Madma at HER Strongest

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo! Grabe trabaho na naman. Pota. Tapos na ang maliligayang araw. Ang sarap ng maraming holidays tapos magkakasunod gaya nitong nakaraan linggo. BEST! Hindi na yata ako sanay mag-work ng 5 days. WOW. Ang arte rin bigla ha. More holidays, please!!! Sana magkaroon ng maraming bagong holidays sa Pilipinas gaya ng Araw ng mga Pagdarahop ng mga Chaka, Araw ng mga Diva, National Exercise Day, National Rest and Recreation Day, National Spa Day wherein sabay-sabay tayong lahat magpapa-spa. Pwede ring magkaroon ng National Singing Day kung saan kakanta lang tayong lahat buong araw tapos yung mga wala sa tono ‘eh tatangalan ng tonsil. O, ‘di ba?! Ang saya lang. Grabe kasi ang buhay. Puro trabaho! Kingina. Nakaka-alipin. Ganito ba talaga ang pag-envision ni Lord habang ginawa n’ya ang mga tao? Ang dialogue ba n’ya is “Gagawa ako ng mga tao para magtrabaho sila nang todo.” Ganun ba?! Grabe kasi! Sana mayaman na lang tayong lahat para happy.  Basta kapag ako talaga naging presidente, asahan n’yo, malulunod kayo sa holiday. Tipong sasakit ang ulo n’yo sa bahay kakapahinga. Tapos magwe-welga na kayo para damihan ang working days kasi nagtatabaan na kayong lahat.

Anyway, shout ouch naman sa napaka-simple yet pasabog kong photo sa taas. AARTE PA?! Ito talaga ang gusto kong i-showcase sa post na ito. Hiyang-hiya si Ms. Ruffa Gutierrez sa atake ko, aminin n’yo. Lakas maka-porn star o kaya commercial ng whisky. Nakakaloka! Sorry kung medyo blurred ha. Kasi naman ang chaka ng camera ng Blackberry ‘eh. Sorry naman at Blackberry lang ang phone ng Nag-iisang Madma. Ang sarap gamitin sa sarili yung description na “Nag-iisang.” Nakaka-artista! Pwede rin namang “Nag-gigisang” para sa mga mahilig mag-luto.🙂

Aminin n’yo, ang lakas ng aura ko sa photo na ‘yan! Madma at HER strongest talaga! Grabe yung sarili ko ang topic natin ngayon. Vain ba masyado?!😉 Pa-picture rin kayo habang nakasakay sa kabayo! Try n’yo rin minsan. Ibang power! First time ko mangabayo sa photo na ‘yan. Ang saya pala! Lakas maka-yaman! Very haciendera ang peg. Idol ko na si Mikey Cojuangco for that! Sa una, nakakatakot talaga ang pagsakay sa kabayo. Pero kapag katagalan na, enjoy na rin! Parang sex lang. WOW. :) Sa Tagaytay pala kuha ang photo ko na ‘yan. Hindi ‘yan kuha sa London  ha. Akala kasi nung iba sa bakuran ni Queen Elizabeth sa London ‘yan ‘eh. Char.😉

Shout ouch naman sa high school barkada ko na kasama ko sa Tagaytay adventure! I love you, PEERS.❤

O, ‘di ba?! Kahit sa group photo ‘eh angat na angat pa rin ang beauty ni Madma. Aminin n’yo ‘yan! Kay Madma agad ang atensyon n’yo sa unang pagtingin pa lang sa photo. Ganyan dapat. Simple pero rock!😉 First time ko din pala i-try ang Fish Spa. Tangina, nakakaliti! Virgin pa kasi ako so marami pa akong kiliti. WOW! Ang saya talaga nung Fish Spa. Pang-mayaman! Nakakakiliti sa una pero masarap na kapag tumagal. Parang sex ulit. ANO BA! Lahat na lang may kinalaman sa sex.😉

Anyway, trabaho na ulit! Back to reality. Limang araw na naman ang pasok. ANG DAMI!!! Sure bang walang holiday this week? Check n’yo nga yung calendar baka may na-miss tayong holiday! Grabe, hindi ako maka-move on sa holiday.😉 Pampagana post ko lang ito ha. Lutang pa ako ‘eh. Naka-vacation mode pa rin ang utak ko.😉 Mamaya na lang ang payuhan natin. Abangan n’yo ang PASABOG nating kwento later!

Gusto ko rin palang sabihin na EXCITED NA AKO sa Silver Anniversary ni Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez!!! POTA! Sa November 16 na ito sa SM MOA Arena! Naka-leave na ako n’yan sa work.🙂 Avail n’yo yung naka-leave ako ha! Staff?! May ticket na kame sa wakas! Grabe yung nagkaka-ubusan ng tickets. Parang ticket lang sa UAAP Cheerdance! Excited na ako sa mga birit ni Ate Regine. I’m sure itotodo n’ya ‘to kasi ang payat na n’ya ‘eh. No offense to Ms. Sharon Cuneta ha na malapit nang pumutok sa taba. Nood din kayo, guys! I-avail n’yo na si Ate Regine habang bumibirit pa siya!

‘Yun lang muna. Ayan medyo ganado na ulit ako magsulat! Bonding ulit tayo later.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Huwag kayong mahihiyang isangguni ang inyong mga nguyngoy at ngasngas sa buhay. Ipadala n’yo lang ‘yan kay Madma at pag-uusapan natin ‘yan. Send your stories sa yourstrulymadma@gmail.com. BILIS! I-feature natin ang kaartihan n’yo sa blog ko!

SALAMAT sa patuloy na pagtangkilik sa YTM. Mahal ko kayo. Marami pa tayong mga pasabog sa mga susunod na araw. ABANGAN.❤

Shout ouch naman to Mr. Stan Baltazar para sa pag-enhance ng photo ko sa taas. Thanks, TF.❤

P.P.S. Since malamig today, mag-soundtrip muna tayo with this song. In fairness, ang ganda ng song na ito ha. Isa na namang PASABOG song from Cue C! Ang title pala nito is “Kung Sa Pwet Na Lang.” Naku, huwag kayong judgemental. Very informative ang song na ito. Yet bastos din.🙂 Pero deadma na! Tamang halo ng bastos and legit information ang atake nito. At very upbeat! Bagay na bagay sa issue ng Reproductive Health Bill. Dali! Check n’yo ‘to! BONGGA ‘to! Alam n’yo naman ang Cue C, hindi tayo binibigo n’yan! GAME!❤

2 thoughts on “Madma at HER Strongest

    • wahahaha. Tangina nung very “relatable.” Ramdam ko na naman ang hugot mo, Bette! Ang best talaga ng Cue C! Nakakapag-init ng laman! Sana mag-concert na sila sa Araneta! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s