Isang Paggunita sa Maguindanao Massacre

Dear fans and followers,

Happy Friday naman sa inyong lahat! Shet. Tapos na naman ang role natin bilang mga alipin para sa linggong ito. Nakaraos din tayo ha kahit pa-jam jam lang.🙂 Next week will be a 4-working day only. Take note n’yo ‘yan ha. Long weekend na naman. Love it! At least we have something to look forward to.🙂

Gusto ko palang ialay ang post na ito sa paggunita sa Maguindanao massacre. Yes, 3 years na po ang nakakalipas pero wala pa ring naku-convict! Grabe lang. ANYARE?! Sooobrang tagal na nito pero wala pa ring resulta. NAKAKALOKA! Ang dami nang nagbago sa tatlong taon pero wala pa ring justice para sa mga biktima ng krimeng ito. Sobrang tagal ng 3 years. Namnamin natin ha. Yung grade 1 noon, grade 3 na ngayon. Yung tuta noon, aso na ngayon.  Yung damit mo noon, ‘di na kasya sa’yo ngayon kasi tumaba ka na. Yung loan mo sa SSS noon, bayad na by now. Yung kumare mo noon, kaaway mo na ngayon kasi naglandian sila ng Mister mo. Yung lalaki noon, bading na ngayon! Ganun katagal ang 3 years! My God. ISANG MALAKAS NA PAGKALAMPAG naman sa administrasyon ni PNoy! Ano ng plano natin mga Ate at Kuya? Pasa-Diyos na lang?! Galaw naman! Diyos ko.😦

Three years is very unacceptable! Napakatagal na panahong ito para sa paglutas sa isang kasong obvious naman kung sino ang mga salarin. HELLO! Ano ba. Huwag na nga tayo maglokohan. Alam naman ng buong mundo kung sinu-sino ang may utak ng karumal-dumal na krimeng ito pero hindi pa rin sila nahahatulan. Hindi ako judge pero jina-judge ko na sila! Biruin mo, out of 196 suspects, 103 pa lang ang na-aaresto as of now so 93 pang suspects ang malayang-malayang naglalakad sa kalsada at tumatambay sa mga malls. GRABE! Hinahayaan n’yo pang makihalubilo sa amin ang 93 suspects na ito?! Tang ina. Baka mamaya nasalubong ko na yung isa sa kanila kanina. Baka mamaya isa sa kanila naka-sex ko pa. Pota. Kakainit talaga ng dugo. Minsan nakakairita rin talaga yung legal processes ‘eh. Ang daming checheboretche. Ang daming pakulo. Ang bagal naman ng usad. Feeling ko mas mabilis pa ang lakad ng mga pagong kaysa sa pag-usad ng mga kaso dito sa Pilipinas. Masyado nating dina-down at sinisilip ang mga pagong sa kabagalan nila ‘eh higit namang mas mabagal ang kilos ng kaso ng mga legal cases dito. Duh.  Mag-sorry nga tayo sa mga pagong!

Balikan natin ang datos ng Maguindano massacre.

 (Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/283472/news/specialreports/slow-paced-trial-a-heavy-burden-for-kin-of-maguindanao-massacre-victims)
_____________________

NAKAKALOKA! Walang convicted up to now. Gets n’yo ba ‘to, PNoy Admisnistration?! OMG nalulungkot na talaga ako.😦 Grabe yung 34 media people ang walang habas na pinatay sa masaker na ito. UNBELIEVABLE! Nakakapanghina talaga. Nakakagalit. Nakaka-walang gana. This is shameful. Nahihiya ako sa pamilya ng mga biktima na matapang at matiyagang naghihintay sa pagdating ng hustisya. Nahihiya ako sa fact na nakikita ng buong mundo kung gaano kachaka at kabulok ang legal process sa ating bansa. Nahihiya ako sa mga kaibigan natin sa media na patuloy pa ring inilalagay sa hukay ang kanilang isang paa para makapag-hatid ng katotohan sa kabila ng panganib at banta sa kanilang buhay. Nahihiya ako sa mga  bayaning Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansang ito only to find out na bababuyin lang ang kanilang pinaglaban. Nahihiya ako! Yung gobyerno ba nahihiya rin? Sana naman! Haaay… Sadness at its finest.😦

Iba talaga kapag mayaman at makapangyarihan ang kalaban ‘no? Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung mahihirap lang siguro yung mga  salarin, naku for sure, lasug-lasog na ang katawan nila sa bugbog! Baka patay na silang lahat by now. Pinatumba na sila ng mga alagad ni Mayor. Kaso malakas ang kalaban ‘eh. Naka-aircon pa nga daw sa kulungan ang mga hinayupak. And God only knows kung ano pang mga “special” treatment ang natatamasa nila. Shet talaga.

Don’t get me wrong ha.  Alam ko namang mayroong mga taong tunay na kumikilos para sa mabilisang paglutas ng kasong ito. Alam ko namang maraming mga tao ring gumagalaw para sa pag-resolba  ng  masaker na ito. And we will always be thankful to them for their hard work. Subalit sadya nga talaga sigurong powerful ang mga kalaban. Mismong Philippine government ay nagagawa nilang paikutin, paglaruan at takutin.  Nakakalungkot. ;(

Ilan taon pa kaya ang bibilangin natin para matuldukan na ang kasong ito? Ilang commemoration pa ang gagawin natin para mabigyang hustiya ang walang-dangal na pagkamatay ng 58 biktima ng Maguindanao Massacre? Sana naman i-advise tayo ng government kung hanggang kailan tayo maghihintay. Nakakahiya naman sa atin. Tayo nag boss, ‘di ba? So nagde-demand tayo bilang mga boss! And please, sana naman ay payagan na ng Supreme Court na i-televise na ang pagdinig sa kasong ito! What happened to Freedom of Information?! Bakit ba ayaw n’yong isa-publiko ang mga court hearings? May tinatago ba kayo?! Don’t you ever think na hindi na kame interesado sa kasong ito. PLEASE!😦

At the end of the day, masakit man sa kalooban, wala naman tayong ibang magagawa kundi patuloy na manalig. Ito lang ang meron tayo sa ngayon―faith. Kaya naman sana ay patuloy tayong kumapit sa pag-asang darating ang araw na mabibigyan din ng hustisya ang kasong ito. Sa mga nawawalan na ng loob, kapit lang! Kailangan nating maging matatag para sa pamilya na mga biktimang patuloy pa ring nakakaranas na banta sa kanilang buhay. Malakas ang kalaban. Hindi ko ide-deny ‘yan. The fact that they have managed to delay the case this long only means they are powerful.  Pero syempre, gaya ng mga pangyayari sa ating kasaysayan, babagsak din ang mga ‘yan. Chura nila. Hindi man ngayon pero babagsak din ang mga punyetang ‘yan. Maniwala tayo. Kasama natin ang “Diyos” sa labang ito.

Justice for all the victims! End impunity now!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://www.cegp.org/2012/08/poster-commemoration-of-1000th-day-of-maguindanao-massacre/)

P.S. Shout ouch naman sa mga ka-bonding ko kagabi! I love you all.🙂 Belated Happy Birthday, Atty. Camille España. Salamat sa libre. We love you.❤ I-push na natin ang bonding natin sa Tagaytay!

P.P.S. Happy Birthday din sa dalawa kong kapatid. Yes, sabay ang birthday nila today. Ang take note, 4 years ang gap nila.  Ganun katindi ang parents ko sa family planning.🙂 Happy Birthday sa inyo mga kapatid, Jeffrey Salazar and Jenny Salazar. I love you.❤

Belated Happy Birthday dinto my BBF-Ms. Melanie Libatique slash Lemaniqua, to my Tite-Ms. Kristy Ann Texon and Mr. Jay-R Ramirez. I love you all.❤ Puro love din ha. Ang saya ng love!

Belated happy Birthday din kay Mr. Erwin Lacsa.🙂 Mabuti naman at gumagaling ka na kahit papaano. Miss ka na namin. Sana ay tuluyan ka na talagang gumaling. Biritan ulit soon.  ;)

Happy weekend naman sa inyo! Gimik na!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s