Health is Wealth: The Dra. Madma Episode

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo, mga chaka. Kamusta na?! Malusog ba kayo?! WOW.🙂

Before anything else, ang fierce nung “Dra. Madma” ‘no? Aminin n’yo! At kailangan talaga “Dra.” at hindi “Dr.” lang. Lakas maka-Dracula nung Dra. Or pwede ring Dragonesa which is personality ko rin at times lalo na kapag gutom or antok.🙂

Alam n’yo hindi natin nagpagtutuunan masyado ang usaping “health” sa Yours Truly, Madma. So unbecoming of us! Puro tayo usapang love, sex, kabaklaan, sex, relationship and sex nitong mga nakaraang araw. ‘Eh hindi naman nakakayaman yang mga topics na ‘yan ‘eh. After all, health is wealth, ‘di ba?! So ibig sabihin ba nito ay “wealthy” na tayo kasi ‘di na natin ito pinag-uusapan?! Nakaka-praning kasi na ang daming nagkakasakit lately. Sa immediate friends ko pa lang, ang dami na. Diyos ko! Ako mismo, nagkasakit recently. Partida ‘yan ha, Diva na ako pero nadali pa rin. Paano na kaya kayong mga “simpleng” tao lang. WOW. Taas!🙂 Ito na ba ang tinatawag na “end of the world?!” NO WAY! Or NORWAY! Huwag naman sana! Hindi pa ako nagkaka-lovelife, please! Si Lord naman nagmamadali masyado. Aagawan. Lord?!

Come to think of it, napakaraming paraan or ways para mamatay. Kahit nasa comfort ka ng bahay mo, pwedeng-pwede kang mamatay. Agad-agad. Scary!!! O, ito i-list natin ang ilan sa mga scenarios of death. Habang natutulog, pwedeng bangungutin. Habang naliligo sa CR, pwedeng madulas at mabagok at magkaroon ng blood clotting or clothing. Habang nagjo-jogging, pwedeng mahagip ng truck tapos patay na. (truck talaga ha. Hindi pwedeng bike?!) Habang tumatawa nang todo, pwedeng ma-lock jaw tapos forever ka na nakanganga then papa-euthanasia ka na lang kasi haggard yung nakanganga forever. Habang kumakain, pwedeng sumakit ang batok tapos ma-stroke. Habang nakikipag-sex, pwedeng ma-lock ang titi sa pepe tapos mamamatay na lang kayo sa kahihiyan. (hello, Shaina Magdayao.) ANG DAMI!!! Kaya talagang naniniwala akong may “Lord” eh. Kasi sa daming paraan para mamatay, nanatili pa rin tayong buhay sa kabila ng ating mga kasalanan. Parang naging religion yung topic! Focus!

Lagi kung sinasabi sa mga friends ko, tumatanda na talaga kame. Kasi lumalapit na yung death sa buhay namin. Kung dati ‘eh mga unknown people lang yung nababalitaan naming nagkakasakit or namamatay, ngayon pumasok na siya sa mismong buhay namin. Two years ago, nabalitaan ko na may sakit yung teacher ko nung 1st year then namatay. Last year naman, nalaman ko na yung teacher ko naman nung 2nd year ang nagkasakit at namatay. This year, nalaman ko na ilan sa mga malapit na kaibigan ko ay mga malubha palang karamdaman. OMG! Lumalapit na talaga ang death! Layo naman muna death. Magsama kayo ng tukso. Parehas kayong lumayo! Char.🙂

Going back to the present time, nakaka-sad malaman na may sakit na yung friends ilan sa mga friends ko na ka-edad ko lang ha. GRABE! Yung isa may polyps, yung isa high-blood, yung isa parang may meningitis, yung isa may lupus, yung isa may bacterial infection sa katawan, yung isa may AIDS etc. WAAAH! Give up! Kaka-sad talaga. Mga ka-edad ko lang ‘to ha. Haaay.😦 Kaya naman maging maingat tayo, mga fans! Alagaan natin ang sarili natin. Ito lang yung magagawa natin at the very least. Kaya nga ngayon nagiging-health conscious na ako ‘eh. Gusto ko ng maging maingat sa mga kinakain at ginagawa ko. Syempre, ayoko pang mamatay ‘no. Kayo ba? Grabe yung gusto na?! Sama-sama tayong maging health conscious, guys! Simulan natin sa pag-revisit ng mga kinakain natin. Tapos more exercise and physical activities. Iwas sa yosi, sa drugs, sa casual sex and all. Mahirap gawin, yes. Pero kung sama-sama tayo, kaya natin ‘to.🙂

Huwag nating hintaying mahuli ang lahat. Gaya nga ng sabi ko, mahirap ito. Like yung healthy diet, magastos. Aminin n’yo. Tapos mahirap umiwas sa casual sex. WOW.🙂 Mahirap lahat, pero KAYA ‘YAN! I think mabuting simulan natin ito sa pag-inom ng Holy Water. I think this is the best way to start talaga.🙂

Kita n’yo naman, may tinitinda ng Holy Water na naka-bote. Ang best ‘no?! Makabili nga! Thanks naman, Mr. Jo-Harri Marasigan para sa photo na ito.🙂

Yun lang naman. Nakaka-praning lang na maraming nagkakasakit lately. Yung sakit ko pala 2 weeks ago ay sore throat at sipon na BONGGA. Grabe. At natuklasan ko na best pala ang pag-gargle ng lukewarm water with salt for sore throat. AS IN! Hiyang-hiya yung sandamakmak na lozenges na nilaklak ko! Tapos sa sipon naman, best nung mainit na tubig sa palangga tapos magtalukbong ka ng kumot para masingot mo yung init. Anong medical term ‘dun? Basta BEST! Guaranteed ginhawa! Walang sinabi ang Vicks!

Totoo nga ang sabi ng iba na ‘di bale ng walang jowa basta walang sakit. NANINIWALA NA AKO! Health is wealth talaga. Kaya sa mga mag-jowa d’yan na nagsasabing ang parner nila ang pinaka-mahalagang yaman sa mundo, I think mali ‘yun. WOW. Ako na nag-decide. Health kasi ang best!🙂

O, basta mag-ingat kayo lagi ha. Ingatan natin ang mga sarili natin gaya ng pag-iingat natin sa wallet natin at cell phone. Well, mamatay naman tayong lahat eventually ‘no. Given naman ‘yan. Pero pahabain naman natin ang appearance natin sa mundo. Ako talaga more fruits and healthy stuff na from now on. More sports na din ulit and exercise. SO HELP ME GOD!

Sa mga friends kong may sakit, kaya ‘yan! Matatapos ‘din ‘yan. Gagaling din kayo.😉

Stay healthy everyone!

Yours Truly,

Dra. Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.ask.com/wiki/File:Rx_symbol.png?qsrc=3044)

P.S. Maraming salamat sa mga nagpapadala ng mga nguynguy para ma-feature sa Yours Truly, Madma! Humahaba na naman ang pila. BEST! Salamat sa pagtitiwala sa blog na ito. Again, you can send your nguynguy and ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com.

Dali! Mag-send na at pag-usapan natin ‘yan sa YTM.❤

P.P.S. Gusto n’yo bang marinig si Madma ng LIVE?! Bet n’yo ba ang LIVE PAYUHAN?! Aaaay…magaganap na ang matagal n’yo ng hinihintay! ABANGAN n’yo ‘to NEXT WEEK! Maririnig n’yo ako ng LIVE!🙂

Madma goes LIVE! ABANGAN TALAGA ‘TO! Pota.❤

13 thoughts on “Health is Wealth: The Dra. Madma Episode

  1. Favorite ko ‘yung: “Habang tumatawa nang todo, pwedeng ma-lock jaw tapos forever ka na nakanganga then papa-euthanasia ka na lang kasi haggard yung nakanganga forever.”

  2. Lakas ng tawa ko sa holy water ha ha ha lakas makagago nung mga pinagsasabi mo madma super funny!!! Blood clothing naman. So after all yung sakit ng ulo ko ay dahil sa namumuong sipon (salamat sayo at kay red). Ngayon wala na sakit ng ulo kasi buo na yung sipon, as in solid ko syang sinisinga buo buo yes. Ha ha ha. Ang masakit naman sakin ay ang lower back pain. Masakit lower back pain ko siguro dahil sa pagbibisikleta or blood clothing pa din. Grabe panay na nga inom ko ng ginger tea/puree para numipis ang clothing oha natural remedy din parang syo, homeopathy din di ba? O siya bonding naman badminton ulit or wall climbing sa fort ganyan.

    • wahaha. Buti naman at wala ng ang sakit ng ulo mo. HAPPY!❤ Alam mo namang una ang kalusugan mo kay Madma. Gusto ko yang pagiging consistent mo sa ginger tea/puree na 'yan. Ikakaganda rin ng boses mo 'yan eventually. Pamasahe tayo soon para maibsan ang lower back pain mo! Pa-spa naman tayo! Bonding naman, Manager. Grabe ang pakupota mo 'eh. hahaha

      Love you. Or love yew.❤

  3. Hi Dra. Madma, (lakas, nakapasa ng board? Lol)

    Anyway, relate na relate ako sa post mo na yan, kasi parte ng week ko ngayon ang hospital. Dinala kasi yung tatay ko sa med city nung monday at nakaconfine sya hanggang ngayon jan sa hospital. Diagnosed sya with diabetes. Nakakalungkot. Change of lifestyle na sya dapat otherwise, mamatay agad.

    Ayun so aside from pagpapalakas, mag ipon na din tayo for our health. Ensure na hindi tayo magiging pabigat pag tumanda, ako I bought na a policy insurance from PruLife, once madiagnosed ako ng malalang sakit in the future, may malaking pera na kong makukuha. Less na ang iisipin ng anak ko. Hindi naman tayo kagaya ng US na automatic na meron silang health insurance yung 401K, so dapat sa mga mahihirap na countries maalam tayo kung san natin iniinvest ang pera natin.. hindi naman yan kamahalan.. kung nakakagimik ka every month, ano ba yung ilaan mo na ang pera mo ngayon starting pag nag25 ka na sa mga insurance.

    Pero most of all, maging maingat na guys sa mga kinakain. Dapat live a healthy life, sa panahon pa naman ngayon ang daming temptations sa pagkain kailangan lang nating mag effort. Ang tanging problema ko na lang ay ang shift ko sa work pero maayos na din naman kasi ayoko na ng extra money, extra energy na lang!!

    thanks madma sa opportunity magshare, sana may napulot kayo sa akin.

  4. love your post…indeed, we should take good care of our body. And dami ko ding kakilala na sa I would say napabayaan ang kalusugan due to stress sa work, puyat at marami pang iba…and what’s alarming is mga early 30’s silang lahat…health is our greatest treasure🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s