Si Madma at ang 1st Netizen’s Choice Award

Dear fans and followers,

Nakakatuwa naman na muling na-invite si Madma para lumahok at magbigay ng hatol sa 1st Netizen’s Choice Award particularly sa Blogger’s Choice for the Most Favorite TV Station category. SHOUT OUCH naman sa lahat ng mga bumubuo ng kauna-unahang Netizen’s Choice Award! Ang taray n’yo! Very commendable ‘tong breakthrough project na ito.🙂 Ang lakas na rin talaga ng boses ng mga Netizens nowadays ha. Finally, may award-giving body na kung saan ang mga judges ay mga ordinaryong bloggers and internet users. Bongga!!! Ka-level na ito ng FAMAS, Gawad Urian, Luna Awards, PMPC Star Awards, Golden Screen Awards etc. Aarte pa ba?!

Sa totoo lang, nahihirapan ako mamili ng Favorite TV Station kasi marami akong personal issues sa Philippine free TV. Ang nega rin agad ng entrada ha! In fact, hindi na ako masyadong nanonood ng free TV kahit na may 42 inches na flat TV kame at naka-surround ang buong sala (black leather sala set) sa apartment namin. Ansabe?! Wala bang kayong ganung TV at sala set?  OMG! Basic na ‘yang mga ‘yan! Ka-level na sila ng tubig, kuryente, pagkain at hangin. Ang hihirap n’yo naman. Hug nga. Char!🙂

Like I said, hindi ako masyadong nanonood ng free TV nowadays sa kabila ng napakagandang amenities at cozy ambiance sa apartment namin. Maliban sa busy ako sa social life, wala rin naman talagang masyadong magagandang palabas sa TV na makakapigil sa akin sa paggala. Sobrang mapili ako sa mga pinapanood ko na mga TV shows. Very critical ang Madma n’yo pagdating dito. As in! Ang dami kasing chakang shows sa free TV ‘eh. Huwag n’yo akong simulan! Kakawalang-gana. Kakasawa. Kakaburyong. Mas masarap pa maglaba gamit ang aming Electrolux 8.5kg Top Load Washer. Mas productive pa ‘to. At least nakatuyo ka pa! Ang dami rin naming mamahaling gamit sa apartment ‘no? Kayo ba may washing machine? OMG parang wala. Anong gamit n’yo sa paglalaba? Kamay at paa lang? Ang “MANUAL” ha. Haaay. Charoth!🙂

‘Eh ano lang ba kasi ang napapanood sa free TV ngayon?! Puro soap operas na may paulit-ulit at nakakaumay na plot, same format na mga game shows, talk shows, news shows etc. Nag-iiba lang ang title, pero basically the SAME. Sa una may attempt na maging “innovative,” pero at the end, lalo na kung hindi nag-rate, babalik din sa old format. Haaay… Kakaloka! Tapos ito pa, nauuso rin ngayon ang remakes ngayon. Naku po. Yung mga dating Pinoy films na ginagawang soap opera. Alam na alam n’yo kung anong mga shows ‘to. Then laganap na rin ang pagpasok and pag-localize ng mga syndicated shows. Puro na lang pag-angkat ng mga hit na foreign shows tapos ipapalabas sa atin para sure na mag-rate. Haaay… Sad but true.😦

Naalala ko noon ang sabi ng isa kong professor sa UP College of Mass Communications. Sabi n’ya and I quote, “kung ayaw n’yo ang isang palabas, patayin n’yo ang TV n’yo.” True enough! In a way, para ka na ring nag-boycott, ‘di ba? At least may ginagawa ka. At least naipakita mo na hindi ka sang-ayon sa isang programa. Kaya naman yung TV namin ‘eh lagi rin talagang nakapatay. Ako personally, binubuksan ko lang ang TV namin kapag may appearance si idol Regine Velasquez. Puro foreign TV series and films na lang pinapanood sa apartment. Tsaka porn pala. CHAR!🙂 Nami-miss ko yung pagka-ulol ko dati sa free TV! Yung talagang hooked na hooked level! Yung papatay ka talaga  para lang mapanood ang favorite TV show mo. Yung tipong ititigil mo lahat ng ginagawa mo, kahit sex pa ‘yan, para hindi ma-miss ang paborito mong palabas. Kumbaga, “i-miss mo na ang regla mo, huwag lang ang mga shows na ito.”

Sa nakalipas na 10 years, dalawang programs lang ang naaalala kong nagpa-ulol sa akin ng ganung level: ang teleseryeng “Lobo” ni Angel Locsin and “Magkaribal” nila Gretchen Barreto and Bea Alonzo. TANGINA! Huwag mo akong kakausapin kapag palabas ang mga shows na ‘yan! At huwag na huwag ka ring magkakamaling ilipat ang TV kasi dadanak ang dugo sa sala! Shet. Kahit itabi mo sa akin ang poging nakahubad, believe mo, mapapanis lang ‘yan! OR. :) Nakikinood pa ako sa kapitbahay, karinderya, restaurant, sa Cherry mobile or kung saan man ako abutan. Na-miss ko yung ganung attachment sa TV! Pota. In fairness naman sa “Lobo” at “Magkaribal,” quality show talaga! Aminin n’yo ‘yan. Ramdam mo yung effort ng mga shows na ito sa bawat eksena. Alam mo talagang pinaghirapan. Matalino, maayos at pasabog!

Alam ko namang may mga media people na nage-exert ng effort para sa pagbabago ng Philippine free TV in their own little way. And I commend them for that.🙂 Ang dami ko rin kayang friends sa media and I know their sentiments. Alam kong may mga tao pa rin sa media na nagtataguyod at nagsusulong ng mga innovative, disente at marangal na mga palabas para sa mga viewers. Yun nga lang, maraming MAS powerful sa kanila at higit na malalakas na tao kaya hindi nasu-sustain ang efforts. Sayang talaga. Ang ratings-based kasi ng mga TV stations sa atin ‘eh. Basta nagre-rate, pasok! Deadma na value, quality and innovativeness. Kakalungkot talaga.😦

Dami ko ring nguynguy ‘no?! Nguynguyera ang pota. ‘Eh kasi problematic naman talaga ang major TV stations sa atin ‘no! Wala rin talagang mapipili. Dami ka rin talagang maibabatong puna sa kanila. Mapa-GMA, ABS-CBN, TV5, lahat sila may kanya-kanyang kanegahan. Sorry naman sa Channel 4 and Channel 13 ha. Hindi ko kayo masyadong na-avail ‘eh. Nami-miss ko na nga ang “Mutya ng Masa” na si Ms. Doris Bigornia na nasa Channel 4 na ngayon. Iba kasi yung aura ni Ma’am ‘eh. Very principal ang arrive! Malakasan.🙂

Ok. Enough of my nguynguy. Wala na tayong na-achieve.🙂

So paano ako pipili ng Favorite TV Station?! Since chaka naman silang lahat, ibe-base ko lang siguro ang aking desisyon sa emotion. WOW. Ang solid din ng basis ko ha!😉 Pipiliin ko na lang ang station na nagpalaki sa akin at naging malaking parte ng aking pagkabata. Ng aking pagkatao.🙂 Kaya naman ang Most Favorite TV Station ni Madma ay ABS-CBN.🙂

Salamat sa mga palabas na naging mahalagang bahagi ng buhay ko. Salamat sa mga palabas na Princess Sarah, Cedie: Ang Munting Prinsipe, Akazukin Chacha, Mga Munting Pangarap ni Romeo, Peter Pan, Snow White, Cinderella, Julio at Julia: Kambal ng Tadhana, Blink, BTX, Saber Marionette, Lobo, Magkaribal, Game Ka Na Ba?, Fruits Basket, Magic Knight Rayearth, ATBP, Whattamen, Home Along Da Riles, Ikaw ang Lahat Sa Akin, Ang TV, Abangan ang Susunod na Kabanata, Ariba Ariba, Kaya ni Mister Kaya ni Misis, X-Men at Meteor Garden.🙂 Shet, nami-miss ko ang mga shows na ito!😦 Salamat sa pagpapakilala ng mga palabas na ito. Hanggang ngayon, may malalim pa ring kurot sa puso ko ang mga palabas na ‘yan. Aminin n’yo, pinalaki rin kayo ng mga shows na ‘yan ha!

Maraming salamat, ABS-CBN.

Yun naman.😉 Muli, isang malakas na SHOUT OUCH sa mga organizers ng 1st Netizen’s Choice Award:  LionhearTV, Showbiznest and Starmometer. MABUHAY KAYO! Salamat sa pagkilala sa mga nagsisimulang blogger na kagaya ni Madma.❤

Yours truly,

Madma

P.S. Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa 1st Netizen’s Choice Award, maaari n’yong bisitahin ang site na ito: http://lionheartv.net/2012/10/the-1st-netizens-choice-awards.html

Pwedeng sumali ang lahat ng mga bloggers sa pakulong ito. Basahin n’yo na lang ang mechanics. SALI NA!🙂

8 thoughts on “Si Madma at ang 1st Netizen’s Choice Award

  1. Madma, hindi ka ba nabaliw sa Are You Afraid of The Dark na pinalabas din ng ABS-CBN?

    Ilang beses din kaming napalo ng lola ko matapos mahuling nagsisindi ng apoy sa bakuran. Gusto kasi talaga namin maghagis ng buhangin sa bonfire at sabihin ang: “Submitted for the approval of the Midnight Society, I call this story…”

    Kaso insenso pala yata yun, hindi buhangin. Nangamoy ihi ng aso’t pusa lang kami kaka-kalkal ng buhangin sa katabing construction site.

    (At hindi lumalabas ang comment ko sa Comeback Hosting post mo ah! Wait lang, irerepost ko siya dun.)

    • OMG! Nakalimutan ko ang “Are You Afraid of the Dark!” So unbecoming of a Horror Diva! haha Ang funny nung ginagawa n’yo siya sa totoong buhay ha. haha Natatawa ako sa atake n’yo! hahaha

      Huwag din nating kalimutan ang Power Rangers! alam mong ka-back to back n’ya ang Are You Afraid every Friday ‘ata. Kung tama ang recall ko.

      Nakaka-miss naman ang mga palabas na ito.😦

  2. Favorite shows ko ng ABS CBN nung araw ang mga sumusunod:

    “Tabing Ilog”- ay hello naman sa highschool life ko noon. Nakakaiyak kaya to. Kahit pinattern sya sa Dawson’s Creek may originality pa rin. Kung saan nadiscover sila John lloyd at Kaye Abad. Kakamiissss pota. Sana ibalik to.

    “Okidokidok”- Korni pero masaya. Inaabangan ko lagi to every Sat. Pogi pa ni Aga dati.

    “Magandang Gabi Bayan”- ay eto talaga ang best ever documentary. Sana ibalik sya since nagbalik din naman si Kabayan. Yung background music neto, nostalgic.

    “Maging Sino Ka Man”- So far the best drama teleserye for me. Walang pinalagpas na episode. May kopya pa ako ng DVD ng Book 1 and 2, Ogirinal copy ples.

    “Labs Ko Si Babes’- Comedy teleserye na bet na bet. Jolina at Marvin hello naman. Di na rin kayo nagbabalik as loveteam.

    “Buttercup”- I’m not sure kung tumatak to sa inyo pero maganda to. Starring Claudine, Mylene, The Hunks, Ciara Sotto, sila yung mga natatandaan ko. Para syang barkada show na nagkikita kita sila sa Buttercup Bar.

    “Conney Reyes on Camera”- kakabeat lang ng MMK bilang longest drama anthology. =)

    Ayan sila yung mga tumatak. ABS din ang kinalakihan ko hahaha. Nakakamiss ang 90’s shows.

    • OMG! Nakalimutan ko yung “Labs ko si Babes” at ‘Buttercup.” Fan na fan pala ako ng mga shows na ito! Ang best pa noon nila Jolina at Claudine! Grabe. Di ako masyadong fan ng “Tabing Ilog” ‘eh kasi Sunday ng tanghali ‘to, more tulog ang ate mo. haha Nakaka-miss din yung mga dating palabas sa Dos!😦

  3. Pingback: The ‘Board of Bloggers’ Will Decide the Best TV Station of the Year for Netizens Choice Awards 2012 | Philippine Showbiz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s