Humayo Ka at Rumampa

Dear Madma,

Last week I stumbled across your blog and I was captivated by your posts. Kaya heto ako, requesting for your thoughts, assistance- simply wanting to have a conversation.

Lately, I’m thinking na ready na ako to have a relationship pero everytime na may nakikilala ako, eh naduduwag ako. First, what if magkasakit ako kase may kaibigan akong HIV positive. Dati, it is just a number na nababasa natin sa news pero this time, ka-kilala ko na- definitely not a number anymore. For another, three of my gay friends ay sabay-sabay na nakipag-break sa mga partners nila of 4, 5 and 7 years. And lastly, matanda na rin ako at medyo naging busy literally sa work kaya medyo napabayaan ko ang isang aspeto ng buhay ko na akala ko eh di naman importante sa akin noon. Minsan iniisip ko na too late na siguro kase kulang na rin sa practice eh, di ko na ata alam paano magpaligaya ng isang tao.

Am 31 yrs old, medyo cute naman sabi ng mga kaibigan ko, workaholic, serious, never had a relationship, though had some fun here and there nung kabataan ko. Madma, I guess am ready to have someone in my life and just to let you know, someone na seryoso. Is it still possible?

Yours truly,

Jeepney Driver

P.S. One hot gay here. Or so I think!

___________________________________________

Dear Jeepney Driver,

Welcome sa YTM! Salamat naman at “na-captivate” ka ng mga posts ni Madma. Kaka-flatter!😉 Lakas maka-bihag nung word na “captivate” ha. Naalala ko tuloy si Ms. Ces Drilon na minsan na ring “na-captivate” ng Abu Sayaff. Shout ouch naman sa inyo, Ms. Ces.🙂 On the other hand, pwede ring pang-bold star ang word na “captivate” ha. OMG! Iniisip ko tuloy na palitan na ang title ko from Ultimate Horror Diva to “Captivating Diva.” TARAY!!! Buti naman at na-stumble across mo ‘tong blog ko. Mapalad ka at napadpad ka sa YTM. Maraming tinatawag pero iilan lang ang nakakakita ng “liwanag.” WOW. Mama Mary naman pala ang peg.

Grabe ang taas rin ng confidence mo sa statement na ito “one hot gay here.” SURE KA?! Parang walang masyadong basis ‘tong claim mo na ‘to. Parang puro angas lang. Send ka naman ng picture para malaman namin kung legit ba na “hot” ka. Picture naman showing your dick. Kahit picture lang from your abs to your balls. Kahit wala ng face. CHAROTH!! Ang dumi ng bunganga ko. Makapag-hilamos nga ng Holy Water para mahismasan.🙂

Anyway, ano baaaa! Huwag kang matakot sumubok ulit magmahal. Huwag kang maduwag. Laban lang! Walang matanda at bata sa love. Si Madam Auring nga at Vicky Belo’ ‘di ba?! Ilang beses nang nadapa pero NEVER sumuko. Grabe yung pinag-level ko sila. Parang na-offend si Dra. Belo.🙂 Si Idol Regine Velasquez din, age 40 na nung magka-jowa at magka-anak. O, ‘di ba lola level na rin! Huwag kang ma-nega sa edad mo. Malakas pa bumayo ang isang 31 years old. Alam ko ‘yan kasi nasubukan ko na. CHAR!

Huwag ka ring ma-nega sa kaliwa’t kanang break-ups ng mga gay friends mo. Malas lang talaga sila sa buhay. Kasi nga bading sila. Salot sa pananim. CHAR! Hayaan mo lang silang makipag-break. Hindi mo naman kasalanan na nasira ang relationships nila sa mga partners nila of 4, 5 and 7 years. Huwag kang pa-involve. Ang mga naganap sa kanila ay not necessarily magaganap sa’yo. Gabay lamang sila. Mayroon tayong freewill. Gamitin natin ito. PAK!🙂

Alam mo, feeling ko, mas nato-trauma ka lang kasi may HIV positive ka na friend. I think ito yung major factor kaya nauulol ka. Damang-dama ko yung takot mo sa HIV part. Well, hindi rin kita masisi kasi dumarami na rin talaga ang mga kaso ng HIV sa bansa. Medyo HIV equals death din. Pero hindi ito dapat maging hadlang sa muling pagtibok ng puso mo! Grabe naman yung kaka-meet pa lang HIV na agad ang nasa isip mo? Hindi ba pwedeng ubo muna at sipon? Kaloka ka.

Huwag mo naman hayaang mamatay ang puso mo dahil sa kasawian ng iba. Ang unfair mo naman sa self mo. Not likey ‘yan! Kung hindi mo na rin lang gagamitin ang puso mo dahil sa “takot,” siguro better na i-donate mo na lang ‘yan sa Philippine Heart Center para magamit ng iba. Pwede namang maging maingat habang sumusubok muli sa pag-ibig, ‘di ba?! Pwede namang date, date lang minus the sex muna, right? Hindi ka dapat ma-nega sa mga external factors sa buhay. Wake-up call lang dapat sila pero hindi ka dapat pigilan ng mga factors na ito para muling magmahal. Isipin mo na lang kung ang mga parents natin ay natakot dati at nagpa-apekto sa kanegahan ng buhay. ‘E ‘di hindi na sila lumandi at hindi na tayo pinanganak! Wala na sanang Madma and “One hot gay here” sa mundong ito, ‘di ba?! Huwag kang matakot, Jeepney Driver. Lumayo ka sa kanegahan. Mag-yoga ka nga. Parang ang daming negativities sa buhay mo. Go na!

Take it from Madma, huwag kang matakot na sumubok muli sa pag-ibig. Go lang nag go! Walang taong nagtatagumpay nang hindi sumusubok. Lahat ng matagumpay na tao ay nagsimula sa simpleng “subok.” Subok lang nang subok. Or subo lang nang subo. Char.🙂 Sa tingin ko, handa ka na muling magmahal. Nane-nega ka lang sa mga kaganapan sa paligid mo. Huwag kang paapekto. Gumawa ka ng sariling marka sa mundong ito. Hanapin mo ang kaligayahan na para sa’yo.🙂 Kung mabigo at madapa ka man,‘e di umiyak ka at bumangon. Ganun lang. Tandaan mo, 31 years old ka na, assuming na mamamatay ka by the age of 60 (grabe yung pinapatay na kita), that means na meron ka na lang 29 years sa mundong ito. Hahayaan mo bang masayang ang 29 years na nabubuhay sa takot at pangamba? Hahayaan mo ba ‘to?! Huwag naman sana, Jeepney Driver. SAYANG!😦

So much for excuses na busy ka sa work, workaholic ka at wala kang time. Busy din kame! Huwag kang pabida. Laging may time sa mga bagay na gusto natin sa buhay. Laging may time. Umaarte ka lang. Walang deadline sa love so hindi ka pa late.🙂 Magmahal ka lang, Jeepney Driver. I-unleash mo na ang kalandian mo. I know malandi ka. Char.🙂

Enjoyin mo ang buhay. Humayo ka at hanapin ang iyong kaligayahan. SUGOD!

Bon Voyage.😉

Yours truly,

Madma

(The phot above was lifted from tbsi site: http://wallpaper-million.com/download/Big-wave-is-about-to-eat-a-small-boat-wallpaper_2930.html)

P.S. At talaga namang ito ang ang pinahihintay ng mga taga-P&G IT ng IBM Solutions Delivery, Inc. Shout ouch naman sa mga bago kong fans sa IBM.🙂 Grabe yung involvement ko rito ha! Kakaloka!🙂

Tandaan ang gift-giving dates n’yo. Grabe yung kakalimutan!:

November 29
December 7
December 14

Each gift should amount to P100 (for Nov. 29 and Dec. 7) and P300 (for Dec. 14), and should follow the theme. Ang theme n’yo pala is “Infectious Diseases.” Bongga! Special instructions like where to leave the gifts will also be provided.

ITO NA!!! Ito na pala ang inyong mga codenames:

1. Brazilian Hemorrhagic Fever

2. Tuberculosis

3. Burkholderia

4. Malaria

5. SARS

6. Chikungunya

7. Kulogo

8. Anthrax

9. Mad Cow

10. Bulutong

11. African Sleeping Sickness

12. Clonorchis Sinensis

13. Venezuelan Equine Encephalitis

So there. Ang taray naman ng mga codenames n’yo. Mga sakit talaga?! Very nega.😉 Sana naman hindi n’yo ma-acquire yung mga napili n’yong sakit. In fairness ha, walang nagkapareho! Good job kayo!😉

Good luck sa Kris Kringle n’yo. Galingan n’yo naman! Hope to meet you all in person soon.❤

P.P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguyngoy at ngasngas kay Madma. Isulat n’yo lang at ipadala ang mga storya n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com. Ife-feature ko ‘yan dito! KAYA GO NA!

Salamat sa lahat ng mga sumusubaybay at walang-sawang nagbabasa ng mga posts ni Madma.

I love you all.❤

And since super lapit na ng concert ni Idol Regine Velasquez, isa ulit panalong Regine moment ang handog ko sa inyo! Sa Friday na ang concert ni Regine sa SM MOA Arena. Hindi na ako makapag-hintay! I’m sure pasabog ‘tong concert na ito. Todo biritan ‘to! Kaya naman mag-Regine muna tayo! One of my favorite songs: To Reach You.

14 thoughts on “Humayo Ka at Rumampa

  1. oy madma sa thurs ah.

    anyway, bata pa naman ang 31 di pa naman huli ang lahat haney. may chance pa din. wag mag give up. ang lakas maka “one hat gay” din ah. medyo na “captivate” din ako dun. chows. being single is a gift. a gift that i dont want at gusto ipamigay. echos. HAHAHA single single muna guys. keri lang yan. darating din yan. bandang baclaran na daw siya eh. nagtext na.

    • Wahahaha Gusto ko yung nasa Baclaran area na yung love for Jeepney Driver! wahaha Ang witty mo talaga, Phiz. Mana sa akin. WOW. hahaha

      Game na sa Thursday! Live na live tayo sa Da’X Files! Yun oh!❤

  2. Baklaan na naman! Oh yes! Wahaha!

    Grabe yung tumatanggap ka na rin ng corporate shout ouchs, Madma. May gift pack ba from P&G? Chot.

    Hi Jeepney Driver! Anong route mo? Park Square – Libertad ba or Magallanes – PRC? Pasakay naman! Sana nagdadrive ka rin ng taxi at pumipila sa may SM Makati tuwing 9 to 10am. Yikeeee. Wuw pinupush yung sarili hahaha!

    Well di kita masisisi sa takot mo sa HIV. Ganyan din naman ako. Buti na lang non-reactive ako based sa medical exam ko nung October 25. Maisingit lang hahaha!

    31? Grabe muntik na nga akong mauwi sa 34 years old. Ayos lang yan. Di naman ako aarte sa 4-year difference. Wuw. Landi ko lang eh no? Hahaha!

    Sabi nga ni KC in one of her Palmolive Naturals TVCs, “Age is just and number, and young is an attitude.”

    • hahaha. Ang lakas nung tuma-tie up na si Madma sa corporate world or wuld. haha I think magreregalo naman ang P&G IT people. WOW. hahaha

      OMG! Kilala ko kung sino yung 34 years old na tinutukoy mo. NAKAKALOKA. Taga-academe ‘yan ‘eh. #PartysaMalatethenUwisaCondo hahaha LANDI!

  3. Hi jeepney driver!🙂

    Sweet lover ka ba? Wow naman, tamis tamisan din ha? Alam mo, malapit ang puso ko sa mga jeppney kasi commuter ako eversince … Sabi nga ng signboard sa jeep na sinakyan ko kanina: “uuwi muna tatae lang”..wow! Tas nung isang araw: “nanay ibabaw, tatay ilalim”.. Wow naman di ba? Witty din sila! Lakas Kong maka any-any.

    grabe yung duwag-duwagan ang peg mo ..not likey! Sa age mong yan, grabe yung marami kang apprehension at nguynguy! Grabeeee dapat gogogo, arte-arte na lang? andami mo kasi namimiss. Eh panu kung importante yung calls (wow maka-punchline). Well minsan talaga pinanghihinaan tayo ng loob. Pero dapat labanan natin ito, dapat may pinanghahawakan tayo…why don’t u try the following alternative ways everytime may pangamba ka:

    1) patay na ako bukas mindset – isipin mo mamamatay kn bukas…iconvince mo sarili mo na totoo, tingnan ko kung di mo imaximize ang moments mo sa present

    2) end of the world na bukas – parang #1 lang, iba lang ng scenario..pwede mo ialternate 1 and 2 para di nakakasawa

    3) mainggit sa iba- tingnan mo nga yung iba jan. Mas matanda, mas panget, mas mahirap, mas chararat pero bat kinakaya nila? Ibig sabihin kaya mo rin.

    4) casino mindset – wala naman kasiguruhan ang lahat ng bagay sa buhay naten. Pero alam mo ang mas importante? Yung natututo tayong sumugal kahit walang kasiguruhan. Di pwedeng laging sure, bawal yun. Otherwise sure-sure-an nalang ang itawag natin sa buhay. gusto mo ba yun? (Uy hindi siya patay, sure-sure-an siya!!! Sagwa di ba?)

    5) Nike. Just do it.

    Oh ayan ha? Sana makatulong..

    Madma super thanks naman in behalf of the whole P&G IT Team. Pina-special mo ang Kris kringle namin! Ambest!!!!

    • WAHAHAHA! Ang best nung Casino mindset! hahaha Yun pala ang tawag doon?! Salamat naman sa pag-advise sa amin. haha Na-miss na fans ang one and only “Alternative Diva” na si NUNES. Kamusta ka na ba, Nunes? Sana naman ma-libre mo ako soon. WOW. Abusada. hahaha

      Galingan n’yo sa Kris Kringle ha. Grabe tinodo ko ang support ko d’yan. Hangad ko kasi talagang mapasaya ang P&G IT group ‘eh.❤

      Salamat sa Healthy Shabu-shabu kagabi. Ang best talaga ng mga BG ko or Breadwinner's Group. OMG! May group na tayo!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s