Nag-iisa ka, Regine Velasquez!

Dear fans and followers,

Hello.

WOW. Ang baba ng energy?! ‘Eh kasi medyo sad pa rin ako ‘eh. Haaay…

At this point, marahil ay nabalitaan n’yo na siguro ang nakakalokang  kaganapan sa Silver Concert ni Regine Velasquez last November 16, 2012 (Friday). I’m sure nakarating na sa inyong kaalaman ang bagay na ito bilang talk of the town siya sa loob at labas ng bansa. Haaay…😦 Puro “haaay…” din ha.

Sorry naman at mum ako nitong mga nakaraang araw re: Silver Concert. Medyo “nagluksa” muna ako sa mga naganap sa concert ni Idol. Ang sad talaga.😦 In fairness, dami ring nagtatanong ng saloobin ni Madma ha. Sabagay, very vocal naman ako na fan ako ni Regine. Salamat sa mga nag-tweet at nag-message sa FB. Taray!🙂

Andoon kame sa concert last Friday. Nasaksihan namin ang totoong naganap sa heartbreaking concert ni Ate Regine. Nagulat kame sa aming nakita. Hindi kame prepared sa aming nasaksihan. Isang kakaibang Regine Velasquez ang humarap sa more than 20,000 people noong gabing iyon. GRABE. Isang hinang-hina, may sakit, paos, windang, umiiyak at pumipiyok na Regine ang tumambad sa aming lahat. Haaay… Naiiyak na naman ako. Pota. Kukuha nga muna ako ng tissue bago mag-chika.😦

Nasa SM MOA Arena na kame at around 7:30 pm. Syempre ayaw naming ma-late sa biggest concert of the year. May I just share na SOOOBRANG gulo ng EDSA last Friday. Tang ina yung dami ng tao sa MRT at dami ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Feeling ko nga nakita ko na ang lahat ng Pilipino ‘eh. ANG GULO! Nagsabay kasi ang event ni Regine sa SM MOA Arena at ni Lee Min Ho sa Araneta Coliseum kaya parang doomsday ang itsura ng EDSA. Kaloka.

Pero syempre bilang excited sa concert ni Ate Regine, deadma na sa mga tao a.k.a. masa. Siksik din kame sa MRT para makarating on time. Sabayan talaga! Lampake na. Kung mag-bus kasi kame, baka kinabukasan na kame makarating sa MOA. NO WAY!!! Buti na lang naka-leave ako sa office that day kaya marami akong lakas para makipag-sabayan sa “pwersa” ng masa sa MRT. By the way, ibang lakas din ang pwersa ng masa last Friday. MALAKASAN! Pati yung pabango kong Versace ‘eh sumuko. WOW. Ang taas nung naka-Versace perfume ha. Actually, gusto ko lang talaga sabihin yung brand ng pabango ko. Char.🙂

Eksaktong 8:00 pm ay nasa loob na kame ng SM MOA Arena. Daming artista! Nakita pa nga namin si Ms. Mikee Cojuanco sa gate. Grabe yung parang napakanta ako ng “I Can.” Alam n’yong OST ito ng pelikulang “Do RE Mi.”🙂 Habang nasa loob ng Arena, hindi kame mapakali sa excitement while waiting for the show to start. WAGAS yung excitement! Lalabasan-level. Char. :)Ang ganda ng stage! FABULOUS! Alam mong special yung concert. Ang taas ng energy ng mga tao, nagkalat ang mga bading sa paligid at punung-puno ang buong Arena! Yes, PUNO ang venue. Kaya itigil na yang chismis na “nilangaw” ang concert ni Ate Regine kaya kinancel. Dafak. Baka nasa maling concert kayo last Friday. Baka nasa concert kayo ni Pops Fernandez. Kahit bobo sa Math at numbers, masasabi na agad na puno ang venue ng Silver Concert. Duh. Hindi na kailangang ang presence ng DTI representative at SGV para ma-confirm na puno ang venue. Kakapika yung balitang nilangaw ang show ni Ate Regine. Kung may mga bagay o salita man kayong ibabato about the event, “nilangaw” is definitely not one them. YUN NA!

Ito ba ang mukhnag “nilangaw?!” Please! Pa-check nga kayo ng mata sa EO Optical! Bihira na lang ang nakakapuno ng venue ng concert sa mga panahong ito ha. Kaya naman audience wise, WAGI na agad si Ate Reg. Dami rin kasing baklang fans si Ate. Diyos ko. NAGKALAT ang bading last Friday sa MOA Arena. Ang lansa talaga. Na-overpower ang lansa ng dagat sa Coastal Road. Sabi ko nga sa friend ko, malaking bulk na kabadingan ang mawawala sa ‘Pinas kung biglang lamunin ng lupa ang MOA Arena. Kaso hindi naman nilamon ‘eh, so tuloy ang baklaan. Sorry, girls. :)

So ito na nga. Eksaktong 9:00 pm ay tumugtog na ang orchestra ni Ate Regine. Syempre naulol na kame! Start na ‘eh!!! Then unti-unting lumabas si Idol sa stage. WAAAAH! NAKAKALOKA!!! Tang ina. Reynang-reyna ang peg ni Ate sa outfit n’ya. At aminin n’yo, may lifting na si Regine. Kaya na siyang buhatin ulit! Ang petite ni Ma’am.😉 Hindi magkandamayaw ang fans sa sigawan! Parang sasabog yung venue. Shet!!! Kaya lang may may weird na nagaganap. Hindi makabirit si Ate Regine sa opening song n’ya. May mali talaga.😦 Take note, ang opening song n’ya ay “Shine.” Alam n’yong MATAAS ito! Huwag kayong umarte. So, naloka kame kasi may mali talaga sa boses ni Regine. Haaay…😦

True enough, after ng opening song ay nag-speech na si Ate Regine about her condition. Ayun nga. Inamin n’ya na may sakit siya at wala siyang boses. GRABE! Boses n’ya talaga yung nawala?! Hindi ba pwedeng yung anak na lang muna ng kapit-bahay nila yung nawala?! My God! At dito na nga nagsimulang bumaha ng luha sa loob ng MOA Arena. OMG! Naiiyak na naman ako habang nire-recall ang part na ito. Pota. Hagulgol din talaga sa iyak ang Madma n’yo. Haaay…😦 Hindi ako iyaking tao pero hindi ko kinaya ang kalagayan ni Regine. Kitang-kita na may sakit talaga siya. Both her speaking and singing voice, wala! Gasgas talaga. Napakuha pa ako ng tissue sa isa kong kasama kasi wala ng tigil yung luha ko. ;( Pero syempre kontrol lang ang iyak ko. Nakakahiya naman kung maglupasay ako sa Arena. Kamag-anak ni Regine?!🙂 Hindi ako ready sa eksenang ito. Diyos ko. Haaay…

Sabi pa ni Regine, dapat daw talaga ay ika-cancel na nila yung show that night kasi hindi na n’ya kaya. Inamin n’ya na wala pa raw sa 50% ng totoo n’yang boses ang kalagayan ng vocal cords n’ya. Diyos ko! Napakapit talaga kame! Sa taas ba naman ng mga songs n’ya, hindi talaga n’ya talaga kakayanin ang buong show! Kayo nga kahit nasa kundisyon ‘eh hindi pa rin maabot ang mga songs n’ya sa videoke ‘eh. Huwag kayong umarte d’yan. Aminin n’yo, kahit 10 hours pa ang tulog n’yo at kumpleto ang meal n’yo for the day ‘eh hindi n’yo pa rin mahi-hit ang song n’yang “I Don’t Want To Miss a Thing.”

To quote Regine, “We’re thinking of cancelling the show altogether because I didn’t have a voice. But, inisip ko, para kanino ba ito… this show is a celebration…Minsan ka lang magse-celebrate ng twenty-five years sa industriya, palpak pa. Nandito naman kayo, dumating naman kayo. I know that you deserve more from me and I really would’ve wanted to give you more. You know, for the past six months, I’ve been trying to get back in shape… in fairness, ha! Tulungan n’yo na lang ako. Tutal, kasama naman kayo sa celebration ng twenty-five years. Pasensiya na kayo, ha? But, but… even though my voice is not even fifty percent, I am a performer.This is what I’ve been doing for the past twenty-five years—so that’s what I’m giving you tonight. Dumugo man ang ilong ko at dumugo man ang lalamunan ko, shit!”

Haaay…

Kaloka talaga. Sabi pa n’ya, “I really don’t know what to do anymore.” SHET! Naiyak ako lalo rito. Ramdam mo yung pagkapahiya n’ya, yung frustration n’ya, yung kaba n’ya, pagkalito and all. Taong Regine ang nakita namin sa moment na ito. Regine at her weakest ang peg. Hulas na ang make-up ni Ate Regine kakaiyak. Tinanong n’ya pa ang audience kung itutuloy n’ya pa rin ang concert despite her condition. Ganung level na ng usapan. Deretsahan na! Syempre sagot ng fans, TULOY! Alam mo naman ang fans, supportive. Pero grabe. Struggling si Ate Regine nang TODO sa bawat bitaw ng boses! Piyok Diva ang peg. Grabe.😦 Kakaawa talaga siya. Gusto n’yang bumirit pero walang lumalabas na boses sa kanya.

Panoorin n’yo ‘tong video clip na ito para makita kung gaano kabasag ang boses ni Ate. ;(

_____________________________

Haaay… Kakaiyak talaga. Sa bawat attempt n’ya abutin ang high notes, fail. Sobra yung frustration n’ya. RUROK! Kame namang mga fans, sa bawat pagpiyok n’ya ay dinudurog ang aming puso. Ang sakit kayang makita ang idol mo sa ganung kalagayan. Hello! Regine Velasquez ang pinag-uusapan natin dito. Hindi basta-bastang singer ang pinag-uusapan dito! Alam n’yong forte n’ya ang birit! Siya nga yata ang nag-imbento ng birit ‘eh. Kung magkakaroon ng man ng “Alamat ng Birit,” tiyak na siya ang bida d’yan! Pero that night, wala talaga. ‘Di talaga kaya. Gusto ko na nga kunin yung mic para tumulong ‘eh. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo magka-pitch kame ni Regine. Ansabe?!🙂

Kakaibang experience talaga yung Silver Concert. Ang surreal. Very inspiring and touching. Bumaha ng luha sa Arena. Naloka kameng lahat. Parang hindi si Regine ang pinapanood namin. Parang pinsan lang ni Regine. Or parang si Pops lang. Ganung level. Pero ibang klase rin yung pinakitang lakas ni Regine nung gabi na ‘yun. Professional talaga. Tinuloy n’ya hangga’t kaya. Siguro mga almost 2 hours din ang tinakbo ng show. Pero mga guest performers ang mostly nag-perform. Ina-attempt n’ya kantahin ang ilang mga numbers n’ya kaya lang wala talagang lumalabas na boses sa kanya. Haaay…😦

Ang best nung part na kakantahin na n’ya yung “On The Wings of Love.” Aaay! Alam n’yo kung anong kalibre ng song na ito. Naiyak kame nung tinawag n’ya na lang ang gay impersonator n’yang si Anton Diva para tulungan siya sa number na ito. GRABE! Kumapit na sa bakla si Ate Regine. Ganun na siya kagipit! Iyak kame ng iyak sa number na ito. Imagine, si Regine ang patulong sa sarili n’yang song?! My God! Ganun yung level ang struggle ni Ate Reg that night. WAGAS! Sagad-sagaran.

Watch this video! Ito ‘yun ‘eh!

______________________

O, ‘di ba? Kahit sablay-sablay si Anton sa notes, go pa rin?! Love ko na si Anton! Biglaan naman kasi ang pagkatawag sa kanya.🙂

Masaya ako na na-witness ko ang gabing ito. Masaya akong present ako that night kasi somehow ay nasalo ko ang Idol ko during her weakest moment. Kapag fan ka talaga, fan ka ‘eh. Mahal mo lang yung idol mo kahit ano pang mangyari sa kanya. Kapag bumagsak siya, kasama ka rin. Kapag nasaktan siya, iiyak ka rin.😦 I’m sure alam n’yo ‘yan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang idol. Haay…😦 Maga rin talaga ang mata ko last Friday ha. Parang namatayan. Tulala mode hanggang makauwi ng bahay. Minalas lang talaga si Ate Regine last Friday. Ibigay na natin ito sa kanya. Na-peste ang boses n’ya. Parang pananim lang. Kapag na-peste, wala na talaga.

Tama ang mga sinasabi ng mga tao. Wala naman ng dapat patunayan si Regine. Alam na ng buong mundo kung gaano siya kagaling bilang singer. Kita n’yo, konti lang ang bashers ni Regine. Wala masyadong nanlait sa kanya about what happened sa concert. Kasi nga alam din nila na minalas lang si Ate Regine. At ang best part is… BABAWI ANG REYNA! Ang best nung uulitin n’ya ang concert sa December for FREE! Ganun siya ka-determine na bumawi sa mundo! Sigawan nga ang lahat ng fans nung nag-announce si Ate ng free concert. Same venue pa! LAKAS!

To quote Regine, “Kinarir ko po talaga itong makabalik sa stage, I went into a diet… Pero I wanted so much to be perfect for you tonight, guys, really. I really do… And I also wanted to be perfect for Mang Gerry. When I get better, I will do the same show for free! I will do this freakin’ show, then I will show you how it should be done!”

PANALO! Kaya naman excited na kame sa Silver Concert Take 2! Woooh! I’m sure, itotodo n’ya ‘to kasi babawi siya. POTA! Buti na lang hindi namin naitapon ang tickets namin kasi ito rin ang ticket na ipapakita next time. Ayon sa mga balita, sa December 8 magaganap ang Silver Concert Take 2. MALAPIT NA! Nagpapalakas at nagpapagaling lang si Regine. Love it!!!

Gusto ko din pala i-share itong rehearsal video ni Regine for the Silver Concert. Panoorin n’yo, PLEASE! Nakakaloka. Ganito dapat ang ipapakita n’ya last Friday. OMG! Watch n’yo na!!! Tang ina!

_____________________

See?! Ang best ni Ate Regine, ‘di ba?! Any questions?! Kung alam lang ni Anton Diva na ganito ang key ng “On The Wings of Love” for sure mahihimatay siya. My God! Mas tinaas pa ang mataas na n’yang song. KAKALOKA! Grabe yung bagong areglo ng song. Si Lord na lang yung makakaabot sa sobrang taas! Parang ayaw na ipakanta ni Regine yung song sa iba ha. At grabe yung boses ni Regine. Batak na batak! Sayang talaga at hindi siya nakapag-perform last Friday! Tang ina kasing virus ‘yan. Nahawa pa siya. Pero excited na kame sa Take 2 Concert. PAK!

So there. Sana ay gumaling na si Regine. Get well soon, Idol. Mas dumami ang nagmamahal sa’yo dahil sa pinakita mo last Friday. IBA KA! Nag-iisa ka!❤ Hindi na kame makapaghintay sa iyong pagbabalik. I’m sure, kakabugin mo ang Silver Concert Take 2!

Hanggang sa muli mong paglipad. WE LOVE YOU, Songbird.❤

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend; http://www.pep.ph/photos/3413/regine-velasquez39s-silver-concert-cut-short-i-promise-to-do-it-again-and-i39ll-do-it-for-free; http://www.facebook.com/#!/reginefantasy/photos_stream; http://www.facebook.com/RegineVelasquezSilver25thAnniversaryConcert/photos_stream?ref=ts)

(Additional article source: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend)

P.S. Isang pagpupugay sa lahat ng mga Reginians na nagmamahal kay Asia’s Songbird. Magkita-kita tayo ulit sa Silver Concert Take 2! Shet.🙂

Shout ouch naman sa mga kasama ko: Reginald Uy, Silvino Philip Guangco, Carla Jill Masalonga, Andrea Aniban, Mark Vigare, Jadey Concepcion Bata, Witch and to my VF.🙂 Alam mong bawal ipagkalat ang appearance mo kaya itatago na lang kita sa pangalang VF.🙂 Grabe yung naiyak tayong lahat ha! BEST! Sama-sama ulit tayo sa Take 2! I love you all.❤

P.P.S.  Pahabol pala. Nakalimutan ko sabihin. Sana pala ‘eh baguhin yung opening number sa Silver Take 2. Ang chaka nung opening last Friday. Medyo off. Hindi pang-Diva yung opening. Sana ‘eh pasabog song agad like “I Dont Want to Miss A Thing.” Diva-diva ang peg. Then tsaka papasok yung isang dance music after that pasabog birit number. Mas ganun sana. Nakulangan kame sa opening number ‘eh. Hindi siya pang-opening. Mas bongga dapat! Please consider. Thanks.❤

24 thoughts on “Nag-iisa ka, Regine Velasquez!

  1. VF! best din talaga ang blog mo na to. Alam mong inaabangan ko ang entry mo na to. haha. Sana naman may date na para makita ko kung pwede ako makauwi. Ang ticket ko please, susi yan sa tagumpay!🙂 Love you Te Reg.

  2. im really glad that you blogged silver, wala na ako masabi dahil lahat ng naranasan ko at gustong sabihin, nasabi mo na, kudos , i cant help to cry😥

  3. Madma! Hinihintay ko rin ang post mo about this!

    Nasum up mo naman ang lahat ng feelings ko dito haha! In fairness di ako iyaking tao. At dahil diyan, di nga ako umiyak HAHA! Pero shet, super sadness ako nung araw na yun dahil sa nangyari. Or di naman, more of surreal na, shet ano yung napanood ko? hahaha!!

    Btw fellow Reginian here haha! Minessage kita sa fb madam haha!!

    • wahaha. Dami rin talagang naghihintay sa post na ito ni Madma. Super sad talaga ang naganap kay Ate Regine. Nagluksa talaga kame.😦

      Wala akong natanggap na message sa FB! Ano ba ‘to?! Mabuhay ang mga Reginians!❤

  4. Nakakaiyak ngaaaaaa😦 first song pa lang, after ng shine naiiyak na ako…
    Lalo na nung hindi niya na-reach ung high note tapos naiyak sya😦
    Anyway Dec8 daw ung repeat🙂

  5. Alavet! Haha ito rin ang usap-usapan sa apartment bilang nanood ang boypren together with his 2 friends. Nakakaluha nga naman, kaya dapat fight fight fight sa Dec 8.😀

  6. guys kung kayo po ay may ticket para sa concert ay kelangan iparenew ito sa sm cinema tickets at sm malls nationwide… papalitan lamang po ang old ticket nyo with new one, free of charge naman daw po yun.. magmadali na po kayo dahil hanggang november 30 lamang po pwede magpa renew…
    ipangalat po natin ang balitang ito na ngayun ko lang din nabalitaan at salamat din sa natanungan ko… kelangan po talaga natin iparenew ang ticket… same seats pa rin po yun.

  7. ako na ang hindi updated bilang dito ko lang sa blog mo nabasa tong nangyari sa concert ni regine but i think i enjoyed it better kasi ang ganda ng blow by blow kwento mo.=) fan na fan nga ang peg!! miss you mare..=)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s