Doomsday na, Game Ka Na Ba?!

end-of-the-world

Dear fans and followers,

Kamusta na kayo? Ready na ba kayo sa “Doomsday” sa December 21? As per Mayan calendar, end of the world na raw sa December 21. MY GOD! So bale 18 days from now ‘yun! POTAAAA! Handa na ba kayo for this? Nakapag-empake na ba kayo? Nakapagluto na ba kayo? Nakapag-laba na ba kayo? Gosh! Parang outing yung peg ha.😉

Scary din yung thought na alam natin ang exact date ng “end of the world” ha. Kaka-praning din talaga.  Naniniwala ba kayo sa prophecy na ‘to? And kung naniniwala kayo, paano kaya ie-end ni Lord ang mundo?! Ako feeling ko bigla na lang may malalaglag na super laking  pulang kurtina galing sa langit tapos tatabunan tayong lahat like crazy. Then biglang may words na lalabas sa kurtina na “THE END.” Tapos may mga credits na magpa-flash. O, ‘di ba? Parang ending lang ng pelikula ang peg. Mas bet ko naman na ganito ang ending kaysa sa lunurin tayo ni Lord sa tubig o ‘di kaya ay paulanin n’ya ng apoy ang mundo. NOT LIKEY! Ayoko rin yung din biglang bubuka ang lupa tapos lalamunin tayong lahat! Scary! Or kung ayaw ni Lord yung suggestion ko na may “kurtina” effect, pwede na rin sa akin yung may zombie plague para mas exciting. Parang “The Walking Dead” lang. Ganyan. Ito na yung pinakamato-tolerate ko na doomsday. At least nag-eenjoy tayo habang nagkakamatayan. Death can also be fun and enjoying, right?  Syempre hindi muna agad ako mamamatay ‘no. Hello! Bida ako ‘eh! Kayo muna or yung mga masasamang tao muna chaka mga pangit. Panglito-sila ‘eh. Pero masusugatan din naman ako tsaka made-deads in the end. Sa latter part nga lang kasi bida nga, ‘di ba? Kakahiya naman kung patay agad ako. Boring.🙂

Watch muna natin itong video na ‘to para feel na feel natin ang end of the world! GAME!

___________________________

SCAAAARY!!! Nakakaloka yung video ‘no?! Waaaaaaah! Shet.😦

Actually, hindi naman ako naniniwala na end of the world na sa December 21. Hindi pwede kasi ‘di pa ako nagkaka-jowa! Please lang! Huwag n’yo paginitin ang ulo ko! If ever na totoo man, well, handa ako. Sige. So be it. WOW. LAKAS! Purung-puro ang puso ha. Busilak. Perfect ang ugali!🙂 Personally, I don’t think na ipapaalam ni Lord ang end of the world to anyone. Mahilig sa surprises si Lord, ‘di ba? So, hindi ako naniniwala na magbibigay siya ng idea sa exact date ng doomsday. Parang ang unbecoming naman ni Lord kapag ganun. Kayo ba naniniwala na magugunaw na ang mundo sa December 21? Natatakot na ba kayo? Come to think of it, mahirap din mabuhay sa mundong ito ha. So bakit pa tayo matatakot mamatay? Tapusin na ‘yan! Patay kung patay! ;)

At any rate, whether naniniwala kayo sa prediction ng Mayan calendar or hindi, I think mabuting i-note na lang natin ang December 21. Malay mo naman, ‘di ba?! Shet nae-excite ako tuloy bigla sa magaganap sa December 21. Friday ‘yan. So, nasa office tayo! Pota.🙂 Siguro huwag na lang tayong masyadong magpa-apekto sa idea na ito for now. Baka sa kakaisip n’yo ‘eh bigla kayong mahagip ng truck habang tumatawid ng kalsada. Wala na! The end na! Gaya nga ng isang line sa isang film, ‘mangyayari ang dapat mangyari.” TRUE!

Siguro gawin na lang nating “reminder” ang bagay na ito na may hangganan talaga ang lahat. Everything will ultimately come to an end. Regardless kung alam natin ang exact date or not, lahat ng bagay ay magwawakas. Shet. Parang ang bigat ng line na ‘yun ha. :) Basta patuloy lang tayong magpakabuti at gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa. Covered na tayo n’yan.🙂 Parang insurance lang. Hindi naman ako perfect na tao. May masama rin akong ugali gaya n’yo. Pero ang importante siguro is yung awareness na gusto nating magpakabuti at pipiliin nating maging mabuti. Mahirap ito, yes. Pero kaya!  :) Kasi naman ang daming nega sa mundo. Irita. Yung eksenang magpapakabuti ka na tapos biglang mawawala yung cell phone mo kasi ninakaw or biglang naagaw yung jowa mo ng iba. Shet. O kaya yung eksenang ang bait-bait mo na tapos bigla kang gugulatin ng isang friend mo out of nowhere tapos mapapamura ka nang bonggang bongga! Wala na.🙂 Pero go lang! Go pa rin sa pagpapakabuti! We can do this.🙂

So ‘yun naman. ‘Yan na muna ang sharing ko for today. Gusto ko lang kayo i-remind about the Mayan prediction. Mamaya magulat na lang kayo na biglang bumuka ang lupa habang nagki-Christmas shopping kayo! Patay na! Sayang ang pinamili. :) O kaya maabutan kayo ng doomsday habang nakikipag-sex. OMG! Nakakahiya naman na makita kayo ni Lord na nakahubad! Si Lord kasi ‘yun. Super awkward nun. Shet.

I love you all. Achievin nating maging mabuti!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://endoftheworld-2012-12.blogspot.com/2012/03/bible-vedas-and-quran-say-end-of-2012.html)

P.S. Gusto ko pala i-recommend sa inyo ang pelikulang “Rise of the Guardians.” Sobrang ganda! Heartwarming nang todo at ang best ng animation n’ya. This film is truly a feast for the eyes kaya panoorin n’yo na!!! Maiiyak kayo sa story. May kurot talaga.😦 Binalik n’ya ako sa pagiging bata. GRABE! Ang dami kong na-realize sa film na ito. Kaya naman, ang ROTG ay nakakuha ng 4.0/5.0 sa aking pasabog na Divanometer! Woooh. Taas!🙂

Rise-of-Guardians-Poster

____________________________

Ang pogi pala ni Jack Frost sa pelikulang ito. Crush ko na siya kahit cartoon lang siya. ANG HOT N’YA! Deadma na kung ma-pedophile! Si Chris Pine pala ang nag-boses kay Jack Frost kaya naman magka-cum ka talaga sa sinehan. Or kung hindi man, mapapa-finger ka talaga! SHET! Ingat lang kasi maraming bata sa sinehan. Maging “discreet” din sa pagtugon sa tawag ng laman.🙂 Sa sobrang pogi ni Jack Frost, siya na ang wallpaper ng cell phone ko! Swear!

Ito si Jack Frost ‘oh!

__________________

Jack

SHET! Ang pogi!!! Aarte ka pa ba sa kanya?! Diyos ko. Kung ito jowa ko, keri ko na! Kahit mag-doomsday na, go lang! Basta bigyan lang kame ni Lord ng kahit mga 3 months as mag-jowa. Syempre, kailangan ding “magka-availan.” Alam n’yo na ‘to! ANG POGI!!!❤

Bongga ang story nito. Puro poweran! Naku, bet na bet ‘yan ng mga bading. Yung powers, powers! Ka-peg ng pelikulang ito ang “Ok Ka, Fairy Ko” at ang “The Neverending Story.” Ito ang mga ka-liga ng ROTG. Watch na kayo! Huwag na kayong umarte. Ito na lang panoorin n’yo kaysa sa chakang “Breaking Dawn.” GO! Super worth it panoorin sa big screen.🙂

Here’s the trailer, bitches!

________________________

P.P.S. Binabati ko pala sina Raymond Gascon and Kriszia Lorrain Enriquez para sa kanilang ika-5th anniversary! WOW. Ang best nung 5 years na kayo as a couple. Ako nga wala pang naipon kahit 1 second tapos kayo 5 years na?! Kayo na!🙂

You are an inspiration to all of us.🙂 Sa kabila ng mga problema, tukso, pagsubok at imperfection ng buhay, pinipili n’yo pa ring makasama ang isa’t isa. BEST ‘yun!🙂 Sana patuloy n’yo pa ring piliin ang isa’t isa hanggang sa dulo. Marami pang darating sa buhay n’yo na susubok sa inyong relationship. Alam n’yo ‘yan. Huwag din kayong kampante.🙂 Sana ay maitawid n’yo ang inyong pagmamahalan until the end. Maswerte kayo at naka-5 years na kayo. Achievement na ‘yan! Yung iba nga, days pa lang, wala na ‘eh. Tuluy-tuloy lang ang pag-iibigan!

Love kayo ni Madma. Bonding ulit tayo next time.🙂 Werewolf-werewolf naman! Alam n’yong magaling akong werewolf.😉

Happy 5th sa inyong dalawa! Mwah!❤

Mon and Krish

2 thoughts on “Doomsday na, Game Ka Na Ba?!

  1. end of the world? level yan ng beginning of the world. wala ding isang theory na pinaniniwalaan. basta end or hindi, we should live like it’s always our last day para binibigay natin ang best natin. try nyo read mga katribu ang Og Mandino’s “The Greatest Salesman of the World”

    hi df, thanks naman sa recommendation ng rise of the guardians. mapanood nga!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s