Bumigay sa Kakabayo

Hello Madma,

Gusto ko lang marinig ang payo mo sa situation ko. Currently may ka-fubu ako. About 5 months na rin kaming ganito. Pero nitong mga nakaraang araw eh parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pakshet talaga. Ang sweet kasi eh. Ang galeng pa sa kama. I think I’m beginning to like him. Paano kaya ito? Sana matulungan mo ako.

Congrats pala sa success ng blog mo. Ganda basahin. May aral talaga at sense.

More power.

-Asshole

P.S. Pareho po kameng lalaki.🙂

__________________________________

Dear Asshole,

OMG! Ang dudumi n’yo! Mag-banlaw nga kayo ng tubig na may Holy Water. Char.😉 Ako na talaga yung malinis at sugo ni Mama Mary. Ang hot naman ng story mo. Kakaloka ka. At ang fierce ng name mo ha. Asshole talaga?! Ok, sige. Bigay ko ‘yan sa’yo. Deadma na sa MTRCB.😉 Avail mo naman yung napili kong title para sa entry mo! Bagay na bagay sa palaban mong kwento: “Bumigay sa Kakabayo.” O, ‘di ba?! Titillating. Tabloid level. Very pang-masa. Hiyang-hiya ang Remate at Tiktik. Ka-level ‘to ng mga storya na “3 Babae, Inundayan ng Saksak ng Isang Kelot.” O kaya “Salisi Gang, Niratrat ang Isang bahay sa QC.” Or pwede ring “Lolo, Inutas ang Apo.” Pak na pak!🙂

Ang hot talagang may ka-fubu ka. Ikaw na ang panay panay! Ikaw na ang “nadidiligan” lagi. Talo mo pa ang mga lupain sa Isabela na balita ko ay tuyo’t na tuyot na. Shout ouch naman sa mga Kababayan nating taga-Isabela! Naimbag nga bigat kadakayo amin. WOW.  Showcase naman ng mga dialects!😉 Ang hilig mo siguro sa sex, Asshole. Try naman natin together. ‘Di mo na rin naitatanong, medyo “bihasa” rin ako sa mga ganitong labanan. CHAROTH!

Anyway, naku, ang hirap naman ng kalagayan mo. Medyo delikado. Personally, I don’t advise na ma-fall ka sa ka-fubu mo. Nakaka-turn off kasi yun, ‘di ba? Yung biglang aarte bigla kahit na malinaw naman yung usapan? Feeling ko, talo ka kapag tinuloy mo ‘yang ma-inlove ka! Paano kung naglalaro lang talaga siya? Patay na! Dapat sabay ka lang sa laro. Kung ang laro ay patintero, huwag kang maglaro ng sungka. Ganun lang yan.🙂 Hindi ko bet na ma-fall ka sa ka-fubu mo kasi maraming nega consequences na most likely mangyari. Pwedeng ma-turn off siya sa’yo at iwan ka na kasi ang arte-arte mo. Alam mo naman ang malalandi, ayaw ng artihan! Sayang naman ang “masasayang” sandali n’yo together. Or pwedeng maging kayo nga pero may iba pa siyang ka-fubu on the side kasi malandi siya kagaya mo. Char.🙂 Gusto mo ba ‘yun? May ibang tumitikim sa paborito mong putahe?! Or pwede rin namang maging kayo for real tapos magiging kayo na forever. Aaay. ‘Yan ang gusto mong marinig. Umamin ka! Che.

Sorry naman kung medyo nega ang take ko rito. Concerned lang ako sa’yo. Naks! Ang chaka kasi nung sa fubu nagsimula ang relationship ‘eh. Hindi ko talaga ito aprubado. Mataas ang chance ng hiwalayan sa mga ganitong klase ng relasyon. Though again, may mga nagtatagumpay naman.🙂 Tandaan mo, nawawala ang gana sa sex eventually at naiiwan ang companionship at friendship sa huli. Ultimately, mas importante ang ito kaysa sa sex. Grabe, para na akong si Dra. Margie Holmes! Kakaloka.😉 Basta ang akin, kung ang hanap mo ay lasting relationship, I don’t go for this one. Baka masaktan ka lang. Baka ma-spoil ang magandang sexual experience n’yo.

On the other hand, kung hand ka namang masaktan at handa kang sumugal, go na! Ano lang ba naman ang umiyak after. :) Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo at pag-usapan n’yo ito. Kung bet n’ya ituloy, congrats! Kung hindi naman, so be it and move on. Wow. Ang dali lang pala!🙂 Pwede n’yo rin namang i-angat sa next level ang relationship n’yo at magkakilala pa kayo sa iba pang aspeto ng pagkatao n’yo. Pwede rin naman ang option na ito. Ayaw ko namang i-judge ang pagkatao ng ka-fubu mo. Bibigay ko pa rin ang benefit of the “daw” sa kanya. Kung pumayag siya na i-next level, pwede naman kayong bumuo ng isang totoong relationship at mag-build ng totoong friendship and companionship para mas strong ang foundation n’yo. Ang daming possibilities! Nakakaloka!🙂

Take it from Madma, bahala ka na. WOW. Give up?! 🙂 Susuportahan ka na lang namin sa gusto mo. Kung sakaling magtapat ka at mabigo, sulatan mo ulit ako para ma-update naman kame. Mahirap kasi talaga ang dynamics ng homosexual relationship ‘eh. Kakabaliw. Daming twist. Hindi ko kabisado. Siguro, pinaka-maipapayo ko lang is maging aware ka lang sa magiging consequences. Just be ready and be open sa mga magaganap na pagbabago once na magtapat ka sa kanya. Mahalaga kasi yung nae-entertain natin ang lahat ng possibilities kasi somehow, nagiging handa tayo sa kung anuman ang magaganap. Grabe yung na-inlove ka talaga ha. Siguro naabot na n’ya ang pinaka-rurok ng pagkatao mo. WOW. Ano baaaa!🙂

So, yun naman. Sana may napulot ka sa mga sinabi ko. Medyo nasa-Holiday mode na kasi ang utak ko ‘eh. Baka factor ‘yun kaya parang ang ligalig ko.🙂

Galingan mo! We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://hardtimes.ca/liferuiner)

P.S. Malapit na ang Halloween Special ng Yours Truly, Madma! Kung mayroon kang nakakatakot na karanasan, sumulat na para ma-feature natin stories n’yo. Takutan naman tayo sa YTM! Send your horror stories sa yourstrulymadma@gmail.com. GAME NA! Horror na! Gustong-gusto ko pa naman ang takutan.

Long weekend na mamaya! POTA! Best! Gimik naaaaaaaaaaaa!❤

P.P.S. Gusto ko pala i-share ‘tong NAKAKALOKANG performance ni idol Regine Velasquez last Sunday. Tang inaaaa. Sooobrang galing! Ito ang version n’ya ng song na “Blue Suede Shoes.” Kingina. Nahiya si Elvis Presley! Sooobrang payat na ni Regine. Ano na Sharon Cuneta? Wala ng plano pumayat? Letchon level na lang?!

Ang ganda ng boses ni Ate Reg sa video na ito.  Her voice is soooo back! Take note ha, nakaupo lang siya! Pota. Kaya naman excited na ako sa concert n’ya sa November 16! WOOOOH!

Regine is love.❤

Watch n’yo ‘to! DALI!!!

11 thoughts on “Bumigay sa Kakabayo

  1. since kalilindol lang dito sa ating area, ang tanong e, how much can you shake your own world? Kaya mo ba itong alugin hanggang sa tuluyan masira, o hanggang kembot-kembot lang/arti lang/bagot lang sa kakantot mode?

    Why did i ask this? Kasi only from a totally devastated state can a new world be born. Kung handa ka nang mawala ang fubu state mo, tama si Madma with the two presented possibilities, mawala totally yung relasyon ninyo as fubu or you live happily ever after like a love song baby.

    Ayan madma, gusto ko na ulit ang mga kwentuhan. anu ba naman kasi yung may babaeng dito nakikilovestory. ano susunod, tomboyan na? MADMA, BAKIT MO SILA INE-ENTERTAIN!

    cheka lang! as in! hehe

    (Though cheka lang and hehe are half meant)

    • waahaha. Tangina! Kapag baklaan ang topic, talagang nagunguna ka, Bette! Bakla ka ba?! wahahaha Nakakaloka yung mai-konek din yung “lindol” ha, na by the way eh hindi naramdaman dito sa may Intramuros area. May wall kasi dito na itinayo ng mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila. WOW.

      Ramdam ko yung “personal touch” sa topic. BAKIT KAYA?! May ka-fubu ka ba before? Or may ka-fubu ka NGAYON?! wahahaha

      Miss you, Bette! Ang init ng ulo mo sa hetero issue. hahaha Lam na.❤

  2. Napanuod mo ba yung latest ep ng New Girl (S02E06, Hallowee)? May ka-fubu si Jess (Zooey) dun, tapos nag fall sya, tapos nagtapat sya, tapos sabi nung ka-fubu nya, hindi daw yun ang gusto nya, tapos iniwan na nya si Jess. Naging matatag si Jess at hindi umiyak, kumbaga, suntok sa buwan eh, alam nyang may risk, pero keriberi naman sya kung anumang mangyari.

    Ganun lang. I-take mo yung consequence ng gagawin mo. Pag inamin mo at okay naman sya, win-win. Pag ayaw nya, pwedeng fubu pa din kayo, or wala na at all. Anu bang mas importante sa’yo? Yung meron kang access sa masarap ikama palagi o yung feelings mo? Kung anumang mas importante, dun mo ibase ang magiging desisyon mo.

  3. kung ako sayo asshole. kebs na, ganyan ang mga lalaki. ayw ng arte. kung gusto gusto, kung ayaw ayaw. kelangan mo lang sabihin. kung gsuto na tapusin, eh di tapusin! isang nguynguyan alng ang katapat nyan after that move on na din. so there. bye. impake pa ko.

  4. Kelangan ko lang magkoment! Ang saya nitong topic na ito at ngayon ko lang nabasa. Anyhoo, asshole ang mapapayo ko sa iyo, tantyahin mo yang ka-kangkangan mo, kung more than being a fubu eh boyfriend material din siya. Kung gusto mo talaga siya at handa ka na hindi na muna makita ang nota, eh di gow sabihin mo agad. Pero kung ako yan ha, kung ako lang naman, i will make him fall in love with me nang hindi nya nalalaman tapos hahayaan ko na siya unang magsabi. Medyo maeffort lang, pero worth it naman.🙂 Dito kelangan gawin yung pailalim na atake para enjoy pa rin sa seggxetoym! Ewan ko, may sense ba ko?🙂

    Hi madma! Nakakatawa at nagcomment rin si kuya abet at dax🙂 Haha

    • Hello, Karmen! hahaha Alam na alam naman nating ‘bihasa” sa topic na ito si Dax at Abet. hahaha Ang best nung you will make your ka-fubu fall in love with you! Ito ba yung naging atake mo kay Tol?! Effective ha! hahaha Ang effort pero “worth it.” Miss you, Karmen.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s