang isa’t isa. Oo, 24 na ako nung unang nagka-boypren. hehe.

Nagmamahal,

Pusang Bato

____________________________________

Dear Pusang Bato,

Sniff. Sniff. Tissue please.😦

OMG! Ang dramaaaaa! Ramdam ko yung bigat na dala mo sa puso mo. Haaay. I feel for you, girl. Hug naman natin si Pusang Bato, guys!😦 Grabe, ang bigat nito for you. Pota. Nakakaloka. Uy, huwag ka namang mag-suicide ha! Kalma lang. Nasa-sad ako na marinig ang story mo at I’m sure malulungkot din ang mga fans ng YTM. Seven years din ang relationship n’yo ha. Medyo matagal rin talaga kayo ni Marvin so hindi kita masisisi kung maloka ka like that.😦 By the way, ang pasabog nung pinangalan mo talaga sa akin yung ex mo ha. Sa totoo lang hindi na ako sanay na naririnig yung tunay kong pangalan. Wala na yatang tumatawag sa akin using my real name. Parang ibang tao na si “Marvin” kapag naririnig ko. Char.😉 Ano ba ‘yan sa akin na naman napunta ang usapan. Focus nga!

First of all, nakakatuwang nare-recognize mo yung mga fault mo sa relationship n’yo. This goes to show na mature ka ring tao.🙂 Sa lahat naman ng failed relationship, lagi’t lagi namang kasalanan ito ng both parties. Nakakahiya naman kung KAME yung may kasalanan kung bakit kayo nag-break, ‘di ba?! Sabi nga nila, it takes two to tango and it takes 3 to Tinikling. But it only takes one to interpretative dance. Ano ba!🙂 Gusto ko yung may ownership ka rin sa mga mali mo. Good job ka sa part na ito!

Alam kong double whammy ang sakit na nararamdaman mo. Una, yung fact na break na kayo at wala na si Marvin sa buhay mo and second, yung part na wala pala siyang plan na pakasalan ka after all. SAKIT NAMAN! Ouch talaga.😦 Mapapa-mura ka talaga sa sakit! Lagyan mo na lang muna ng asin at kalamansi ang puso mo para di kumirot. Charoth.🙂 Well, hindi ko naman alam kung ano ba ang naging dynamics ng relationship n’yo noong kayo pa. Hindi ko ma-gauge kung bakit sumuko si Marvin sa’yo all of a sudden after almost 7 years. Baka naman kasi sobrang bitch mo ha. Na tipong pati pagkamot sa likuran mo ay papagawa mo pa sa kanya. Wow. Ang reyna di ng asta ha.😉 Hindi ko naman magawang magalit kay Marvin kasi hindi ko alam ang side n’ya. I’m sure may mabigat din siyang reason kaya iniwan ka n’ya. Hindi kaya bading na siya?! Char.😉 Generally, mababait naman ang mga Marvin tsaka talented tsaka loving. Tingnan mo ako.  WOW. Ang perfect!🙂 Grabe yung parang kampi ako sa kanya ha. Hindi kase.

Well, since break na kayo, wala na akong ibang sasabihin kundi ang mag-move on ka na. Pota. Ito yung hardest part kaya kumapit ka talaga nang todo! Mahirap ito. Hindi ito madali. Maloloka ka along the way. Mauulol. Pero just go with the flow. :) Itodo mo lang hanggang mawala ang sakit. Sa maniwala ka at sa hindi, makaka-move ka. Matatapos din ang sakit. O sige, what if ligawan ka ni Derek Ramsey bukas, hindi ka ba makaka-move on agad?! Tang ina, kung ako ‘yan super saya ko na agad! Lampake kay ex. Si Derek ‘yun. Diyos ‘yun. Pota.🙂 Mag-go through ka lang sa process of moving on. Iyak lang kung bet mo, kumain ka kung gusto mo. Magkulong ka sa kwarto if you want, maglasing, mag-shower tapos iyak sabay dialogue na “ang dumi-dumi ko,” makinig ka sa love songs, tingnan mo yung pictures n’yo together, lahat! Basta huwag ka lang magpapakamatay ha. Kasi tapos na talaga ‘yun. Wala na talagang kasunod.  Ine-enjoy din ang pain gaya ng pag-enjoy sa love. After all, pain is also an emotion. Ultimately, matatapos din ‘yan. Gaya ng kwento sa isang pelikula, matatapos din ang lahat.😉

Hindi ka pa matanda para ma-inlove ulit. Huwag mong sabihin ‘yan. Hello, Madam Auring, Mahal and Dr. Vicky Belo. Walang bata or matanda sa love so huwag mong isipin ang part na ito. Hindi pa matanda ang 30 years old ha! Malakas pa ‘yan bumayo! Kung matanda ang 30 years old, anong tawag sa mga 60 years old? Aswang? Ngeee. Char.🙂 Si idol Regine Velasquez nga, ‘di ba? 41 years old na noong kinasal at nagka-anak. In short, may love na darating para sa iyo. Ok na rin na naghiwalay kayo ngayon kasi after all pala is walang balak si Marvin na pakasalan ka. At least, mayroon ka pang 20-30 years na natitira para mahanap ang lalaking papakasalan ka at ibabahay ka! I think sapat na pahanon pa ‘yan. Sa tingin ko naman, naisip din ni Marvin na pakasalan ka at some point. Naniniwala ako d’yan. ‘Yun nga lang, mas nananig ang pagka-bitch mo. Char.🙂

Huwag mong hayaang tumigas na parang bato ang puso mo. Maging maingat ka. Tamang nurture lang sa pain. Alam naming walang ibang makakapagpaliwanag ng sakit na ‘yan kundi ikaw. Ikaw yung bida ‘eh.🙂 Kaya mo ‘yan. Makakalimutan mo rin si Marvin.

Take it from Madma, tama na ang sisihan at nguynguyan.Tama na ang self-pitty and all. Iniwan ka na ni Marvin and harapin mo ‘yan. Grabe nira-rub in pa ‘eh ‘no. ;) Lumapit ka sa mga kaibigan, family mo at lahat ng love ones mo para samahan ka habang nagpapagaling ng sugat sa iyong puso. ‘Yang ang purpose nila. Gamitin mo sila.🙂 Lahat ng bagay ay nangyayari for a reason. Hindi man ako religious na tao, naniniwala ako d’yan. As to anong reason, hindi ko alam. Basta! Wow. Give-up si Madma.🙂 May magandang bagay na nakalaan para sa’yo. Lahat ng bagyo at unos sa buhay ay natatapos. Lagit’ lagi, sisikat ang liwanag pagkatapos ng kadiliman. Alam na alam ito ng mga super heroes. Ito ang training sa kanila ‘eh.

Kaya mo ‘yan, Pusang Bato! Ako, sampu ng mga kabigan mo, ay nakasuporta sa pagmo-move on mo. Mahal ka namin. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa mga susunod na araw.

Yours truly,

Madma

(The photo above is lifted from this site: http://www.christart.com/clipart/image/stone-heart)

P.S. OMG! Malapit na ang Halloween!!! Kaya naman, may Halloween Special din si Madma sa YTM! Padala naman kayo ng horror stories. Magtakutan tayo sa buong linggong ito. Dali!!! Mahilig ako sa horror, alam n’yo ‘yan. GAME. Send your best and scariest horror story at ife-feature ko ‘yan sa YTM! Padala na kayo ha. Takutin n’yo kame. Let’s go!

(The photo is from: http://www.internetmonk.com/archive/the-internet-monk-annual-halloween-rant-2)

Send your horror story sa yourstrulymadma@gmail.com. Excited na ako! Padala na kayo! Labanan natin ang Halloween Special ng MGB.🙂

8 thoughts on “Sobrang sakit…ang sakit-sakit…

  1. Mother ang galing mo talaga, walang sakit!..kahit ang sakit sakit ng sexperience nito. Buti naman at ipinagpatuloy mo na ang pag blog uli. pwede mag advice kay pusang biyak este pusong bato? Girl, after a break up paganda ka ng todo, re-launch a hobby na nalimutan mo na or have a new one. ako, after ng break up ko, i studied French. Parle vous Francaise? Nagtravel, nag-gym (lakas din ha), nagka-abs, nawala yung abs, lumandi, nag mellow down, nag-aral sa ibang bansa, nagdate, nasaktan, nasiyahan. 4 years din yun. oks lang. yakang yaka. o yan ha,advice yan. may darating pa sayo. you dont need to change a thing. may lalaking naghahanap ng Miss Ta[pia figure sa buhay nila. hanapin mo na lang. a-men.

    • Tang ina nung Parle vous Francaise? wahaha Nakakayaman! hahaha Gusto ko yung atakeng magpaganda nang todo after break up! Bet na bet. Napaka-healthy and mature. Pasok na pasok. Grabe, relate na relate ka talaga ha. Iba rin talaga yung may “personal” touch. haha Miss you, Seph. Ikaw na ang pupunta sa Star Awards!

  2. We are very much pleased with the ratings jump from more than a hundred to seventy as of this posting. Good job, Managee!
    Keep it up!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s