Tama Na, Itigil Na

 

Madam,

Kaibigan po ako ni Jill Masalonga tas ngayon eh nasa korea ako, dito po ako nag aaral : ) Ayan mayaman lang ang peg, hahaha Pero hindi po yan ang kwento ko, gusto ko lang po sana magpa-advise sa nangyari sakin ngayon,

May karelasyon ako, isa syang doctor at ako naman ay nurse dito sa South Korea, 9 months na kami pero naka LDR kami, though umuuwi naman ako every 2 months at nag-stay don para makasama sya. Tonight nag hiwalay kami, ang sakit lang sa All Souls Day pa talaga, namatay ang puso ko dito! (sa phone lang kami naghiwalay ngayon kaya nag-isip ako kung uuwi ba ako sa pinas para puntahan sya or wag nalang kasi baka ayaw nya na talaga at masayang lang ang effort ko? what if naman meron pa pala at di lang ako nag effort? )

Ang reason kasi masyado syang nag-dududa, lahat ng ginagawa ko parang mali lahat sa paningin nya at parang sya lang ang perpekto na tao. Masakit sa akin at nag-iisip ako kung tatawagan ko pa sya para mag-ask pa ng isang pagkakataon or e-let go nalang total sya na din naman ang humingi.

Pano ba ako makakpag move on dito? Mahal na mahal ko sya ateh,

Salamat

Jay

____________________________

Dear Jay,

Annyeong-haseyo, Jay.🙂 O, ha! Lakas maka-Korean ni Madma. First things first, bading ka right? Friend ka ni Jill ‘eh. So alam na.🙂

Nakakaloka yung nakipag-break during All Souls Day! Inagawan n’yo rin talaga ng limelight slash ratings ang mga kaluluwa ha. Minsan na nga lang sila maging bida, nakisabay pa talaga kayo. HUG NAMAN, Jay! Ouch.😦 Naku, ang sakit n’yan. Heartbreak ‘yan ‘eh. Alam naman natin ang mas masakit pa sa sakit ng ngipin ang heartbreak. Kalma ka lang. Sana naman ay ok ka ngayon. Or the correct question pala is sana “buhay” ka pa until now. Huwag naman tayong mag-suicide, please. Hobby pa naman ng mga Koreans ‘yan. Based sa Wikipedia “South Korea has the highest suicide rate among the 30 OECD (Organisation for Economic Co-operation and Development) countries, having recently surpassed Japan’s rate. The toll of suicide deaths in South Korea has doubled in the last decade.” NAKAKALOKA! Chill ka lang, Jay. Nood ka muna ng porn para malibang ka. Best din ang mga porn sa Korea lalo na yung M2M. Alam natin ‘yan. Char.😉

Anyway, alam mo huwag mo na siyang habulin. I don’t think healthy siya for your well-being. And when I say “well-being” that means your growth and development as a person. WOW.😉 Haggard yung LAGING nagdududa sa mga ginagawa mo. Importante ang trust sa isang relationship lalo na sa Long Distance Relationship. Parang gas lang ang trust. Ito ang nagpapandar sa isang LDR. Kung wala ‘yan, hindi na ‘yan uusad so itigil na. Sakit lang sa ulo ‘yan. Nagsasayangan lang kayo ng oras at lakas. Walang point na kumapit sa isang taong hindi nagtitiwala sa mga ginagawa mo at puro nega ang dulot sa buhay mo. Kung “tunay” ang relationship n’yo, dapat naghahatakan kayo pataas at nagsusuportahan kayo sa mga pakulo ng isa’t isa. Kaloka.

Gets ko naman na mahal mo si Kuya. Pero hindi lahat ng pagmamahal ay tama. OMG! Saan galing ‘yun?! Parang sinasapian ako ni Mahatma Gandhi or Mahadma Gandhi. Char.😉 Hindi lahat ng pagmamahal ay dapat susundin. More than love, kailangang gamitin din natin ang ating pag-iisip. Otherwise, kung hindi mo din gagamitin ang brain mo, ipa-raffle mo na lang ‘yan para magamit ng iba. Student ka pa naman sa Korea so maraming “laman” ‘yan for sure. Sayang naman! Huwag mo na tawagan si Kuya para manghingi ng chance. Arte n’ya. Perfect siya ‘eh. Sayang lang sa load. Kung ano ang hinihingi, ibigay! I go for e-let go mo na ‘yan. Ang taray nung e-let go! Ka-level ng e-books tsaka ng e-Commerce. Bongga!🙂

Hindi ko rin naman alam ang hugot ng karelasyon mo kung bakit lagi siyang nagdududa sa’yo, ‘no. Baka naman nagloko ka na before at nakipaglandian sa ibang lalaki  kaya praning si Kuya lagi. Well, if this is the case, you deserved this. WOW. Bilis ko rin kumambyo ha! Bi-polar ang peg ko. Charoth.🙂 Alam kong lungkot-lungkutan ang aura mo ngayon. Go lang. Enjoy mo lang ‘yan pain.🙂 Lahat naman ng pain ‘eh natatapos din eventually. Parang sweldo lang ‘yan. Dadaan lang tapos mawawala rin agad. WOW.🙂

Take it from Madma, tama na. Hayaan mo na siya. So much for drama. Focus ka na lang sa mga positive benefits ng paghihiwalay n’yo gaya ng 1. Mas makaka-ipon ka na kasi ‘di mo na kailangang lumuwas every 2 months! More money ‘to and savings; 2. Wala ka ng sakit ng ulo kasi wala ng nega sa buhay mo; and 3. Mas makaka-focus ka pa sa studies mo. O, ‘di ba?! You don’t need this kind of negativities in your life right now. Marami ka pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin most especially your studies. I-revisit mo ang mga priorities mo and goals in life. I think magandang dito ka magsimula. Huwag kang matakot na mawalan ng karelasyon, may darating na love for you eventually. Pogi ka naman siguro ‘no? Or hindi? OMG matakot ka na nga. CHAR! Madaming lalaki sa mundo, please. Hindi mauubos ‘yan. Mas dapat mag-panick ang mga girls kasi lahat na ng lalaki ay bading na by 2015. Avail n’yo yung ultimatum ha.🙂 Try mo naman makipag-relasyon sa mga Koreans for a change! OMG! Dami ding poging Koreano ha. Maliit nga lang ang titi. CHAR!

So there. Sana ay may napulot ka naman, Jay. Grabe din yung referral ni Ms. Jill Masalonga sa YTM ha. Umaabot hanggang South Korea! Panalo. Very HR talaga ang peg mo, Jill.🙂

We wish you all the best!

Yours Truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://paulocoelhoblog.com/2012/06/09/on-the-importance-of-%E2%80%9Cno%E2%80%9D-2/)

P.S. At talaga namang humahaba na rin ang pila ng mga nguyngoy and ngasngas galing sa mga fans! Huwag kayong pahuli, send your story sa yourstrulymadma@gmail.com! Huwag na kayong mahiya kasi hindi n’yo ikakayaman ‘yan. Pag-usapan natin ‘yan dito sa YTM! Hayaan n’yong maging daan ang blog na ito para sa ikagagaan ng buhay n’yo!

I love you all!

P.P.S. At since emo-emo ang story natin today, mag-soundtrip muna tayo ulit. Gusto ko pala i-share ‘tong sort of favorite song ko these days. Ang cute kasi ‘eh. Bagay na bagay sa kaartehan natin today. Alam kong alam na alam n’yo ‘tong song ng Keane na “Somewhere Only We Know.” O, ‘di ba?! Bagong-bago! Ayan ha, ito ay malinaw na patunay na naa-appreaciate ko rin ang mga hindi birit songs ha! Chura n’yo. GAME! Kantahan tayo!❤

9 thoughts on “Tama Na, Itigil Na

  1. Kung ayaw, wag nya. Arte ni koya. Pogi? Pogi?😄
    Kurek yung look at the positive benefits. E baka nuon nauubos ang oras kaka-webcam lang, ngayon makakahanap ka na ng Korean na bet mo jan. Malaking savings din ang walang karelasyon. Yayaman ka, I swear ;p

  2. Hello naman Jay, naalimpungatan ako sa story mo kase medyo nakarelate ako. Though matagal na to nangyari saken, ang masasabi ko lang Jay, try mo rin mag reach out or tawagan not necessarily balikan but just to have a good closure. You know Jay, mas maganda pa ring pag usapan ang mga bagay bagay sa personal hindi sa text at hindi sa phone. For sure maiintindihan nya naman na at least makipag usap ka ng personal sa kanya tas kung ayaw na talaga, eh di break mo at least nagkita kayo, nabasa mo sa mga mata nya na ayaw nya talaga, narinig mo ng personal, para matigil na rin yang pag iisip mo. Malay mo impulsive lang or minsan sa buhay nyo naman, maghihiwalay kayo tas after sometime, marerealize nyong kayo pala talaga. Alam mo yun,. So I’ll go for a personal talk, good closure if that’s what’s needed by the situation, work things out if possible. Don’t cry because it’s over, smile because he happened, ikanga,.Yung saken kase dati, we always make sure to talk personally before every decision. It requires effort talaga but it helps save the relationship. Since LDR nga to, konting tiis, kung kelan may time, kausapin mo pa rin sya.

    • Trulili to. More usap pa pleeess. Kung nagmahalan kayo ng matagal tagal din wag nyong hayaang magiba overnight ang pinagsaluhan nyo ng matagal na panahon. More usap muna bago hiwalayan. Mas may sinseridad ang personalan. Plees. usap muna. (ang into-it ko sa usap) hahaha

      • WOW. Ang “dakila” mo naman. hahaha Grabe yung pag-push mo sa usap! hahaha Ang haba siguro ng patience mo sa mga ganito. Ako kasi laging may ultimatum ang mga bagay-bagay ‘eh. haha Salamat sa pag-comment.🙂

      • HAHAHA. Alam mo yan. Lagi ako nagbabasa. Walang pinalagpas na episode. Haha. Miss you too. Merry Christmas naman sa hathie grabe. Di na rin kayo nagpapapartey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s