Film Review: Pitch Perfect, Looper and Wreck-it Ralph

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo. Ang bilis ng araw. Thursday na. Tapos Friday na! Then Monday na naman. Kingina. Ulit-ulit lang. Nega much?!🙂 Kamusta naman kayo? Sana ay nakakakain naman kayo nang maayos.🙂

Nakakaloka yung sunud-sunod ang movie watching ni Madma sa big screen nitong mga nakaraang araw. Hirap din ng maraming friends minsan. Magastos. Siguro it’s about time na magbawas na NAMAN ako ng ilang mga friends. FIERCE nung nagbabawas! Well, hobby ko rin talaga ang pagbabawas ng friends lalo na yung mga walang gana masyado. Pero ang dami pa rin nila up to now. Haaay… Char. Ang hirap talaga kapag “mabuting-tao.” Lapitin ng mga kaibigan.😉

All in all, naka-3 films ako sa sinehan since Friday last week. At take note, hindi mga horror films ‘to ha! O, ‘di ba? Nagve-venture out na ang Ultimate Horror Diva. Kakairita yung word na “Ultimate.” Lakas maka-wrestling! Masasabing naging halu-halo talaga ang genre ng mga napanood kong films nitong mga huling araw- from action, drama to musical. Avail n’yo naman yung nanood ako ng action!

Kaya naman, hahatulan ko na ang mga films na napanood ko using my highly trusted and state-of-the-art meter a.k.a Divanometer. TARAY! Lakas nung may sariling panukat si Madma sa mga bagay-bagay. GAME!

_________________________________________________

Pitch Perfect

(Cast: Anna Kendrick, Brittany Snow, Ben Platt, Skylar Astin, Anna Camp and Rebel Wilson)

Napanood ko ang film na ito last Tuesday sa Robinson’s Galleria. Humabol talaga ako sa last day of showing. To be honest, hindi talaga ako masyadong fan ng musical. Ang weird ko ‘no? Bading tapos hindi mahilig sa musical? Baka lalaki talaga ako afterall. WOW.🙂 Actually, pinilit lang ako manood. Umarte kasi yung isa kong friend na itago na lang natin sa pangalang Sanriel Chris Ajero. Shout ouch naman kay Sani and sa OCEANS na kasama ko manood ng film. Sana naman Sani ‘eh na-note mo yung support ni Madma sa pakulo mong ito.😉

Overall, happy naman ang musical film na ito. Entertaining siya. ‘Yan na ang perfect description sa kanya. Mapapakanta ka talaga sa mga songs. This formula musical film will surely appeal to all gays and divas out there. Sure ako d’yan. ‘Eh paano ba naman, lahat ng bet ng isang bading  ay nasa Pitch Perfect na-  tarayan, artihan, kantahan, bitchesan, choreo-choreo, bosesan, biritan, labanan etc. O ‘di ba?! Aarte pa?! Ang fun ng mga characters! Legit na funny sila. Ok yung acting ng mga lead stars. Witty ang script. Hindi pilit, hindi jologs. Ang sincere rin ng mga characters kaya naman nakuha ako. Tolerable ang mga kaartihan nila sa buhay at hindi masakit sa bangs. Ang saya-saya ng mundo nila. Puro kanta na lang ginagawa nila sa buhay. Hindi na sila nag-aaral! Sana ganun na lang din sa totoong-buhay! Haaay… Arte?🙂 Ang best ng pag-mash up sa mga songs. PANALO! Gustong-gusto ko yung atake nila sa songs na The Sign ng Ace of Base and Turn the Beat Around ni Ms. Gloria Estefan. BEST!😉

Huwag na nga lang kayo masyadong mag-expect ng something new sa film. This film offers nothing new. Simply put, nagawa na.😉 As I’ve said, formula film na ito so highly predictable lahat. Take note, LAHAT. Ka-level ‘to ng typical na Pinoy teleserye na mahirap-mayaman, aapihin tapos magtatagumpay. Kayang-kayang magbida dito ni Karylle. Kaya n’ya lahat ‘eh.

Kaya naman ang Pitch Perfect ay nakakuha ng 2.5/5.0 on my Divanometer. Predictable yet entertaining.😉 Huwag kayong malungkot kung ‘di n’yo napanood sa big screen. DVD material naman ang film na ‘to. Panoorin n’yo na lang kapag may DVD copy na. At tsaka wala na rin kayong choice. Na-pull out na siya sa sinehan.😉

(Photo credit: http://www.filmofilia.com/pitch-perfect-trailer-poster-and-9-photos-105804/)

Looper

(Cast: Bruce Willis, Joseph Gordon-Levitt and Emily Blunt

After 100 years, napanood ko na rin sa wakas ang Looper bago pa man mawala sa sinehan. Shout ouch naman sa The UP Repertory Company na kasama ko manood. Maganda ang premise ng pelikulang ito. Gusto ko yung paggamit nila sa element ng time travel. Lakas maka-sci fi! Tipong maloloka ka talaga sa mundong ginagalawan nila kasi pasabog! Ang taas ng thrill and excitement sa first half. Mabilis ang pacing, madaming twist and maraming nagaganap! Talaga namang sigaw ako nang sigaw sa sinehan. Kaya lang bumagsak na sa second half ‘eh. Nabagot na ako. Naging tsikahan na lang yung second half. Sayang.😦

Hindi ko pala ma-classify kung anong genre ang film na ito. Grabe kasi yung pag-mix niya ng genres ‘eh. May action, drama, suspense, sci-fi, horror, etc. Lahat na yata ng genre ‘eh gustong ipasak sa Looper. Kakaloka. Hindi ko pala masyadong bet ‘yung pag-add ng character ni “Rainmaker.” Na-lost na ako doon. Lakas maka-horror nung appearance ‘eh. Pwede ng kunin yung character ni Rainmaker at gawing isang solo movie. Papalag siya kina Esther ng The Orphan and Lilith Sullivan ng Case 39. Ganung level.

Gusto ko pala ang acting ni Ms. Emily Blunt sa Looper! Ibang Emily ang pinakita n’ya rito! Last ko kasi siyang napanood sa Gulliver ‘s Travel bilang reyna-reyna siya doon. :) Nanibago ako sa Southerner accent n’ya sa Looper. Ang best ni Ma’am at ang ganda pa. Very Lucy Torres-Gomez ang beauty n’ya.😉 Panalo rin ang acting ni Joseph Gordon-Levitt. Hindi ko siya nakilala! GRABE!!! Ang galing ng make-up. Ibang tao talaga siya sa pelikula. Best ng acting n’ya! Artistang tunay. GRABE!!! Dito kasi sa atin, pare-pareho lang ang acting nga mga leading men. Take for instance si Derek Ramsey. Same-same lang yung itsura, acting and atake sa lahat ng films n’ya. Yung mga damit at leading ladies lang n’ya ang nagbabago. Chaka! Si Bruce Willis, ok naman. Action star. Hindi tinamaan ng bala ng baril EVER sa film. Malakas siya eh.😉

So having said that, ang Looper ay nakakuha ng 3.5/5.0 on my Divanometer. Maayos naman ang storya ng pelikula overall. Magugustuhan n’yo ‘to for sure. Not sure kung showing pa ‘to sa sinehan.

(Photo credit: http://themovieblog.com/2012/another-new-looper-poster/)

Wreck-It Ralph

(Cast: John C. Reilly, Jack McBrayer, Alan Tudyk, Sarah Silverman, Jane Lynch and Ed O’Neill

Ito ang panalong film! Nakakaiyak!!! Grabe. Ang ganda ng Wreck-It Ralph. Ang simple ng storya pero ROCK! Haaaay…😦 Gusto ko nga ulit panoorin ‘eh. Kaya lang napanood ko na. WOW. Walang sense.🙂 Shout ouch naman sa PEERS na kasama kong manood.

Super aliw talaga ‘tong latest film ng Disney. May “kurot” sa puso. Daming parts na mapapaiyak ka lalo na kung maarte ka. Ang saya nung premise na nagkaka-interact ang mga characters sa various games pagkagat ng gabi. Brilliant idea talaga! Ang saya-saya ng mundo nila. Pinakita sa film na “trabaho” lang talaga ang mga ginagawa nila sa video games. PANALO!🙂

Kaya lang ‘di ko kilala si Ralph ‘eh. ‘Di ko alam ang game na Wreck-It Ralph. Hindi siya part ng childhood ko. Tsaka yung game na Sugar Rush. ‘Di ko rin talaga nilalaro nung bata ako. Sabagay, American culture-based naman ang film. Kakahiya naman kung Pinoy culture-based. Ang fun sana kung yung mga bida ay sina Princess Sarah, Remi, Heidi, Romeo at ang mga batang hampas-lupa, Akazukin Chacha . Pwede ring isama sina Sailor Moon, Chun-Li, Son Gokou etc.  O, ‘di ba mas relate?! Kaya lang mag-iiba ang title ng film. Halimbawa kung si Chun-Li ang bida, magiging “Kick-It Chun-li.” Mga ganun ba.😉 Ang cute nung cameo appearance ni Chun-li sa film! ALIW!

Overall, pasabog ang Wreck-It Ralph. Panoorin n’yo! Ang gand rin nung bonus na short film sa umpisa. KILIG!🙂 At dahil sa mahusay ang pelikula, ang Wreck-it Ralph ay nakakuha ng 4.5/5.0 sa aking Divanometer! Yun na!

(Phot0 credit: http://moviecarpet.com/new-wreck-it-ralph-poster-art-2012-09-14.html)

Yours truly,

Madma

P.S. Malapit na pala ang LIVE guesting ko sa online show ng aking friend na Web Jock na si Dax Carnay (@daxiebebe)! Live streaming naman kayo kapag nag-guest ako. Grabe!  Abangan n’yo ang pagbisita ni Madma sa http://bootleg-radio.com/. MALAPIT na ‘yan. Itotodo natin ‘to. Walang artihan. Deretsahan! Shet, excited na ako.🙂 Isa-isa kong sasagutin ang mga intrigang ibinabato sa akin. WOW. Sikat na sikat din ha.🙂

Madma goes LIVE! MALAPIT na! Woooh!❤

8 thoughts on “Film Review: Pitch Perfect, Looper and Wreck-it Ralph

  1. FYI. Wreck-It Ralph and Sugar Rush game = gawa-gawa lang nila yun.
    Though gumawa na sila ng games out of it para maging makatotohanan sa universe nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s