Madma dumalaw sa Party Pilipinas

Dear fans and followers,

Happy Monday to all of you! Alam n’yong ang Monday is equal to TRABAHO! So Happy “Working Monday” naman sa inyong lahat. Trabaho ulit mga alipin! Char.🙂 Kamusta ang weekend n’yo? Ang bilis lang ‘no?! Parang tanga. Dumaan lang siya. Nagmamadali siyang mag-Lunes. KAKALOKA!  Yung mga bagay na gustong-gusto natin sa buhay particularly weekend, holiday, sweldo at poging lalaki ay dumadaan lang lagi! ANO BAAA! Konting stay naman! Pota.

Anyway, GV GV naman! Chikahan muna.🙂

Gusto ko palang i-share na dumalaw na naman si Madma sa set ng Party Pilipinas kahapon. Avail n’yo naman yung “pagdalaw” ko sa mga artists ng Party Pilipinas. Level ng may sakit yung dumadalaw. Kaloka.😉 Pang-4th time ko na atang dumalaw sa set ng Party Pilipinas kung hindi ako nagkakamali. Hindi ito consecutive weeks ha. Grabe yung naka-tambay na sa Party P?! Matatagal ang gap ng mga dalaw ko kaya huwag n’yo akong i-judge. Requirement ko lagi is dapat andun si Ate Regine. Sino pa ba pupuntahan ko doon? Alangan namang si Jaya. Duh. Shout ouch naman sa kasama kong si Ms. Kti Alibanban. Grabe ang bilis din nating kumilos ha. Kahit na past 11:00 a.m. na tayo naabisuhan, pasok na pasok pa rin sa call time na 12:00 n.n. Good job, Witch!🙂

Sooobrang best ni Idol Regine Velasquez-Alcasid! Shet. Nagkita na naman kame for the nth time!!! And lagi’t lagi pa rin akong na-starstruck sa kanya. GRABE! As in tsope talaga! Parang tanga. Iba talaga kapag super idol mo ‘no?! Manghihina ka talaga bigla. Tingnan n’yo naman itong nakuha kong photo. Very stolen lang! Kasi naman nanghihina ako mag-ask para magpa-picture sa kanya. GRABE TALAGA! Mahinang klase si Madma. Pero isang dipa na lang ang layo ni Regine sa akin n’yan kaya keri na rin. SOBRANG LAPIT! Eeeeeh.🙂 Pasensya na sa quality ng photo ha. Again, alam n’yong naka-Blackberry lang ako!

Muli ko na namang narining ng live si Asia’s Songbird. Live na birit! POTA! Panalo. Heaven.😉 Masasabing nasa kundisyon na talaga si Ate Regine at kasado na sa concert n’ya sa Friday sa SM MOA Arena titled “Silver.” Shet! Of course, manood din ako nun! Excited na talaga ako!!! Super ganda ni Regine. At ang payat na n’ya. GRABE! Magkabraso na ata kame. Ganun na siya kapayat. AMAZING!😉 Walang kupas ang boses at ang ganda-ganda n’ya. Reyna talaga! Kinanta n’ya pala kahapon ang isa sa mga favorite songs ko na “Sana Maulit Muli.” Achib na achib!

Iba yung birit ni Regine. Swabe at malinis. GRABE! Siya lang talaga ang nakakagawa nun. Sorry na lang kay Angeline Quinto na madalas nawawala sa tono. Regine is lurve.❤

At syempre, nilubos ko na ang opportunity para magpa-picture sa ilang sa mga poging artista ng GMA 7. Lalo na kay super crush na si Mr. Rocco Nacino! WAAAAH! 3 days ago lang nagbo-browse ako ng twitter account n’ya. Tapos last Sunday nagkita kame bigla. AARTE PA?! Ang pogi ni Rocco. Yummy!

ANG POGI NI ROCCO! Final na ‘yan! Ulit-ulit?!🙂

Nagpa-picture din ako kay Mr. Richard Gutierrez. Alam n’yong pogi din siya. Ang bait pa. Panalo ang kapogian ni Kuya Chard. Diyos level! GRABE! Love ko na si Chard.❤

At naku, I have to mention na super pogi pala ni Mall Show Prince himself Jake Vargas ha. GRABE! Promising ‘tong batang ‘to. Ganda ng mukha at mata. Kumikinang! Avail n’yo naman yung title n’yang “Mall Show Prince.” Si Kuya Germs talaga kung mag-coin naman ng title. Pak na pak ang kapogian ni Jake Vargas. Crush ko na siya kahit mukhang 17 years old palang siya. Waaaah!

So yung lang naman. Yung ibang artista deadma na. Lang gana sa kanila. Dami ko ring hindi kilala sa Party P. Dapat may name tag sila ‘eh para makilala. Ang saya ng experience na ito kasi andun si Regine! Sulit na sulit kahit isang beses lang siya lumabas at kumanta. At ang lapit namin sa stage ha. AS IN! Parang tanga. Gusto ko na nga umakyat ‘eh. Wow.😉

Syempre, special thanks to Ms. JC Cantos! Iba talaga kapag make-up artist ni Richard Gutierrez. Powerful! Salamat sa ora-oradang pag-imbita. PANALO KA! Guys, pa-make kayo kay Ms. JC Cantos. Artista level ang kakalabasan n’yo! Super best. I love you, JC. Ang bait ni Chard. Masasabi.❤

Yours truly,

Madma

P.S. Happy Birthday naman sa masugid na suporter ng YTM na si Ms. Cherrie Cruz ng Northgate Arinso! GRABE. Libre naman!🙂 Salamat sa pagbabasa ng YTM. Balita ko updated ka lagi ha. Panalo! We love you, Ms. Cherrie. Arte nung may “Ms.” Love ka namin ni  Ms. Jill Masalonga. Enjoy your day at salamat sa suporta kay Madma. Wish ko sa’yo is gumanda ka pa kasi medyo… CHAR! Happy Birthday ulit. Mwaaah❤

Salamat din sa mga ka-bonding last weekend. I love you, UP Repertory Company and PEERS.❤

O, ‘di ba?! Ang jampacked lagi ng weekend ko. Daming nagaganap. Diva ‘eh. WOW.🙂

P.P.S. Gusto ko rin pala i-share ang PASABOG ng performance ni Idol Regine! Grabeeee. Check n’yo ‘tong video na ‘to! Boses lang niya at piano. Waging-wagi. Makikita n’yo rito kung gaano siya kagaling at kalinis kumanta. GRABEEEEEEEEEEEE! Heaven.❤ Sana makantahan n’ya ako ng ganitong level sa bahay. Pota. Avail n’yo yung pagbirit n’ya ha. Simple pero ROCK! Go.🙂

OMG! Pahabol! Ito pala yung performance ni Ate Regine kahapon. Grabe nasa youtube na agad.🙂 Ito yung napanood namin kahapon sa Party Pilipinas. BEST!

17 thoughts on “Madma dumalaw sa Party Pilipinas

  1. madma!! true! pinapasaya mo ako ng todo pag nagbabasa kame ng blog mo🙂 thank you sa birthday greeting! for sure madami ng may alam na nagbertdey ako! hehe love you!!!🙂

    • wahaha. Wala ka ng takas. Na-announce na. haha Bonding naman tayo nila Jill minsan. GRABE! Puro kayo trabaho. May-ari?! Happy Birthday ulit, Ms. Cherrie. Sana ay gumanda ka pa talaga. hahaha

  2. ang saya! party pilipinas is lurve!
    Te Regine – Reyna
    Alden Richards – Tisoy. Super pogi ples!
    RitsGutz – gwapo din dyos ko. parang di tao.

    enjoy ding masasabi.

    • Witch! Love our bonding! haha Panalo si Ate Regine!! Bigay ko rin ang kapogian ni RitsGutz and Alden. hahaha Naku nakalimutan mo i-mention ang Mall Show Prince himself Jake Vargas! GRABE!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s