#AmaMadma #Amalayer

Dear fans and followers,

Nakakaloka naman ‘tong si Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa. Sikat na sikat bigla ang pota. Shet. Ako ilang beses nagdadasal para sumikat tapos siya isang kembot lang worldwide hit na! Halos isuko ko na nga ang pagkakaroon ng lovelife for fame tapos siya konting pagtataray lang with a ghetto accent sikat na! SIYA NA!!! Inggitera?!😉

Ang daming nanghihingi ng thoughts ko re: Amalayer Case. WOW. Case talaga? Kakapanood ko lang ng video this morning at super aliw siya! Ghetto level talaga. Malakasan! Sana nag-trintas siya ng buhok para legit na legit na ghetto girl. Ang fierce naman ng mga sumasakay sa Santolan Station ng LRT 2 ha. Kakatakot. At may accent pala mga tao doon? Taray ha. Part pa naman ng ‘Pinas ang Santolan Pasig, ‘di ba? Bakit parang ibang tao na sila? Sosyal ‘eh. Makabisita nga sa Santolan Pasig sa weekend at makapamili ng pagkain. Feeling ko talaga sa kinakain nila ito kaya sila may pasabog accent. Char.🙂

Moving forward, mahirap mag-judge sa totoong naganap. Wala naman tayo sa scene of the crime. Hindi natin talaga alam ang tunay na pangyayari. Pero kung iba-base natin sa video alone, talaga namang nakakapag-init ng ulo ang asta ni Amalayer Girl. Ang taray ‘eh. Ang gaspang at dumi ng bunganga. Mapapamumog ka talaga ng Holy Water! Sarap tadyakan nung mukha n’ya. Parang siya yung may-ari ng LRT Line 2 to be exact. Ganyang level.  Tapos pobreng guard pa ang kalaban n’ya. At ini-English pa n’ya ang guard. Diyos ko! Akala mo tauhan n’ya n’ya yung guard kung maliitin. Wagas yung galit ni Ma’am. Ka-level ng mga Martial Law victims. Kaborkot. After seeing the video nga, parang na-realize ko na ang bait-bait ko pala sa kapwa at mabuti pala talaga ang kalooban ko. WOW. Well, talo talaga si Ms. Paula sa scenario na ito. Siya talaga yung lalabas na kontrabida.😦

Ito ang full video para sa mga hindi pa nakakanood.

_____________________________

May pinag-aralan palang tao ha? Char.😉

Ang pasabog pa na part is naging trending topic ito sa Twitter worldwide. Pinagusapan talaga ang ka-cheapang ito sa loob at labas ng bansa. O.M.G. Baka napanood ito ni Ms. Mariah Carey! Nakakahiya naman. For sure sasabihin n’ya, “That brown monkey is feisty and can really speak English. I like her.” Char.🙂 Shout ouch naman Ms. Mariah. Balita ko nagbabasa ka raw ng YTM. LAKAS!😉

On the other hand, nakakaawa rin si Amalayer girl ha. Diyos ko! Ang todo rin ng pagka-viral ng video. Gangnam Style level. Siguro inuumpog na nun yung mukha n’ya sa pader sa kahihiyan. Or siguro papa-surgery na siya at papalitan na n’ya yung itsura n’ya parang si Nanette Medved sa pelikulang “Hiram na Mukha.” GRABE. I feel for her din ha.😦 Traumatic talaga ito. Bangungot. Hindi ko yata kakayanin ang ganitong level ng kahihiyaan. Worldwide! Wawa naman siya. Na-cyberbully rin talaga si Amalayer Girl sa social media. Sabi n’ya sa interview, “I deactivated my Facebook, I deactivated my Twitter account. I wanted to keep mum about the whole thing but sobra na po, bugbog na bugbog na ako. Everybody commits mistakes. May perfect po ba sa mundo? Wala naman eh.” Haaaay…

Alam n’yo minsan talaga nakaka-init din ng ulo ang mga security guards. ALAM N’YO ‘YAN. For sure may personal encounter din kayo sa kachakahan ng mga guards. Mahirap din kasi talaga sila kausap minsan. Sakit nila sa bangs. Kakaasar din talaga. May mga bastos din na guard ha. Ay naku, huwag n’yo akong simulan. Kwento ni Amalayer Girl, “hinablot niya ako sa left arm ko and I don’t know kung makikita pa rin siya but I have a bruise to prove that. Medyo malabo lang siya but I have a bruise. Grinab niya ako. Doon pumitik, doon ako nag-snap kasi grinab niya nga ako.” O, ‘di ba? Kung ito man ang totoong nangyari, kakainis din talaga yung guard lalo na kung malakas ang pagkaka-hablot. Iinit din talaga ang ulo mo. Kahit sino naman. Pero sana na lang ‘eh hindi nag-iskandalo ng ganun ni Amalayer Girl kasi nga may “pinag-aralan” siyang tao. Sana ni-report n’ya na lang sa supervisors to settle the matter privately.

Ang pinaka-takeaway ko sa kaganapang ito is ang powerful na talaga ng social media. GRABE! Kaya ka n’yang pasikatin pero kaya ka rin n’yang pabagsakin. Nakakaloka. Kaya dapat maging maingat na rin tayo sa mga ginagawa natin kasi baka bukas tayo na ang laman ng youtube! SHET! Maging maingat at responsible rin tayo sa paggamit ng internet. Pwede talaga tayong makasira ng buhay ng tao kaya pag-isipang mabuti ang mga iu-upload at sasabihin sa ating mga social media accounts.🙂

Lastly, ang insidenteng ito ay panawagan din na i-upgrade na ang mga facilities ng LRT and MRT. PLEASE NAMAN! Dapat kasi wala ng mga guards ‘eh lalo na sa mga public places. Machine na lang dapat kagaya sa Singapore. Sa totoo lang minsan, hindi ko naiintindihan ang point ng security guards na nilalagay sa mga entrance areas ng MRT, LRT etc. Dudutdutin lang yung bag mo tapos pasok ka na. Paano kung yung bomba ‘eh nilagay ko sa sapatos ko? Wala na! Walang sense din talaga minsan yung “inspection” na ginagawa nila. Pampahaba lang ng pila. Hassle.

Yun lang naman. Sana ay ok na si Amalayer Girl. Matatapos din naman ‘tong issue na ito soon so konting tiis lang girl. For now, mag-reflect ka muna sa buhay at sa mga pag-uugali mo. Char.😉 Ma-retreat ka muna kasama ang mga Madre para makakuha ka naman ng tips re: “mabuting-asal.” Magbasa-basa ka rin ng books re: “pakikipag-kapwa tao.” Maghanap ka ng mga self-help books on anger management in public places ganyan. Madaming books na ganyan. Makakatulong sa’yo ‘yan.🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://rightonthemark.wordpress.com/2012/11/14/amalayer-paula-jamie-salvosa/)

(Addtional source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/11/14/12/amalayer-girl-cries-foul-over-cyberbullying)

P.S. Bukas na ang Silver Concert ni Regine Velasquez! GRABE! Excited na ako. See you bukas sa SM MOA Arena mga fellow Reginians! I’m sure itotodo ito ni Ate Regine! SHET!  Biritan na ‘to. Happy Regine Day tomorrow.❤

18 thoughts on “#AmaMadma #Amalayer

  1. actually ambivalent ako kay amalayer, natatawa lang talaga ako sa accent nya. pero agree ako sayo madam, mahirap mag judge di naten alam situation. di naman to tulad ni mr i was not informed at ni mr phillip morris exec eh.🙂

  2. Masaya ako at may opinyon ka sa pangyayaring to Madma. hahah Napareflect din ako dito kasi parang feeling ko wake-up call to sa ating mga Pilipino to. Parang reality check pagdating sa Kagandahang asal at pagpapakatao. Tama naman syang walang taong perfect kaya lang kasi madami naring Pilipino ang nakakalimot sa pinaka-basic na “GMRC o Good Manners and Right Conduct”. Si Amalayer ay sumasalamin sa mga taong nagkaroon nga ng edukasyon pero tinake-advantage naman nya ito para makapang-api ng ibang tao. Alarming dahil hindi lang tayo dapat nagpproduce ng mga Highly intellectual na mga tao, dapat kasabay nun ay dapat pagiging morally upright rin. At kung talagang sadyang masama ang ugali ng isang tao ay ilagay naman sa lugar. Kawawa naman kasi tayo kasi nakaka-apekto eto sa image natin bilang mga Pilipino. Biruin mo andito na sa atin yung 2 presidents na Kulungan ang bagsak, Senador na nangongopya ng speech, Mega star na namamatol ng twitter followers… Haay

    • Hello, Zee! Gusto ko yung point mo re: kagandahang-asal. Tama ‘yan. Ang basic nito pero ang daming nakakalimot. Ang dami ring problema ng bansang ito ha. Pati GMRC, issue rin talaga. Calling talaga ito sa ating lahat lalo na sa mga guro na nagtuturo sa paaralan, sa mga magulang na may mga anak, sa mga public officials na laging nakikita sa TV etc. Love your insight!❤

  3. Minsan, may pagkakataon talagang nakikita mo sarili mo s sitwasyong ipagtatanggol mo b sarili mo vs. magpapasensya. I think okay lang mag taray s mga kairitang tao n ayaw gawn ung trbho nila ng tama (may ganyan tlaga). And kelangan tarayan sila to make them come to their senses. Ang puna ko lang kay amalayer ay she could have handled it with more class. Not bring herself down. And you don’t ever brag abt your educ attainment. If you are confident enough

    • Hindi naman naiiwasan ang galit at pagkapikon sa mga bagay-bagay. Si Amalayer ay kagaya rin nating taong nagagalit, sumisigaw, napipikon. At some point ay naging Amalayer din tayo. The only difference is hindi tayo nalagay sa youtube. haha Pero calling ito sa ating lahat na lumugar. May tamang paraan sa mga bagay-bagay. May tamang paraan sa paghawak ng mga maiinit na sitwasyon.😉 Salamat sa point mo, Freuenmaus,❤

  4. Kagaya ko sa isang banda si Amalayer, mejo madaling uminit ang ulo ko sa bad customer service, higit sa lahat yung masasaktan ka pa ng hindi nagpapalamon sayo, at sa mga tao ding super abusive sa kanilang power. Human nature yang self defense e. Pero magkaiba kami sa paraan ng paghandle. Natutunan ko to nung nagwork ako sa Jollibee Head Office, kasi nalaman ko na lahat ng empleyado nagkakamali yan, minsan lack of training, minsan may bad day lang talaga sila, kailangan iniintindi at hindi pa rin dapat mawawala ang respect sa bawat tao – regardless of position and class, lahat tayo may dignity kahit mga pulubi pa yan.. But at times na sobra na sila.. dito ka na magiintervene at ang pinaka tamang way to deal with it?– Tandaang mabuti, ito ay ang pagescalate sa Manager. Yes you heard me right, Manager. Or direct supervisor. Dahil sa kanila talaga makikinig ang kahit sino pang empleyado above all. May point si teh guard, may point din si Paula, pero higit na may desisyon in the end ay ang manager. Sa kanya kayo magsumbong sa mga panahong ito, mag special request pa kayo ng parusa para sa ikakasatisfy ng sense of justice nyo pero never put it in your hands. Sa case naman ng taxi driver na level din ng pasaway na mga guard, ang pinakatamang venue dahil wala talagang manager ay taxikick.com, pulisya, etc. basta isang mas powerful na third party.

    kaya naman ang ating sasabihin, pampacool down na din para hindi mukha nila ang nakikita natin lalo na pag iritang irita ka na sa tao ay ‘can i speak to your manager?’ – manginginig na sila jan, walang palya to mga repaks, very educated pa ang pagapproach mo sa problema and sa proper way magusap, tumabi sa daan ng mga tao at better kung papasok ka pa sa office ng manager.

    • WOW! Ang best naman ng sharing mo, DF! Medyo “personal” talaga! LOVE it. haha Gusto ko yung point na pagkuha ng third person na may authority. Mas naging may “class” sana ang mga kaganapan. Bongga ‘yan!

  5. Hirap din kasi sa iba, laging dinadahilan ang pagiging “hindi perfect” para gumawa ng hindi tama. It is and it will never be an excuse to do wrong. Bakit, me sinabi ba sa ten commandments na: mahalin mo ang yong kapwa pero pwede mo din silang saktan kasi hindi ka naman perfect gaya Ko.

    At ang mga guards… Nakakapaginit din talaga sila ng ulo… At minsan ng laman… Me mg guard din talagang ang hot. Alam mo yan Madma.. Haha…

    See you very very soon madma! Dejavu naman jaaaaan!!!!

    • Agree sa may guard na HOT! Pota. haha Napatunayan ko na ito many times already. haha See you soon, Ron! Pakita ka naman pagdating mo rito, Miss ka na namin. Lalo na ni Jenjen. hihihi.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s