Si Madma at ang 1st Netizen’s Choice Award

Dear fans and followers,

Nakakatuwa naman na muling na-invite si Madma para lumahok at magbigay ng hatol sa 1st Netizen’s Choice Award particularly sa Blogger’s Choice for the Most Favorite TV Station category. SHOUT OUCH naman sa lahat ng mga bumubuo ng kauna-unahang Netizen’s Choice Award! Ang taray n’yo! Very commendable ‘tong breakthrough project na ito. 🙂 Ang lakas na rin talaga ng boses ng mga Netizens nowadays ha. Finally, may award-giving body na kung saan ang mga judges ay mga ordinaryong bloggers and internet users. Bongga!!! Ka-level na ito ng FAMAS, Gawad Urian, Luna Awards, PMPC Star Awards, Golden Screen Awards etc. Aarte pa ba?!

Sa totoo lang, nahihirapan ako mamili ng Favorite TV Station kasi marami akong personal issues sa Philippine free TV. Ang nega rin agad ng entrada ha! In fact, hindi na ako masyadong nanonood ng free TV kahit na may 42 inches na flat TV kame at naka-surround ang buong sala (black leather sala set) sa apartment namin. Ansabe?! Wala bang kayong ganung TV at sala set?  OMG! Basic na ‘yang mga ‘yan! Ka-level na sila ng tubig, kuryente, pagkain at hangin. Ang hihirap n’yo naman. Hug nga. Char! 🙂

Like I said, hindi ako masyadong nanonood ng free TV nowadays sa kabila ng napakagandang amenities at cozy ambiance sa apartment namin. Maliban sa busy ako sa social life, wala rin naman talagang masyadong magagandang palabas sa TV na makakapigil sa akin sa paggala. Sobrang mapili ako sa mga pinapanood ko na mga TV shows. Very critical ang Madma n’yo pagdating dito. As in! Ang dami kasing chakang shows sa free TV ‘eh. Huwag n’yo akong simulan! Kakawalang-gana. Kakasawa. Kakaburyong. Mas masarap pa maglaba gamit ang aming Electrolux 8.5kg Top Load Washer. Mas productive pa ‘to. At least nakatuyo ka pa! Ang dami rin naming mamahaling gamit sa apartment ‘no? Kayo ba may washing machine? OMG parang wala. Anong gamit n’yo sa paglalaba? Kamay at paa lang? Ang “MANUAL” ha. Haaay. Charoth! 🙂

‘Eh ano lang ba kasi ang napapanood sa free TV ngayon?! Puro soap operas na may paulit-ulit at nakakaumay na plot, same format na mga game shows, talk shows, news shows etc. Nag-iiba lang ang title, pero basically the SAME. Sa una may attempt na maging “innovative,” pero at the end, lalo na kung hindi nag-rate, babalik din sa old format. Haaay… Kakaloka! Tapos ito pa, nauuso rin ngayon ang remakes ngayon. Naku po. Yung mga dating Pinoy films na ginagawang soap opera. Alam na alam n’yo kung anong mga shows ‘to. Then laganap na rin ang pagpasok and pag-localize ng mga syndicated shows. Puro na lang pag-angkat ng mga hit na foreign shows tapos ipapalabas sa atin para sure na mag-rate. Haaay… Sad but true. 😦

Naalala ko noon ang sabi ng isa kong professor sa UP College of Mass Communications. Sabi n’ya and I quote, “kung ayaw n’yo ang isang palabas, patayin n’yo ang TV n’yo.” True enough! In a way, para ka na ring nag-boycott, ‘di ba? At least may ginagawa ka. At least naipakita mo na hindi ka sang-ayon sa isang programa. Kaya naman yung TV namin ‘eh lagi rin talagang nakapatay. Ako personally, binubuksan ko lang ang TV namin kapag may appearance si idol Regine Velasquez. Puro foreign TV series and films na lang pinapanood sa apartment. Tsaka porn pala. CHAR! 🙂 Nami-miss ko yung pagka-ulol ko dati sa free TV! Yung talagang hooked na hooked level! Yung papatay ka talaga  para lang mapanood ang favorite TV show mo. Yung tipong ititigil mo lahat ng ginagawa mo, kahit sex pa ‘yan, para hindi ma-miss ang paborito mong palabas. Kumbaga, “i-miss mo na ang regla mo, huwag lang ang mga shows na ito.”

Sa nakalipas na 10 years, dalawang programs lang ang naaalala kong nagpa-ulol sa akin ng ganung level: ang teleseryeng “Lobo” ni Angel Locsin and “Magkaribal” nila Gretchen Barreto and Bea Alonzo. TANGINA! Huwag mo akong kakausapin kapag palabas ang mga shows na ‘yan! At huwag na huwag ka ring magkakamaling ilipat ang TV kasi dadanak ang dugo sa sala! Shet. Kahit itabi mo sa akin ang poging nakahubad, believe mo, mapapanis lang ‘yan! OR. 🙂 Nakikinood pa ako sa kapitbahay, karinderya, restaurant, sa Cherry mobile or kung saan man ako abutan. Na-miss ko yung ganung attachment sa TV! Pota. In fairness naman sa “Lobo” at “Magkaribal,” quality show talaga! Aminin n’yo ‘yan. Ramdam mo yung effort ng mga shows na ito sa bawat eksena. Alam mo talagang pinaghirapan. Matalino, maayos at pasabog!

Alam ko namang may mga media people na nage-exert ng effort para sa pagbabago ng Philippine free TV in their own little way. And I commend them for that. 🙂 Ang dami ko rin kayang friends sa media and I know their sentiments. Alam kong may mga tao pa rin sa media na nagtataguyod at nagsusulong ng mga innovative, disente at marangal na mga palabas para sa mga viewers. Yun nga lang, maraming MAS powerful sa kanila at higit na malalakas na tao kaya hindi nasu-sustain ang efforts. Sayang talaga. Ang ratings-based kasi ng mga TV stations sa atin ‘eh. Basta nagre-rate, pasok! Deadma na value, quality and innovativeness. Kakalungkot talaga. 😦

Dami ko ring nguynguy ‘no?! Nguynguyera ang pota. ‘Eh kasi problematic naman talaga ang major TV stations sa atin ‘no! Wala rin talagang mapipili. Dami ka rin talagang maibabatong puna sa kanila. Mapa-GMA, ABS-CBN, TV5, lahat sila may kanya-kanyang kanegahan. Sorry naman sa Channel 4 and Channel 13 ha. Hindi ko kayo masyadong na-avail ‘eh. Nami-miss ko na nga ang “Mutya ng Masa” na si Ms. Doris Bigornia na nasa Channel 4 na ngayon. Iba kasi yung aura ni Ma’am ‘eh. Very principal ang arrive! Malakasan. 🙂

Ok. Enough of my nguynguy. Wala na tayong na-achieve. 🙂

So paano ako pipili ng Favorite TV Station?! Since chaka naman silang lahat, ibe-base ko lang siguro ang aking desisyon sa emotion. WOW. Ang solid din ng basis ko ha! 😉 Pipiliin ko na lang ang station na nagpalaki sa akin at naging malaking parte ng aking pagkabata. Ng aking pagkatao. 🙂 Kaya naman ang Most Favorite TV Station ni Madma ay ABS-CBN. 🙂

Salamat sa mga palabas na naging mahalagang bahagi ng buhay ko. Salamat sa mga palabas na Princess Sarah, Cedie: Ang Munting Prinsipe, Akazukin Chacha, Mga Munting Pangarap ni Romeo, Peter Pan, Snow White, Cinderella, Julio at Julia: Kambal ng Tadhana, Blink, BTX, Saber Marionette, Lobo, Magkaribal, Game Ka Na Ba?, Fruits Basket, Magic Knight Rayearth, ATBP, Whattamen, Home Along Da Riles, Ikaw ang Lahat Sa Akin, Ang TV, Abangan ang Susunod na Kabanata, Ariba Ariba, Kaya ni Mister Kaya ni Misis, X-Men at Meteor Garden. 🙂 Shet, nami-miss ko ang mga shows na ito! 😦 Salamat sa pagpapakilala ng mga palabas na ito. Hanggang ngayon, may malalim pa ring kurot sa puso ko ang mga palabas na ‘yan. Aminin n’yo, pinalaki rin kayo ng mga shows na ‘yan ha!

Maraming salamat, ABS-CBN.

Yun naman. 😉 Muli, isang malakas na SHOUT OUCH sa mga organizers ng 1st Netizen’s Choice Award:  LionhearTV, Showbiznest and Starmometer. MABUHAY KAYO! Salamat sa pagkilala sa mga nagsisimulang blogger na kagaya ni Madma. ❤

Yours truly,

Madma

P.S. Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa 1st Netizen’s Choice Award, maaari n’yong bisitahin ang site na ito: http://lionheartv.net/2012/10/the-1st-netizens-choice-awards.html

Pwedeng sumali ang lahat ng mga bloggers sa pakulong ito. Basahin n’yo na lang ang mechanics. SALI NA! 🙂

Advertisements

Miss Engineering 2012…Malapit Na!!!

Dear fans and followers,

A new era has begun…

More than 5,000 UP Engineering students…

30 student organizations…

19 beautiful candidates…

6 glorious years…

1 Diva…

Abangan ang pagbabalik ng Reyna sa Miss Engineering 2012!!!

See you soon, UP Eng’g. Na-miss ko rin talaga ang energy n’yo. ❤

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat sa UP Engineering Student Council! Salamat sa tiwala. 😉

Good luck sa “ENGGTOPIA: Engineering Week 2012.” Kita kits. 🙂

Isang Paggunita sa Maguindanao Massacre

Dear fans and followers,

Happy Friday naman sa inyong lahat! Shet. Tapos na naman ang role natin bilang mga alipin para sa linggong ito. Nakaraos din tayo ha kahit pa-jam jam lang. 🙂 Next week will be a 4-working day only. Take note n’yo ‘yan ha. Long weekend na naman. Love it! At least we have something to look forward to. 🙂

Gusto ko palang ialay ang post na ito sa paggunita sa Maguindanao massacre. Yes, 3 years na po ang nakakalipas pero wala pa ring naku-convict! Grabe lang. ANYARE?! Sooobrang tagal na nito pero wala pa ring resulta. NAKAKALOKA! Ang dami nang nagbago sa tatlong taon pero wala pa ring justice para sa mga biktima ng krimeng ito. Sobrang tagal ng 3 years. Namnamin natin ha. Yung grade 1 noon, grade 3 na ngayon. Yung tuta noon, aso na ngayon.  Yung damit mo noon, ‘di na kasya sa’yo ngayon kasi tumaba ka na. Yung loan mo sa SSS noon, bayad na by now. Yung kumare mo noon, kaaway mo na ngayon kasi naglandian sila ng Mister mo. Yung lalaki noon, bading na ngayon! Ganun katagal ang 3 years! My God. ISANG MALAKAS NA PAGKALAMPAG naman sa administrasyon ni PNoy! Ano ng plano natin mga Ate at Kuya? Pasa-Diyos na lang?! Galaw naman! Diyos ko. 😦

Three years is very unacceptable! Napakatagal na panahong ito para sa paglutas sa isang kasong obvious naman kung sino ang mga salarin. HELLO! Ano ba. Huwag na nga tayo maglokohan. Alam naman ng buong mundo kung sinu-sino ang may utak ng karumal-dumal na krimeng ito pero hindi pa rin sila nahahatulan. Hindi ako judge pero jina-judge ko na sila! Biruin mo, out of 196 suspects, 103 pa lang ang na-aaresto as of now so 93 pang suspects ang malayang-malayang naglalakad sa kalsada at tumatambay sa mga malls. GRABE! Hinahayaan n’yo pang makihalubilo sa amin ang 93 suspects na ito?! Tang ina. Baka mamaya nasalubong ko na yung isa sa kanila kanina. Baka mamaya isa sa kanila naka-sex ko pa. Pota. Kakainit talaga ng dugo. Minsan nakakairita rin talaga yung legal processes ‘eh. Ang daming checheboretche. Ang daming pakulo. Ang bagal naman ng usad. Feeling ko mas mabilis pa ang lakad ng mga pagong kaysa sa pag-usad ng mga kaso dito sa Pilipinas. Masyado nating dina-down at sinisilip ang mga pagong sa kabagalan nila ‘eh higit namang mas mabagal ang kilos ng kaso ng mga legal cases dito. Duh.  Mag-sorry nga tayo sa mga pagong!

Balikan natin ang datos ng Maguindano massacre.

 (Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/283472/news/specialreports/slow-paced-trial-a-heavy-burden-for-kin-of-maguindanao-massacre-victims)
_____________________

NAKAKALOKA! Walang convicted up to now. Gets n’yo ba ‘to, PNoy Admisnistration?! OMG nalulungkot na talaga ako. 😦 Grabe yung 34 media people ang walang habas na pinatay sa masaker na ito. UNBELIEVABLE! Nakakapanghina talaga. Nakakagalit. Nakaka-walang gana. This is shameful. Nahihiya ako sa pamilya ng mga biktima na matapang at matiyagang naghihintay sa pagdating ng hustisya. Nahihiya ako sa fact na nakikita ng buong mundo kung gaano kachaka at kabulok ang legal process sa ating bansa. Nahihiya ako sa mga kaibigan natin sa media na patuloy pa ring inilalagay sa hukay ang kanilang isang paa para makapag-hatid ng katotohan sa kabila ng panganib at banta sa kanilang buhay. Nahihiya ako sa mga  bayaning Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansang ito only to find out na bababuyin lang ang kanilang pinaglaban. Nahihiya ako! Yung gobyerno ba nahihiya rin? Sana naman! Haaay… Sadness at its finest. 😦

Iba talaga kapag mayaman at makapangyarihan ang kalaban ‘no? Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung mahihirap lang siguro yung mga  salarin, naku for sure, lasug-lasog na ang katawan nila sa bugbog! Baka patay na silang lahat by now. Pinatumba na sila ng mga alagad ni Mayor. Kaso malakas ang kalaban ‘eh. Naka-aircon pa nga daw sa kulungan ang mga hinayupak. And God only knows kung ano pang mga “special” treatment ang natatamasa nila. Shet talaga.

Don’t get me wrong ha.  Alam ko namang mayroong mga taong tunay na kumikilos para sa mabilisang paglutas ng kasong ito. Alam ko namang maraming mga tao ring gumagalaw para sa pag-resolba  ng  masaker na ito. And we will always be thankful to them for their hard work. Subalit sadya nga talaga sigurong powerful ang mga kalaban. Mismong Philippine government ay nagagawa nilang paikutin, paglaruan at takutin.  Nakakalungkot. ;(

Ilan taon pa kaya ang bibilangin natin para matuldukan na ang kasong ito? Ilang commemoration pa ang gagawin natin para mabigyang hustiya ang walang-dangal na pagkamatay ng 58 biktima ng Maguindanao Massacre? Sana naman i-advise tayo ng government kung hanggang kailan tayo maghihintay. Nakakahiya naman sa atin. Tayo nag boss, ‘di ba? So nagde-demand tayo bilang mga boss! And please, sana naman ay payagan na ng Supreme Court na i-televise na ang pagdinig sa kasong ito! What happened to Freedom of Information?! Bakit ba ayaw n’yong isa-publiko ang mga court hearings? May tinatago ba kayo?! Don’t you ever think na hindi na kame interesado sa kasong ito. PLEASE! 😦

At the end of the day, masakit man sa kalooban, wala naman tayong ibang magagawa kundi patuloy na manalig. Ito lang ang meron tayo sa ngayon―faith. Kaya naman sana ay patuloy tayong kumapit sa pag-asang darating ang araw na mabibigyan din ng hustisya ang kasong ito. Sa mga nawawalan na ng loob, kapit lang! Kailangan nating maging matatag para sa pamilya na mga biktimang patuloy pa ring nakakaranas na banta sa kanilang buhay. Malakas ang kalaban. Hindi ko ide-deny ‘yan. The fact that they have managed to delay the case this long only means they are powerful.  Pero syempre, gaya ng mga pangyayari sa ating kasaysayan, babagsak din ang mga ‘yan. Chura nila. Hindi man ngayon pero babagsak din ang mga punyetang ‘yan. Maniwala tayo. Kasama natin ang “Diyos” sa labang ito.

Justice for all the victims! End impunity now!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://www.cegp.org/2012/08/poster-commemoration-of-1000th-day-of-maguindanao-massacre/)

P.S. Shout ouch naman sa mga ka-bonding ko kagabi! I love you all. 🙂 Belated Happy Birthday, Atty. Camille España. Salamat sa libre. We love you. ❤ I-push na natin ang bonding natin sa Tagaytay!

P.P.S. Happy Birthday din sa dalawa kong kapatid. Yes, sabay ang birthday nila today. Ang take note, 4 years ang gap nila.  Ganun katindi ang parents ko sa family planning. 🙂 Happy Birthday sa inyo mga kapatid, Jeffrey Salazar and Jenny Salazar. I love you. ❤

Belated Happy Birthday dinto my BBF-Ms. Melanie Libatique slash Lemaniqua, to my Tite-Ms. Kristy Ann Texon and Mr. Jay-R Ramirez. I love you all. ❤ Puro love din ha. Ang saya ng love!

Belated happy Birthday din kay Mr. Erwin Lacsa. 🙂 Mabuti naman at gumagaling ka na kahit papaano. Miss ka na namin. Sana ay tuluyan ka na talagang gumaling. Biritan ulit soon.  😉

Happy weekend naman sa inyo! Gimik na! ❤

Tikman mo na si Best Friend

Hello Madma,

I just want to get your thoughts on my present situation. Ang ganda po kasi ng mga advice n’yo and I think you are the right person to ask.

I have best friend and sobrang close namin now. Pareho po kaming guy at nagka-GF na po kame before. Kaya lang parang ang weird ng nangyayari lately. Feeling ko type ako ni best friend. May mga moments kasi na parang nagpapahiwatig siya  halimbawa  kapag natutulog siya sa bahay. Niyayakap n’ya po ako and all. I think you already get the picture. Wala pa naman pong sexual na nangyayari between the two of us so far. Hindi kasi ako pumapayag. I just find it weird. But the thing is, I don’t know if until when will I able to resist this. Lumalayo nga ako now kasi baka may mangyari.  Pero ang weird na parang gusto ko din mag-give in. Parang gusto ko rin masubukan. Waaah. 😦

I really don’t know what to do. I’m so confused. Help. 😦

Hope to hear from you soon. By the way, I will be turning 31 this month. Hope you can greet me too.

Regards,

Scorpio

_____________________________________

Dear Scorpio,

Ang hot naman ng chika mo sa amin, Scorpio! Pota. Nakaka-horny. Sarap mag-finger. Char! May pepe?! 🙂 Ang perfect ng story mo pampainit sa malamig na araw na ito. Ganitong-ganito yung storya nung mga napapanod kong mga M2M porn! I’m sure dadagsa na naman ang mga bading sa YTM at magwe-wet sila post na ito. Kabisado ko na ‘yan. Taas ng ratings ng YTM kapag badingan ‘eh. Alam na alam ko talaga ang market ko. Kaya naman ibibigay din talaga ni Madma ang gusto ng fans. 🙂 By the way, ang cool naman na ako talaga ang tingin mong “right person” for this issue. Kinikilig ako! Parang ang galing-galing ko tuloy. Hiyang-hiya naman ako sa mga Pari, Doktor, Lawyer at mga Psycholgists. Salamat naman sa tiwala, Scorpio!

Alam mo, tama na ang pag-iwas. Isuko mo na ‘yang “sandata” mo. Ipatikim mo na yang “kargada” mo. WOW. Ang lakas maka-porn! 🙂 Amoy na amoy na kayo kaya huwag na kayong magtago. Napapalibutan na namin kayo. Sumuko na kayo! Sabi nga sa isang saying, “the best way to resist temptation is to give in to it.”  Kaya naman, go na ‘yan! Tikman mo na si best friend. “I know you want me, you know I want cha.” ‘Yan ang peg n’yo ‘oh. Shet, parang gusto ko tuloy masaksihan ng live ang moment na bibigay ka na. Invite mo naman ako. Hindi ako mag-iingay, promise! Or kung ayaw mo naman, paki-video na lang tapos pa-upload na rin sa youtube. For sure, kakabugin mo ang ratings ni Amalayer Girl! Sure ‘yan!

Marami kasing iba’t ibang tipo ng bading sa ating lipunan based on my dictionary, Scorpio. Halimbawa Baklang Parlor or mga bading na chimsisan sa kanto at kulutan maghapon ang peg. May Bekimon or mga bading na fashionista, sosyal, classy pero girl na girl ang kilos. May Maremon or mga bading na kumare-material, confidant ganyan at best kuning ninang sa binyag at kasalan. Favorite show din pala ng mga Maremon ang palabas sa Channel 11 na “Mars” hosted by Ms. Camille Prats. Sila rin yung mga bading na love na love si Sailor Mars. Char! 😉 Mayroon din namang Alpha Diva or mga powerful and strong gays kung saan kabilang si Madma. Ito yung counterpart ng Alpha Male. LAKAS! Actually, ako lang nag-coin nung Alpha Diva para magkaroon ako ng classification. 🙂 At syempre, mayroon din mga bading na kabilang sa grupong LNBB or “Lalaki Ngayon, Bading Bukas” group. Sila yung mga bading na nahimlay ang dugong bakla nang matagal na panahon at naghihintay ng tamang lalaking gigising sa dugong ito. Very Sleeping Beauty ang peg. Naku, daming members ng group na ito! Ka-level ng members ng El Shaddai at JIL. Kering-keri na nilang mapuno ang Luneta o kaya SM MOA Arena kapag nagsama-sama. Ganun! I think dito ka kabilang, Scorpio. Sa tingin ko, LNBB member ka. Grabe, na-judge na rin kita! 🙂

Na-appreciate ko naman ang pag-resist mo sa tuksong ito. Gusto ko yung pinapakita mong respeto at tapang. Natatakot ka siguro na masira ang friendship n’yo ni best friend and all. Gets ko ‘yan. 🙂 Pero kasi tingin mo rin yung positive sides na makukuha mo sa pag-give in. Maliban sa masasarapan ka (for sure), mas makakatulong ito para makilala mo rin ang pagkatao mo. Tandaan mo, 31 years old ka na this month. My God! Grabe yung nalilito ka pa sa gender mo at this point ha. Natuli ka na ba at the very least? Grabe yung hindi pa rin! Kaloka. Treat this act as an experiment. As a test. Kapag nasarapan ka, ituloy-tuloy mo na. Kapag hindi mo naman talaga likey at nandiri ka at nasuka ka, which I highly doubt, ‘eh ‘di tama na. Mangyayari ang dapat mangyari. 🙂 Ang saya nga kasi sa best friend mo ito gagawin. At least you’re in good hands. Malay mo kayo pala talaga ang meant for each other. Who knows! Huwag kang matakot na masira ang friendship n’yo. Hindi masisira ‘yan. Best friend mo ‘yan. Kung hind man maging successful at magkailangan man kayo after, which I highly doubt again, maayos din ‘yan eventually. Don’t worry. Magtiwala ka lang.

Take it from Madma, tikman mo na si best friend. Pushy siya ‘eh. Tikiman na ‘yan! Sasakit lang ang puson mo kaka-resist. I-unleash mo na ‘yang “Diva” in you. Single ka naman at wala kang GF ngayon so wala namang masasaktang ibang tao. Sex lang naman ‘yan. Hindi naman ‘yan marriage. Duh. So, go na! I-maximize mo si best friend. Hayaan mong maging daan siya sa ikaliliwanag ng buhay mo. What are best friends for?! Or what are best friends are for?! 🙂 Kapag nasira ang friendship n’yo ni best friend after n’yp mag-tikiman, sabihan mo ko para mag-meet tayo. Ako na lang ang papalit sa role n’ya. Ako na lang ang best friend mo. Tapos tikiman din tayo ha. WOW. Ano baaa. 🙂

So there. Advance/Belated Happy Birthday na rin sa’yo. Hindi mo naman sinabi ang eksaktong date ‘eh. Enjoy. Ang wish ko sa’yo is sana makilala mo na ang tunay mong pagkatao. I think ito yung best na gift for you. ❤

We wish you all the best.

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://theclearingroom.blogspot.com/2011/11/food-network-channel-and-philosophy.html)

P.S. Bukas na bukas ang tanggapan ni Madma para sa mga nguynguy at ngasngas n’yo sa buhay. O, “di ba parang presinto lang!

Ipadala ang inyong story sa yourstrulymadma@gmail.com. Gagawin ko yung best ko para mapayuhan kayo para sa ikagaganda ng buhay n’yo. Humahaba na naman ang pila kaya mag-email na kayo. Dali! Sulat na!

Salamat sa lahat ng mga mambabasa ng YTM! I love you all. ❤

P.P.S. At talaga namang hindi na kame makapaghintay sa Silver Take 2 ni idol Regine Velasquez! POTA! Excited na kame sa pag-bwelta ng REYNA!!! Humanda kayo mga punyeta kayo. 🙂 Wala pang final date ang concert ni Ate Regine up to now. Wait lang tayo ng further announcements.

In the meantime, gusto ko i-share itong bagong reherasal video ni Regine for Silver Concert! SHET LANG TALAGA! Nakakaloka. Kaya naman pala nagkasakit si Regine ‘eh. Kung maka-birit naman kasi. Laging may sunog ang peg. GRABE! ❤ Sooobrang galing. Siya talaga ang reyna sa biritan! Excited na sa live concert!

WATCH THIS! Pampakilig lang ‘to sa mga fans. 😉

__________________

Nag-iisa ka, Regine Velasquez!

Dear fans and followers,

Hello.

WOW. Ang baba ng energy?! ‘Eh kasi medyo sad pa rin ako ‘eh. Haaay…

At this point, marahil ay nabalitaan n’yo na siguro ang nakakalokang  kaganapan sa Silver Concert ni Regine Velasquez last November 16, 2012 (Friday). I’m sure nakarating na sa inyong kaalaman ang bagay na ito bilang talk of the town siya sa loob at labas ng bansa. Haaay… 😦 Puro “haaay…” din ha.

Sorry naman at mum ako nitong mga nakaraang araw re: Silver Concert. Medyo “nagluksa” muna ako sa mga naganap sa concert ni Idol. Ang sad talaga. 😦 In fairness, dami ring nagtatanong ng saloobin ni Madma ha. Sabagay, very vocal naman ako na fan ako ni Regine. Salamat sa mga nag-tweet at nag-message sa FB. Taray! 🙂

Andoon kame sa concert last Friday. Nasaksihan namin ang totoong naganap sa heartbreaking concert ni Ate Regine. Nagulat kame sa aming nakita. Hindi kame prepared sa aming nasaksihan. Isang kakaibang Regine Velasquez ang humarap sa more than 20,000 people noong gabing iyon. GRABE. Isang hinang-hina, may sakit, paos, windang, umiiyak at pumipiyok na Regine ang tumambad sa aming lahat. Haaay… Naiiyak na naman ako. Pota. Kukuha nga muna ako ng tissue bago mag-chika. 😦

Nasa SM MOA Arena na kame at around 7:30 pm. Syempre ayaw naming ma-late sa biggest concert of the year. May I just share na SOOOBRANG gulo ng EDSA last Friday. Tang ina yung dami ng tao sa MRT at dami ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Feeling ko nga nakita ko na ang lahat ng Pilipino ‘eh. ANG GULO! Nagsabay kasi ang event ni Regine sa SM MOA Arena at ni Lee Min Ho sa Araneta Coliseum kaya parang doomsday ang itsura ng EDSA. Kaloka.

Pero syempre bilang excited sa concert ni Ate Regine, deadma na sa mga tao a.k.a. masa. Siksik din kame sa MRT para makarating on time. Sabayan talaga! Lampake na. Kung mag-bus kasi kame, baka kinabukasan na kame makarating sa MOA. NO WAY!!! Buti na lang naka-leave ako sa office that day kaya marami akong lakas para makipag-sabayan sa “pwersa” ng masa sa MRT. By the way, ibang lakas din ang pwersa ng masa last Friday. MALAKASAN! Pati yung pabango kong Versace ‘eh sumuko. WOW. Ang taas nung naka-Versace perfume ha. Actually, gusto ko lang talaga sabihin yung brand ng pabango ko. Char. 🙂

Eksaktong 8:00 pm ay nasa loob na kame ng SM MOA Arena. Daming artista! Nakita pa nga namin si Ms. Mikee Cojuanco sa gate. Grabe yung parang napakanta ako ng “I Can.” Alam n’yong OST ito ng pelikulang “Do RE Mi.” 🙂 Habang nasa loob ng Arena, hindi kame mapakali sa excitement while waiting for the show to start. WAGAS yung excitement! Lalabasan-level. Char. :)Ang ganda ng stage! FABULOUS! Alam mong special yung concert. Ang taas ng energy ng mga tao, nagkalat ang mga bading sa paligid at punung-puno ang buong Arena! Yes, PUNO ang venue. Kaya itigil na yang chismis na “nilangaw” ang concert ni Ate Regine kaya kinancel. Dafak. Baka nasa maling concert kayo last Friday. Baka nasa concert kayo ni Pops Fernandez. Kahit bobo sa Math at numbers, masasabi na agad na puno ang venue ng Silver Concert. Duh. Hindi na kailangang ang presence ng DTI representative at SGV para ma-confirm na puno ang venue. Kakapika yung balitang nilangaw ang show ni Ate Regine. Kung may mga bagay o salita man kayong ibabato about the event, “nilangaw” is definitely not one them. YUN NA!

Ito ba ang mukhnag “nilangaw?!” Please! Pa-check nga kayo ng mata sa EO Optical! Bihira na lang ang nakakapuno ng venue ng concert sa mga panahong ito ha. Kaya naman audience wise, WAGI na agad si Ate Reg. Dami rin kasing baklang fans si Ate. Diyos ko. NAGKALAT ang bading last Friday sa MOA Arena. Ang lansa talaga. Na-overpower ang lansa ng dagat sa Coastal Road. Sabi ko nga sa friend ko, malaking bulk na kabadingan ang mawawala sa ‘Pinas kung biglang lamunin ng lupa ang MOA Arena. Kaso hindi naman nilamon ‘eh, so tuloy ang baklaan. Sorry, girls. 🙂

So ito na nga. Eksaktong 9:00 pm ay tumugtog na ang orchestra ni Ate Regine. Syempre naulol na kame! Start na ‘eh!!! Then unti-unting lumabas si Idol sa stage. WAAAAH! NAKAKALOKA!!! Tang ina. Reynang-reyna ang peg ni Ate sa outfit n’ya. At aminin n’yo, may lifting na si Regine. Kaya na siyang buhatin ulit! Ang petite ni Ma’am. 😉 Hindi magkandamayaw ang fans sa sigawan! Parang sasabog yung venue. Shet!!! Kaya lang may may weird na nagaganap. Hindi makabirit si Ate Regine sa opening song n’ya. May mali talaga. 😦 Take note, ang opening song n’ya ay “Shine.” Alam n’yong MATAAS ito! Huwag kayong umarte. So, naloka kame kasi may mali talaga sa boses ni Regine. Haaay… 😦

True enough, after ng opening song ay nag-speech na si Ate Regine about her condition. Ayun nga. Inamin n’ya na may sakit siya at wala siyang boses. GRABE! Boses n’ya talaga yung nawala?! Hindi ba pwedeng yung anak na lang muna ng kapit-bahay nila yung nawala?! My God! At dito na nga nagsimulang bumaha ng luha sa loob ng MOA Arena. OMG! Naiiyak na naman ako habang nire-recall ang part na ito. Pota. Hagulgol din talaga sa iyak ang Madma n’yo. Haaay… 😦 Hindi ako iyaking tao pero hindi ko kinaya ang kalagayan ni Regine. Kitang-kita na may sakit talaga siya. Both her speaking and singing voice, wala! Gasgas talaga. Napakuha pa ako ng tissue sa isa kong kasama kasi wala ng tigil yung luha ko. ;( Pero syempre kontrol lang ang iyak ko. Nakakahiya naman kung maglupasay ako sa Arena. Kamag-anak ni Regine?! 🙂 Hindi ako ready sa eksenang ito. Diyos ko. Haaay…

Sabi pa ni Regine, dapat daw talaga ay ika-cancel na nila yung show that night kasi hindi na n’ya kaya. Inamin n’ya na wala pa raw sa 50% ng totoo n’yang boses ang kalagayan ng vocal cords n’ya. Diyos ko! Napakapit talaga kame! Sa taas ba naman ng mga songs n’ya, hindi talaga n’ya talaga kakayanin ang buong show! Kayo nga kahit nasa kundisyon ‘eh hindi pa rin maabot ang mga songs n’ya sa videoke ‘eh. Huwag kayong umarte d’yan. Aminin n’yo, kahit 10 hours pa ang tulog n’yo at kumpleto ang meal n’yo for the day ‘eh hindi n’yo pa rin mahi-hit ang song n’yang “I Don’t Want To Miss a Thing.”

To quote Regine, “We’re thinking of cancelling the show altogether because I didn’t have a voice. But, inisip ko, para kanino ba ito… this show is a celebration…Minsan ka lang magse-celebrate ng twenty-five years sa industriya, palpak pa. Nandito naman kayo, dumating naman kayo. I know that you deserve more from me and I really would’ve wanted to give you more. You know, for the past six months, I’ve been trying to get back in shape… in fairness, ha! Tulungan n’yo na lang ako. Tutal, kasama naman kayo sa celebration ng twenty-five years. Pasensiya na kayo, ha? But, but… even though my voice is not even fifty percent, I am a performer.This is what I’ve been doing for the past twenty-five years—so that’s what I’m giving you tonight. Dumugo man ang ilong ko at dumugo man ang lalamunan ko, shit!”

Haaay…

Kaloka talaga. Sabi pa n’ya, “I really don’t know what to do anymore.” SHET! Naiyak ako lalo rito. Ramdam mo yung pagkapahiya n’ya, yung frustration n’ya, yung kaba n’ya, pagkalito and all. Taong Regine ang nakita namin sa moment na ito. Regine at her weakest ang peg. Hulas na ang make-up ni Ate Regine kakaiyak. Tinanong n’ya pa ang audience kung itutuloy n’ya pa rin ang concert despite her condition. Ganung level na ng usapan. Deretsahan na! Syempre sagot ng fans, TULOY! Alam mo naman ang fans, supportive. Pero grabe. Struggling si Ate Regine nang TODO sa bawat bitaw ng boses! Piyok Diva ang peg. Grabe. 😦 Kakaawa talaga siya. Gusto n’yang bumirit pero walang lumalabas na boses sa kanya.

Panoorin n’yo ‘tong video clip na ito para makita kung gaano kabasag ang boses ni Ate. ;(

_____________________________

Haaay… Kakaiyak talaga. Sa bawat attempt n’ya abutin ang high notes, fail. Sobra yung frustration n’ya. RUROK! Kame namang mga fans, sa bawat pagpiyok n’ya ay dinudurog ang aming puso. Ang sakit kayang makita ang idol mo sa ganung kalagayan. Hello! Regine Velasquez ang pinag-uusapan natin dito. Hindi basta-bastang singer ang pinag-uusapan dito! Alam n’yong forte n’ya ang birit! Siya nga yata ang nag-imbento ng birit ‘eh. Kung magkakaroon ng man ng “Alamat ng Birit,” tiyak na siya ang bida d’yan! Pero that night, wala talaga. ‘Di talaga kaya. Gusto ko na nga kunin yung mic para tumulong ‘eh. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo magka-pitch kame ni Regine. Ansabe?! 🙂

Kakaibang experience talaga yung Silver Concert. Ang surreal. Very inspiring and touching. Bumaha ng luha sa Arena. Naloka kameng lahat. Parang hindi si Regine ang pinapanood namin. Parang pinsan lang ni Regine. Or parang si Pops lang. Ganung level. Pero ibang klase rin yung pinakitang lakas ni Regine nung gabi na ‘yun. Professional talaga. Tinuloy n’ya hangga’t kaya. Siguro mga almost 2 hours din ang tinakbo ng show. Pero mga guest performers ang mostly nag-perform. Ina-attempt n’ya kantahin ang ilang mga numbers n’ya kaya lang wala talagang lumalabas na boses sa kanya. Haaay… 😦

Ang best nung part na kakantahin na n’ya yung “On The Wings of Love.” Aaay! Alam n’yo kung anong kalibre ng song na ito. Naiyak kame nung tinawag n’ya na lang ang gay impersonator n’yang si Anton Diva para tulungan siya sa number na ito. GRABE! Kumapit na sa bakla si Ate Regine. Ganun na siya kagipit! Iyak kame ng iyak sa number na ito. Imagine, si Regine ang patulong sa sarili n’yang song?! My God! Ganun yung level ang struggle ni Ate Reg that night. WAGAS! Sagad-sagaran.

Watch this video! Ito ‘yun ‘eh!

______________________

O, ‘di ba? Kahit sablay-sablay si Anton sa notes, go pa rin?! Love ko na si Anton! Biglaan naman kasi ang pagkatawag sa kanya. 🙂

Masaya ako na na-witness ko ang gabing ito. Masaya akong present ako that night kasi somehow ay nasalo ko ang Idol ko during her weakest moment. Kapag fan ka talaga, fan ka ‘eh. Mahal mo lang yung idol mo kahit ano pang mangyari sa kanya. Kapag bumagsak siya, kasama ka rin. Kapag nasaktan siya, iiyak ka rin. 😦 I’m sure alam n’yo ‘yan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang idol. Haay… 😦 Maga rin talaga ang mata ko last Friday ha. Parang namatayan. Tulala mode hanggang makauwi ng bahay. Minalas lang talaga si Ate Regine last Friday. Ibigay na natin ito sa kanya. Na-peste ang boses n’ya. Parang pananim lang. Kapag na-peste, wala na talaga.

Tama ang mga sinasabi ng mga tao. Wala naman ng dapat patunayan si Regine. Alam na ng buong mundo kung gaano siya kagaling bilang singer. Kita n’yo, konti lang ang bashers ni Regine. Wala masyadong nanlait sa kanya about what happened sa concert. Kasi nga alam din nila na minalas lang si Ate Regine. At ang best part is… BABAWI ANG REYNA! Ang best nung uulitin n’ya ang concert sa December for FREE! Ganun siya ka-determine na bumawi sa mundo! Sigawan nga ang lahat ng fans nung nag-announce si Ate ng free concert. Same venue pa! LAKAS!

To quote Regine, “Kinarir ko po talaga itong makabalik sa stage, I went into a diet… Pero I wanted so much to be perfect for you tonight, guys, really. I really do… And I also wanted to be perfect for Mang Gerry. When I get better, I will do the same show for free! I will do this freakin’ show, then I will show you how it should be done!”

PANALO! Kaya naman excited na kame sa Silver Concert Take 2! Woooh! I’m sure, itotodo n’ya ‘to kasi babawi siya. POTA! Buti na lang hindi namin naitapon ang tickets namin kasi ito rin ang ticket na ipapakita next time. Ayon sa mga balita, sa December 8 magaganap ang Silver Concert Take 2. MALAPIT NA! Nagpapalakas at nagpapagaling lang si Regine. Love it!!!

Gusto ko din pala i-share itong rehearsal video ni Regine for the Silver Concert. Panoorin n’yo, PLEASE! Nakakaloka. Ganito dapat ang ipapakita n’ya last Friday. OMG! Watch n’yo na!!! Tang ina!

_____________________

See?! Ang best ni Ate Regine, ‘di ba?! Any questions?! Kung alam lang ni Anton Diva na ganito ang key ng “On The Wings of Love” for sure mahihimatay siya. My God! Mas tinaas pa ang mataas na n’yang song. KAKALOKA! Grabe yung bagong areglo ng song. Si Lord na lang yung makakaabot sa sobrang taas! Parang ayaw na ipakanta ni Regine yung song sa iba ha. At grabe yung boses ni Regine. Batak na batak! Sayang talaga at hindi siya nakapag-perform last Friday! Tang ina kasing virus ‘yan. Nahawa pa siya. Pero excited na kame sa Take 2 Concert. PAK!

So there. Sana ay gumaling na si Regine. Get well soon, Idol. Mas dumami ang nagmamahal sa’yo dahil sa pinakita mo last Friday. IBA KA! Nag-iisa ka! ❤ Hindi na kame makapaghintay sa iyong pagbabalik. I’m sure, kakabugin mo ang Silver Concert Take 2!

Hanggang sa muli mong paglipad. WE LOVE YOU, Songbird. ❤

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend; http://www.pep.ph/photos/3413/regine-velasquez39s-silver-concert-cut-short-i-promise-to-do-it-again-and-i39ll-do-it-for-free; http://www.facebook.com/#!/reginefantasy/photos_stream; http://www.facebook.com/RegineVelasquezSilver25thAnniversaryConcert/photos_stream?ref=ts)

(Additional article source: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend)

P.S. Isang pagpupugay sa lahat ng mga Reginians na nagmamahal kay Asia’s Songbird. Magkita-kita tayo ulit sa Silver Concert Take 2! Shet. 🙂

Shout ouch naman sa mga kasama ko: Reginald Uy, Silvino Philip Guangco, Carla Jill Masalonga, Andrea Aniban, Mark Vigare, Jadey Concepcion Bata, Witch and to my VF. 🙂 Alam mong bawal ipagkalat ang appearance mo kaya itatago na lang kita sa pangalang VF. 🙂 Grabe yung naiyak tayong lahat ha! BEST! Sama-sama ulit tayo sa Take 2! I love you all. ❤

P.P.S.  Pahabol pala. Nakalimutan ko sabihin. Sana pala ‘eh baguhin yung opening number sa Silver Take 2. Ang chaka nung opening last Friday. Medyo off. Hindi pang-Diva yung opening. Sana ‘eh pasabog song agad like “I Dont Want to Miss A Thing.” Diva-diva ang peg. Then tsaka papasok yung isang dance music after that pasabog birit number. Mas ganun sana. Nakulangan kame sa opening number ‘eh. Hindi siya pang-opening. Mas bongga dapat! Please consider. Thanks. ❤

#AmaMadma #Amalayer

Dear fans and followers,

Nakakaloka naman ‘tong si Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa. Sikat na sikat bigla ang pota. Shet. Ako ilang beses nagdadasal para sumikat tapos siya isang kembot lang worldwide hit na! Halos isuko ko na nga ang pagkakaroon ng lovelife for fame tapos siya konting pagtataray lang with a ghetto accent sikat na! SIYA NA!!! Inggitera?! 😉

Ang daming nanghihingi ng thoughts ko re: Amalayer Case. WOW. Case talaga? Kakapanood ko lang ng video this morning at super aliw siya! Ghetto level talaga. Malakasan! Sana nag-trintas siya ng buhok para legit na legit na ghetto girl. Ang fierce naman ng mga sumasakay sa Santolan Station ng LRT 2 ha. Kakatakot. At may accent pala mga tao doon? Taray ha. Part pa naman ng ‘Pinas ang Santolan Pasig, ‘di ba? Bakit parang ibang tao na sila? Sosyal ‘eh. Makabisita nga sa Santolan Pasig sa weekend at makapamili ng pagkain. Feeling ko talaga sa kinakain nila ito kaya sila may pasabog accent. Char. 🙂

Moving forward, mahirap mag-judge sa totoong naganap. Wala naman tayo sa scene of the crime. Hindi natin talaga alam ang tunay na pangyayari. Pero kung iba-base natin sa video alone, talaga namang nakakapag-init ng ulo ang asta ni Amalayer Girl. Ang taray ‘eh. Ang gaspang at dumi ng bunganga. Mapapamumog ka talaga ng Holy Water! Sarap tadyakan nung mukha n’ya. Parang siya yung may-ari ng LRT Line 2 to be exact. Ganyang level.  Tapos pobreng guard pa ang kalaban n’ya. At ini-English pa n’ya ang guard. Diyos ko! Akala mo tauhan n’ya n’ya yung guard kung maliitin. Wagas yung galit ni Ma’am. Ka-level ng mga Martial Law victims. Kaborkot. After seeing the video nga, parang na-realize ko na ang bait-bait ko pala sa kapwa at mabuti pala talaga ang kalooban ko. WOW. Well, talo talaga si Ms. Paula sa scenario na ito. Siya talaga yung lalabas na kontrabida. 😦

Ito ang full video para sa mga hindi pa nakakanood.

_____________________________

May pinag-aralan palang tao ha? Char. 😉

Ang pasabog pa na part is naging trending topic ito sa Twitter worldwide. Pinagusapan talaga ang ka-cheapang ito sa loob at labas ng bansa. O.M.G. Baka napanood ito ni Ms. Mariah Carey! Nakakahiya naman. For sure sasabihin n’ya, “That brown monkey is feisty and can really speak English. I like her.” Char. 🙂 Shout ouch naman Ms. Mariah. Balita ko nagbabasa ka raw ng YTM. LAKAS! 😉

On the other hand, nakakaawa rin si Amalayer girl ha. Diyos ko! Ang todo rin ng pagka-viral ng video. Gangnam Style level. Siguro inuumpog na nun yung mukha n’ya sa pader sa kahihiyan. Or siguro papa-surgery na siya at papalitan na n’ya yung itsura n’ya parang si Nanette Medved sa pelikulang “Hiram na Mukha.” GRABE. I feel for her din ha. 😦 Traumatic talaga ito. Bangungot. Hindi ko yata kakayanin ang ganitong level ng kahihiyaan. Worldwide! Wawa naman siya. Na-cyberbully rin talaga si Amalayer Girl sa social media. Sabi n’ya sa interview, “I deactivated my Facebook, I deactivated my Twitter account. I wanted to keep mum about the whole thing but sobra na po, bugbog na bugbog na ako. Everybody commits mistakes. May perfect po ba sa mundo? Wala naman eh.” Haaaay…

Alam n’yo minsan talaga nakaka-init din ng ulo ang mga security guards. ALAM N’YO ‘YAN. For sure may personal encounter din kayo sa kachakahan ng mga guards. Mahirap din kasi talaga sila kausap minsan. Sakit nila sa bangs. Kakaasar din talaga. May mga bastos din na guard ha. Ay naku, huwag n’yo akong simulan. Kwento ni Amalayer Girl, “hinablot niya ako sa left arm ko and I don’t know kung makikita pa rin siya but I have a bruise to prove that. Medyo malabo lang siya but I have a bruise. Grinab niya ako. Doon pumitik, doon ako nag-snap kasi grinab niya nga ako.” O, ‘di ba? Kung ito man ang totoong nangyari, kakainis din talaga yung guard lalo na kung malakas ang pagkaka-hablot. Iinit din talaga ang ulo mo. Kahit sino naman. Pero sana na lang ‘eh hindi nag-iskandalo ng ganun ni Amalayer Girl kasi nga may “pinag-aralan” siyang tao. Sana ni-report n’ya na lang sa supervisors to settle the matter privately.

Ang pinaka-takeaway ko sa kaganapang ito is ang powerful na talaga ng social media. GRABE! Kaya ka n’yang pasikatin pero kaya ka rin n’yang pabagsakin. Nakakaloka. Kaya dapat maging maingat na rin tayo sa mga ginagawa natin kasi baka bukas tayo na ang laman ng youtube! SHET! Maging maingat at responsible rin tayo sa paggamit ng internet. Pwede talaga tayong makasira ng buhay ng tao kaya pag-isipang mabuti ang mga iu-upload at sasabihin sa ating mga social media accounts. 🙂

Lastly, ang insidenteng ito ay panawagan din na i-upgrade na ang mga facilities ng LRT and MRT. PLEASE NAMAN! Dapat kasi wala ng mga guards ‘eh lalo na sa mga public places. Machine na lang dapat kagaya sa Singapore. Sa totoo lang minsan, hindi ko naiintindihan ang point ng security guards na nilalagay sa mga entrance areas ng MRT, LRT etc. Dudutdutin lang yung bag mo tapos pasok ka na. Paano kung yung bomba ‘eh nilagay ko sa sapatos ko? Wala na! Walang sense din talaga minsan yung “inspection” na ginagawa nila. Pampahaba lang ng pila. Hassle.

Yun lang naman. Sana ay ok na si Amalayer Girl. Matatapos din naman ‘tong issue na ito soon so konting tiis lang girl. For now, mag-reflect ka muna sa buhay at sa mga pag-uugali mo. Char. 😉 Ma-retreat ka muna kasama ang mga Madre para makakuha ka naman ng tips re: “mabuting-asal.” Magbasa-basa ka rin ng books re: “pakikipag-kapwa tao.” Maghanap ka ng mga self-help books on anger management in public places ganyan. Madaming books na ganyan. Makakatulong sa’yo ‘yan. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://rightonthemark.wordpress.com/2012/11/14/amalayer-paula-jamie-salvosa/)

(Addtional source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/11/14/12/amalayer-girl-cries-foul-over-cyberbullying)

P.S. Bukas na ang Silver Concert ni Regine Velasquez! GRABE! Excited na ako. See you bukas sa SM MOA Arena mga fellow Reginians! I’m sure itotodo ito ni Ate Regine! SHET!  Biritan na ‘to. Happy Regine Day tomorrow. ❤

Film Review: Pitch Perfect, Looper and Wreck-it Ralph

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo. Ang bilis ng araw. Thursday na. Tapos Friday na! Then Monday na naman. Kingina. Ulit-ulit lang. Nega much?! 🙂 Kamusta naman kayo? Sana ay nakakakain naman kayo nang maayos. 🙂

Nakakaloka yung sunud-sunod ang movie watching ni Madma sa big screen nitong mga nakaraang araw. Hirap din ng maraming friends minsan. Magastos. Siguro it’s about time na magbawas na NAMAN ako ng ilang mga friends. FIERCE nung nagbabawas! Well, hobby ko rin talaga ang pagbabawas ng friends lalo na yung mga walang gana masyado. Pero ang dami pa rin nila up to now. Haaay… Char. Ang hirap talaga kapag “mabuting-tao.” Lapitin ng mga kaibigan. 😉

All in all, naka-3 films ako sa sinehan since Friday last week. At take note, hindi mga horror films ‘to ha! O, ‘di ba? Nagve-venture out na ang Ultimate Horror Diva. Kakairita yung word na “Ultimate.” Lakas maka-wrestling! Masasabing naging halu-halo talaga ang genre ng mga napanood kong films nitong mga huling araw- from action, drama to musical. Avail n’yo naman yung nanood ako ng action!

Kaya naman, hahatulan ko na ang mga films na napanood ko using my highly trusted and state-of-the-art meter a.k.a Divanometer. TARAY! Lakas nung may sariling panukat si Madma sa mga bagay-bagay. GAME!

_________________________________________________

Pitch Perfect

(Cast: Anna Kendrick, Brittany Snow, Ben Platt, Skylar Astin, Anna Camp and Rebel Wilson)

Napanood ko ang film na ito last Tuesday sa Robinson’s Galleria. Humabol talaga ako sa last day of showing. To be honest, hindi talaga ako masyadong fan ng musical. Ang weird ko ‘no? Bading tapos hindi mahilig sa musical? Baka lalaki talaga ako afterall. WOW. 🙂 Actually, pinilit lang ako manood. Umarte kasi yung isa kong friend na itago na lang natin sa pangalang Sanriel Chris Ajero. Shout ouch naman kay Sani and sa OCEANS na kasama ko manood ng film. Sana naman Sani ‘eh na-note mo yung support ni Madma sa pakulo mong ito. 😉

Overall, happy naman ang musical film na ito. Entertaining siya. ‘Yan na ang perfect description sa kanya. Mapapakanta ka talaga sa mga songs. This formula musical film will surely appeal to all gays and divas out there. Sure ako d’yan. ‘Eh paano ba naman, lahat ng bet ng isang bading  ay nasa Pitch Perfect na-  tarayan, artihan, kantahan, bitchesan, choreo-choreo, bosesan, biritan, labanan etc. O ‘di ba?! Aarte pa?! Ang fun ng mga characters! Legit na funny sila. Ok yung acting ng mga lead stars. Witty ang script. Hindi pilit, hindi jologs. Ang sincere rin ng mga characters kaya naman nakuha ako. Tolerable ang mga kaartihan nila sa buhay at hindi masakit sa bangs. Ang saya-saya ng mundo nila. Puro kanta na lang ginagawa nila sa buhay. Hindi na sila nag-aaral! Sana ganun na lang din sa totoong-buhay! Haaay… Arte? 🙂 Ang best ng pag-mash up sa mga songs. PANALO! Gustong-gusto ko yung atake nila sa songs na The Sign ng Ace of Base and Turn the Beat Around ni Ms. Gloria Estefan. BEST! 😉

Huwag na nga lang kayo masyadong mag-expect ng something new sa film. This film offers nothing new. Simply put, nagawa na. 😉 As I’ve said, formula film na ito so highly predictable lahat. Take note, LAHAT. Ka-level ‘to ng typical na Pinoy teleserye na mahirap-mayaman, aapihin tapos magtatagumpay. Kayang-kayang magbida dito ni Karylle. Kaya n’ya lahat ‘eh.

Kaya naman ang Pitch Perfect ay nakakuha ng 2.5/5.0 on my Divanometer. Predictable yet entertaining. 😉 Huwag kayong malungkot kung ‘di n’yo napanood sa big screen. DVD material naman ang film na ‘to. Panoorin n’yo na lang kapag may DVD copy na. At tsaka wala na rin kayong choice. Na-pull out na siya sa sinehan. 😉

(Photo credit: http://www.filmofilia.com/pitch-perfect-trailer-poster-and-9-photos-105804/)

Looper

(Cast: Bruce Willis, Joseph Gordon-Levitt and Emily Blunt

After 100 years, napanood ko na rin sa wakas ang Looper bago pa man mawala sa sinehan. Shout ouch naman sa The UP Repertory Company na kasama ko manood. Maganda ang premise ng pelikulang ito. Gusto ko yung paggamit nila sa element ng time travel. Lakas maka-sci fi! Tipong maloloka ka talaga sa mundong ginagalawan nila kasi pasabog! Ang taas ng thrill and excitement sa first half. Mabilis ang pacing, madaming twist and maraming nagaganap! Talaga namang sigaw ako nang sigaw sa sinehan. Kaya lang bumagsak na sa second half ‘eh. Nabagot na ako. Naging tsikahan na lang yung second half. Sayang. 😦

Hindi ko pala ma-classify kung anong genre ang film na ito. Grabe kasi yung pag-mix niya ng genres ‘eh. May action, drama, suspense, sci-fi, horror, etc. Lahat na yata ng genre ‘eh gustong ipasak sa Looper. Kakaloka. Hindi ko pala masyadong bet ‘yung pag-add ng character ni “Rainmaker.” Na-lost na ako doon. Lakas maka-horror nung appearance ‘eh. Pwede ng kunin yung character ni Rainmaker at gawing isang solo movie. Papalag siya kina Esther ng The Orphan and Lilith Sullivan ng Case 39. Ganung level.

Gusto ko pala ang acting ni Ms. Emily Blunt sa Looper! Ibang Emily ang pinakita n’ya rito! Last ko kasi siyang napanood sa Gulliver ‘s Travel bilang reyna-reyna siya doon. 🙂 Nanibago ako sa Southerner accent n’ya sa Looper. Ang best ni Ma’am at ang ganda pa. Very Lucy Torres-Gomez ang beauty n’ya. 😉 Panalo rin ang acting ni Joseph Gordon-Levitt. Hindi ko siya nakilala! GRABE!!! Ang galing ng make-up. Ibang tao talaga siya sa pelikula. Best ng acting n’ya! Artistang tunay. GRABE!!! Dito kasi sa atin, pare-pareho lang ang acting nga mga leading men. Take for instance si Derek Ramsey. Same-same lang yung itsura, acting and atake sa lahat ng films n’ya. Yung mga damit at leading ladies lang n’ya ang nagbabago. Chaka! Si Bruce Willis, ok naman. Action star. Hindi tinamaan ng bala ng baril EVER sa film. Malakas siya eh. 😉

So having said that, ang Looper ay nakakuha ng 3.5/5.0 on my Divanometer. Maayos naman ang storya ng pelikula overall. Magugustuhan n’yo ‘to for sure. Not sure kung showing pa ‘to sa sinehan.

(Photo credit: http://themovieblog.com/2012/another-new-looper-poster/)

Wreck-It Ralph

(Cast: John C. Reilly, Jack McBrayer, Alan Tudyk, Sarah Silverman, Jane Lynch and Ed O’Neill

Ito ang panalong film! Nakakaiyak!!! Grabe. Ang ganda ng Wreck-It Ralph. Ang simple ng storya pero ROCK! Haaaay… 😦 Gusto ko nga ulit panoorin ‘eh. Kaya lang napanood ko na. WOW. Walang sense. 🙂 Shout ouch naman sa PEERS na kasama kong manood.

Super aliw talaga ‘tong latest film ng Disney. May “kurot” sa puso. Daming parts na mapapaiyak ka lalo na kung maarte ka. Ang saya nung premise na nagkaka-interact ang mga characters sa various games pagkagat ng gabi. Brilliant idea talaga! Ang saya-saya ng mundo nila. Pinakita sa film na “trabaho” lang talaga ang mga ginagawa nila sa video games. PANALO! 🙂

Kaya lang ‘di ko kilala si Ralph ‘eh. ‘Di ko alam ang game na Wreck-It Ralph. Hindi siya part ng childhood ko. Tsaka yung game na Sugar Rush. ‘Di ko rin talaga nilalaro nung bata ako. Sabagay, American culture-based naman ang film. Kakahiya naman kung Pinoy culture-based. Ang fun sana kung yung mga bida ay sina Princess Sarah, Remi, Heidi, Romeo at ang mga batang hampas-lupa, Akazukin Chacha . Pwede ring isama sina Sailor Moon, Chun-Li, Son Gokou etc.  O, ‘di ba mas relate?! Kaya lang mag-iiba ang title ng film. Halimbawa kung si Chun-Li ang bida, magiging “Kick-It Chun-li.” Mga ganun ba. 😉 Ang cute nung cameo appearance ni Chun-li sa film! ALIW!

Overall, pasabog ang Wreck-It Ralph. Panoorin n’yo! Ang gand rin nung bonus na short film sa umpisa. KILIG! 🙂 At dahil sa mahusay ang pelikula, ang Wreck-it Ralph ay nakakuha ng 4.5/5.0 sa aking Divanometer! Yun na!

(Phot0 credit: http://moviecarpet.com/new-wreck-it-ralph-poster-art-2012-09-14.html)

Yours truly,

Madma

P.S. Malapit na pala ang LIVE guesting ko sa online show ng aking friend na Web Jock na si Dax Carnay (@daxiebebe)! Live streaming naman kayo kapag nag-guest ako. Grabe!  Abangan n’yo ang pagbisita ni Madma sa http://bootleg-radio.com/. MALAPIT na ‘yan. Itotodo natin ‘to. Walang artihan. Deretsahan! Shet, excited na ako. 🙂 Isa-isa kong sasagutin ang mga intrigang ibinabato sa akin. WOW. Sikat na sikat din ha. 🙂

Madma goes LIVE! MALAPIT na! Woooh! ❤